Erica
Araw na naman ng Lunes ngayon, pero bakit pakiramdam ko nakakatamad paring pumasok? Hindi naman sa masyado akong na aliw nitong weekend na kasama at masolo si Ms. Torres este, Pearl. Kung hindi dahil, hindi ko lang talaga trip ang pumasok ngayon sa trabaho. May pakiramdam kasi ako na mayroong hindi magandang mangyayari at iyon ang bagay na iniiwasan ko.
Isama mo pa ang mga dapat na ikwento ko sa aking mga kaibigan noong gabi ng party. Tiyak na uulanin ako ng mga ito ng napakaraming tanong at hindi sila titigil hangga't walang lumalabas sa labi ko na gusto nilang marinig.
Kinakabahan din, dahil hindi nila alam na magkasama kami ni Pearl hanggang kahapon at dinala pa ako nito at ipinakilala sa kanyang Lola. Ang galing! Ngayon, paano ko sasabihin sa kanila ang lahat ng ito ng walang halong malisya para sa kanila. Ugh!
Walang nagawa at lulugo-lugo ang aking katawan na bumangon na sa kama para mag handa sa pag pasok. Agad akong napa singhap atsaka frustrated na napa sabunot sa aking buhok noong makita ang nanlalalim kong mga mata at medyo nangingitim pa ang ilalim nito.
"What the--" Hindi ko mapigilang bulalas sa aking sarili bago napa buntong hininga.
Paanong hindi magiging ganyan kalalim ang mga mata ko? Buong mag damag na naman akong napuyat dahil sa itinanong ko kay Pearl kahapon, na hindi man lamang niya nagawang sagutin.
Ang hilig niya akong pag tripan, ang hilig-hilig niyang mamilisopo. Minsan hindi ko na rin tuloy napipigilan ang aking sarili, nakakalimutan kong boss ko siya dahil sa mga kalokohan niya. Hays!
At gusto ko ring disiplinahin ang sarili ko, madalas nawawala ako sa aking sarili dahil masyado akong nalilinlang ng maganda niyang mukha. Alam mo 'yun? Para akong nahi-hypnotise sa tuwing nasa harapan ko siya. Wala akong magawa kung hindi ang sumunod at umu-o sa mga sinasabi at gusto niya.
Pwera nalang sa isang bagay na paulit-ulit niyang ipinagtutulakin sa akin. Ang sabihin na...na gay rin ako. Na bakla rin ako.
Nakakaloka! Bakit ko ba nararanasan ang lahat ng ito? Kahit na ano pa ang sabihin niya o kahit na sino pa, straight pa ako sa ruler! Hindi nila ako mababaliko.
Talaga lang ha? Baka ulamin mo iyang sinasabi mo pagdating ng araw? Tuyo ng aking isipan.
Ah, basta. Mas kilala ko ang sarili ko. Sagot ko naman dito.
---
Katulad ng sinabi noon ni Garry, siya na ang magiging taga hatid at taga sundo sa akin kaya hindi na ako nagtataka noong makita ko ang pamilyar na sasakyan na iyon na naka park sa labas ng gate ng aming bahay. Mabuti na lamang din at maagang umalis ang aking mga magulang, hindi ko alam kung anong palusot ang sasabihin ko sa kanila kapag nagkataon.
Pag pasok ko pa lamang sa loob ng sasakyan, hindi ko inaasahan na makikita ang pamilyar na mga ngisi na iyon. Lalo na ang maganda niyang mukha na napaka fresh tignan. Isama mo na rin ang napaka bango nitong perfume na bumabalot at maaamoy sa buong sasakyan.
Hindi naka ligtas sa aking paningin ang pag lunok nito noong sandali na pinasadahan niya ako ng tingin sa aking kabuohan. Lalo na noong sandali na tinignan niya ako na tila ba hinububaran sa kanyang isipan.
