Share

Kabanata 5

Author: Archeraye
last update Huling Na-update: 2021-07-28 15:24:56

Hala. Anong nangyari roon? Napakadramatic naman ng grand exit niya. Akalain mo 'yon, lahat ng taong narito tumahimik na animo'y may dumaang anghel. Well, anghel naman talaga siya. He gave me a second chance. Kung hindi niya 'ko binigyan ng ikalawang pagkakataon ay hindi ako makakapasok sa grupo.

"Congratulations sa inyong lahat! At sa mga hindi pinalad na makapasok sa grupo, huwag kayong mag-alala there would always be a next time. You guys did great! Thank you so much for participating and good night!" Wika ni Almira.

Ngumiti si Kristel, ang babaeng petite. "Pagpasensyahan niyo na kung biglang nagwalk out si Keith kanina. May project pa raw siyang gagawin. Mabuti na lang at naisingit niya ang screening na 'to sa schedule niya."

"At masyadong seryoso iyon sa pag-aaral kaya sa t'wing may practice tayo, huwag na kayo magtaka kung aalis na lang siya bigla," dagdag ni Almira.

Huh? Eh, kung abala naman pala siya sa pag-aaral bakit pa siya sumali rito? Tapos kapag may practice mauunang aalis? Tama ba 'yon?

"Anyway! Huwag kayong mag-alala kasi dancer naman siya at mabilis siya makasaulo ng steps. Para iyong rexona, he will never let you down!" si Almira at tumawa.

Natawa naman sila. Ngumuso ako.

Mais.

Pagbaba ko ay agad akong sinalubong ni Michelle. Pinakita niya pa sa akin ang video na kinunan niya. Aniya'y, i-u-upload niya raw iyon sa F******k.

"Hoy! Huwag nga! Nakakahiya!"

"Anong nakakahiya?! Bruha, ang galing mo kaya. Kita mo 'yon?"

Sinundan ko naman ng tingin ang tinitingnan niya. May tatlong lalaking nakatayo sa may entrance. Hindi ko naman kilala ang mga 'yon.

"Oh? Ano'ng meron?"

"Sila 'yong sumigaw kanina! May pogi riyan, sis! Landiin mo kaya."

Hinampas ko siya.

"Gaga, e, mga fuckboy naman 'yan, eh! Tsaka, hello? Ayaw ko munang mag boyfriend, 'no! Wala pa 'yan sa plano ko."

"Weeh? Huwag kang magsalita ng patapos, hoy! Baka may biglang dumating dyan tapos mahulog ka."

Umirap lang ako at nag-aya nang umuwi. Ang kaninang tatlong lalaki, ngayon ay naging apat na.

"Hi, Miss."

"Galing mo kanina, Ma'am!"

I smiled at the guy who appreciates my performance. Naghiyawan naman ang mga kasama niya pwera lang sa isang lalaki. Ang pang-apat na lalaki ay nakatingin lang sa akin. He looks familiar though hindi ko na maalala kung saan. Nagkibit balikat na lang ako.

Kinabukasan ay busy kaming lahat para sa darating na intramurals. Next week na raw iyon kaya nagbibigay lang ng assignments ang mga instructors namin. Michelle is out. Nasa Gym na sila para sa practice. Habang ang VSU Phoenix, pangalan ng grupo namin ay mamaya pa lang alas tres ang practice namin.

Kaya heto ako ngayon sa library. Ulit. Hindi ako umaasang makikita ko si Keith, ah. Pero parang gano'n na nga. Hindi ko na kasi ulit siya nakita kagabi. Tsaka wala kaming Elementary Statistics ngayon kasi Wednesday pa lang. Every Tuesday and Thursday lang ang schedule ng pagkikita namin.

I heaved a deep breath and pout my lips. Miss ko na ang bebe ko! Umiling ako. Ang landi ko, ah!

Pagdating ko sa lib ay sinuyod ko muna ang buong library kung nandito ba siya. Pati iyong huling lugar na inupuan niya ay tiningnan ko rin, nagbabakasakaling nandoon siya pero wala.

Anyway, mag-aaral na lang muna ako. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit nandito ako, eh. Tsaka... 'yang mga crush crush na 'yan. Dagdag inspirasyon lang naman. Para ganado ka pumasok sa araw-araw, 'di ba?

