"Salamat nga pala ulit, ah."
Tumango ito. "You're always welcome, Miss Intramurals."
Umiling ako habang natatawa. "Stop kidding around! Kanina mo pa 'ko inaasar n'yan!"
Nagkibit siya ng balikat at ngumiti sa akin. Sobrang gaan ng pakiramdam ko pagkatapos niya 'kong dalhin sa dagat kanina. Sabayan mo pa ng boses niyang parang dinuduyan ka.
"I know that you will gonna win."
"Hindi ka naman siguro si Madam Auring, hindi ba?"
Parehas kaming natawa. Umiling siya. He commanded me to go inside, umiling naman ako.
"Tsaka na 'ko papasok kapag nakaalis ka na," wika ko.
"Kung gano'n hindi na muna ako aalis."
My brows met. "Bakit?"
"Para mas makasama pa kita nang mas matagal," marahan niyang sabi sa akin.
My lips parted. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Ano ba'ng nangyayari sa lalaking 'to? Kahapon nakakakinis siya ngayon naman...
Oh, no! Don't go there, Anna! Wala lang 'to. Pinapasaya ka lang niya siguro dahil malungkot ka. Oo, tama. Gano'n lang 'yon.
"Siraulo. Sige na, sige na, papasok na 'ko para makaalis ka na."
He smiled at me. "Good girl."
Nang makapasok sa room ay pakiramdam ko'y roon lang ako nakahinga ng maluwag.
Kinabukasan ay umpisa na ng practice naming mga candidates. Every afternoon lang naman, so hindi makakasagabal sa aming klase. Medyo nalungkot ako dahil hindi na 'ko makakasayaw kasama ang grupo pero marami pa naman sigurong incoming na mga events kaya ayos lang.
"Anna?! Anna, oh my God!"
Agad kong nilingon ang tumawag sa akin. I was shocked when I saw Iris running towards my direction. Hala! Kasali rin ba siya?
Malamang, Anna! Ang ganda ganda niya kaya. Malamang na siya ang candidate ng Nursing department.
"Kasali ka rin?" Tanong ko nang umupo siya sa katabi kong upuan. Andito kami sa gym ngayon. Alas kuatro pa naman kaya wala pa masyadong tao. Mamayang alas sinco ay magdadagsaan na ang mga tao rito para sa kani kanilang practice.
Tumango siya. "Oo, eh. Iyong kaibigan ko kasi pahamak, tinuro ako."
I laughed. "Parehas pala tayo. Pinahamak din kasi ako ng kaibigan ko, eh."
"If you don't mind me asking, nakasali ka na ba ng mga ganito, pageantry?"
"Ah, oo, doon sa amin dati."
"Oh? Was it pang-baranggay?"
Tumango ako habang umiinom ng tubig. "Oo, sa baranggay namin. Ikaw ba?"
"O-oh, I... I was the Miss Ormoc last year," she said shyly.
"T-talaga?"
She nodded. Naku naman, Anna. Miss Ormoc naman pala siya tapos ikaw Miss Buenavista lang, 4th runners up pa. Anong laban mo riyan? Paniguradong panalo na siya. Hindi ko naman kasi maitatangi na maganda naman talaga siya. Panigurado akong maraming manliligaw 'to noong high school at pati rin ngayon.
"Sino nga pala ang partner mo?" aniya.
"Taga-Science major, Si Dave. Ikaw?"
"Si Joash. Kasali sa basketball team, kilala mo ba?"
Umiling ako. Hindi ko kilala 'yon, eh. Si Santri lang naman ang kilala kong basketball player. Natigilan ako. Teka nga! Bakit ko ba iniisip 'yong gwapong gagong 'yon? Erase! Erase!
Nang dumating na ang trainor namin ay inutusan niya kaming suotin ang heels na dala niya. Amputa. Six inches! Kaya ko ba 'to? Paniguradong sasakit ang paa ko rito pagkatapos. Lumapit sa akin si Dave at hinawakan ako nang makita niyang nahihirapan ako. Actually, kilala ko na naman siya dahil schoolmates ko siya noon. Laking pasalamat ko nga at kakilala ko lang dahil kung hindi sobrang awkward talaga.
I'm no good at opening a conversation pa naman.
"Okay girls! Pasok!" Sigaw ng bakla.
Tangina. Nangangalay na ang mga paa ko. Kanina pa kami nagpa-practice at talaga namang sumasakit na ang paa ko dahil sa paulit-ulit na practice na 'to. Gutom na gutom na rin ako!
Bale, 16 kami lahat. Two persons every department at mayroon kaming walong department lahat. Ako at si Dave ay pang pito dahil iyon ang nabunot namin habang si Iris at ang kanyang kapareha ay pang lima.
"Ah!"