Maraming beses na napalunok ako at biglang na blangko ang aking isipan dahil sa hindi malaman ang gagawin. Lalabas pa sana ako, ngunit huli na ang lahat nang maisara na ni Garry ang pintuan at umikot na ito sa driver seat bago muling binuhay ang makina.
"Nice outfit!" Komento nito sabay ngiti ng nakakaloko.
"G-Good morning Ms. Torres." Pormal ngunit utal naman na pagbati ko rito. Noon din nagsimula na sa pagmamaneho si Garry.
"Why do you look so shocked? It's just me." Wika nito dahilan upang lakas loob na salubungin ko ang mga mata niyang hanggang ngayon ay may kakaibang epekto sa akin.
Kahit gustuhin ko man ang magsalita, hindi ko magawa. Pakiramdam ko may kung anong bagay ang naka bara sa aking lalamunan kaya't walang salita ang gustong kumawala mula rito.
"You know I'm your boss, right? So expect that you will see me every day." Muling wika pa niya habang naka tingin sa labas ng bintana. "And from now on, we will go to work together and go home at the same time." Pagkatapos ay muling napa baling ito ng kanyang mga mata sa akin. Agad na napa iwas ako ng tingin.
"Hindi mo na naman kailangang gawin ito eh." Pag tatanggi ko. "Kaya ko naman ang mag commute at ang mag-isa. Isa pa, malaki na ako." Dagdag ko pa habang naka yuko at pinaglalaruan ang mga daliri ko.
Napatawa naman siya ng mahina pagkatapos ay mas inilapit ang kanyang sarili sa akin. Awtomatiko naman na nanigas ang aking katawan.
"Sorry, pero hindi mangyayari 'yun." Tugon nito. This time, mas lalong lumakas ang pintig ng aking puso na halos kulang nalang eh, lumuwa ito. Sinabi ko naman na sa inyo, mas malakas ang dating niya kapag nananagalog siya at naririnig ko ang slang nitong boses.
"Alam mo ba kung bakit?" Dagdag na tanong pa niya kaya agat na napailing ako.
"Because I prefer to always be by your side, Erica. And do all the things I want..." Sagot nito pagkatapos ay walang sabi na inilapit ang kanyang labi sa may batok ko, dahilan upang magtayuan ang lahat ng aking balahibo at mapapikit ako.
"Like this..." Agad akong napa singhap nang maramdaman ang kanyang malambot na labi na lumapat sa aking balat. Kusa rin na nanghina ang aking mga tuhod dahil sa ginawa niyang iyon. Naging malaya siyang gawin ang lahat ng gusto niya mula roon dahil naka ponytail at buhok ko.
Hindi ko rin mapigilan ang hindi mapa kagat labi noong maramdaman ang marahan na pag-angat ng kanyang labi sa likod ng aking tenga.
"M-Ms. Torres, w-what are you doing?" Nahihirapan na tanong ko rito. Hindi nagtagal, naramdaman ko nalang ang unti-unting paglayo ng kanyang mukha mula sa akin habang naka ngiti ng wagas.
Naka drugs ba siya? Hindi ko mapigilan na itanong iyon sa aking sarili habang patuloy parin sa pag taas baba ang aking dibdib. Agad na inayos ko naman ang aking pagkaka upo at pinilit na ikalma ang sarili.
"I want to see how much I affect you. It's satisfying." Sambit niya na hanggang ngayon ay hindi parin nabubura ang mga ngiti sa kanyang labi.
Hindi na ako muling nag salita pa, sa halip ay itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa labas ng bintana.
Gusto kong maiyak dahil sa ginawa niya. Pero ang mas nakakainis lang, bakit parang nagugustuhan ko rin ang mga ginagawa niya? Bakit parang nasisiyahan din ako?
Hanggang sa makarating kami sa gusali ng kompanya, hindi ko parin ito pinapansin o magawang tapunan man lamang kahit na isang tingin. Ganoon din ito sa akin.
