Share

Chapter 4

Author: Jennex
last update Last Updated: 2021-07-16 21:25:29

Erica

Kinakabahan at nanginginig ang mga kamay na pumasok ako sa loob ng opisina ni Ms. Torres, ang aming bagong CEO. 

Naabutan ko ito na prenting nakaupo sa kanyang silya, kung saan nakatalikod pa mula sa akin at nakatanaw mula sa malaking glass window ng kanyang opisina. Nakaukit ang kanyang pangalan sa isang white marble plaque na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lamesa. 

Magsasalita na sana ako nang bigla na lamang nitong iniikot ang kanyang silya paharap sa akin at mabilis na sinalubong ang aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang hindi mapasinghap dahil sa kanyang ganda. Para talaga siyang isang anghel. Kumikinang ang kanyang ganda katulad ng kanyang pangalan. 

Mabilis na nagbawi ako ng tingin bago napayuko at pasimpleng pinaglaruan ang aking mga daliri sa kamay, habang nakatayo sa kanyang harapan na parang ewan. 

"You know you can sit down so your feet don't get tired." Wika nito bago napa musyon sa dalawang bakanting silya na nasa harap ng kanyang lamesa. 

Grabe! Kahit pananalita niya, nakakatindig balahibo. I mean, ang lakas ng dating! Ang ganda ng boses nito na hanggang ngayon ay pamilyar parin sa akin at hindi ko maalala kung saan ko iyon unang narinig. 

Mabagal ang mga hakbang na lumapit ako sa bakanting upuan at naupo roon. Hindi parin ako makatingin sa kanya. Ewan ko rin ba, pakiramdam ko nakakapaso 'yung mga titig niya na hanggang ngayon ay nararamdaman ko sa akin. 

Isa pa, sobrang nahihiya ako dahil sa nagawa ko sa kanya noong gabi na iyon sa bar. 

"I have two questions, so that means I need two and honest answers." Panimula nito bago napa sandal sa likod ng kanyang silya at napa cross arms pa. 

"S-sure Ms. Torres." Mas lalo yata akong kinabahan sa tono ng kanyang pananalita. This time, lakas loob na sinalubong ko na ang kanyang mga mata na nakapako parin pala sa akin hanggang ngayon.

"Are you single or taken?" Diretsahan na tanong nito at walang bahid ng kahit anong emosyon na makikita sa kanyang mukha. 

Kailangan ko ba talagang sagutin 'yun? Tanong ko sa aking sarili. Napalunok ako. 

"S-Single." Sagot ko sa kanya, pagkatapos ay muling ibinaling sa ibang direksyon ang aking mga mata. 

"Good. Now, I want you to attend in a party with me on Saturday. You'll be my date there." Awtomatiko na nalaglag ang aking panga dahil sa gulat nang sabihin niya iyon, dahilan upang muling tignan ko ito sa kanyang mukha habang nanlalaki ang mga mata. 

"D-Date?!" Hindi makapaniwala sa tanong ko rito. Agad na napatango siya at muling inayos ang kanyang pagkakaupo. 

"Yes, do we have a problem?" Matigas na tanong nitong muli sa akin. Agad na napailing ako bilang sagot. 

"And what about the second question?" Tanong ko sa kanya. "Akala ko po ba dalawa ang itatanong ninyo sa akin Ms."

"Hmmm..." Napahawak ito sa dulo ng kanyang baba na tila ba nag-iisip. "It looks like I don't need to ask you more questions, the answer is obvious and whether you like it or not, you'll come with me." Wika nito na halatang siya na mismo ang gumawa ng desisyon para sa akin. Hindi ko mapigilan ang hindi madisappoint sa aking sarili. Marahil ginagawa niya ito dahil sa nagawa ko sa kanya. 

"But---" 

"But buts, no ifs." Putol nito sa akin. "Now, you may back to your department." Utos nito at ibinaling na ang kanyang atensyon sa mga papeles na nasa kanyang harapan. 