Tsaka hindi naman masamang lumandi minsan, ah. Pwede namang pagsabayin ang landi at pag-aaral. Dati nga noong high school ako. Jowa ko 'yong kaklase ko at habang nagdi-discuss 'yong teacher namin sa harap kaming dalawa naman magka-holding hands sa ilalim ng lamesa. Alam mo 'yong feeling na malandi ka pero dapat study first pa rin? Iyon nga lang hindi nagtagal.

Umiling ako at natawa pa.

Ano 'to, Anna? Reminiscing the past?

Kinuha ko ang notes at ballpen ko pati rin ang phone kung saan nandito ang powerpoint presentation na kailangan kong pag-aralan para sa nalalapit na finals. Oo, midterms na namin a week after intramurals. Bilis ng panahon, eh. Binasa ko 'yong lesson namin tungkol sa Hypothesis Testing. Nadiscuss na 'to noong high school ako pero dahil hindi ko naman ugaling makinig sa teacher ko noon, heto at para akong bulag na nangangapa.

Walang masagot.

Dapat pala talaga nakinig ako kay Ma'am Gen. Math dati, edi sana hindi ako babagsak ngayon. Pero grade eleven pa lang ako nun. Tsk. Tagal na rin pala. Binasa ko yung PPT at steps in hypothesis testing. Habang binabasa iyon ay parang nahihilo na ko.

Putangina!

Sobrang daming steps. Tapos may type I error at type II error pa na pwedeng i-relate sa pag-ibig. Ang sabi rito, type I error means you reject the truth while type II error means you accept the false.

Kung sa pag-ibig pa, type I error ay 'yong tanga ka. Tama na nga 'yong taong pinili mo naghanap ka pa ng iba.

Meanwhile, type II error, para sa mga taong bobo. Alam na nga'ng mali tinanggap pa. Kaya ang ending nasaktan na naman siya.

Umiling ako. Totoo talagang Mathematics is everywhere. Kahit sa paggawa ng bata na-a-apply rin 'yan.

Subtract the clothes, divide the legs, add the lust and multiply.

Hala! Bakit ako nag-iisip ng ganito? Kasalanan ng Elementary Statistics 'to, eh. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam paano 'to gawin kaya kung ano-anu na ang pumapasok sa isip ko.

"Oh? Putangina. Nagsyntax error na," bulong ko habang nakatitig sa calculator.

Tumigil muna ako sa pagsolve at hinilot ang ulo. Grabe naman, naiiyak na ko rito. Paniguradong bagsak talaga ko sa finals dahil sa bwesit na Math na 'to.

Kung may jowa lang sana akong matalino sa Math, e, 'di wala nang problema. Hay! Kung nandito lang sana si Keith! Magpapaturo na lang ako sa kanya tapos kapag hindi ko nakuha 'yong tamang sagot isang passionate kiss galing sa kanya.

Umiling ako. Oh, gago. Kakabasa ko 'to ng novels, eh.

Sumimangot ako. Tangina naman kasi. Kaya nga major in Filipino kinuha ko para hindi ko mabangga 'yong Math kaso mukhang hanggang dito sa kurso ko hindi patatahimikin ang buhay ko. Nakailang ulit na 'kong solve pero mali pa rin. Ilang mura na rin ang nasabi ko pero ayaw pa rin talaga.

"Kung sino ka mang putanginang mathematician ang nag-imbento nito, sisiguraduhin ko sa 'yong sasaksakin kita kapag nagkasalubong tayong dalawa. Pinapahirapan mo mga estudyante, letche ka! Kapag bibili ba 'ko ng bigas sa tindahan magagamit kitang bwesit ka?!" Inis na bulong ko sa sarili habang diin na diin ang paghawak sa aking ballpen. Pinahiran ko ang aking luha.

"Penny for your thoughts?"

Tumingala ako at isang lalaki ang naglahad sa akin ng panyo.

"Kunin mo na, Miss."

Nahihiya kong tinanggap ang panyo.

"Thanks."

Naupo siya sa harap ko at dumapo ang mata sa mga papel na nakakalat sa lamesa ko.

"Huwag ka nga tumingin."

"May mata ako, eh."

Aba't pilosopo pa!

"E, 'di pumikit ka."

He looked at me with an amused smile. "Pagpumikit ako hindi ko na makikita ang mukha mo."

Huh? Ano raw?