Hindi ko siya magawang tignan. Ewan ko, hindi dahil sa galit ako sa kanya. Kung hindi nagagalit ako sa sarili ko dahil sa tuwing magtatama ang mga mata namin, nanghihina ako. Nagiging marupok ako. Lumalambot ang puso ko. Ano ba ito? Hindi ko maintindihan.
Ilang araw pa lamang kaming magkakilala, halos dalawang linggo pa lamang simula noong unang beses kaming magkita pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Diba, straight ako? Hindi ko dapat nararamdaman ito.
Marahil masyado lamang akong napapalapit sa kanya, kaya ganito. Tama?
Masaya naman na sinalubong ako ng aking mga kaibigan at sinamahan hanggang sa makarating sa table ko. Mabuti na lamang dahil magkaiba ang elevator na ginamit namin ni Pearl, dahil hindi na yata ako makakahinga pa kung nagtagal pa ng ilang minuto na nasa tabi ko siya.
Nakiusap ako kina Francis at Vina na kung pwede, bukas o sa susunod na araw ko na lang ikwento ang mga nangyari sa party. Nag dahilan na lamang din ako sa mga ito na masama ang pakiramdam ko, upang hindi na sila mangulit pa.
Sa apat na oras na lumipas, itinuon ko lamang ang aking atensyon at isipan sa trabaho. Medyo madami na rin kasi ang kailangang ihabol sa deadline. Kahit kokonting space sa aking isipan, hindi ko binigyan si Pearl.
Ayoko na muna na guluhin nito ang aking isipan. Dahil hanggang ngayon, hindi parin ako nakaka get over sa ginawa niya kanina. Sa tuwing naaalala ko iyon, lalo na ang paglapat ng kanyang labi sa aking batok papunta sa likod ng aking tenga, para bang may kung anong bultahe ng kuryente ang dumadaloy sa buo kong katawan. Hindi ko maipaliwanag.
Naputol ang aking malalim na pag-iisip nang may biglang kumalabit sa akin mula sa likuran. It's Francis.
"Girl, pinatatawag ka sa CEO office." Diretsahan na sabi nito sa akin.
Awtomatiko naman na bumilis ang pag tibok ng aking puso, daig ko na naman ang nang galing sa isang malayong pag takbo.
"N-ngayon na?" Tanong ko rito. Mabilis na napa tango ito habang mayroong nakakalokong ngiti.
"Uyyyy." Panunukso pa niya pagkatapos ay sinundot ng kanyang daliri ang aking tagiliran, dahilan upang mapaidtad ako. "May something na ba?" Dagdag pa niya. "Sabi ko naman na eh, BALIKO ka rin." Bigay diin nito sa huling sinabi bago ako tinalikuran na habang tatawa tawa.
"Tse! Tigilan mo ako ha!" Pahabol na sigaw ko naman sa kanya habang naglalakad ito palabas ng aming opisina.
Sandaling inayos ko muna rin ang aking sarili at kinalma ang ayaw papigil sa pagtambol na aking puso bago tuluyang dumiretso sa CEO office.
Pagdating doon, nakaka dalawang katok pa lamang ako nang marinig ko na agad ang boses niya, tanda upang pumasok na ako ng tuluyan.
Nadatnan ko naman ito na nakatayo malapit sa kanyang lamesa habang mayroong hawak na baso at mayroong laman na alak.
Mabilis na naagaw ng aking pansin ang isang round table sa may gitna at mayroong nakalagay na mga pagkain sa ibabaw. Habang mayroon naman itong dalawang silya sa magkabilaang dulo.
Awtomatiko na napailing ako at sinalubong ang kanyang mga tingin.
"P-pinatatawag mo raw ako, Ms. Torres?" Pormal na tanong ko sa kanya. Napa tango ito at inubos muna ang huling laman ng kanyang baso.