Hindi na rin ako nagtagal pa sa aking kinauupuan, agad na tumayo na ako at naglakad papunta sa pintuan. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalapit roon ay may sinabi pa ito sa akin. 

"Oh, and by the way. Have you washed my handkerchief?" Awtomatiko na natigilan ako. Kusa ko na lamang din naramdaman ang pamumula ng aking mukha dahil sa itinanong nito. 

Ang ibig ba niyang sabihin, siya iyong babae na katabi ko noong nanood ako ng sine kasama ang aking mga magulang? Iyong stranger na babae umabot ng panyo na iyon sa akin? 

"Why are you blushing? It's just a question, Ms. Jimenez." Sabay tayo na sambit nito. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang sandaling pag ngisi nito habang may mapanuksong mga tingin. "Please, stop arguing with yourself because what you have in mind is right." 

So tama nga ako, siya nga iyong babae na iyon. Kaya naman pala pamilyar ang boses nito dahil bago pa man mangyari ang eksina sa bar, nagkausap na kami noon. 

Tila ba mas lalo lamang lumakas ang pintig ng aking puso sa mga sandlaing ito. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana o sinasadya nitong mangyari ang lahat ng ito. 

"And also..." Dagdag pa niya habang naglalakad ng mabagal papalapit sa akin. Iyong lakad na para itong isang modelong nang aakit. Muli ay napalunok ako at napaiwas ng tingin mula sa kanyang katawan. 

Walang nagawa rin na napa atras ako ngunit sa isang pahabang couch ako bumagsak at napa upo ng disoras.

"Why did you kiss me that night? At the bar?" Kung kanina ramdam ko ang pamumula ng aking mukha, ngayon naman pakiramdam ko bigla yata akong naubusan ng dugo at agad na namutla sa itinanong niya. Daig ko pa ang nasa isang investigation at ako ang suspek.

Hirap na napalunok ako. Parang may kung anong bagay ang bumara sa aking lalamunan. Hindi ako kaagad nakapag salita.

"I-I'm sorry about that Ms. T-Torres. Hindi ko sinasadya, l-l-lasing lang ako noong mga sandaling iyon at dala na rin ng halo-halong emosyon---"

Natigilan ako noong sandaling nagpakawala ito ng isang malutong na tawa ngunit masarap paring pakinggan.

"You should see your face!" Komento nito pagkatapos. "I mean look at you. You look so adorable." Dagdag pa niya. "I'm just messing with you."

Huli na ng marealize ko na pinagpapawisan na rin pala ako ng malamig. Shit! Ano bang nagawa ko at humantong ako sa ganito? Lumapit si Ms. Torres sa pintuan at siya na mismo ang nagbukas noon para sa akin.

"Thank you for your time, Ms. Jimenez." Sambit nito. 

This time, naka ngiti na ito sa akin. Hindi katulad kanina na wala akong mabasa na kahit anong emosyon sa kanyang mukha. At jusko! Mas lalo siyang gumaganda kapag naka ngiti. Hays!

Mabilis na napailing ako sa aking sarili. Hindi pupwede itong ganito. Kailangan kong itigil ang pagpuri sa kanya. Tama! Nagagandahan lang ako sa kanya, 'yun lang.

------

Nanghihina ang aking mga tuhod noong makarating ako sa aming Department. Agad na sinalubong ako nina Vina at Francis at pagkatapos ay inulan ng napakaraming tanong. 

"OMG! Buhay ka pa!" Mapanukso na komento ni Vina bago ako pinaupo. "Anong nangyari? Kailangan may kwento." Dagdag pa nito. 

"Tama!" Pag sang-ayon naman ni Francis. "Anong ginawa sayo ng ating bagong CEO? Is she good?" Sabay taas baba nito ng kanyang kilay dahilan upang mabatukan ko siya. 

"Aray ko naman, nagbibiro lang eh." Reklamo nito habang hinihimas ang parte ng kanyang ulo na nasaktan. 

"Baliw! Kung anu-ano kasing naiisip." Inis na sabi ko sa kanila. "Problemado na nga ako rito eh." Sabay hinga ko ng malalim. 

