Share

Kabanata 1

Author: Archeraye
last update Huling Na-update: 2021-07-15 21:11:41

Naiiyak akong lumabas ng administrator’s office habang hawak hawak ang puting folder kung saan nakalagay ang aking requirements para sa entrance examination sa dream school ko. Huminga ako ng malalim at pigil na pigil ang sarili na huwag nang maiyak pero hindi ko pa rin talaga mapigilan. Umupo ako sa hagdan at tinabunan ang aking mukha, tahimik na umiiyak.

Naalala ko tuloy ang sinabi ng nasa admin office kanina.

“Sorry, Miss, but we really need your PSA. Hindi pwede ang ganitong certificate lang.”

“M-ma’am, baka naman po pwede niyong i-consider itong application ko? Ma’am, galing pa po akong Leyte, Ma’am,” pagmamakaawa ko sa dalawang babae na siyang nag-aasikaso ng applications naming mga estudyante.

Umiling iyong babaeng mahaba ang buhok. “I’m really sorry but we can’t accept your application unless you have the right requirements. Next, please.”

Mas lalo akong naiyak dahil doon. Halo halo ang nararamdaman ko ngayon. Inis dahil sa letching PSA na sobrang tagal dumating at kailangan ko nang lumipad papunta rito sa Manila, sakit dahil nareject ako, panghihinayang dahil hindi ako nakapasok sa dream school ko, hiya dahil nagpumilit pa ‘ko sa Mama ko na sa Maynila ako mag-aaral, at disappointment sa sarili ko.

I failed.

And my mind screams that I am a failure.

Ano na lang ang sasabihin ko kay Mama? Magagalit kaya siya? Si Papa? Would they consider me as a disappointment? A failure? Mas lalo akong natakot. Ayaw ko pa naman sa lahat na nadidisappoint ko sila. Pakiramdam ko napakawala kong kwentang anak kapag nakita ko sa kanilang mukha ang pagkabigo.

I gently wiped my tears away when my phone rang. Napapikit ako at agad na ginapangan ng kaba dahil tumatawag ngayon si Mama. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at nanginginig pa ang mga kamay. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba. Natatakot ako at kinakabahan. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya.

Nang mamatay ang tawag ay huminga ako ng malalim. Tumingala ko at nilibot ang paningin sa school building. Malaki ang school na ito. Nakakalula sa laki.

I was so excited to apply here and took up BS Psychology because that is my dream course. My dream is to be a registered Psychologist, but because of the unfortunate thing that happened, my dream is shattered. I got rejected and rejections hit differently. It’s hard to deal with it most especially if the expectations of the people that surround you is high. . . or is it just me? I don’t know.

Napayuko at muling tumulo ang isang butil ng luha sa aking folder. Ang sakit. Sobra. Pero ano pa bang magagawa ko? Alangan naman na maglupasay ako sa sahig at umiyak nang umiyak o kaya’y sumigaw nang sumigaw. May mangyayari ba? Wala. Baka mabalita pa ‘ko sa TV ng wala sa oras kapag ginawa ko iyon.

Suminghot ako, pinahiran ang pisngi at tumayo. “Siguro hindi talaga para sa akin ito,” bulong ko atsaka naglakad papalabas ng university.

Nang tuloyan akong makalabas ay bumungad sa akin si Kuya Gin, ang pinsan ko. Pinilit kong ngumiti at ilang beses na kumurap para pigilan ang pagtulo ulit ng aking luha. Lumapit sa akin si Kuya at tinapik ang aking balikat.

“Think positive, Anna. A new door of opportunity will open for you. Tara sa Jollibee, libre kita para hindi ka na malungkot,” ani Kuya atsaka inakbayan ako.

Ngumiti ako at tumango. “May rason siguro kaya hindi ako nakapasok sa dream school ko.”

“Everything happens for a reason, Anna.” saad niya bago binuksan ang kotse ng kanyang sasakyan para sa akin. Pumasok ako sa loob at umikot naman siya para makaupo sa driver’s seat.

I sighed and glanced at my dream school one last time. Rejections hurt so much, but all I can do at that exact moment is to accept the reality that it’s not meant for me. Not all things that we want would fall into place.