"As a matter of fact, yes." Walang kurap na sagot nito sa akin. "Please, have a seat." Bago ito lumapit sa lamesa na mayroong pagkain at ipinaghila ako ng upuan.
"P-para saan naman ang mga pagkain?" Tanong ko pa. Mataman na tinignan lamang ako nito sa aking mukha.
"Peace offering?" Patanong na sagot naman niya bago ako hinawakan sa aking balikat at pwersahan na pina upo sa silya.
"Look, Erica. I want to apologize for what happened this morning. I think I was overwhelmed by being a stupid person." Paliwanag nito at pag hingi na rin ng tawad na hindi ko ini-expext na gagawin niya. Ngayon, hindi ko na naman tuloy alam kung ano ang gagawin o sasabihin ko sa kanya. Nakikita ko rin ang sinsiridad sa kanyang mga mata habang sinasabi ang mga bagay na iyon.
Napakurap ako ng maraming beses bago tuluyang naisip ang tamang words na sasabihin sa kanya. Umikot ito sa kabila atsaka na upo na rin.
"Pero okay na sa akin ang simpleng pag hingi ng tawad. Hindi mo naman na kailangan pang gawin ito." Sabi ko sa kanya at tukoy ko sa mga pagkain na nasa harapan.
Marahan naman na inabot nito ang aking kanang kamay na nasa ibabaw ng lamesa bago hinaplos iyon gamit ng kanyang hinlalaki.
"Just let me...prove myself to you Erica and then, kung mali ako sa nakikita ko sayo and you are not gay, hahayaan na kita. I promise." Sabi nito sa akin.
Wala sa sarili na napa kagat ako sa aking labi habang naka tingin sa kanyang magandang mukha. Hindi ko alam kung ano na naman ang tumatakbo sa kanyang isipan nang...
"That's why, I want you to meet Liam. He's the perfect guy I believe suited for you." Wika nito bago napatingin sa may pintuan ng kanyang opisina. "Liam, please come in."
"Wait...what?!" Nagugulantang na tanong ko rito. Agad naman na bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang isang lalaki na nakapag palaglag sa aking panga dahil sa kanyang itsura.
EricaHanggang ngayon, ayaw paring mag sink in sa aking isipan ang mga nangyari kanina sa opisina ni Ms. Torres. Paano niya nagawang mag desisyon ng para sa sarili ko? Bakit hindi muna nito itinanong sa akin kung magugustuhan ko ba ang pinaplano niya o hindi?Daig pa nito ang mga magulang ko na basta na lamang ako ipagkakatiwala o ibibigay sa taong hindi ko naman kakilala o ka anu-ano. Oo, mabait si Liam at mukhang mapag kakatiwalaan. At nakikita ko iyon mula sa mata at mukha niya, gwapo, mabango, matipuno at higit sa lahat...yummy?Napa iling ako ng aking ulo nang biglang sumagi iyon sa aking isipan.Pero kahit na gaano pa siya ka perpektong lalaki, hindi parin okay ang ginawa ni Pearl. Lalo na ngayon na kasama ko na si Liam sa loob ng kanyang kotse habang tinatahak ang daan papunta sa first date namin. Pagkatapos kasi ng aming trabaho, hindi ko inaasahan na muling makikita ito habang naghihintay sa akin sa labas ng gusali ng ko
EricaNapa hinga ako ng malalim dahil kanina ko pa ipinikit ang dalawang mga mata ko pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Gising na gising parin ang aking diwa, lalo at nasa kabilang dulo lamang ng aking kama ang babaeng hindi ko inaasahan sa tanang buhau ko na matutulog sa tabi ko.Magmula ng pumasok kami kanina, hindi ko na ito kinikibo. Kahit noong sandaling naglinis ako ng aking katawan, pinilit ko ang aking sarili na doon na lamang mismo magsuot ng damit dahil ayokong lumabas mula sa loob ng banyo ng naka half naked sa harap niya.Isa pa, ilang beses ko bang kailangan sabihin sa inyo na kapag nasa harapan ko siya, nakakalimutan ko kung sino ako dahil sa masyadong malakas na pagkabog ng dibdib ko? Argh! This is so frustrating! Naks! English.Naririnig ko rin ang bawat mahinang paghinga nito, kahit naka talikod ako at mayroong dalawang unan sa pagitan namin, hindi ko parin mapigilan ang hindi makaramdam ng kili