"Ano ba kasi ang nangyari? Nagalit ba siya dahil sa ginawa mo sa bar? Dahil sa...kiss?" Pabulong na sabi nito sa muling sinabi dahil baka may ibang tao na makarinig. 

Mabilis na napailing ako atsaka napapikit ng mariin. "Hindi." 

"Eh ano?!" Chorus ng dalawa. 

Kagat labi na tinignan ko sila pareho sa mukha, nag-iisip kung tama bang sabihin ko sa kanila, pero dahil mga kaibigan ko sila kaya dapat lang na malaman nila. 

"Sinabi nito na isasama niya ako sa isang party sa Sabado at..." Napahinto ako sandali. "Sinabi niyang ako raw ang magiging date niya." 

"WHAT?!" Sabay na sigaw ng mga ito dahilan upang mapatingin sa aming direksyon ang iba naming katrabaho. Pinaghahampas ko naman sila sa kanilang braso. 

Isang himpit na tila naman ang pinakawalan ni Vina pagkatapos ng ilang segundo at parang bulati na pumapalag palag pa. 

"Ay ang ganda ng best friend namin oh!" Komento nito. "Ang haba ng hair! Umabot hanggang sa ibang ibayo." Dagdag pa niya. 

"Korak! Iba ang dating." Sabi naman ni Francis. 

Nagpatuloy pa ang aming kwentuhan ng ilang minuto hanggang sa napagpasyahan na namin na bumalik sa kanya-kanya naming trabaho. 

Hindi ko alam pero dumating nalang ang oras ng lunch break, lutang parin ako at hindi masyadong makapag focus. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito dati ha. 

Nasa canteen na ako ngayon kasama parin ang aking dalawang kaibigan. Napansin ko na nasa kabilang lamesa lamang naka pwesto si Karl at ang girlfriend nito na si Joanne. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na sila ng dalawa. Hindi ko parin maiwasan ang hindi masaktan lalo pa at nakikita kong sobrang masaya at kampante na ang mga ito sa isa't isa. 

Dala ng pagiging bitter, hindi ko mapigilan ang hindi mapa irap habang tinitignan silang dalawa. Nagawa pa kasing magsubuan. Nakakainis lang! Dahil doon, hindi sinasadya na mapadpad ang aking mga mata sa mukha ng pinaka magandang babae na aking nakilala sa tanang buhay ko, si Ms. Torres, na ngayon ay naka tingin rin pala sa aking direksyon. 

Hindi ko mapigilan ang mapasinghap sa tuwing magtatama ang aming mga mata. May kung anong kiliti kasi akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. 

Gustuhin ko man bumawi agad ng tingin, hindi ko magawa, para kasing may magnet ang kanyang mga mata na mapapatitig ka nalang din pabalik. Napalunok akong muli, lalo na noong makita ko ang isang nakakalokong ngiti na gumuhit sa kanyang mga labi. Isa pa, sobrang nakakatunaw na ang kanyang mga titig kaya noong hindi ko na nakayanan pa ang sensasyon na ibinibigay nito ay agad na akong napayuko at ibinalik ang atensyon sa aking nga kaibigan. 

Tinukso pa ako ng mga ito noong mapansin ang pangangamatis ng aking mga pisnge at mabilis na hinanap sa paligid kung sino ba 'yung tinitignan ko kanina. Mabuti nalang dahil si Karl ang nakaagaw ng kanilang pansin at hindi si Ms. Torres, tiyak na uulanin na naman ako ng maraming katanungan kapag nagkataon. 

Hanggang sa pag-uwi ko galing sa trabaho, habang kumakain ng hapunan, sa paglilinis ng katawan, hanggang sa makahiga na ako sa aking higaan, lutang parin ako. Nagsisimula na akong mainis sa aking sarili dahil bawat sulok nalang yata ng bahay, 'yung magagandang mga mata at ngiti ni Ms. Torres ang nakikita ko.