"Ha?"

"Pagpumi-"

"Hotdog."

Ngumisi siya.

"Gusto mo makita hotdog ko?"

Kumunot ang noo ko. "Bastos."

He chuckled. "Medyo lang pero gentleman naman."

"Wala akong paki."

"Sungit mo naman, Miss. Nahihirapan ka ba dyan sa sino-solve mo?"

Taas noo ko siyang tinignan. "Of course not. Ako pa ba? Syempre, kaya ko 'to, 'no."

Ngumisi siya. "Talaga lang, ah? Bakit noong nilapitan kita parang gusto mo nang isaksak ang ballpen mo sa papel?"

Kahit nakakaramdam ng hiya ay nanatiling nakataas ang noo ko.

"Bakit? Eh, sa gano'n ako magsolve, eh."

"Solve it then." Nanghahamon niyang sabi.

Bumagsak ang mga mata ko sa papel na nasa harap. Putangina. Ano, Anna? Kakayanin mo ba?

I pursed my lips and looked at him. Nanghahamon pa rin siyang nakatingin sa akin. Habang tumatagal ang titig ko sa kanya ay pakiramdam ko'y nakita ko na siya noon. Hindi ko nga lang maalala kung saan.

His clean cut hair, dark eyes, pointed nose, thin and reddish lips. Moreno siya at ang kanyang katawan ay sakto lang sa tangkad niya. Pumikit ako at inisip kung saan ko siya nakita. Okay! Gwapo siya! Mas gwapo pa siya kay Keith pero mas gusto ko pa rin si Keith kaysa sa kanya.

"You can't do it, don't you?"

Oo na! Pero hindi ko aaminin sa'yong hambog ka!

"I can do it. Nahihiya lang ang calculator ko dahil may isang hambog na dumating."

He chuckled. "Anong kinalaman ng calculator?"

"Bobo ka ba? Calculator ang ginagamit sa pagso-solve."

Umuwang ang labi niya. Mukhang nagulat sa sinabi ko. Nang marealize ko kung ano ang sinabi ko'y nakaramdam ako ng guilt. Shit! Did I offend him? Kasalanan niya rin naman kasi, eh. Hinahamon pa 'ko, eh, ayaw kong hinahamon ako nang ganito.

But my eyes went wide when he laughed so fucking hard. Literal, dahil lahat ng estudyante na narito ay lumingon sa kanya. Pati ang librarian ay nilingon siya at galit na galit pa.

"Get out if you can't shut your mouth!" Sigaw ng librarian. Sungit.

"Sorry, Ma'am! Nagjoke kasi itong girlfriend ko at natuwa ako masyado," aniya na natatawa pa rin.

Uminit ang pisngi ko. Ano raw?! The audacity of this guy! Ano'ng sinabi niya?!

Rinig ko ang iilang tawa at bulongan ng mga estudyante sa paligid namin. Mas lalong uminit ang pisngi at ang dugo sa lalaking nasa harap ko.

"Gago ka ba?! Ano bang pinagsasasabi mo?!" Sigaw ko.

"You two! Get out, now! Number one rule of this building is to keep silence! Kung may problema kayong magjowa ay sa labas niyo ayusin!" Sigaw sa amin ng librarian.

Dahil sa inis at kahihiyan ay nagmadali akong tumayo para makaalis sa mata ng mga estudyanteng nandito.

Nag-iinit na ang sulok ng aking mga mata. Heck! Ngayon lang ako nasigawan ng ganito sa tanang buhay ko. Nasisigawan naman ako nina Mama't Papa pero sa loob lang ng bahay. Ngayon, dito mismo sa library kung saan maraming estudyante.

I ran as fast as I can. Hindi ko alam kung saan ang destinasyon ko basta ang gusto ko lang ay makaalis at makatakas sa kahihiyang iyon.

I was still running away when I bumped into someone.

"Shit!"

"S-sorry..."

Hindi ko na nilingon pa kung sino ang nabangga ko. Akmang aalis na sana nang hawakan niya ang braso ko.

"You okay?" A familiar voice asked.

"A-ayos lang ako."

Kahit ayaw ko ay pinilit niya kong iharap sa kanya. I heard him sighed.

"Why are you crying?"

Umiling ako nang umiling. Ayaw ko talaga sa lahat ay 'yong tinatanong ako mas lalo lang kasi akong maiiyak kapag gano'n.