Naagaw ang aking atensyon sa isang sigaw. My lips parted when I saw Iris on the floor. Mukhang natapilok ata siya. Agad akong nakaramdam ng takot para sa aking sarili. I can't help not to think that maybe I'm going to experience what she experienced. Ngayon nga'ng nag-iinsayo kami ay natatapilok na paano pa kaya sa mismong kompetesyon?
Nag-aalala kong nilapitan ang kaibigan nang matapos kaming magpractice. Mabuti na lang at nalapatan ito ng paunang lunas kaya nabawasan ang pamamaga ng kanyang ankle.
"Sigurado kang makakalakad ka ng maayos?" Wika ko nang tumayo siya at nag-ayang umuwi.
"I can walk, Anna. Hindi naman siya gano'n kasakit, kayang kaya ko naman."
Tumango ako at isinukbit ang bag sa balikat. Nasa baba na ng stage ang VSU Phoenix, nakaupo at hinahanda ang kanilang musika. I'm not close to them but Kristel smiled to me. Ngumiti rin ako pabalik.
My eyes went somewhere until it dropped to someone who's sitting in the corner while reading his Structural Design book again. Seryoso siyang nagbabasa at walang paki-alam sa mundo. Tsaka ko lang naalala ang panyo niyang hindi ko pa nababalik.
Pwede bang remembrance na lang 'yon? Siguro... ibabalik ko na lang 'yon kapag nabigyan ng pagkakataon.
Nang dumating ang lunes ay siyang opening ng intramurals. Nasa oval kaming lahat para opisyal na buksan ang event. Elliot Mercado, a pambansang palaro player was the one who lightened the torch.
"Always remember athletes, this is just a friendly competition. Learn how to accept defeats, don't boast if you will win but rather stay humble always. May the best college department win! This is Director Randy Salvaro, good morning!"
Pumalakpak kaming lahat. After a couple of minutes ay nag-umpisa na ang bawat laro. Kasama ko si Michelle ngayon at hindi namin alam kung saan kami pupuntang dalawa. Wala naman kaming event, eh. Siguro kakain na lang kami.
"May laro sina Santri mamaya, nood tayo?" Aniya.
Ngumuso ako. Inimbitahan nga niya 'ko kagabi na manood sa game nila. He texted me last night, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya sabi ko na lang ay titingnan ko.
"Let's see."
"Char. Ang hard to get, ah."
"Duh? Malay ko ba baka hanggang bangko lang 'yon. Sayang lang 'yong panonood natin."
Sinubo niya muna ang biscuit na kinakain niya. "Hoy! Captain ball nga 'yon, eh. It means magaling siya."
I rolled my eyes.
"Alam mo ikaw, ang OA mo. Ano bang problema mo kay Santri? Masyado kang harsh sa kanya, ha. Ibang klaseng inis na 'yan, friend."
Kumunot ang noo ko. "Anong ibang klase pinagsasasabi mo?"
"Ewan ko sa'yo. Anyway, saan tayo ngayon?" Aniya habang palingon-lingon.
I was about to say something when she pulled me somewhere. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Ilang saglit pa ay huminto kami sa...
Huh? Tourism department?
"Anong--"
"Sshhh! Huwag kang maingay," bulong niya sa'kin.
Nalilito ako. Ano bang trip ng babaeng 'to? Hinila ako papunta rito para ano? Magtago? Mas mabuti pang aalis na lang at pumunta na lang sa canteen para kumain.
I was about to pull her when she gasped. Ako naman ay na-intriga na rin kung anong tinitingnan niya. My eyes widened when I saw who's she's looking at!
"Sabi ko na nga ba't crush mo, eh," nakangisi kong bulong sa kanya.
Aziel Marcellus Almazan is the guy she's been looking at. Nakaupo ang lalaki, hawak hawak ang gitara at nagstu-strum ito. Kaunti lang din ang tao rito sa building dahil paniguradong nagkalat sila sa kung saan para manood ng iba't ibang game.
"Parang bobo naman 'to. Bakit hindi mo lapitan? Landiin mo kaya nang sa gano'n ay magkalove life ka naman."
"Hindi ako marunong lumandi, eh. Turuan mo kaya ako."
Tinakpan ko ang bibig ko para hindi makagawa ng ingay. Anong sense ng pagbabasa niya ng novels kung hindi rin niya i-a-apply sa totoong buhay?
"Lapitan mo, Gaga."
Nag-angat ng tingin si Aziel. Bago pa niya kami makita ay nahila na 'ko ni Michelle paalis doon at huminto kami sa cafeteria.
"Hoy! Walang hiya ka, girl! Daig pa natin ang nagmarathon dahil doon. Bakit kasi hindi mo na lang lapitan?!" Hinihingal kong sabi.