EricaNandito kami ngayon sa isang University, inimbitahan kasi si Ms. Torres bilang isa sa mga speaker sa nasabing convention, may mga kasamahan din ito mula sa iba't ibang kompanya na talagang kilala sa bansa. Nandito ako kasama si Francis at Vina, dahil kami ang napili nitong isama. Sa amin daw kasi siya mas panatag.Sus! Baka naman mas gusto niya lang na pahirapan kaming tatlo. Sabi ng aking isipan. Noong una ay tumanggi pa ako dahil sa totoo lang ayoko na muna siyang nakakasama ngayon, isa pa, hindi pa ako nakaka get over sa ginawa niya noong nakaraang linggo sa akin.Lalo na iyong hindi man lamang pagtakip ng katawan nito sa harap ko. Ghad! Paulit-ulit iyong bumabalik sa aking isipan, hanggang ngayon. Palaging sumisingit ang hubad na imahe nito sa aking isipan, maging sa pagtulog at napaginip ko, sinusunda
Pearl I woke up early and left the house immediately because my schedule for today was full. And I admit that I am very busy right now because one of the people I will meet is the future big client of T Corporation. My father didn't like me, because I was not a man who could run and grow a business. I was the reason my mother left him and chose to live abroad because he hated me so much. He hides me from everyone and repeatedly pushed me away. He never considered me his child. But even so, I still love him so much and I can't get mad at him. He's my father, isn't he? Even though he always chooses his money and wealth more than my mother and I. That's why, I do not want to disappoint him again this time, I want to show him that even if I am not the child he expects to be born, I can still fulfill the responsibility that the company has. And I hope t
EricaHuminto kami ni Pearl sa isang liblib na lugar kung saan napapalibutan ito ng mga punong kahoy. Ngunit hindi ko inaasahan na maraming tao rin pala ang nandidito ngayon na animo'y isa itong amusement park.Pagbaba namin mula sa sasakyan, mabilis at walang sabi na hinawakan ako ni Pearl sa aking braso at iginaya na papasok sa gate. Pagdating sa loob, hindi ko maitago ang malawak na ngiti na gumuhit sa aking labi habang iginagala ang aking paningin sa paligid. Kumikinang pa ang mga mata na ibinalik ko ang aking mga paningin kay Pearl na ngayon ay abala rin sa pagtingin sa paligid.Ang ganda ng mga mata niya na naniningkit at kumikinang pa kasabay sa pagkislap ng mga ilaw sa paligid.Ang daming mga kabataan, magkasintahan at buong pamilya ang nandidito ngayon, may mga food cart na nagkalat din paligid. Naglakad pa kami sa may unahan kung saan noon ko lamang napansin na n