Aalis na sana ako ulit nang hawakan niya ang braso ko ng mahigpit. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang hawiin niya ang buhok kong nakakalat sa mukha ko. Nagulo ata noong tumatakbo ako.

"You look like...shit, Veranda." bulong niya.

Parang tumigil ang paghinga ko nang hawakan niya ang baba ko at inangat. My lips parted. In front of me is the ever serious Maven Keith Morin, his eyebrows met while wiping my face with his white handkerchief.

Dahil mas matangkad siya sa akin ay kailangan niya pang yumuko para magpantay kami. Para na 'kong aatakihin sa puso dahil hawak niya pa rin ang baba ko at kasalukuyang pinupunasan ang mukha ko. I can't fucking believe it! Kanina ay hinihiling ko lang na sana ay makita o masulyapan ko lang siya pero higit pa roon ang ibinigay sa akin.

Should I thank the librarian for scolding me the reason why I'm here with him?

Nakatitig ako sa kanya habang pinupunasan pa rin ako. This felt surreal! My heart is beating so loud! I'm afraid he might hear it!

"Hoy, Keith! Ano 'yan, ah?!"

Keith stopped and realize what he's doing. Tumikhim siya at nilingon ang dalawang lalaking nakangisi sa kanya...o sa amin?

"Education ba next target natin, bro?" The guy who's holding a white chart said.

Uminit ang pisngi ko. Lumayo naman siya sa akin at hinarap ang dalawang lalaki.

"Shut up, Drix," masungit na sabi ni Keith.

Umiling ang isang lalaki. "You better watch out with that guy, Miss Education. Matinik 'yan."

Keith muffled some curses. Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay sa palad ang puting panyo.

"Fix yourself, Veranda." He said before leaving me.

Kaugnay na kabanata

  • Glimpse of Perfection   Kabanata 6

    Para akong tanga na nakatayo pa rin doon. I still can't fucking believe it! Malakas pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa interaksyon namin kanina. Oh my God! Makakatulog pa kaya ako mamaya nito?I bit my lower lip when my eyes dropped to the white handkerchief on my hand. I smiled. Putangina! Anong nangyari kanina?! Shit! Shit! Shit!Shamelessly, I sniffed his handkerchief.Amoy downy passion! I giggled. Dapat bang downy passion na rin ang gagamitin kong fabric conditioner para parehas kami ng amoy? Hmm... siguro! Wala namang masama, hindi ba?Umupo ako sa malapit na kiosk. Wala masyadong estudyante rito dahil abala sa darating na intramurals. Huminga ako ng malalim at nilapag sa lamesa ang mga gamit na dala."Ang galing naman ni tadha

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • Glimpse of Perfection   Kabanata 7

    Ang walang hiyang iyon! Anong karapatan niyang paki-alaman ang privacy ko?! Pati password ko pinalitan! How did he fucking do that?! IT student ba siya?I gritted my teeth. Nakakainis! Mas lalong nadagdagan ang inis ko sa lalaking 'yon!How can I open my fucking phone?!Kinabukasan ay wala pa rin ako sa mood. Nasungitan ko pa si Michelle dahil inis na inis pa rin ako! Hindi ko mabuksan ang cellphone ko dahil pinalitan nung gagong 'yon at hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin dahil hindi ko naman alam ang pangalan at kurso niya.Bobo ko rin, eh. Bakit 'di ko kasi tinanong ang pangalan niya?!Nang maalala ko kung bakit hindi ko na siya natanong pa kagabi ay uminit ang pisngi ko. I

    Huling Na-update : 2021-08-08
  • Glimpse of Perfection   Kabanata 8

    Hanggang ngayon ay para paring sirang plaka ang boses niyang paulit-ulit kong naririnig kahit pa nakaalis na ko roon. Heck! Hiyang hiya ako sa kanya! Bakit naman kasi lumapit pa siya nang gano'n sa akin? E 'di sana hindi niya naamoy 'yong...Umiling ako. Shit! Ayaw ko na balikan 'yon. Sobrang nakakahiya!Papasok na 'ko sa huling subject ngayong hapon, academic advising iyon nang madatnan ko si Michelle na nasa hamba ng pintuan. Halatang hinihintay ako. Nakakunot ang noo at nasa magkabilang bewang ang kanyang dalawang kamay. Animo'y nanay na hinihintay ang anak na matagal umuwi."Ano'ng eksena 'yong kanina, Anna?"I rolled my eyes. "Acting lang 'yon. Nagpa-practice kami para sa theatrical arts."