She stumped her feet. Hala? Parang bata, ah.
"Hindi ko nga kaya! Tsaka, hello? Ayoko naman na ako 'yong magfirst move, eh, ako 'yong babae."
Tumaas ang kilay ko. "Oh? Babae ka pala?"
"Gaga! Ano'ng akala mo sa'kin may ano?!"
I smirked. "Ano 'yang 'ano' ang pinagsasasabi mo, ha?"
She rolled her eyes. "Iyong hotdog ng mga lalaki! Tsaka baka sabihin nila ang landi landi ko."
Bumili muna kami ng makakain bago naupo. Tubig at doughnut lang ang binili ko habang sa kanya naman ay chuckie at sandwich.
"Girl, may iba't ibang stages ang pagiging malandi. Hindi porket nilapitan mo na ang crush mo ay malandi ka na agad, nilapitan mo lang naman, ah. Hindi mo naman nilaplap."
Ngumiwi siya. "Kadiri naman ng nilaplap! Ano'ng wika 'yan?"
"Wikang balbal," I simple said.
"Psh, ano naman 'yong stages of kalandian ang pinagsasasabi mo?"
Kumagat muna ako sa aking doughnut bago siya sinagot.
"There are three stages of kalandian. The easy, average and difficult."
Her brows met. "Gaga! Ano 'yan? Quiz?"
Tumawa ako. "Totoo nga! Seryoso ako, uy! First stage is easy it means 'yong nilalandi mo ay 'yong crush mo. Nagpapapansin ka o hinaharot mo sa chat, nagre-react sa mga post. Basta siguraduhin mong single 'yang crush mo, ah? Tapos 'yong average na kalandian ay 'yong kahit alam mo nang may girlfriend 'yong crush mo, nilalandi mo pa rin. Like china-chat mo sa messenger. Tapos kapag nag-away sila noong girlfriend niya ikaw naman ang comforter niya. Sabay saming 'dito ka na lang kasi sa'kin' gano'n!"
Ngumuso siya at napaisip. "Eh... 'yong difficult?"
"Ito 'yong stage ng kalandian kung saan hindi mo na lang hinaharot sa chat, inaagaw mo na rin. Kahit alam mong may asawa o girlfriend na 'yong crush mo, sige ka pa rin. Hindi ka natatakot sa ika-anim na utos ng Diyos. So 'yan ang tatlong stages of kalandian."
Ilang minuto pa kaming nakaupo roon. Mukhang nag-iisip pa ang Gaga kung ano'ng move ang gagawin niya. Para sa akin, ah. Hindi naman nakakabawas sa pagiging babae mo kung haharotin o lalandiin mo ang crush mo, pero siguraduhin mong walang sabit o wala siyang girlfriend.
Paano mo makukuha ang isang bagay kung hindi mo gagawan ng paraan? Ano? Maghihintay ka na lang na siya ang unang gumalaw? Oh, eh, paano kung hindi? Hihintayin mo na lang hanggang sa pumuti ang uwak?
May kalayaan nga tayo, 'di ba? So, kalayaan din nating lumandi paminsan minsan. Hindi 'yong ang galing mo lang lumandi pero bagsak ka sa skwela. Tsaka... 'yong kalayaan nating lumandi dapat ilagay rin natin sa lugar. Huwag na lumandi sa mayroon nang nagmamay-ari.
"Ano? May desisyon ka na?"
"A-ano'ng una kung gagawin?"
"Puntahan mo, gaga! Ano? Huwag mo sabihin na siya 'yong papapuntahin mo rito?"
Tumayo siya at niligpit ang pinagkainan. Ngumisi ako. That's my girl!
"Bahala na," bulong niya.
Nagpaalam siya sa'kin bago umalis. I cheered for her para naman lumakas ang loob niyang lapitan ang crush niya.
Nang ako na lang mag-isa ay agad kong kinuha ang cellphone sa aking bag. Magpapalipas na muna ako ng oras dito. I'm not a sporty type of person. Mas gugustohin ko pang kumain kaysa maglaro.
My forehead creased. May limang mensahe akong natanggap galing kay Santri. Pinaalalahanan akong pumunta mamaya sa gym.
Ako:
Oo na.
Bayad ko na rin sa pagpapagaan ng loob niya sa akin noong nakaraang araw. Santrius is a happy go lucky guy. Sobrang kulit at mapang-asar. Walang araw na hindi ako binu-bwesit ng taong 'yon. Mapapersonal o sa text man.
I received a reply from him.
Mr. Shameless Annoying Prick:
Saan ka po ngayon?
I know that his contact name is so lame, pero mas gugustohin ko pang Mr. Shameless Annoying Prick na lang kaysa sa 'baby' na nilagay niya! Nakakadiri kaya.