Pinark niya ang sasakyan at sabay kaming lumabas ng sasakyan. Nauuna siya sa aking maglakad habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Pumasok siya sa Jollibee kaya sumunod na rin ako. Siya na ang pumila at tinanong lang ako kung ano ang gusto ko.

“Spaghetti na lang po, fries, at isang drink.”

Tumango siya. Naghanap naman ako ng upuan at naupo roon. Binaba ko sa gilid ng lamesa ang folder at tinitigan ito. Naagaw ang aking atensyon nang tumunog ang cellphone ko. Huminga ako ng malalim nang makita kung sino na naman ang tumatawag.

Mama.

Ayaw kong sagutin. Natatakot ako sa kung ano ang sasabihin ko at kung ano ang sasabihin niya. Nang mamatay ang tawag ay nakatanggap ako ng mensahe galing ulit sa kanya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang mabasa iyon.

Mama:

Nak, sinabi na sa akin ng Auntie mo ang nangyari. Umuwi ka na lang dito. Nakapasa ka sa VSU, ‘nak.

Nanginginig ang kamay ko habang nagtitipa ng mensahe sa kanya. Nakapasa ako?! Hala, totoo ba ‘to?!

Ako:

Talaga, Ma? Nakapasa ako? Akala ko magagalit ka sa ‘kin.

Mama:

Oo, may schedule na kayo ng interview. Tsaka bakit naman ako magagalit sa ‘yo? May dahilan kaya ka hindi tinaggap diyan, ‘nak. Uwi ka na, ha? Marami pa tayong aasikasuhin.

Napahinga ako ng maluwag. Akala ko magagalit siya sa ‘kin. Akala ko pagagalitan ako kasi nagsayang lang ako ng pera.

I used to overthink things, and that would lead me to negativities. Sometimes, I lost my concentration because of my inner demons. They are poisoning my mind. I tried to control them, but I can’t. They are part of my being. My inner demons would suddenly awaken, no matter how hard I tried to hide them underneath.

Dumating si Kuya Gin dala dala ang pagkain kaya pansamantala kong nakalimutan ang bigat na nararamdaman. Nag-usap kami saglit pagkatapos ay umuwi na kami sa kanila. Alam nina Auntie at Uncle na malungkot ako kaya hinayaan na muna nila ako sa loob ng kwarto kung saan ako tumutuloy. Pumasok naman ang pinsan ko na si Gelly, kinukulit ako na manood daw kami ng 13 Reason’s Why.

Nagulat ako nang yumakap siya sa akin bigla. “Ano ba ‘yan. Ayokong umuwi ka,” natatawag sabi niya.

“Paano ba ‘yan ang tadhana na mismo ang nagdesisyon na umuwi ako roon? Nakapasa ako sa VSU, eh. Kailangan kong umuwi at asikasuhin ang mga dapat na asikasuhin.”

Huminga siya ng malalim at tumahimik. Sa susunod na linggo ay uuwi na ‘ko sa amin. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ‘ko sa kurso ko. Noong nakaraang buwan kasi kung saan nagpa-exam ang VSU ay nag-exam na rin ako dahil iyon ang gusto ni Mama. Gusto niyang education din ang kunin ko katulad ng nakakatanda kong kapatid na babae.

Wala naman akong magawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Aniya’y parang back-up plan ko na rin kung sakali mang hindi ako palarin dito sa Maynila. Ngayon na hindi nga ay magagamit ko ang back-up plan na sinabi ng Mama ko.

“Mag-ingat ka sa byahe, ha?” wika ni Auntie.

Tumango naman ako atsaka niyakap ang dalawa kong pinsan. Ngumiti ako sa kanila bago pumasok sa grab. Kumaway muna ako sa kanila hanggang sa unti-unti akong makalayo sa kanila. Nang makarating sa airport ay agad akong nagtipa ng mensahe kay Mama na nasa airport na ‘ko. Wala akong reply na natanggap kaya nilagay ko na lang sa loob ng bulsa ang cellphone ko.

I spent almost two hours on the plane because it was delayed. As soon as I arrived at Tacloban Airport, I rode on the bus to Javier, Leyte, my hometown. I fell asleep during the trip. Nagising na ako noong nasa Javier Bus Station na. Bumaba ang mga pasahero kaya bumaba na rin ako. May dala akong isang bagahe at isang hand carry.