    Huling Na-update : 2021-08-09
  • Glimpse of Perfection   Kabanata 9

    "Salamat nga pala ulit, ah."Tumango ito. "You're always welcome, Miss Intramurals."Umiling ako habang natatawa. "Stop kidding around! Kanina mo pa 'ko inaasar n'yan!"Nagkibit siya ng balikat at ngumiti sa akin. Sobrang gaan ng pakiramdam ko pagkatapos niya 'kong dalhin sa dagat kanina. Sabayan mo pa ng boses niyang parang dinuduyan ka."I know that you will gonna win.""Hindi ka naman siguro si Madam Auring, hindi ba?"Parehas kaming natawa. Umiling siya. He commanded me to go inside, umiling naman ako."Tsaka na 'ko papasok kapag nakaalis ka na," wika ko.

    Huling Na-update : 2021-08-10
  • Glimpse of Perfection   Kabanata 10

    I was left dumbfounded. Hindi pa rin ako makagalaw. Nakaalis na siya sa harap ko pero ako? Parang napako na ata ako sa aking kinatatayuan.Ano 'yon?I was battling with my mind if should I follow him. Huminga ako ng malalim, umirap at umalis doon para hanapin siya. I felt guilty. Maybe because he was the one who invited me and he even reserved a seat for me. Tapos sa huli ay sa iba ako lalapit. Nagpunta ako sa deck area kung saan nandoon ang mga players, nagbabakasakaling naroon din siya kaso wala. I tried to call him pero hindi naman niya sinasagot.Kinabukasan ay hindi ko siya mahagilap. Medyo nanibago pa 'ko kasi walang nangungulit sa akin. Sa araw na iyon din ay todo practice kami para sa darating na pageant."He let me wiped his

    Huling Na-update : 2021-08-14
  • Glimpse of Perfection   Kabanata 11

    "Ang judgemental mo naman, Ma'am," he replied while laughing without humor. Umiling-iling siya at tila ba hindi gusto ang sinabi ko. I gulped and looked away. Masyado ba talaga 'kong naging mapanghusga kaya ganito na lamang ang reaksyon niya? Pero gano'n naman kadalasan ang mga basketball player, 'di ba? Every place, replace. Every court there's a new girl they will hurt. Iyong iba nga sa sobrang galing sa basketball pati rin sa relasyon. Iyong tipong kahit anong bantay mo sa kanya nakakahanap pa rin ng paraan para makahanap at makashoot sa iba. "If you had a bad experience about basketball players, please stop stereotyping. Hindi lahat manloloko at babaero," his voice is full of disappointments and frustrations. I bit my lower li

    Huling Na-update : 2021-08-19
  • Glimpse of Perfection   Kabanata 12

    "Ready ka na, Anna?" Miss Lariva asked.Huminga ako ng malalim. Mamayang alas sais na ang pageant at ngayon ay ang talent portion namin. Kabadong kabado na 'ko pero mas pinanatili kong maging kalmado. I don't want to disappoint my department. They chose me to be their candidate because they saw something in me.I don't want to mess things up. I need to calm down."H-handa na po, Miss."She held my hand. "Kaya mo 'to. Andito lang kami, hindi ka namin iiwan."I smiled. "Salamat, Miss."Ngumiti rin siya sa akin. Nilingon niya ang repleksyon ko sa salamin. Andito pa kami sa backstage dahil inaayusan pa ang iilan sa mga kandidatang kasam

    Huling Na-update : 2021-08-19
  • Glimpse of Perfection   Kabanata 13

    Nanlaki ang mga mata ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya. It was just a peck but I really did feel his lips on my lips. Itinayo niya 'ko at dinig na dinig ko ang palakpakan at hiyawan ng mga tao, but my attention wasn't on them.My eyes went to the guy who sang the song. Pero nakaramdam ako ng kurot nang makitang wala na siya roon. I scanned my eyes around to find him but I don't know where he is.Santrius."Oh, wow! That was a very romantic performance candidate number seven! Mukhang na-late lang ang partner mo nang dating," he said while walking towards our direction."Are you Francis Feliciano? Iyong pinapahanap niya kanina pa?" Tanong pa nito.Pa