"Arrrghhhh! Ano bang nangyayari sa akin?!" Inis na sambit ko sa aking sarili habang napapagulong-gulong sa ibabaw ng kama.

Inaamin ko na ngayon lang ako nagkaganito, hindi kaya....

"AAAAAAAHHHHHHH!" Sigaw ko habang nakapatong aking mukha ang isang unan upang hindi marinig ng aking mga magulang. Hindi pwede! Mali ito, maling mali!

Hindi ko yata alam kung anong oras na ako dinalaw ng antok. Nakakailang bilang na ako para lang antukin, kung anu-anong kanta na rin ang aking kinanta pero wala parin.

Nakakainis! She's my boss! Huhu. Bakit kasi nagkataon na siya  pa iyong babaeng nakahalikan ko?! At isa pa, bakit naman kasi nagawa ko 'yun in the first place?! Nababaliw na ba talaga ako?!

Related chapters

  • I Kissed A Girl (FILIPINO)   Chapter 5

    Erica Inaantok pa at halos naka pikit pa ang aking mga mata habang naglalakad patungong kusina. Hindi ko alam pero para yata akong tatrangkasuhin dahil pati sa aking katawan ay may nararamdaman akong masakit. "Good morning Prinsesa namin!" Bati ng aking ina habang naghahain ng sinangag na kanin at hotdog sa ibabaw ng lamesa. "Good morning ho." Sabay hikab na pagbati ko rin sa kanila. "Nak, ang laki naman yata ng pimples mo sa ilong. Sino yan?" Agad na komento ng aking ama noong maka upo ako sa upuan bago nangalumbaba. Kunot noo naman na agad akong napahawak sa aking ilong. Oo nga ano? Medyo masakit nga ito at mala

    Last Updated : 2021-07-21
  • I Kissed A Girl (FILIPINO)   Chapter 6

    EricaHalos hindi parin ako makagalaw sa aking kinatatayuan dahil sa sobrang gulat na makita siya rito sa loob ng aming bahay.Napaka relax ng kanyang mukha at mga mata habang prenting naka upo sa aming sofa. Samantalang ako, heto, hindi na alam kung ano pa ba ang dapat na gawin dahil sa sobrang kaba."Oh, anak! Nakauwi kana pala. Hindi mo sinabi may bago ka palang ka trabaho at maganda pa." Biglang aniya ni mama na kagagaling lamang sa kusina, mayroon itong dala na juice na tinimpla sa isang pitsel. Naka sunod naman sa kanyang likuran si papa na may dalang meryenda."May lakad din pala kayo kasama ng boss ninyo sa Sabado, sa isang party. Bakit naman hindi ka nagsasabi sa amin ng mapaghandaan natin ang susuotin mo? Ikaw talagang bata ka!" Dagdag na saway nito sa akin dahilan upang mapapikit ako. Seryoso ba talaga ito? Pagagalitan nila ako sa harap ni Ms. Torres? Nakakahiya!Napalunok ako. "Ipinag paalam k

    Last Updated : 2021-07-26
  • I Kissed A Girl (FILIPINO)   Chapter 7

    EricaGalit na muling bumalik si Ms. Torres sa loob ng function hall kaya kaagad naman na sinundan ko ito. Pagdating sa loob, agad na kumuha ito ng dalawang baso ng wine at mabilis na inubos ang laman ng mga ito.Kahit kinakabahan, patuloy na naka buntot lamang ako sa kanya na parang bata. Nagpatuloy ang party ng hindi na ako nito muling kinibo pa, ngunit halata na hindi ako nito magawang pabayaan dahil kahit saan ito magpunta, palagi niya akong hinihila. O kung hindi naman ay palaging naka hawak ang kamay nito sa aking balakang. Kahit nga nakikipag kwentuhan at nakikipag-usap siya sa iba nitong kakilala at ka sosyo, nasa tabi parin niya ako at hindi pwede na mawala sa kanyang paningin.May iilan naman na kinakausap ako, of course kaya ko naman ang makipag sabayan sa iilan. Lalo na kapag alam ko ang mga bagay na pinag-uusapan, kaya kong sumagot sa mga tanong ng mga ito. Ngunit hindi ko pupweding sabihin kung aling kompanya ako nag

