Erica
Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng aking kuwarto, kung saan maaga na naman pong nagkakantahan ang aking mga magulang habang kinakanta ang kanilang paboritong 'Basang basa sa ulan' ng bandang Aegis. Mabuti na lang at Sabado ngayon, wala akong pasok sa trabaho.Walang nagawa na bumangon na lamang ako at naghanda ng aking damit panlakad, pagkatapos ay naligo na rin dahil tiyak na sisingilin at kukulitin na naman ako ng mga ito. Nangako kasi ako sa aking mga magulang na tuwing weekend sa kanila ang oras ko, sa dalawang araw na walang pasok, dapat sila ang kasama at idadate ko.
Ako nga pala si Erica "Rica" Jimenez. Nag-iisang anak ng aking mga magulang, hindi kami mayaman, hindi rin mahirap. Sakto lang. Sakto lang na nakukuha namin ang mga gusto naming bagay, nabibili ang mga gustuhin namin, kumakain ng tatlong beses sa isang araw, may meryenda pang kasama at sakto lamang din na nakakabayad ng mga bayarin at syempre hindi nawawala ang pag-iipon.
Isang makeup artist ang aking Ama, na nagtatrabaho sa isang sikat na beauty parlor sa Makati. At sa maniwala man kayo o hindi, he's gay. Oo tama! Kahit basahin niyo pa ulit, dahil tiyak na hindi kayo namamalik mata na ang tatay ko ay isang bakla. Nagtataka kayo ngayon kung paano niya nabuntis ang aking ina at nagkaroon ng bunga, which is ako? Ganito kasi yan.
Ang aking Ina, ay isa namang nurse mula sa isang Public Hospital. At siya naman ay isang poging babae, oo tama kayo ulit. Isa siyang poging babae dahil isa siyang lesbiana. Bihis lalaki, gupit lalaki, at kilos lalaki. Nagkakilala sila sa isang gay bar noon, nagkatitigan, nag exchange ng phone number hanggang sa nagkahulugan ng loob. Noong una, hindi alam ni papa na isa palang lesbiana si mama, naglasing sila noong gabi na iyon hanggang sa may nangyaring hindi dapat sa kanilang dalawa.
Doon lamang nila napagtanto at na diskubre ang isa't isa, na si papa pala ay isang bakla, bihis babae lamang at...masasabi ko rin na maganda naman kasi talaga si papa bilang isang bakla. At si mama naman, talagang masasabi ko rin na isang pogi na lesbian. Kaya nga ang ganda-ganda ko, diba? Pagmamalaki ko sa aking sarili.
Agad na natanggap naman nila ang isa't isa, sa katunayan, pinanagutan parin ni papa si mama kahit na isa itong lesbian at isa siyang bakla. Nagpakasal sila. Bumuo ng sariling pamilya.
Ngunit hindi parin maiiwasan na may mga taong hindi sila matatanggap sa lipunan, mga taong kukutyain sila at pagtatawanan. Mga taong walang magawa sa buhay kung hindi ang husgahan sila. At ako ang palaging nadadamay kapag ganoon, palagi akong tinutukso noon sa klase, dahil sa kasarian ng mga magulang ko. At inaamin ko, isa ako sa mga taong iyon, dahil hindi ko rin sila matanggap. Nagagalit ako sa tuwing pinagtatawanan ako dahil sa kanila, palagi kong tinatanong kung bakit sila ang naging magulang ko. Kung bakit hindi sila katulad sa normal na mga magulang.
Alam kong nasasaktan ko sila, pero nasasaktan din ako. Dahil hanggang ngayon na may trabaho na ako, paminsan-minsan alam kong pinagbubulungan parin ako. Hindi ko sila matanggap bilang sila, pero tanggap ko sila bilang mga magulang ko.