Ako:
Cafeteria.
I was busy scrolling on my news feed. Kasalukuyan akong nagfe-f******k ngayon nang dumaan sa news feed ko ang mukha ng aking ex-boyfriend kasama ang bagong girlfriend niya.
Nakangiti silang dalawa pareho. Medyo marami rami rin iyong mga litrato dahil nakalagay pa 'yon sa isang album. Nagreact ako ng love sa post.
I don't have a bitter feeling towards them or him. Edward is my second ex-boyfriend. Ito 'yong boyfriend ko noon na ka-klase ko rin. We only last for three months because of some reason. Una na riyan ang religion. We have different religion and sometimes iyon pa ang dahilan kung bakit kami nag-aaway.
Somehow, I'm possessive and gets jealous easily. Iyong pinakamalaki naming away ay 'yong may hindi kami pinagkasunduan. We didn't talked that night at malalaman ko na lang na ka-chat niya 'yong babaeng pinagseselosan ko! Tangina lang, 'di ba? I confronted him and he said that she's just a friend. Huwag ako, boy!
Before I broke up with him sinabi pa niyang hindi na raw siya makakahanap ng ibang girlfriend. Tapos gago, malalaman ko na lang after one week or two, sila na noong pinagseselosan ko! Aba'y tangina lang talaga nila.
But that was all in the past. Nagka-usap na rin kami, closure, para parehas na kaming matahimik. Now, he's happy with his new girl. Good for him. Sana magtagal sila kasi alam kong nasaktan ko rin siya and all I want is the best for him. He was an amazing friend, classmate and an ex-boyfriend way back then. Hindi lang siguro kami compatible sa isa't isa kaya nagkahiwalay.
"Ex mo?"
Napatalon ako sa gulat dahil sa biglang nagsalita. Nilingon ko ito. Santrius wearing his white and blue jersey shirt and shorts. Mukhang bagong ligo pa ata siya dahil fresh na fresh pa ito.
"B-bakit ka nandito?"
He heaved a breath and smiled to me.
"Sinusundo ka."
"Huh? Bakit? Saan tayo pupunta?" Trying to pissed him off.
He smirked. "Langit."
Umasim ang mukha ko. Ugh! I was trying to pissed him but it turns out like this! Ako pa ang nairita sa banat niya.
"Gago."
"At least gwapo," aniya sabay tawa.
Inis akong tumayo at akmang iiwan siya nang hawakan niya ang braso ko. Ngumiti siya ng pagkatamis tamis at sinabing hintayin ko raw siya dahil may bibilhin siya saglit.
Nakasimangot akong naghintay. Tinago ka na rin ang cellphone ko at hinintay siya.
"Cookies and cream para sa babaeng pikon," aniya at nilahad sa akin ang isang 300 mL na ice cream.
Nawala ang inis ko at agad na ngumiti pero napasimangot ako ulit.
"Wala pa kong perang ipambabayad sa'yo."
"Libre ko 'to. Ayaw mo?"
Agad kong hinablot ang ice cream na hawak niya.
"Syempre gusto."
"-kita" aniya.
I just rolled my eyes. Inaya ko na siya papunta sa gym dahil malapit nang mag-umpisa ang game nila. College of Engineering and Technology vs. College of Education ang maglalaban ngayon. Marami na ang tao sa gym at may kaniya-kaniyang hawak na placards.
"I already reserved you a seat. Doon ka malapit sa bench namin," aniya.
"What? Why? Hindi naman ako taga-CET, ah."
"Para ganahan ako sa paglalaro," he said then winked at me.
Umayaw ako pero pinipilit niya pa rin ako. Wala na 'kong magawa kung hindi ang umu-o dahil kinonsensya niya 'kong binilhan niya raw ako ng ice cream. Ampota. Dapat pala hindi ko na tinanggap pa.
Hiyang hiya ako nang maupo sa pinareserve niyang upuan. Heck! Lahat ng taga-CET ay nilingon ako. Malamang! Mapapatanong talaga sila kung bakit may taga-CTE na naligaw sa bench ng CET!
"Boyfriend niya ba si Santri?" Narinig kong sabi sa aking likod.
"Siguro, wala na ata sila nung cheerleader."
Hindi ko na pinansin ang bulongan na 'yon. Bahala sila kung anong isipin nila. Hindi ako interesado at wala naman kaming relasyon dahil hindi ko siya gusto. Hinila niya lang naman ako rito!
Nag-umpisa na. Tinawag na ng announcer ang mga maglalaro. Pumalakpak ako dahil isa si Adrian, kaklase ko, ang pinapasok sa first five.
"Jersey number 9, Maven Keith Morin!"
Napatakip ako ng aking tenga dahil sa sigawan ng mga babae sa likod ko. Anak ng!