    Last Updated : 2021-07-28
  • I Kissed A Girl (FILIPINO)   Chapter 8

    PearlThe first time I saw her I knew something strange about her. That she was different from all the women I had met before, that there was something in her the first time I laid my eyes on her...something I didn't know would change my world.Kahit napaka dilim sa lugar na iyon, ang tanging mga ngiti niya lamang ang nagbibigay ng liwanag sa buong paligid. Ang mga mata niya ay tila ba mga bituin na kumikislap sa madilim na kalangitan. Mapapatulala ka nalang sa kanyang magandang mukha na hindi mo namamalayan.And her voice, God! Daig pa nito ang isang napaka gandang musika na kay sarap sa tenga pakinggan, iyong mga tawa niya na nakakaadik marinig. Kahit na umiiyak na siya noong mga oras na iyon kasabay ng kanyang mga magulang, she's still beautiful in my eyes. Kahit ilang oras pa, hindi siya nakakasawang titigan. She looks so adorable.And that night at the bar, with some of my friends, I did not know that destiny would mee

    Last Updated : 2021-07-29
  • I Kissed A Girl (FILIPINO)   Chapter 9

    EricaAraw na naman ng Lunes ngayon, pero bakit pakiramdam ko nakakatamad paring pumasok? Hindi naman sa masyado akong na aliw nitong weekend na kasama at masolo si Ms. Torres este, Pearl. Kung hindi dahil, hindi ko lang talaga trip ang pumasok ngayon sa trabaho. May pakiramdam kasi ako na mayroong hindi magandang mangyayari at iyon ang bagay na iniiwasan ko.Isama mo pa ang mga dapat na ikwento ko sa aking mga kaibigan noong gabi ng party. Tiyak na uulanin ako ng mga ito ng napakaraming tanong at hindi sila titigil hangga't walang lumalabas sa labi ko na gusto nilang marinig.Kinakabahan din, dahil hindi nila alam na magkasama kami ni Pearl hanggang kahapon at dinala pa ako nito at ipinakilala sa kanyang Lola. Ang galing! Ngayon, paano ko sasabihin sa kanila ang lahat ng ito ng walang halong malisya para sa kanila. Ugh!Walang nagawa at lul

    Last Updated : 2021-07-30
  • I Kissed A Girl (FILIPINO)   Chapter 10

    EricaHanggang ngayon, ayaw paring mag sink in sa aking isipan ang mga nangyari kanina sa opisina ni Ms. Torres. Paano niya nagawang mag desisyon ng para sa sarili ko? Bakit hindi muna nito itinanong sa akin kung magugustuhan ko ba ang pinaplano niya o hindi?Daig pa nito ang mga magulang ko na basta na lamang ako ipagkakatiwala o ibibigay sa taong hindi ko naman kakilala o ka anu-ano. Oo, mabait si Liam at mukhang mapag kakatiwalaan. At nakikita ko iyon mula sa mata at mukha niya, gwapo, mabango, matipuno at higit sa lahat...yummy?Napa iling ako ng aking ulo nang biglang sumagi iyon sa aking isipan.Pero kahit na gaano pa siya ka perpektong lalaki, hindi parin okay ang ginawa ni Pearl. Lalo na ngayon na kasama ko na si Liam sa loob ng kanyang kotse habang tinatahak ang daan papunta sa first date namin. Pagkatapos kasi ng aming trabaho, hindi ko inaasahan na muling makikita ito habang naghihintay sa akin sa labas ng gusali ng ko