And I'm not like them, ayokong matulad sa kanila. I love my parents, and I love them both. Pero never kong pinangarap na magkagusto sa kapwa ko babae. No! Straight ako, and that's it. Pinangako ko rin sa aking sarili na ako ang magbabago ng kapalaran ng aming pamilya. At iyon ang gagawin ko.
"Ma! Pa! Ready na ako, kayo?" Tanong ko sa mga ito ng makarating sa sala.
"OMG! Pa naman! Ano ba yang makeup mo!" Saway ko rito habang nanlalaki ang mga mata bago lumapit sa kanya.
"Why?" Maarte na tanong ito habang nakaupo sa sofa. "Maganda naman ha."
"Oo nga naman anak, ang ganda-ganda ng papa mo!" Sabay kindat naman ni mama kay papa. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapatirik ng mga mata.
"Oh siya, kayong bahala. Tayo na po." Pagkatapos ay nauna na akong lumabas ng bahay at dumiretso sa garahe. Nabanggit ko na ba sa inyo na kahit papaano eh mayroon kaming kotse, hindi nga lang mamahalin pero pwede na kaysa ang mag commute palagi.
Sa mall ang una naming destinasyon, no, actually wala naman talaga kaming ibang pupuntahan kung hindi sa mall lamang. Gusto kasi ni papa na manood ng sine, kaya itong si mama naman na mahal na mahal ang kayang asawa, todo support naman. At syempre, doon sila masaya kaya masaya na rin ako.
-------Habang nanonood sa loob ng sine, magkahawak kamay naman ang mga magulang ko at ako heto, tamang hinihintay lamang na matapos ang movie. Nakakaantok kasi! Pero 'yung papa ko, ngawa ng ngawa, nakakahiya. Hays! Pinagtitinginan tuloy kami ng iilan na mga katabi namin.
"Your parents?" Biglang tanong ng hindi ko kilalang babae mula sa aking tabi. Medyo madilim kasi dito sa loob kaya hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha.
Napatango ako. "O-oo." Pagsagot ko rito. "Pasensya kana ha, baka naiingayan kana kasi." Paghingi ko naman ng paumanhin.
"No worries." Mabait na sagot nito. "Your family is cute." Dagdag na komento pa niya at muling ibinalik na ang kanyang mga mata sa malaking screen sa harapan.
Napangiti ako, minsan lang kasi may nagbibigay ng ganoong komento sa pamilya namin. At sobrang nakakataba ng puso kapag nakakarinig ako ng ganoong komento mula sa ibang tao.
Hindi nagtagal, biglang tumunog ang aking cellphone mula sa aking maliit na sling bag. Pasimpleng kinuha ko iyon at tinignan, mayroong text message. Kaya naman, mabilis na binuksan ko ang message at binasa, agad na gumuhit ang ngiti sa aking labi ng makita na nagtext sa akin si Karl. Ang aking kababata at ultimate long time crush. Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, single parin ako. May pakiramdam kasi ako na, hinihintay lang ako nito na magtapat ng nararamdaman ko para sa kanya, in other word natotorpe lang siya. May nililigawan siya ngayon, si Joanne, pero alam ko na pinagseselos lang ako nito para sabihin ko na sa kanya 'yung feelings ko.
'Rica! I have good news! Sinagot na ako ni Joanne, girlfriend ko na siya Rica! Thank you kasi tinulungan mo akong ligawan siya. Dahil doon, naramdaman ko na support mo kaming dalawa!'
A-ano daw? Tatlong beses ko yata binasa ng paulit-ulit ang text nito bago iyon tuluyang nag sink in sa utak ko.
Noooo! Awtomatiko na nag-unahan sa pagpatak ang aking luha. Bakit naman ganon? Akala ko pa naman type niya rin ako? Nakakainis siya! Ang daya-daya niya.
Kung kanina si papa lang ang umiiyak, ngayon naman dalawa na kami. Partida, siya umiiyak lang dahil sa movie, ako totoong nasasaktan ako. Huhu.