"Go, Keith!"
"I love you, Morin!"
Umuwang ang labi ko at nanlaki ang mga mata. T-teka! Totoo ba 'to?! Si Keith?! Si Keith ay isang basketball player?! Hindi pa ko nakakamove on dahil sa nalaman nang sumigaw ulit ang mga kababaehan at binabae nang tawagin si Santri.
"Jersey number 7, Santrius Mikael Aquino!"
"I love you, Aquino!"
"Go, Santrius!"
"Ahh! Santri, anakan mo 'ko!" Rinig kong sigaw ng isang bakla.
Natawa ako roon! Ampota! Hindi lang pala siya bentang benta sa mga babae kung hindi pati rin sa mga bakla! Natawa lamang siya ng marinig ang sigaw na 'yon. Kahit kailan talaga hindi ko nakitang nagseryoso siya. Palagi siyang nakangiti at nang-aasar. Animo'y walang problema sa mundo.
Habang si Keith naman ay seryosong seryoso. Minsan ko lang siya makitang ngumiti. Madalas kasi ay tahimik lang siya, nagbabasa ng libro at nakaupo sa sulok. My heart skipped a beat. Siya talaga 'yong ideal guy ko!
Nag-umpisa ang laro at agad iyong nakuha ng team nina Santri. Nagulat pa 'ko dahil napansin kong hindi na 'to nakangiti at seryosong seryoso sa paglalaro. Mukhang ball is life rin ata ang motto ng isang 'to.
"Aquino for three points!" Wika ng announcer.
Naghiyawan na naman ang mga kababaehan. This time, ngumiti siya at nakipag high five sa mga ka team niya. Keith only nod. Nagpatuloy ang laro hanggang sa natapos ang second quarter. Lamang ng limang puntos ang taga-CET.
I gasped when Keith caught my eyes. Sandali niya 'kong tinitigan bago kinuha ang kanyang tumbler at uminom doon. I gulped. Pawis na pawis siya pero hindi mo kakakitaan ng pagod.
"Ang sarap ni Keith!"
"Sana ako na lang 'yong tumbler!"
"Sana ako na lang din 'yong towel ni Santri!"
Ngumiwi ako. Ang haharot naman ng mga 'to. Pero... sana talaga ako na lang 'yong tumbler!
Natapos ang laro at ang score ay 96-92 in favor of College of Engineering and Technology. Kahit gano'n ang nangyari ay masaya pa rin ako sa department namin. Kahit talo, alam kong ginawa naman nila ang lahat.
Hinalughog ko muna ang bag ko bago tumayo. I bit my lower lip. Dala ko ngayon ang panyo ni Keith. Pawisan siya at hindi sasapat ang isang pamunas lang para matuyo ang pawisan niyang katawan. Pero tama bang ngayon ko ibigay? Kung saan maraming tao. Baka gawan pa kami ng issue!
"Tsk. Bahala na nga," bulong ko at bumaba na ng bench para puntahan siya.
Santrius is busy talking with his team mates. May iba ring lumalapit sa kanya kaya hindi siya maka-alis alis. Nang makita niyang bumaba ako ay hindi niya inalis ang tingin sa akin.
Keith on the other hand is sitting on the bench. Nakayuko ito at nasa ulo ang towel. Tumayo siya. Para akong malalagutan ng hininga nang magtagpo ang mga mata namin. His eyes dropped on my hands. Humigpit ang hawak ko sa panyo niya. Ilang metro na lang ang layo naming dalawa nang may biglang sumingit at nilapitan siya. My lips parted when I saw who it was. It's Iris. May hawak siyang towel at pinunasan si Keith.
Parang may sumakal sa puso ko. Hindi rin ata inaasahan ni Keith na pupunasan siya ni Iris dahil halata sa mukha niya ang gulat. Nang makabawi ay agad siyang nag-angat ng tingin sa akin pero huli na, dahil may isang bulto ng lalaking humarang sa tinginan naming dalawa.
"Naks naman! May dala ka pa talagang panyo, ah? Pupunasan mo ba ko, hmm?" Panunuya niya sa akin.
I rolled my eyes at binigay sa kanya ang panyo. "Wipe your own sweat, Santrius."
I was about to leave when he held my arms. Kumalabog ang dibdib ko dahil walang bakas ng pang-aasar o pambu-buwisit ang tingin niya sa akin.
"If I was him, would you wipe my sweat away, Anna? If I was him, would you looked at me . . . the way you looked at him?"