    Last Updated : 2021-07-31
  • I Kissed A Girl (FILIPINO)   Chapter 11

    EricaNapa hinga ako ng malalim dahil kanina ko pa ipinikit ang dalawang mga mata ko pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Gising na gising parin ang aking diwa, lalo at nasa kabilang dulo lamang ng aking kama ang babaeng hindi ko inaasahan sa tanang buhau ko na matutulog sa tabi ko.Magmula ng pumasok kami kanina, hindi ko na ito kinikibo. Kahit noong sandaling naglinis ako ng aking katawan, pinilit ko ang aking sarili na doon na lamang mismo magsuot ng damit dahil ayokong lumabas mula sa loob ng banyo ng naka half naked sa harap niya.Isa pa, ilang beses ko bang kailangan sabihin sa inyo na kapag nasa harapan ko siya, nakakalimutan ko kung sino ako dahil sa masyadong malakas na pagkabog ng dibdib ko? Argh! This is so frustrating! Naks! English.Naririnig ko rin ang bawat mahinang paghinga nito, kahit naka talikod ako at mayroong dalawang unan sa pagitan namin, hindi ko parin mapigilan ang hindi makaramdam ng kili

    Last Updated : 2021-08-01
  • I Kissed A Girl (FILIPINO)   Chapter 12

    EricaNandito kami ngayon sa isang University, inimbitahan kasi si Ms. Torres bilang isa sa mga speaker sa nasabing convention, may mga kasamahan din ito mula sa iba't ibang kompanya na talagang kilala sa bansa. Nandito ako kasama si Francis at Vina, dahil kami ang napili nitong isama. Sa amin daw kasi siya mas panatag.Sus! Baka naman mas gusto niya lang na pahirapan kaming tatlo. Sabi ng aking isipan. Noong una ay tumanggi pa ako dahil sa totoo lang ayoko na muna siyang nakakasama ngayon, isa pa, hindi pa ako nakaka get over sa ginawa niya noong nakaraang linggo sa akin.Lalo na iyong hindi man lamang pagtakip ng katawan nito sa harap ko. Ghad! Paulit-ulit iyong bumabalik sa aking isipan, hanggang ngayon. Palaging sumisingit ang hubad na imahe nito sa aking isipan, maging sa pagtulog at napaginip ko, sinusunda

    Last Updated : 2021-08-02

Latest chapter

  • I Kissed A Girl (FILIPINO)   I Marry A Girl

    Erica "Nagbabasa ka ng ganyan?" Rinig ko na tanong ng isang babae na medyo may katangkaran sa kanyang kaibigan na nasa aking unahan. "Oo naman. Wala namang mali na magbasa ako ng ganitong klase ng libro, hindi ba?" Sagot naman ng isa at mukhang proud pa na ipinakita sa kaibigan ang cover ng libro na kanyang gustong bilhin. Nandito kasi ako ngayon sa National Bookstore, bibili rin sana ng mga libro na pwede kong mabasa dahil sobrang bored na ako sa pamamalagi sa bahay sa tuwing wala kaming lakad ni Pearl. Lalo na ngayon na abala siya sa kabubukas lamang nito na bagong negosyo. Halos hindi na nga kami nag-uusap eh. Pero ayos lang, naiintindihan ko naman na ginagawa lamang niya iyon para sa aming kinabukasan. Ayaw rin kasi nito na mag apply ako sa ibang kompanya ng bagong trabaho. Mas gusto niya ang mamalagi ako sa bahay at literal na maging reyna. Reyna ng katamaran. Tuyo ng aking isipan.

  • I Kissed A Girl (FILIPINO)   Chapter 38

    PearlWe traveled for about thirty minutes before we reached the Chapel where my godfather was. He greeted Erica and me warmly and hugged us. I immediately told him our purpose, something he did not object to.Agad na ipinaayos nito ang kanyang mga gamit at masayang binati na kami kaagad ni Erica. Masaya ako, at nagpapasalamat na rin dahil siya ang isa sa mga taong tinanggap ang kung sino ako. Kung baga, pangalawang ama ko na talaga ito. Hindi dahil ninong ko siya, kung hindi dahil sa kabutihang loob na ipinapakita nito sa akin.He will bless our marriage. He is the only witness for this day. The day when Erica and I will never forget.Soon, my godfather started the ceremony. Kahit walang ibang tao ang nandidito ngayon, pakiramdam ko eh pinanonood parin kami ng napakaraming mga mata. Kapwa kami kinakabahan ngunit nag uumapaw naman sa saya ang nararamdaman.Erica and I both held hands in tears of joy. Para laman

