Naiiyak akong lumabas ng administrator’s office habang hawak hawak ang puting folder kung saan nakalagay ang aking requirements para sa entrance examination sa dream school ko. Huminga ako ng malalim at pigil na pigil ang sarili na huwag nang maiyak pero hindi ko pa rin talaga mapigilan. Umupo ako sa hagdan at tinabunan ang aking mukha, tahimik na umiiyak. Naalala ko tuloy ang sinabi ng nasa admin office kanina. “Sorry, Miss, but we really need your PSA. Hindi pwede ang ganitong certificate lang.” “M-ma’am, baka naman po pwede niyong i-consider itong application ko? Ma’am, galing pa po akong Leyte, Ma’am,” pagmamakaawa ko sa dalawang babae na siyang nag-aasikaso ng applications naming mga estudyante. Umiling iyong babaeng mahaba ang buhok. “I’m really sorry but we can’t accept your application unless you have the right requirements. Next, please.” Mas lalo akong naiyak dahil doon. Halo halo ang nararamdaman ko ngayon. Inis dahil sa letching PS
Last Updated : 2021-07-15 Read more