I was left dumbfounded. Hindi pa rin ako makagalaw. Nakaalis na siya sa harap ko pero ako? Parang napako na ata ako sa aking kinatatayuan.Ano 'yon?I was battling with my mind if should I follow him. Huminga ako ng malalim, umirap at umalis doon para hanapin siya. I felt guilty. Maybe because he was the one who invited me and he even reserved a seat for me. Tapos sa huli ay sa iba ako lalapit. Nagpunta ako sa deck area kung saan nandoon ang mga players, nagbabakasakaling naroon din siya kaso wala. I tried to call him pero hindi naman niya sinasagot.Kinabukasan ay hindi ko siya mahagilap. Medyo nanibago pa 'ko kasi walang nangungulit sa akin. Sa araw na iyon din ay todo practice kami para sa darating na pageant."He let me wiped his
"Ang judgemental mo naman, Ma'am," he replied while laughing without humor. Umiling-iling siya at tila ba hindi gusto ang sinabi ko. I gulped and looked away. Masyado ba talaga 'kong naging mapanghusga kaya ganito na lamang ang reaksyon niya? Pero gano'n naman kadalasan ang mga basketball player, 'di ba? Every place, replace. Every court there's a new girl they will hurt. Iyong iba nga sa sobrang galing sa basketball pati rin sa relasyon. Iyong tipong kahit anong bantay mo sa kanya nakakahanap pa rin ng paraan para makahanap at makashoot sa iba. "If you had a bad experience about basketball players, please stop stereotyping. Hindi lahat manloloko at babaero," his voice is full of disappointments and frustrations. I bit my lower li
"Ready ka na, Anna?" Miss Lariva asked.Huminga ako ng malalim. Mamayang alas sais na ang pageant at ngayon ay ang talent portion namin. Kabadong kabado na 'ko pero mas pinanatili kong maging kalmado. I don't want to disappoint my department. They chose me to be their candidate because they saw something in me.I don't want to mess things up. I need to calm down."H-handa na po, Miss."She held my hand. "Kaya mo 'to. Andito lang kami, hindi ka namin iiwan."I smiled. "Salamat, Miss."Ngumiti rin siya sa akin. Nilingon niya ang repleksyon ko sa salamin. Andito pa kami sa backstage dahil inaayusan pa ang iilan sa mga kandidatang kasam
Nanlaki ang mga mata ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya. It was just a peck but I really did feel his lips on my lips. Itinayo niya 'ko at dinig na dinig ko ang palakpakan at hiyawan ng mga tao, but my attention wasn't on them.My eyes went to the guy who sang the song. Pero nakaramdam ako ng kurot nang makitang wala na siya roon. I scanned my eyes around to find him but I don't know where he is.Santrius."Oh, wow! That was a very romantic performance candidate number seven! Mukhang na-late lang ang partner mo nang dating," he said while walking towards our direction."Are you Francis Feliciano? Iyong pinapahanap niya kanina pa?" Tanong pa nito.Pa
Nagdaan ang mga araw pagkatapos ng intramurals ay agad naging abala ang lahat para sa finals. Santri and I used to exchange texts messages. Ngayon ay pareho kaming abala para sa finals ngayong semester kaya minsan na lang.After the intramurals ay mas naging malapit kaming dalawa. We're friends and we're both enjoying each other's company. Noong inamin niya na may gusto siya sa akin ay hindi ko iyon pinansin. Hindi ko naman kasi alam kong totoo ba 'yon kasi pagkatapos niyang sabihin iyon ay hindi ko na siya tinanong kong totoo ba 'yon.Nandito ako ngayon sa gazebo, nagre-review, hindi ko alam kong nasaan si Michelle ngayon. Ti-next ko na siya kanina pero hindi naman siya nagre-reply. Mukhang busy ata 'yon sa Aziel niya. Psh."Puta, sakit na ng ulo ko," inis kong bulong sa aking sarili.