Sumakay ako ng tricycle atsaka nagpahatid papunta sa baranggay Calzada kung saan doon kami nakatira. Pagkarating sa bahay ay agad akong nagbayad sa drayber at nagpasalamat. Pumasok ako sa gate at kahit nandoon pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang bangayan ng mga magulang ko. Isa rin sa dahilan kaya ayaw kong manatilli rito ay dahil sa kanilang dalawa. Nagsasawa na ‘ko sa paulit ulit nilang away. Hindi ko alam kung bakit pa sila nagsasama kung palaging ganito ang eksena nilang dalawa.

Nang tumahimik ay tsaka lang ako tuloyang pumasok. Nakahiga si Papa at nanonood ng balita sa TV habang si Mama naman ay nasa kusina at may niluluto. Huminga ako ng malalim at nilagay sa tabi ang ang mga bagahe.

“Oh, andito ka na pala,” wika ni Papa atsaka lumapit sa kanya. He kissed my forehead and asked some questions.

Nang pinuntahan ko si Mama sa kusina ay nakita kong mamulamula ang kanyang mga mata. Bumigat ang aking pakiramdam pero tinago ko ‘yon at nagmano sa kanya.

“Kumusta ang byahe?”

“Okay naman po.”

“Bukas na bukas ay pupunta tayo sa VSU para sa interview mo, okay?”

Umiling ako. “Ako na lang, Ma. Kaya ko naman—“

Umiling siya. “Hindi, sasamahan kita.”

I sighed and nod. Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis. Muli kong narinig ang bangayan ng dalawa at hindi ko na naman napigilan ang maiyak.

My dreams have broken, and it was painful. But the most painful is when the family that I thought was perfect had already shattered into pieces a long time ago.

Kaugnay na kabanata

  • Glimpse of Perfection   Kabanata 2

    I never wanted to study in VSU, but I don't have a choice. I disobey mother and the outcome was bad so I had to adjust. Isa pa, hindi naman ako nag-iisa. Kasama ko si Michelle. Kaklase ko noong high school pero iyon nga lang ay magkaiba kami ng dorm. The first thing I saw as I opened my eyes was my hand-written letters or, more on reminders, attached on the deck above my bed. I wrote them last night to keep me motivated and to study hard every day. I sighed and read them one by one. Goals Wear the black toga and get that diploma Work in Thailand Give back to my parents Travel the world Be RICH! Ps. Bumangon ka na at magsikap kasi hindi ka mayaman! Ngumiti ako atsaka bumangon. Siguro kung tatanungin man ako ng Nescafe ngayon kung para kanino ako bumabangon, isasagot ko ay itong l

    Huling Na-update : 2021-07-17
  • Glimpse of Perfection   Kabanata 3

    Time flies so fast, now, I am preparing for our acquaintance party. The party will begin on 7 o’clock. Alas sinco y media pa lang naman kaya hinahanda ko na muna ang aking susuotin mamaya. Wala naman kaming specific na dress code. Basta ang importante ay formal. Abala ako sa paghahanda nang tumunog ang aking cellphone. Senyales na may mensahe akong natanggap sa messenger. Nakalagay iyon sa aking bed side table. Kinuha ko iyon at naupo sa aking kama. Huminga ako ng malalim nang mabasa kung kanino iyon galing. Mama: Anna, huwag kang magpapagabi. Pwede ka mag-enjoy pero alalahanin mo ang oras. Nagtipa naman ako ng reply para sa kanya. Simula noong nagdalaga ako ay mas humigpit si Mama sa akin. Minsan nga ay naiingit na ‘ko sa mga kaklase ko at kabatchmates dahil naranasan nila ang mag-overnight kasama ang mga kaibigan nila. Nakakasama lang ako kapag kasama ko ‘yong pinsan ko na si Honey. Pero kahit kasama ko siya, oras-oras naman akong tinatawagan para p

    Huling Na-update : 2021-07-19
  • Glimpse of Perfection   Kabanata 4

    "Did you get me, class?" Sir Dee asked.Lutang akong tumango. Kapag Math talaga ang subject inaantok ako. Paano ba naman kasi wala akong maintindihan. Mabuti na lang at may naintindihan si Michelle, magpapaturo na lang ako.Lahat kami'y nilingon ang pinto nang may kumatok. Lumapit si Sir doon at binuksan ang pinto. Nahuhulog na ang talukap ng aking mga mata dahil nga ina-antok na ko. Last week lang din ay sumuong kami sa kalbaryo dahil nga midterm exam."Transferee po kasi ako, Sir."Humikab ako at tinabunan ng kamay ang aking mukha. Mahina kong sinampal ang sarili. Come on, wake up! Baka ito pa ang ikabagsak mo, girl!"Oh my God!"