Habang pinupunasan ang sariling luha, hindi ko mapigilan ang hindi mapalingon muli sa katabi ko na ngayon ay tumatawa na. Hindi naman nakakatawa 'yung movie ha.
Laking gulat ko pa noong iniabot nito ang kanyang panyo sa akin.
"Sayo na yan, it looks like you need it more." Sabi pa niya habang iiling-iling. Kahit nahihiya, agad na kinuha ko naman ang panyo at mabilis na siningahan ng aking sipon.
"T-thanks!" Pagpapasalamat ko. Pero wala na ito ng muling mapatingin ako sa kanyang pwesto.
Kunot noo na iginala ko ang aking paningin sa paligid. Asan na yun? Tanong ko sa aking sarili. Hindi man lang niya hinintay na makapag pasalamat ako sa kanya.
Pero kung sino man siya, salamat parin dahil pinahiram nito sa akin ang kanyang panyo.
-----
Wala na akong kibo at nawalan na rin ng gana hanggang sa makauwi kaming muli sa bahay. Agad na dumiretso ako sa aking kuwarto at hindi na muling lumabas pa. Nasasaktan parin kasi ako, hindi ko matanggap na may girlfriend na si Karl. Nakakalungkot na pangyayari. Hays!Paano ko siya haharapin sa lunes? Sila ni Joanne? Kung bakit naman kasi sa isang kompanya lang ang mga trabaho namin, tiyak na mabibitter lang ako sa tuwing makikita ko silang magkasama.
Mabuti nalang at tumawag itong si Francis at Vina, ang mga kaibigan ko rin sa trabaho. Nagyayaya kasi ang mga ito na lumabas ngayong gabi, tatanggihan ko pa ba? Syempre, gusto ko ng alak. Gusto kong maglasing! Gusto kong kalimutan ang lungkot na nararamdaman ko ngayon.
Kaya maglalasing ako!
EricaSa totoo lang hindi naman kasi talaga ako sanay na naglalasing, eh ang kaso kasi, nasasaktan ako ngayon. Gusto kong makalimutan 'yung sakit,' yung lungkot na meron sa dibdib ko.Alam nina Francis at Vina na may gusto ako kay Karl. Pero matagal na nila akong pinagsasabihan na wala akong pag-asa rito. Eh ang kulit ko naman kasi, hindi ako naniniwala sa kanila, ayaw kong maniwala. Kaya ayan tuloy, para akong inagawan ng isang bagay na hindi ko naman talaga pag-aari.Pagkatapos nila akong tawagan, hindi nagtagal ay agad na dumating na rin ang mga ito para sunduin ako. Ipinagpaalam pa ako ng dalawa sa mga magulang ko, kahit na nasa benti dos na ako, kailangan parin talaga na ipagpaalam ako sa kanila dahil nag-iisa lang daw nila akong anak. Since close ng mga ito sina mama at pala, kaya naman agad itong pumayag. Basta ibabalik lang daw ako ng walang galos at walang gasgas sa mga it
EricaPupungas-pungas ako ng aking mga mata habang napapainat pa. Pagkatapos ay mabilis na napahawak sa aking ulo dahil sa kirot na nararamdaman."Ouch!" Reklamo ko sa aking sarili pagkakuwan bago unti-unting napangon na at agad na iginala ang paningin sa buong paligid. Noon naman nakita ko ang mukha ng dalawa kong kaibigan na pinanonood lamang pala ang bawat kilos ko, habang naka upo sa dalawamg silya sa may gilid ng kama."Jusme naman! Papatayin niyo ba ako sa nerbyos?!" Singhal ko sa kanila kahit na medyo nahihilo pa. Argh! Ito ang ayoko eh, 'yung hangover kinabukasan."At ano kami? Hindi pa ba kami nakakaramdam ng nerbyos ngayon dahil anong oras na ito, nandito ka parin sa bahay nina Vina." Panimula ni Francis. "Jusko, Rica. Hinahanap kana ng mga magulang mo, nauubos na ang mga dahilan namin, tulog ka parin riyan." Dagdag pa niya. Dahil doon ay mabilis na napabalikwas ako at agad na napatayo mula sa kama.