    Huling Na-update : 2021-08-19

Pinakabagong kabanata

  • Glimpse of Perfection   Wakas

    Nakakasawa na. Napapagod na ‘kong marinig ang paulit ulit nilang sigawan. Gabi gabi ay nagigising ako hindi dahil sa bangungot kung hindi sa sigawan ng mga magulang ko at sa mga hikbi ni Mama.“Tell me, Harold. Siya pa rin, hindi ba? Siya pa rin sa loob ng ilang taon, ‘di ba?!”“Santina, you better sleep—““No! How can I sleep if my husband is sleeping with another woman?! Are we not enough for you? Hindi ba kami sapat ng mga anak mo sa ‘yo, ha!”“They’re enough! They’re more than enough!” my father’s voice roared like a lion when he shouted those words towards my mother.Kitang-kita ko kung paano tumulo ang luha ni Mama. “Then why are you hurting us? Parehas na kayong may pamilya pero bakit nagagawa niyo pa rin ito?!”“Because no matter what you do, you can never replace her! Naiintindihan mo ba ‘ko, ha?! Siya ang mahal ko! Siya

  • Glimpse of Perfection   Kabanata 45

    Pagkatapos ng usapan namin ay agad niya ‘kong hinatid pabalik sa ospital. I was exhausted and worn out, but I still chose to stay at my daughter’s room. Hindi ako mapapanatag kapag sa bahay ako natulog. When he pulled over, sandali muna akong nanatili roon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Keith.Should I say goodbye? Good night?“Bumaba ka na, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at baka bawiin pa kita,” namamaos niya’ng sabi.I cleared my throat. “U-uhmm…”“Until we meet again, Anna. Now, go. Your home is waiting for you.”Nilingon ko siya. Nakahilig siya sa upuan habang nakapikit. Mahigpit din ang kapit niya sa manibela. Tumango ako kahit alam kong hindi niya iyon nakikita.“Good night, Keith.”Tahimik akong lumabas ng kanyang sasakyan pero kahit gano’n ay narinig ko pa rin ang huli niyang sinabi.“I will lay down my heart and I&

  • Glimpse of Perfection   Kabanata 44

    "Keith, I'm sorry . . ." I whispered andmy voice started to shake.The pain is very visible in his eyes. Hindi ko na napigilan pa ang hikbi ko. If he's intention is to propose to me in front of his clan so that I would never decline to his proposal is so fucked up. Ano? Iipitin niya 'ko sa ganitong sitwasyon para masiguro niyang masasagot ko siya ng oo? This is so selfish!"Ano pa ba ang dapat kong gawin, Anna? Kung ano man 'yong pagkukulang ko sabihin mo at pupunan ko just please... ako na lang ang pakasalan mo. I'm begging you, please." Aniya habang nakaluhod pa rin.Umiling ako. "Wala kang dapat na baguhin, hindi ka kulang. S-sadyang hindi lang talaga ikaw ang mahal ko. Please stand up. Huwag kang magmakaawa sa akin.""Magmamakaawa

  • Glimpse of Perfection   Kabanata 43

    Inirapan ko lang siya atsaka kami sabay na bumaba habang hawak niya pa rin ako sa beywang. Hope ran to her Tita Sunny who's looking so sophisticated and beautiful on her white body con off shoulder dress na may kahabaan ang likod. Nakangiti naman niyang sinalubong si Hope at hinawakan ang kamay para sabay silang makalabas papunta sa kanilang hardin.Nag-umpisang manginig ang aking kamay nang mapansin kong marami ng tao kahit nasa bulwagan pa lang kami. All of them are wearing their beautiful dresses. May nakita pa 'kong nakasuot ng tuxedo. Nawindang naman ako roon. Hindi ko alam kung business party ba ito o ano? I heaved a deep breath when Santri held my hand as we walked towards their garden.Nakita ko ang iilan sa kanila ay nilingon kami. Some of them smiled and some of them didn't. I tried to hide my nervousness by smiling pero kahit