Taas noo akong naglakad paalis sa kanila. Hindi ko sila uurungan, ano! Mga gano'ng uri ng tao dapat binibigyan ng leksyon. Mga walang magawa sa buhay kaya nangi-ngialam sa buhay ng ibang tao. Kaya kong magtimpi at habaan ang pasensya pero kapag dinamay nila ang pamilya ko, pasensyahan na lang tayo. Lalaban talaga 'ko.Pagkarating ko sa room ay halos naroon na sila. Pagkapasok ko ay sakto namang pumasok din si Sir Dee, before he gave the questionnaires ay may mga sinabi pa siyang instructions."Saan ka kanina?" Bulong ko sa katabi kong si Michelle."Dyan lang," aniya.I gave her a 'weeh?' look. Umirap lang siya sa akin at tumahimik. I pouted. Ano ba 'yan! Hindi na nagshe-share itong kaibigan ko! Marami akong gustong itanong pero mukhan
"Sabi ko naman kasi sa'yo huwag na, 'di ba?" Wika ko.Nasa harap ko ngayon si Santri. May dala siyang itim na bag at isang hand bag na mukhang laptop ata ang laman. He's wearing a white rounded t-shirt and black khaki shorts. Naka itim rin siyang sapatos.Uuwi lang naman pero malakas pa rin ang dating."Ana, tatlong araw kitang hindi nakita tapos 'yong kasunduan pa natin na walang mangungulit, walang tatawag at magte-text. Baby, tiniis ko 'yon," aniya at tunog nagtatampo pa.Kumunot ang noo ko. Sandali lang, ah! Bakit parang tunog boyfriend iyong pagkakasabi niya? Are we in a relationship? Bakit parang big deal sa kanya ito? Did he missed me?!"Alam mo, ikaw! Para kang..." Bwesit na
"Requesting all the passengers to please fasten your seat belt because two minutes from now we are about to land at the NAIA Terminal 3. This is your captain speaking, thank you for flying with us."Nang lumapag ang eroplano ay tumayo ako at kinuha ang aking gamit sa compartment ng eroplano. Tinanggal ko ang suot na earphones at naglakad na palabas. Nakahilera ang mga flight attendants sa labas habang nagpapasalamat sa amin. I smiled at them. Nang nasa loob na ko ng airport ay nakatanggap ako ng text message galing kay Auntie Sally.Auntie:Nasaan ka na, Anna? Andito kami sa labas.Isinukbit ko ang aking bag sa balikat at hinawakan ang malaki-laking handbag na dala. May iilang prutas at pasalubong na pinadala si Mama at Tito para sa k
Nakakasawa na. Napapagod na ‘kong marinig ang paulit ulit nilang sigawan. Gabi gabi ay nagigising ako hindi dahil sa bangungot kung hindi sa sigawan ng mga magulang ko at sa mga hikbi ni Mama.“Tell me, Harold. Siya pa rin, hindi ba? Siya pa rin sa loob ng ilang taon, ‘di ba?!”“Santina, you better sleep—““No! How can I sleep if my husband is sleeping with another woman?! Are we not enough for you? Hindi ba kami sapat ng mga anak mo sa ‘yo, ha!”“They’re enough! They’re more than enough!” my father’s voice roared like a lion when he shouted those words towards my mother.Kitang-kita ko kung paano tumulo ang luha ni Mama. “Then why are you hurting us? Parehas na kayong may pamilya pero bakit nagagawa niyo pa rin ito?!”“Because no matter what you do, you can never replace her! Naiintindihan mo ba ‘ko, ha?! Siya ang mahal ko! Siya
Pagkatapos ng usapan namin ay agad niya ‘kong hinatid pabalik sa ospital. I was exhausted and worn out, but I still chose to stay at my daughter’s room. Hindi ako mapapanatag kapag sa bahay ako natulog. When he pulled over, sandali muna akong nanatili roon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Keith.Should I say goodbye? Good night?“Bumaba ka na, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at baka bawiin pa kita,” namamaos niya’ng sabi.I cleared my throat. “U-uhmm…”“Until we meet again, Anna. Now, go. Your home is waiting for you.”Nilingon ko siya. Nakahilig siya sa upuan habang nakapikit. Mahigpit din ang kapit niya sa manibela. Tumango ako kahit alam kong hindi niya iyon nakikita.“Good night, Keith.”Tahimik akong lumabas ng kanyang sasakyan pero kahit gano’n ay narinig ko pa rin ang huli niyang sinabi.“I will lay down my heart and I&
"Keith, I'm sorry . . ." I whispered andmy voice started to shake.The pain is very visible in his eyes. Hindi ko na napigilan pa ang hikbi ko. If he's intention is to propose to me in front of his clan so that I would never decline to his proposal is so fucked up. Ano? Iipitin niya 'ko sa ganitong sitwasyon para masiguro niyang masasagot ko siya ng oo? This is so selfish!"Ano pa ba ang dapat kong gawin, Anna? Kung ano man 'yong pagkukulang ko sabihin mo at pupunan ko just please... ako na lang ang pakasalan mo. I'm begging you, please." Aniya habang nakaluhod pa rin.Umiling ako. "Wala kang dapat na baguhin, hindi ka kulang. S-sadyang hindi lang talaga ikaw ang mahal ko. Please stand up. Huwag kang magmakaawa sa akin.""Magmamakaawa