EricaKinakabahan at nanginginig ang mga kamay na pumasok ako sa loob ng opisina ni Ms. Torres, ang aming bagong CEO.Naabutan ko ito na prenting nakaupo sa kanyang silya, kung saan nakatalikod pa mula sa akin at nakatanaw mula sa malaking glass window ng kanyang opisina. Nakaukit ang kanyang pangalan sa isang white marble plaque na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lamesa.Magsasalita na sana ako nang bigla na lamang nitong iniikot ang kanyang silya paharap sa akin at mabilis na sinalubong ang aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang hindi mapasinghap dahil sa kanyang ganda. Para talaga siyang isang anghel. Kumikinang ang kanyang ganda katulad ng kanyang pangalan.Mabilis na nagbawi ako ng tingin bago napayuko at pasimpleng pinaglaruan ang aking mga daliri sa kamay, habang nakatayo sa kanyang harapan na parang ewan."You know you can sit down so
Erica Inaantok pa at halos naka pikit pa ang aking mga mata habang naglalakad patungong kusina. Hindi ko alam pero para yata akong tatrangkasuhin dahil pati sa aking katawan ay may nararamdaman akong masakit. "Good morning Prinsesa namin!" Bati ng aking ina habang naghahain ng sinangag na kanin at hotdog sa ibabaw ng lamesa. "Good morning ho." Sabay hikab na pagbati ko rin sa kanila. "Nak, ang laki naman yata ng pimples mo sa ilong. Sino yan?" Agad na komento ng aking ama noong maka upo ako sa upuan bago nangalumbaba. Kunot noo naman na agad akong napahawak sa aking ilong. Oo nga ano? Medyo masakit nga ito at mala
EricaHalos hindi parin ako makagalaw sa aking kinatatayuan dahil sa sobrang gulat na makita siya rito sa loob ng aming bahay.Napaka relax ng kanyang mukha at mga mata habang prenting naka upo sa aming sofa. Samantalang ako, heto, hindi na alam kung ano pa ba ang dapat na gawin dahil sa sobrang kaba."Oh, anak! Nakauwi kana pala. Hindi mo sinabi may bago ka palang ka trabaho at maganda pa." Biglang aniya ni mama na kagagaling lamang sa kusina, mayroon itong dala na juice na tinimpla sa isang pitsel. Naka sunod naman sa kanyang likuran si papa na may dalang meryenda."May lakad din pala kayo kasama ng boss ninyo sa Sabado, sa isang party. Bakit naman hindi ka nagsasabi sa amin ng mapaghandaan natin ang susuotin mo? Ikaw talagang bata ka!" Dagdag na saway nito sa akin dahilan upang mapapikit ako. Seryoso ba talaga ito? Pagagalitan nila ako sa harap ni Ms. Torres? Nakakahiya!Napalunok ako. "Ipinag paalam k
EricaGalit na muling bumalik si Ms. Torres sa loob ng function hall kaya kaagad naman na sinundan ko ito. Pagdating sa loob, agad na kumuha ito ng dalawang baso ng wine at mabilis na inubos ang laman ng mga ito.Kahit kinakabahan, patuloy na naka buntot lamang ako sa kanya na parang bata. Nagpatuloy ang party ng hindi na ako nito muling kinibo pa, ngunit halata na hindi ako nito magawang pabayaan dahil kahit saan ito magpunta, palagi niya akong hinihila. O kung hindi naman ay palaging naka hawak ang kamay nito sa aking balakang. Kahit nga nakikipag kwentuhan at nakikipag-usap siya sa iba nitong kakilala at ka sosyo, nasa tabi parin niya ako at hindi pwede na mawala sa kanyang paningin.May iilan naman na kinakausap ako, of course kaya ko naman ang makipag sabayan sa iilan. Lalo na kapag alam ko ang mga bagay na pinag-uusapan, kaya kong sumagot sa mga tanong ng mga ito. Ngunit hindi ko pupweding sabihin kung aling kompanya ako nag