EricaAraw ng Sabado ngayon, walang trabaho kaya maaga palang, kumilos na ako upang maraming matapos na gawain. Tinulungan ko si mama sa paglalaba ng aming mga damit at naglinis na rin ng bahay.Pasado alas dyes ng umaga kami natapos sa lahat, umakyat na akong muli sa aking kuwarto para maligo. Hindi ko alam kung ano ang susunod na aking gagawin. Sa tingin ko naman eh wala na akong kailangan pang gawin kaya napag desisyonan ko na pumunta nalang kina Vina.Habang naliligo, hindi ko mapigilan ang muling maalala ang nangyari noong nakaraang gabi, iyong date ko with Liam na nauwi na kasama si Pearl at napadpad sa isang tago ngunit romantikong lugar.Hindi ko inaasahan na sumilay ang maliit na ngiti sa gilid ng aking labi noong maalala ang mga nangyari. Lalo na noong muli akong halikan nito. Iyon ang pangatlong pagkakataon na naglapat ang aming mga labi...Ewan ko ba, hindi ko alam ku
PearlBigla na lamang naging tahimik si Erica. Hindi na rin ako nito muling tinapunan pa ng tingin at tanging sa labas ng bintana lamang naka pako ang kanyang mga mata.Why? What's wrong with her? Hindi parin ba ito komportable na kasama ako? Sa nakikita ko naman eh masaya siya kapag kasama niya ako. At hindi iyon magawang maitago ng mga mata niya. I know, she likes me too.Isa pa, hindi mangyayari ang date na ito kung hindi ko nakita ang isinulat niyang wish sa lantern noong gabi na iyon. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit niya nagawa 'yon, ang importante mabibigyan ako ng pagkakataon na muli siyang masolo at makasama.Napatingin akong muli sa kanya. "Can I have your phone?" Tanong ko rito.I just really want to hear her voice. Nakakainis na itong bumabalot na katahimikan sa aming dalawa."Pst." Pagtawag ko pa noong hindi parin niya ako p
EricaHindi ko alam kung ano ang ginawa ni Pearl sa akin sa buong araw. Tila ba sa isang iglap eh biglang naging magaan na ang lahat. Nawala ang naiiwang inis sa puso ko sa tuwing nandiyan siya. Para bang...para bang nabalot ang puso ko ng kakaibang feeling na hindi ko pa nararamdaman noon.Noong hinalikan ako nito kanina sa may ilog at binuhat hanggang sa inihiga sa blanket ay bumigay na ang lahat sa akin at gustong ipaubaya sa kanya ang lahat ng gusto nitong gawin sa katawan ko. Hindi ako nag protesta, hindi ako nangamba at kahit na pagpupumiglas eh hindi ko ginawa. Hanggang sa siya na mismo ang nagputol sa aming halikan at nahihiyang humingi ng tawad sa akin."Sorry, I know you are not ready yet." Pahingi nito ng tawad bago napayuko. Hindi ko naman mapigilan ang mapa kagat labi noon.Iyon kasi ang unang beses na nakita ko siyang ganoon, ang mahiya sa harapan ko at ang mamula ang kany
Erica "Nagbabasa ka ng ganyan?" Rinig ko na tanong ng isang babae na medyo may katangkaran sa kanyang kaibigan na nasa aking unahan. "Oo naman. Wala namang mali na magbasa ako ng ganitong klase ng libro, hindi ba?" Sagot naman ng isa at mukhang proud pa na ipinakita sa kaibigan ang cover ng libro na kanyang gustong bilhin. Nandito kasi ako ngayon sa National Bookstore, bibili rin sana ng mga libro na pwede kong mabasa dahil sobrang bored na ako sa pamamalagi sa bahay sa tuwing wala kaming lakad ni Pearl. Lalo na ngayon na abala siya sa kabubukas lamang nito na bagong negosyo. Halos hindi na nga kami nag-uusap eh. Pero ayos lang, naiintindihan ko naman na ginagawa lamang niya iyon para sa aming kinabukasan. Ayaw rin kasi nito na mag apply ako sa ibang kompanya ng bagong trabaho. Mas gusto niya ang mamalagi ako sa bahay at literal na maging reyna. Reyna ng katamaran. Tuyo ng aking isipan.