  • I Kissed A Girl (FILIPINO)   Chapter 37

    PearlNag stay pa kami ni Erica ng ilang araw sa resort. Sinulit namin ang bawat minuto at oras na magkasama, kapalit noong ilang buwan na hindi kami nagkita.Mas lalo ko pa siyang minahal sa ngayon. Mas lalo kong nakikita ang aking future na kasama siya. Every moment I was with her became more exciting.'You give me hope,The strength, the will to keep on;No one else can make me feel this way'Ang piliin na mahalin at makasama si Erica habambuhay, ay ang isa sa bagay na alam kong hindi ko pagsisisihan. At natitiyak kong, panalo na ako. Magmula pa lamang noong unang beses ko siyang makita. Magmula pa lamang noong hinayaan kong mahulog ang aking sarili sa kanya.I would not be a Pearl Torres, without an Erica Jimenez. Kung baga, kulang ang ako kung walang siya. She is like a light and I am the darkness. She is the star and I am the moon. I know nothing is perfect, but for me we are perfect for each other. I need her ev

  • I Kissed A Girl (FILIPINO)   Chapter 36

    Erica Wala ng ibang tao ang nasa paligid, kami na lamang dalawa ni Pearl ang naiwan sa pool. Solo na namin ang isa't isa. Wala na si kuyang nagtutugtog ng romantic music, wala ng mga waiter ang naghihintay na matapos kami sa pagkain. Wala na akong ibang naririnig ngayon kung hindi ang malakas na pag tibok ng aking puso, ganoon din kay Pearl dahil yakap ako nito mula sa aking likod habang kapwa kami nakababad sa tubig. Oo, nasa pool na kami ngayon kung saan punong-puno parin ito ng mga petals ng bulaklak. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lamang ito naranasan. At lahat ng iyon ay nang dahil kay Pearl. Walang humpay ang aming kwentuhan at asaran. Iyong tipo na para bang walang awkward na namamagitan sa amin. Iyong para bang hindi kami nagmula sa hiwalayan. Muling bumalik ang sigla na aking nararamdaman noong mga panahon na nagsisimula pa lamang ang aming relasyon. Kitan

  • I Kissed A Girl (FILIPINO)   Chapter 35

    EricaIlang linggo nang muli ang nakalilipas simula noong magkausap kami ni Rachel. Simula noong huling beses kong makita si Pearl ng palihim. At sa ilang linggo na iyon, hanggang ngayon ay wala parin akong lakas ng loob na muling magpakita sa kanya, o ang harapin ito.Sa palagay ko sa aming dalawa, ako ang mas naduduwag pa ngayon. Hindi ko kasi alam kung ano ang aking magiging reaksyon kapag nasa harapan ko na itong muli. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Baka bigla na lamang akong maihi sa aking salawal dahil sa sobrang kaba ng nararamdaman. Hay, ewan ko ba!Palagi yata akong napaparanoid sa tuwing lalabas ako ng bahay. Iniisip ko kasi na baka makasalubong ko itong muli ng hindi pa ako handa. O hindi naman kaya ay bigla na lamang itong sumulpot sa aking harapan.Kaya sa halip na maiwan akong mag-isa sa bahay o sumama sa aking mga kaibigan, ay mas pinili ko na lamang ang sama