PearlThe first time I saw her I knew something strange about her. That she was different from all the women I had met before, that there was something in her the first time I laid my eyes on her...something I didn't know would change my world.Kahit napaka dilim sa lugar na iyon, ang tanging mga ngiti niya lamang ang nagbibigay ng liwanag sa buong paligid. Ang mga mata niya ay tila ba mga bituin na kumikislap sa madilim na kalangitan. Mapapatulala ka nalang sa kanyang magandang mukha na hindi mo namamalayan.And her voice, God! Daig pa nito ang isang napaka gandang musika na kay sarap sa tenga pakinggan, iyong mga tawa niya na nakakaadik marinig. Kahit na umiiyak na siya noong mga oras na iyon kasabay ng kanyang mga magulang, she's still beautiful in my eyes. Kahit ilang oras pa, hindi siya nakakasawang titigan. She looks so adorable.And that night at the bar, with some of my friends, I did not know that destiny would mee
EricaAraw na naman ng Lunes ngayon, pero bakit pakiramdam ko nakakatamad paring pumasok? Hindi naman sa masyado akong na aliw nitong weekend na kasama at masolo si Ms. Torres este, Pearl. Kung hindi dahil, hindi ko lang talaga trip ang pumasok ngayon sa trabaho. May pakiramdam kasi ako na mayroong hindi magandang mangyayari at iyon ang bagay na iniiwasan ko.Isama mo pa ang mga dapat na ikwento ko sa aking mga kaibigan noong gabi ng party. Tiyak na uulanin ako ng mga ito ng napakaraming tanong at hindi sila titigil hangga't walang lumalabas sa labi ko na gusto nilang marinig.Kinakabahan din, dahil hindi nila alam na magkasama kami ni Pearl hanggang kahapon at dinala pa ako nito at ipinakilala sa kanyang Lola. Ang galing! Ngayon, paano ko sasabihin sa kanila ang lahat ng ito ng walang halong malisya para sa kanila. Ugh!Walang nagawa at lul
Erica "Nagbabasa ka ng ganyan?" Rinig ko na tanong ng isang babae na medyo may katangkaran sa kanyang kaibigan na nasa aking unahan. "Oo naman. Wala namang mali na magbasa ako ng ganitong klase ng libro, hindi ba?" Sagot naman ng isa at mukhang proud pa na ipinakita sa kaibigan ang cover ng libro na kanyang gustong bilhin. Nandito kasi ako ngayon sa National Bookstore, bibili rin sana ng mga libro na pwede kong mabasa dahil sobrang bored na ako sa pamamalagi sa bahay sa tuwing wala kaming lakad ni Pearl. Lalo na ngayon na abala siya sa kabubukas lamang nito na bagong negosyo. Halos hindi na nga kami nag-uusap eh. Pero ayos lang, naiintindihan ko naman na ginagawa lamang niya iyon para sa aming kinabukasan. Ayaw rin kasi nito na mag apply ako sa ibang kompanya ng bagong trabaho. Mas gusto niya ang mamalagi ako sa bahay at literal na maging reyna. Reyna ng katamaran. Tuyo ng aking isipan.