Inirapan ko lang siya atsaka kami sabay na bumaba habang hawak niya pa rin ako sa beywang. Hope ran to her Tita Sunny who's looking so sophisticated and beautiful on her white body con off shoulder dress na may kahabaan ang likod. Nakangiti naman niyang sinalubong si Hope at hinawakan ang kamay para sabay silang makalabas papunta sa kanilang hardin.Nag-umpisang manginig ang aking kamay nang mapansin kong marami ng tao kahit nasa bulwagan pa lang kami. All of them are wearing their beautiful dresses. May nakita pa 'kong nakasuot ng tuxedo. Nawindang naman ako roon. Hindi ko alam kung business party ba ito o ano? I heaved a deep breath when Santri held my hand as we walked towards their garden.Nakita ko ang iilan sa kanila ay nilingon kami. Some of them smiled and some of them didn't. I tried to hide my nervousness by smiling pero kahit
Umiling siya nang umiling. "I can't, Anna. Hindi ko kayang bitawan ka." Mahina niyang sabi.Nanlumo ako. Why the fuck he can't do that?! Ano bang meron sa akin at hindi niya ko kayang bitawan? I already told him that I can't reciprocate his love for me! Kapag pinagpatuloy niya ang nararamdaman niya sa akin ay patuloy lang siyang masasaktan. At hindi lang ako pati na rin ang kapatid niya at mga taong nakapaligid sa amin."Asshole!" Umawang ang labi ko nang bumalagta sa sahig si Keith dahil sa nagpupuyos na galit na si Santri. I can see the veins on his forehead. Ang kanyang kamao ay mariing nakakuyom at gigil na gigil ang mukha. Gustong gusto pa atang suntokin si Keith.Somehow, this scene reminded me of what had happened years ago. Iyong mga panahon na sinuntok ni Keith si Santri dahil
"Uh..." I don't know what to say. Kabado pa rin ako dahil sa rami ng tao rito sa kanilang sala. Ito na ba ang buong angkan niya? Bakit ang agad naman ata nila? Mas lalong dumoble ang kaba ko dahil sa paraan ng tingin nila sa akin.Hindi ko alam kung anong iniisip nila ngayon.Iniisip ba nila na ako ang anak ng kabit ni Tito Harold noon?Iniisip ba nila na ako ang sumira sa kasal nina Santri at Emerald? Pero ang sabi ni Emerald sa akin ay pagpapanggap lang daw iyon para maprotektahan ako ni Santrius.Nilingon ko si Santri para manghingi ng tulong. Umiling siya habang natatawa bago ako hinawakan sa baywang at hinapit sa kanya. I gasped. Nakita ko rin ang gulat sa mukha ng kanyang kapatid.
"Hope is longing with his father, Anna. Tingnan mo, halos hindi na niya bitawan ang Daddy niya." wika ni Michelle habang tinatanaw ang mag-ama ko na naglalaro kasama ang kanyang pamangkin.I heaved a deep breath. Tinanaw ko ang mag-ama ko at nakita ko ang malawak na ngiti ng aking anak. Gano'n din si Santrius, makikita mo sa mukha niya ang galak habang nakikipaglaro sa aming anak.Natigilan ako.Aming anak.Nakakapanibago. Is it real?"Alam ko naman 'yon pero sobrang natakot talaga 'kong harapin si Santri. Alam mo naman, 'di ba? Ang buong akala ko'y kasal sila ni Emerald. Kung babalik ako rito tapos makikita kong may iba na siyang pamilya, madudurog lang ako. Kaya mas pinili ko na lang ang itago si Hope."Michelle l
Hindi siya nakagalaw. He was just staring at me intently. I bit my lower lip and pushed myself to him. He closed his eyes and when he opened it, mas lalong dumilim ang kanyang mga mata. He closed the door behind me. Napasinghap ako nang hinapit niya ang aking katawan at hinalikan nang mariin.Para akong sinilaban nang mas palalimin niya pa ang halik. I moaned when his hand went inside my shirt. I craned my neck when his kisses went down. Impit akong napaungol nang kagatin niya ang leeg ko. What the hell!"Santri!" imbes na sawayin siya sa ginawa ay mas nagmukha pa iyong ungol. He wrapped my legs around his waist. Naglakad siya papunta sa kung saan habang hindi pinuputol ang aming halikan. Maingat niya 'kong binaba sa couch at tinitigan.I gulped when his eyes bore into me. He looks lik
"Thank you so much, hija. Iyong bigat sa dibdib na matagal ko nang dinadala, ngayon ay unti-unti nang gumagaan dahil sa kapatawaran na ibinigay mo sa akin," madamdaming wika ni Harold Aquino.I wiped my tears away. "You're welcome po. I just realize that if I will not forgive you, patuloy lang po akong magagalit sa inyo and I don't want that. Hindi po ako marunong magtanim ng galit.""Thank you so much, hija."I smiled at him. Huminga ako ng malalim at nakaramdam ng ginhawa. I realized as well that it's okay to get hurt, to cry, and to feel the pain because that makes us human. We have to learn how to acknowledge pain and sufferings, because if we will not acknowledge them it will lead us to bitterness.Patuloy tayong magagalit sa mun