Home / LGBTQ + / I Kissed A Girl (FILIPINO) / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of I Kissed A Girl (FILIPINO): Chapter 1 - Chapter 10

39 Chapters

Chapter 1

Erica Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng aking kuwarto, kung saan maaga na naman pong nagkakantahan ang aking mga magulang habang kinakanta ang kanilang paboritong 'Basang basa sa ulan' ng bandang Aegis. Mabuti na lang at Sabado ngayon, wala akong pasok sa trabaho.Walang nagawa na bumangon na lamang ako at naghanda ng aking damit panlakad, pagkatapos ay naligo na rin dahil tiyak na sisingilin at kukulitin na naman ako ng mga ito. Nangako kasi ako sa aking mga magulang na tuwing weekend sa kanila ang oras ko, sa dalawang araw na walang pasok, dapat sila ang kasama at idadate ko.Ako nga pala si Erica "Rica" Jimenez. Nag-iisang anak ng aking mga magulang, hindi kami mayaman, hindi rin mahirap. Sakto lang. Sakto lang na nakukuha namin ang mga gusto naming bagay, nabibili ang mga gustuhin namin, kumakain ng tatlong beses sa isang araw, may meryenda pang kasama at sakto lamang din na nakakabayad ng mga bayarin at syempre hindi n
Read more

Chapter 2

Erica   Sa totoo lang hindi naman kasi talaga ako sanay na naglalasing, eh ang kaso kasi, nasasaktan ako ngayon. Gusto kong makalimutan 'yung sakit,' yung lungkot na meron sa dibdib ko.  Alam nina Francis at Vina na may gusto ako kay Karl. Pero matagal na nila akong pinagsasabihan na wala akong pag-asa rito. Eh ang kulit ko naman kasi, hindi ako naniniwala sa kanila, ayaw kong maniwala. Kaya ayan tuloy, para akong inagawan ng isang bagay na hindi ko naman talaga pag-aari.  Pagkatapos nila akong tawagan, hindi nagtagal ay agad na dumating na rin ang mga ito para sunduin ako. Ipinagpaalam pa ako ng dalawa sa mga magulang ko, kahit na nasa benti dos na ako, kailangan parin talaga na ipagpaalam ako sa kanila dahil nag-iisa lang daw nila akong anak. Since close ng mga ito sina mama at pala, kaya naman agad itong pumayag. Basta ibabalik lang daw ako ng walang galos at walang gasgas sa mga it
Read more

Chapter 3

Erica Pupungas-pungas ako ng aking mga mata habang napapainat pa. Pagkatapos ay mabilis na napahawak sa aking ulo dahil sa kirot na nararamdaman. "Ouch!" Reklamo ko sa aking sarili pagkakuwan bago unti-unting napangon na at agad na iginala ang paningin sa buong paligid. Noon naman nakita ko ang mukha ng dalawa kong kaibigan na pinanonood lamang pala ang bawat kilos ko, habang naka upo sa dalawamg silya sa may gilid ng kama. "Jusme naman! Papatayin niyo ba ako sa nerbyos?!" Singhal ko sa kanila kahit na medyo nahihilo pa. Argh! Ito ang ayoko eh, 'yung hangover kinabukasan. "At ano kami? Hindi pa ba kami nakakaramdam ng nerbyos ngayon dahil anong oras na ito, nandito ka parin sa bahay nina Vina." Panimula ni Francis. "Jusko, Rica. Hinahanap kana ng mga magulang mo, nauubos na ang mga dahilan namin, tulog ka parin riyan." Dagdag pa niya. Dahil doon ay mabilis na napabalikwas ako at agad na napatayo mula sa kama. 
Read more

Chapter 4

Erica  Kinakabahan at nanginginig ang mga kamay na pumasok ako sa loob ng opisina ni Ms. Torres, ang aming bagong CEO.  Naabutan ko ito na prenting nakaupo sa kanyang silya, kung saan nakatalikod pa mula sa akin at nakatanaw mula sa malaking glass window ng kanyang opisina. Nakaukit ang kanyang pangalan sa isang white marble plaque na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lamesa.  Magsasalita na sana ako nang bigla na lamang nitong iniikot ang kanyang silya paharap sa akin at mabilis na sinalubong ang aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang hindi mapasinghap dahil sa kanyang ganda. Para talaga siyang isang anghel. Kumikinang ang kanyang ganda katulad ng kanyang pangalan.  Mabilis na nagbawi ako ng tingin bago napayuko at pasimpleng pinaglaruan ang aking mga daliri sa kamay, habang nakatayo sa kanyang harapan na parang ewan.  "You know you can sit down so
Read more

Chapter 5

Erica Inaantok pa at halos naka pikit pa ang aking mga mata habang naglalakad patungong kusina. Hindi ko alam pero para yata akong tatrangkasuhin dahil pati sa aking katawan ay may nararamdaman akong masakit.    "Good morning Prinsesa namin!" Bati ng aking ina habang naghahain ng sinangag na kanin at hotdog sa ibabaw ng lamesa.    "Good morning ho." Sabay hikab na pagbati ko rin sa kanila.    "Nak, ang laki naman yata ng pimples mo sa ilong. Sino yan?" Agad na komento ng aking ama noong maka upo ako sa upuan bago nangalumbaba.    Kunot noo naman na agad akong napahawak sa aking ilong. Oo nga ano? Medyo masakit nga ito at mala
Read more