  • I Kissed A Girl (FILIPINO)   Chapter 34

    EricaLimang araw na muli ang nakalipas simula noong makita ko si Pearl sa mall. Pagkatapos noon, walang araw, minuto o oras na hindi ko siya inaabangan. Nag babakasakali na baka biglang magbago ang isip nito at kitain ako kahit na palihim.Pero habang tumatagal at lumilipas ang mga araw, ay unti-unti akong nawawalan ng pag-asa. Hindi ko rin mapigilan na isipin ba baka nga nakapag desisyon na ito ng para sa kanyang sarili. Na baka nga, simula noong una pa lamang ay naguguluhan lamang ito sa kanyang nararamdaman, at ngayon nga ay mas pinipili na nito ang buhay sa piling ng kanyang asawa na si Rachel.Sa tuwing naiisip ko ang mga iyon, hindi mawala sa aking sarili ang matinding pagsisisi. Sana talaga, ipinaglaban ko nalang siya noon. Sana hinayaan ko na lamang na magpatuloy ang meron kami, kahit na alam kong pangalawa lamang ako at isang kabit. Hindi sana umabot sa ganito. Hindi sana ako umabot na araw-araw u

  • I Kissed A Girl (FILIPINO)   Chapter 33

    Pearl"Why did you do that?!" Rachel asked me obviously pissed because of what I did."Let's go home. I'm tired already." Biglang nawala sa mood na pagyaya ko sa kanya. Ngunit nananatili parin ang imahe ng mukha ni Erica sa aking isipan. I have never seen her disappointed and hurt like that. I really wanted to hug her, and forget about the plan Rachel and I had, but I'm such a coward so I choose to ignore her.Fuck!Fuck this life!"You know what? Let's go back there and fix this. I can't even look at your face like that. Especially Erica after what you have done." Pangungulit pa nito noong tuluyan na kaming makapasok sa sasakyan."No." Tipid ngunit punong-puno ng awtoridad na pagtatanggi ko. "I am not going back there. Not like this. We have plans so we stick to that." Pagkatapos ay binuhay ko na ang makina ng sasakyan at mabilis iyong pinasiba

  • I Kissed A Girl (FILIPINO)   Chapter 32

    Erica*After 8 months*My life is never been easy without Pearl. Siya ang naging kakampi ko sa lahat ng bagay, naging sandalan at naging pader sa mga pagsubok. Ngayong wala na siya, at alam kong hindi na babalik pa, mas lalong naging kulang ang buhay ko.Kahit saan ako lumingon, umaasa akong makikita ito kahit naman na alam kong imposible ng mangyari. Palagi kong hinahanap ang presence niya, nangungulila ako sa pagmamahal na araw-araw nitong ibinubuhos sa akin. Hindi madali ang bawat araw sa loob ng walong buwan. Hindi madaling magising sa umaga na paulit-ulit akong sinasampal ng katotohanang wala na si Pearl sa akin.Bawat ala-ala naming dalawa baon ko kahit saan man ako mag punta. Ano man ang ginagawa ko, siya ang palaging tumatakbo sa isipan ko, walang oras at mga araw na hindi ko siya iniisip. Bagay na mas lalo lamang akong nahihirapan. Himala nga at buhay pa ako hanggang ngayon dahil sa kalungkutan.Masakit parin,

  • I Kissed A Girl (FILIPINO)   Chapter 31

    "The saddest part about life is when the person you made the most memories becomes a memory."EricaNamumugto at nanlalalim ang mga mata, ang palaging bumubungad sa akin bago matulog at sa pag gising sa umaga. Inaamin kong nahihirapan na ako. Hindi ako sanay na hindi nag sesend ng kahit na anong messages para kay Pearl. Hindi rin ako sanay na hindi ito nakakausap, pero sa tingin ko, mas mabuti na muna sa ngayon ang ganito.Pero siya...bawat minuto na lang yata at oras, mayroong text message sa akin. Makikita ko na lang din minsan, mayroon na akong natanggap na missed calls mula sa kanya. Pero paulit-ulit ko iyong iniiwasan, paulit-ulit ko parin siyang iniiwasan kahit na sa trabaho.Isang linggo na ngayon ang nakalilipas simula noong huling beses ko siyang makita, mahawakan at mayakap. Namimiss ko na siya, sobra! Namimis ko na ang mga pang-aasar niya, ang mga pag ngisi niya, iyong mga ta

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status