PearlWe traveled for about thirty minutes before we reached the Chapel where my godfather was. He greeted Erica and me warmly and hugged us. I immediately told him our purpose, something he did not object to.Agad na ipinaayos nito ang kanyang mga gamit at masayang binati na kami kaagad ni Erica. Masaya ako, at nagpapasalamat na rin dahil siya ang isa sa mga taong tinanggap ang kung sino ako. Kung baga, pangalawang ama ko na talaga ito. Hindi dahil ninong ko siya, kung hindi dahil sa kabutihang loob na ipinapakita nito sa akin.He will bless our marriage. He is the only witness for this day. The day when Erica and I will never forget.Soon, my godfather started the ceremony. Kahit walang ibang tao ang nandidito ngayon, pakiramdam ko eh pinanonood parin kami ng napakaraming mga mata. Kapwa kami kinakabahan ngunit nag uumapaw naman sa saya ang nararamdaman.Erica and I both held hands in tears of joy. Para laman
PearlNag stay pa kami ni Erica ng ilang araw sa resort. Sinulit namin ang bawat minuto at oras na magkasama, kapalit noong ilang buwan na hindi kami nagkita.Mas lalo ko pa siyang minahal sa ngayon. Mas lalo kong nakikita ang aking future na kasama siya. Every moment I was with her became more exciting.'You give me hope,The strength, the will to keep on;No one else can make me feel this way'Ang piliin na mahalin at makasama si Erica habambuhay, ay ang isa sa bagay na alam kong hindi ko pagsisisihan. At natitiyak kong, panalo na ako. Magmula pa lamang noong unang beses ko siyang makita. Magmula pa lamang noong hinayaan kong mahulog ang aking sarili sa kanya.I would not be a Pearl Torres, without an Erica Jimenez. Kung baga, kulang ang ako kung walang siya. She is like a light and I am the darkness. She is the star and I am the moon. I know nothing is perfect, but for me we are perfect for each other. I need her ev
Erica Wala ng ibang tao ang nasa paligid, kami na lamang dalawa ni Pearl ang naiwan sa pool. Solo na namin ang isa't isa. Wala na si kuyang nagtutugtog ng romantic music, wala ng mga waiter ang naghihintay na matapos kami sa pagkain. Wala na akong ibang naririnig ngayon kung hindi ang malakas na pag tibok ng aking puso, ganoon din kay Pearl dahil yakap ako nito mula sa aking likod habang kapwa kami nakababad sa tubig. Oo, nasa pool na kami ngayon kung saan punong-puno parin ito ng mga petals ng bulaklak. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lamang ito naranasan. At lahat ng iyon ay nang dahil kay Pearl. Walang humpay ang aming kwentuhan at asaran. Iyong tipo na para bang walang awkward na namamagitan sa amin. Iyong para bang hindi kami nagmula sa hiwalayan. Muling bumalik ang sigla na aking nararamdaman noong mga panahon na nagsisimula pa lamang ang aming relasyon. Kitan
EricaIlang linggo nang muli ang nakalilipas simula noong magkausap kami ni Rachel. Simula noong huling beses kong makita si Pearl ng palihim. At sa ilang linggo na iyon, hanggang ngayon ay wala parin akong lakas ng loob na muling magpakita sa kanya, o ang harapin ito.Sa palagay ko sa aming dalawa, ako ang mas naduduwag pa ngayon. Hindi ko kasi alam kung ano ang aking magiging reaksyon kapag nasa harapan ko na itong muli. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Baka bigla na lamang akong maihi sa aking salawal dahil sa sobrang kaba ng nararamdaman. Hay, ewan ko ba!Palagi yata akong napaparanoid sa tuwing lalabas ako ng bahay. Iniisip ko kasi na baka makasalubong ko itong muli ng hindi pa ako handa. O hindi naman kaya ay bigla na lamang itong sumulpot sa aking harapan.Kaya sa halip na maiwan akong mag-isa sa bahay o sumama sa aking mga kaibigan, ay mas pinili ko na lamang ang sama