  • Glimpse of Perfection   Kabanata 42

    Umiling siya nang umiling. "I can't, Anna. Hindi ko kayang bitawan ka." Mahina niyang sabi.Nanlumo ako. Why the fuck he can't do that?! Ano bang meron sa akin at hindi niya ko kayang bitawan? I already told him that I can't reciprocate his love for me! Kapag pinagpatuloy niya ang nararamdaman niya sa akin ay patuloy lang siyang masasaktan. At hindi lang ako pati na rin ang kapatid niya at mga taong nakapaligid sa amin."Asshole!" Umawang ang labi ko nang bumalagta sa sahig si Keith dahil sa nagpupuyos na galit na si Santri. I can see the veins on his forehead. Ang kanyang kamao ay mariing nakakuyom at gigil na gigil ang mukha. Gustong gusto pa atang suntokin si Keith.Somehow, this scene reminded me of what had happened years ago. Iyong mga panahon na sinuntok ni Keith si Santri dahil

  • Glimpse of Perfection   Kabanata 41

    "Uh..." I don't know what to say. Kabado pa rin ako dahil sa rami ng tao rito sa kanilang sala. Ito na ba ang buong angkan niya? Bakit ang agad naman ata nila? Mas lalong dumoble ang kaba ko dahil sa paraan ng tingin nila sa akin.Hindi ko alam kung anong iniisip nila ngayon.Iniisip ba nila na ako ang anak ng kabit ni Tito Harold noon?Iniisip ba nila na ako ang sumira sa kasal nina Santri at Emerald? Pero ang sabi ni Emerald sa akin ay pagpapanggap lang daw iyon para maprotektahan ako ni Santrius.Nilingon ko si Santri para manghingi ng tulong. Umiling siya habang natatawa bago ako hinawakan sa baywang at hinapit sa kanya. I gasped. Nakita ko rin ang gulat sa mukha ng kanyang kapatid.

  • Glimpse of Perfection   Kabanata 40

    "Hope is longing with his father, Anna. Tingnan mo, halos hindi na niya bitawan ang Daddy niya." wika ni Michelle habang tinatanaw ang mag-ama ko na naglalaro kasama ang kanyang pamangkin.I heaved a deep breath. Tinanaw ko ang mag-ama ko at nakita ko ang malawak na ngiti ng aking anak. Gano'n din si Santrius, makikita mo sa mukha niya ang galak habang nakikipaglaro sa aming anak.Natigilan ako.Aming anak.Nakakapanibago. Is it real?"Alam ko naman 'yon pero sobrang natakot talaga 'kong harapin si Santri. Alam mo naman, 'di ba? Ang buong akala ko'y kasal sila ni Emerald. Kung babalik ako rito tapos makikita kong may iba na siyang pamilya, madudurog lang ako. Kaya mas pinili ko na lang ang itago si Hope."Michelle l

  • Glimpse of Perfection   Kabanata 39

    Hindi siya nakagalaw. He was just staring at me intently. I bit my lower lip and pushed myself to him. He closed his eyes and when he opened it, mas lalong dumilim ang kanyang mga mata. He closed the door behind me. Napasinghap ako nang hinapit niya ang aking katawan at hinalikan nang mariin.Para akong sinilaban nang mas palalimin niya pa ang halik. I moaned when his hand went inside my shirt. I craned my neck when his kisses went down. Impit akong napaungol nang kagatin niya ang leeg ko. What the hell!"Santri!" imbes na sawayin siya sa ginawa ay mas nagmukha pa iyong ungol. He wrapped my legs around his waist. Naglakad siya papunta sa kung saan habang hindi pinuputol ang aming halikan. Maingat niya 'kong binaba sa couch at tinitigan.I gulped when his eyes bore into me. He looks lik

  • Glimpse of Perfection   Kabanata 38

    "Thank you so much, hija. Iyong bigat sa dibdib na matagal ko nang dinadala, ngayon ay unti-unti nang gumagaan dahil sa kapatawaran na ibinigay mo sa akin," madamdaming wika ni Harold Aquino.I wiped my tears away. "You're welcome po. I just realize that if I will not forgive you, patuloy lang po akong magagalit sa inyo and I don't want that. Hindi po ako marunong magtanim ng galit.""Thank you so much, hija."I smiled at him. Huminga ako ng malalim at nakaramdam ng ginhawa. I realized as well that it's okay to get hurt, to cry, and to feel the pain because that makes us human. We have to learn how to acknowledge pain and sufferings, because if we will not acknowledge them it will lead us to bitterness.Patuloy tayong magagalit sa mun

DMCA.com Protection Status