PearlWe traveled for about thirty minutes before we reached the Chapel where my godfather was. He greeted Erica and me warmly and hugged us. I immediately told him our purpose, something he did not object to.Agad na ipinaayos nito ang kanyang mga gamit at masayang binati na kami kaagad ni Erica. Masaya ako, at nagpapasalamat na rin dahil siya ang isa sa mga taong tinanggap ang kung sino ako. Kung baga, pangalawang ama ko na talaga ito. Hindi dahil ninong ko siya, kung hindi dahil sa kabutihang loob na ipinapakita nito sa akin.He will bless our marriage. He is the only witness for this day. The day when Erica and I will never forget.Soon, my godfather started the ceremony. Kahit walang ibang tao ang nandidito ngayon, pakiramdam ko eh pinanonood parin kami ng napakaraming mga mata. Kapwa kami kinakabahan ngunit nag uumapaw naman sa saya ang nararamdaman.Erica and I both held hands in tears of joy. Para laman
PearlNag stay pa kami ni Erica ng ilang araw sa resort. Sinulit namin ang bawat minuto at oras na magkasama, kapalit noong ilang buwan na hindi kami nagkita.Mas lalo ko pa siyang minahal sa ngayon. Mas lalo kong nakikita ang aking future na kasama siya. Every moment I was with her became more exciting.'You give me hope,The strength, the will to keep on;No one else can make me feel this way'Ang piliin na mahalin at makasama si Erica habambuhay, ay ang isa sa bagay na alam kong hindi ko pagsisisihan. At natitiyak kong, panalo na ako. Magmula pa lamang noong unang beses ko siyang makita. Magmula pa lamang noong hinayaan kong mahulog ang aking sarili sa kanya.I would not be a Pearl Torres, without an Erica Jimenez. Kung baga, kulang ang ako kung walang siya. She is like a light and I am the darkness. She is the star and I am the moon. I know nothing is perfect, but for me we are perfect for each other. I need her ev
Erica Wala ng ibang tao ang nasa paligid, kami na lamang dalawa ni Pearl ang naiwan sa pool. Solo na namin ang isa't isa. Wala na si kuyang nagtutugtog ng romantic music, wala ng mga waiter ang naghihintay na matapos kami sa pagkain. Wala na akong ibang naririnig ngayon kung hindi ang malakas na pag tibok ng aking puso, ganoon din kay Pearl dahil yakap ako nito mula sa aking likod habang kapwa kami nakababad sa tubig. Oo, nasa pool na kami ngayon kung saan punong-puno parin ito ng mga petals ng bulaklak. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lamang ito naranasan. At lahat ng iyon ay nang dahil kay Pearl. Walang humpay ang aming kwentuhan at asaran. Iyong tipo na para bang walang awkward na namamagitan sa amin. Iyong para bang hindi kami nagmula sa hiwalayan. Muling bumalik ang sigla na aking nararamdaman noong mga panahon na nagsisimula pa lamang ang aming relasyon. Kitan
EricaIlang linggo nang muli ang nakalilipas simula noong magkausap kami ni Rachel. Simula noong huling beses kong makita si Pearl ng palihim. At sa ilang linggo na iyon, hanggang ngayon ay wala parin akong lakas ng loob na muling magpakita sa kanya, o ang harapin ito.Sa palagay ko sa aming dalawa, ako ang mas naduduwag pa ngayon. Hindi ko kasi alam kung ano ang aking magiging reaksyon kapag nasa harapan ko na itong muli. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Baka bigla na lamang akong maihi sa aking salawal dahil sa sobrang kaba ng nararamdaman. Hay, ewan ko ba!Palagi yata akong napaparanoid sa tuwing lalabas ako ng bahay. Iniisip ko kasi na baka makasalubong ko itong muli ng hindi pa ako handa. O hindi naman kaya ay bigla na lamang itong sumulpot sa aking harapan.Kaya sa halip na maiwan akong mag-isa sa bahay o sumama sa aking mga kaibigan, ay mas pinili ko na lamang ang sama