Chapter 6

Erica Halos hindi parin ako makagalaw sa aking kinatatayuan dahil sa sobrang gulat na makita siya rito sa loob ng aming bahay. Napaka relax ng kanyang mukha at mga mata habang prenting naka upo sa aming sofa. Samantalang ako, heto, hindi na alam kung ano pa ba ang dapat na gawin dahil sa sobrang kaba. "Oh, anak! Nakauwi kana pala. Hindi mo sinabi may bago ka palang ka trabaho at maganda pa." Biglang aniya ni mama na kagagaling lamang sa kusina, mayroon itong dala na juice na tinimpla sa isang pitsel. Naka sunod naman sa kanyang likuran si papa na may dalang meryenda. "May lakad din pala kayo kasama ng boss ninyo sa Sabado, sa isang party. Bakit naman hindi ka nagsasabi sa amin ng mapaghandaan natin ang susuotin mo? Ikaw talagang bata ka!" Dagdag na saway nito sa akin dahilan upang mapapikit ako. Seryoso ba talaga ito? Pagagalitan nila ako sa harap ni Ms. Torres? Nakakahiya! Napalunok ako. "Ipinag paalam k
Read more

Chapter 7

Erica Galit na muling bumalik si Ms. Torres sa loob ng function hall kaya kaagad naman na sinundan ko ito. Pagdating sa loob, agad na kumuha ito ng dalawang baso ng wine at mabilis na inubos ang laman ng mga ito. Kahit kinakabahan, patuloy na naka buntot lamang ako sa kanya na parang bata. Nagpatuloy ang party ng hindi na ako nito muling kinibo pa, ngunit halata na hindi ako nito magawang pabayaan dahil kahit saan ito magpunta, palagi niya akong hinihila. O kung hindi naman ay palaging naka hawak ang kamay nito sa aking balakang. Kahit nga nakikipag kwentuhan at nakikipag-usap siya sa iba nitong kakilala at ka sosyo, nasa tabi parin niya ako at hindi pwede na mawala sa kanyang paningin. May iilan naman na kinakausap ako, of course kaya ko naman ang makipag sabayan sa iilan. Lalo na kapag alam ko ang mga bagay na pinag-uusapan, kaya kong sumagot sa mga tanong ng mga ito. Ngunit hindi ko pupweding sabihin kung aling kompanya ako nag
Read more

Chapter 8

Pearl The first time I saw her I knew something strange about her. That she was different from all the women I had met before, that there was something in her the first time I laid my eyes on her...something I didn't know would change my world.Kahit napaka dilim sa lugar na iyon, ang tanging mga ngiti niya lamang ang nagbibigay ng liwanag sa buong paligid. Ang mga mata niya ay tila ba mga bituin na kumikislap sa madilim na kalangitan. Mapapatulala ka nalang sa kanyang magandang mukha na hindi mo namamalayan. And her voice, God! Daig pa nito ang isang napaka gandang musika na kay sarap sa tenga pakinggan, iyong mga tawa niya na nakakaadik marinig. Kahit na umiiyak na siya noong mga oras na iyon kasabay ng kanyang mga magulang, she's still beautiful in my eyes. Kahit ilang oras pa, hindi siya nakakasawang titigan. She looks so adorable. And that night at the bar, with some of my friends, I did not know that destiny would mee
Read more

Chapter 9

Erica    Araw na naman ng Lunes ngayon, pero bakit pakiramdam ko nakakatamad paring pumasok? Hindi naman sa masyado akong na aliw nitong weekend na kasama at masolo si Ms. Torres este, Pearl. Kung hindi dahil, hindi ko lang talaga trip ang pumasok ngayon sa trabaho. May pakiramdam kasi ako na mayroong hindi magandang mangyayari at iyon ang bagay na iniiwasan ko.  Isama mo pa ang mga dapat na ikwento ko sa aking mga kaibigan noong gabi ng party. Tiyak na uulanin ako ng mga ito ng napakaraming tanong at hindi sila titigil hangga't walang lumalabas sa labi ko na gusto nilang marinig.  Kinakabahan din, dahil hindi nila alam na magkasama kami ni Pearl hanggang kahapon at dinala pa ako nito at ipinakilala sa kanyang Lola. Ang galing! Ngayon, paano ko sasabihin sa kanila ang lahat ng ito ng walang halong malisya para sa kanila. Ugh!  Walang nagawa at lul
Read more

Chapter 10

Erica Hanggang ngayon, ayaw paring mag sink in sa aking isipan ang mga nangyari kanina sa opisina ni Ms. Torres. Paano niya nagawang mag desisyon ng para sa sarili ko? Bakit hindi muna nito itinanong sa akin kung magugustuhan ko ba ang pinaplano niya o hindi?Daig pa nito ang mga magulang ko na basta na lamang ako ipagkakatiwala o ibibigay sa taong hindi ko naman kakilala o ka anu-ano. Oo, mabait si Liam at mukhang mapag kakatiwalaan. At nakikita ko iyon mula sa mata at mukha niya, gwapo, mabango, matipuno at higit sa lahat...yummy?Napa iling ako ng aking ulo nang biglang sumagi iyon sa aking isipan. Pero kahit na gaano pa siya ka perpektong lalaki, hindi parin okay ang ginawa ni Pearl. Lalo na ngayon na kasama ko na si Liam sa loob ng kanyang kotse habang tinatahak ang daan papunta sa first date namin. Pagkatapos kasi ng aming trabaho, hindi ko inaasahan na muling makikita ito habang naghihintay sa akin sa labas ng gusali ng ko
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status