EricaLimang araw na muli ang nakalipas simula noong makita ko si Pearl sa mall. Pagkatapos noon, walang araw, minuto o oras na hindi ko siya inaabangan. Nag babakasakali na baka biglang magbago ang isip nito at kitain ako kahit na palihim.Pero habang tumatagal at lumilipas ang mga araw, ay unti-unti akong nawawalan ng pag-asa. Hindi ko rin mapigilan na isipin ba baka nga nakapag desisyon na ito ng para sa kanyang sarili. Na baka nga, simula noong una pa lamang ay naguguluhan lamang ito sa kanyang nararamdaman, at ngayon nga ay mas pinipili na nito ang buhay sa piling ng kanyang asawa na si Rachel.Sa tuwing naiisip ko ang mga iyon, hindi mawala sa aking sarili ang matinding pagsisisi. Sana talaga, ipinaglaban ko nalang siya noon. Sana hinayaan ko na lamang na magpatuloy ang meron kami, kahit na alam kong pangalawa lamang ako at isang kabit. Hindi sana umabot sa ganito. Hindi sana ako umabot na araw-araw u
Pearl"Why did you do that?!" Rachel asked me obviously pissed because of what I did."Let's go home. I'm tired already." Biglang nawala sa mood na pagyaya ko sa kanya. Ngunit nananatili parin ang imahe ng mukha ni Erica sa aking isipan. I have never seen her disappointed and hurt like that. I really wanted to hug her, and forget about the plan Rachel and I had, but I'm such a coward so I choose to ignore her.Fuck!Fuck this life!"You know what? Let's go back there and fix this. I can't even look at your face like that. Especially Erica after what you have done." Pangungulit pa nito noong tuluyan na kaming makapasok sa sasakyan."No." Tipid ngunit punong-puno ng awtoridad na pagtatanggi ko. "I am not going back there. Not like this. We have plans so we stick to that." Pagkatapos ay binuhay ko na ang makina ng sasakyan at mabilis iyong pinasiba
Erica*After 8 months*My life is never been easy without Pearl. Siya ang naging kakampi ko sa lahat ng bagay, naging sandalan at naging pader sa mga pagsubok. Ngayong wala na siya, at alam kong hindi na babalik pa, mas lalong naging kulang ang buhay ko.Kahit saan ako lumingon, umaasa akong makikita ito kahit naman na alam kong imposible ng mangyari. Palagi kong hinahanap ang presence niya, nangungulila ako sa pagmamahal na araw-araw nitong ibinubuhos sa akin. Hindi madali ang bawat araw sa loob ng walong buwan. Hindi madaling magising sa umaga na paulit-ulit akong sinasampal ng katotohanang wala na si Pearl sa akin.Bawat ala-ala naming dalawa baon ko kahit saan man ako mag punta. Ano man ang ginagawa ko, siya ang palaging tumatakbo sa isipan ko, walang oras at mga araw na hindi ko siya iniisip. Bagay na mas lalo lamang akong nahihirapan. Himala nga at buhay pa ako hanggang ngayon dahil sa kalungkutan.Masakit parin,
"The saddest part about life is when the person you made the most memories becomes a memory."EricaNamumugto at nanlalalim ang mga mata, ang palaging bumubungad sa akin bago matulog at sa pag gising sa umaga. Inaamin kong nahihirapan na ako. Hindi ako sanay na hindi nag sesend ng kahit na anong messages para kay Pearl. Hindi rin ako sanay na hindi ito nakakausap, pero sa tingin ko, mas mabuti na muna sa ngayon ang ganito.Pero siya...bawat minuto na lang yata at oras, mayroong text message sa akin. Makikita ko na lang din minsan, mayroon na akong natanggap na missed calls mula sa kanya. Pero paulit-ulit ko iyong iniiwasan, paulit-ulit ko parin siyang iniiwasan kahit na sa trabaho.Isang linggo na ngayon ang nakalilipas simula noong huling beses ko siyang makita, mahawakan at mayakap. Namimiss ko na siya, sobra! Namimis ko na ang mga pang-aasar niya, ang mga pag ngisi niya, iyong mga ta