EricaLimang araw na muli ang nakalipas simula noong makita ko si Pearl sa mall. Pagkatapos noon, walang araw, minuto o oras na hindi ko siya inaabangan. Nag babakasakali na baka biglang magbago ang isip nito at kitain ako kahit na palihim.Pero habang tumatagal at lumilipas ang mga araw, ay unti-unti akong nawawalan ng pag-asa. Hindi ko rin mapigilan na isipin ba baka nga nakapag desisyon na ito ng para sa kanyang sarili. Na baka nga, simula noong una pa lamang ay naguguluhan lamang ito sa kanyang nararamdaman, at ngayon nga ay mas pinipili na nito ang buhay sa piling ng kanyang asawa na si Rachel.Sa tuwing naiisip ko ang mga iyon, hindi mawala sa aking sarili ang matinding pagsisisi. Sana talaga, ipinaglaban ko nalang siya noon. Sana hinayaan ko na lamang na magpatuloy ang meron kami, kahit na alam kong pangalawa lamang ako at isang kabit. Hindi sana umabot sa ganito. Hindi sana ako umabot na araw-araw u
Pearl"Why did you do that?!" Rachel asked me obviously pissed because of what I did."Let's go home. I'm tired already." Biglang nawala sa mood na pagyaya ko sa kanya. Ngunit nananatili parin ang imahe ng mukha ni Erica sa aking isipan. I have never seen her disappointed and hurt like that. I really wanted to hug her, and forget about the plan Rachel and I had, but I'm such a coward so I choose to ignore her.Fuck!Fuck this life!"You know what? Let's go back there and fix this. I can't even look at your face like that. Especially Erica after what you have done." Pangungulit pa nito noong tuluyan na kaming makapasok sa sasakyan."No." Tipid ngunit punong-puno ng awtoridad na pagtatanggi ko. "I am not going back there. Not like this. We have plans so we stick to that." Pagkatapos ay binuhay ko na ang makina ng sasakyan at mabilis iyong pinasiba
Erica*After 8 months*My life is never been easy without Pearl. Siya ang naging kakampi ko sa lahat ng bagay, naging sandalan at naging pader sa mga pagsubok. Ngayong wala na siya, at alam kong hindi na babalik pa, mas lalong naging kulang ang buhay ko.Kahit saan ako lumingon, umaasa akong makikita ito kahit naman na alam kong imposible ng mangyari. Palagi kong hinahanap ang presence niya, nangungulila ako sa pagmamahal na araw-araw nitong ibinubuhos sa akin. Hindi madali ang bawat araw sa loob ng walong buwan. Hindi madaling magising sa umaga na paulit-ulit akong sinasampal ng katotohanang wala na si Pearl sa akin.Bawat ala-ala naming dalawa baon ko kahit saan man ako mag punta. Ano man ang ginagawa ko, siya ang palaging tumatakbo sa isipan ko, walang oras at mga araw na hindi ko siya iniisip. Bagay na mas lalo lamang akong nahihirapan. Himala nga at buhay pa ako hanggang ngayon dahil sa kalungkutan.Masakit parin,
"The saddest part about life is when the person you made the most memories becomes a memory."EricaNamumugto at nanlalalim ang mga mata, ang palaging bumubungad sa akin bago matulog at sa pag gising sa umaga. Inaamin kong nahihirapan na ako. Hindi ako sanay na hindi nag sesend ng kahit na anong messages para kay Pearl. Hindi rin ako sanay na hindi ito nakakausap, pero sa tingin ko, mas mabuti na muna sa ngayon ang ganito.Pero siya...bawat minuto na lang yata at oras, mayroong text message sa akin. Makikita ko na lang din minsan, mayroon na akong natanggap na missed calls mula sa kanya. Pero paulit-ulit ko iyong iniiwasan, paulit-ulit ko parin siyang iniiwasan kahit na sa trabaho.Isang linggo na ngayon ang nakalilipas simula noong huling beses ko siyang makita, mahawakan at mayakap. Namimiss ko na siya, sobra! Namimis ko na ang mga pang-aasar niya, ang mga pag ngisi niya, iyong mga ta