    Huling Na-update : 2021-07-22
  • Glimpse of Perfection   Kabanata 5

    Hala. Anong nangyari roon? Napakadramatic naman ng grand exit niya. Akalain mo 'yon, lahat ng taong narito tumahimik na animo'y may dumaang anghel. Well, anghel naman talaga siya. He gave me a second chance. Kung hindi niya 'ko binigyan ng ikalawang pagkakataon ay hindi ako makakapasok sa grupo."Congratulations sa inyong lahat! At sa mga hindi pinalad na makapasok sa grupo, huwag kayong mag-alala there would always be a next time. You guys did great! Thank you so much for participating and good night!" Wika ni Almira.Ngumiti si Kristel, ang babaeng petite. "Pagpasensyahan niyo na kung biglang nagwalk out si Keith kanina. May project pa raw siyang gagawin. Mabuti na lang at naisingit niya ang screening na 'to sa schedule niya.""At masyadong seryoso iyon sa pag-aaral kaya sa t'wing ma

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • Glimpse of Perfection   Kabanata 6

    Para akong tanga na nakatayo pa rin doon. I still can't fucking believe it! Malakas pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa interaksyon namin kanina. Oh my God! Makakatulog pa kaya ako mamaya nito?I bit my lower lip when my eyes dropped to the white handkerchief on my hand. I smiled. Putangina! Anong nangyari kanina?! Shit! Shit! Shit!Shamelessly, I sniffed his handkerchief.Amoy downy passion! I giggled. Dapat bang downy passion na rin ang gagamitin kong fabric conditioner para parehas kami ng amoy? Hmm... siguro! Wala namang masama, hindi ba?Umupo ako sa malapit na kiosk. Wala masyadong estudyante rito dahil abala sa darating na intramurals. Huminga ako ng malalim at nilapag sa lamesa ang mga gamit na dala."Ang galing naman ni tadha

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • Glimpse of Perfection   Kabanata 7

    Ang walang hiyang iyon! Anong karapatan niyang paki-alaman ang privacy ko?! Pati password ko pinalitan! How did he fucking do that?! IT student ba siya?I gritted my teeth. Nakakainis! Mas lalong nadagdagan ang inis ko sa lalaking 'yon!How can I open my fucking phone?!Kinabukasan ay wala pa rin ako sa mood. Nasungitan ko pa si Michelle dahil inis na inis pa rin ako! Hindi ko mabuksan ang cellphone ko dahil pinalitan nung gagong 'yon at hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin dahil hindi ko naman alam ang pangalan at kurso niya.Bobo ko rin, eh. Bakit 'di ko kasi tinanong ang pangalan niya?!Nang maalala ko kung bakit hindi ko na siya natanong pa kagabi ay uminit ang pisngi ko. I

    Huling Na-update : 2021-08-08
  • Glimpse of Perfection   Kabanata 8

    Hanggang ngayon ay para paring sirang plaka ang boses niyang paulit-ulit kong naririnig kahit pa nakaalis na ko roon. Heck! Hiyang hiya ako sa kanya! Bakit naman kasi lumapit pa siya nang gano'n sa akin? E 'di sana hindi niya naamoy 'yong...Umiling ako. Shit! Ayaw ko na balikan 'yon. Sobrang nakakahiya!Papasok na 'ko sa huling subject ngayong hapon, academic advising iyon nang madatnan ko si Michelle na nasa hamba ng pintuan. Halatang hinihintay ako. Nakakunot ang noo at nasa magkabilang bewang ang kanyang dalawang kamay. Animo'y nanay na hinihintay ang anak na matagal umuwi."Ano'ng eksena 'yong kanina, Anna?"I rolled my eyes. "Acting lang 'yon. Nagpa-practice kami para sa theatrical arts."

    Huling Na-update : 2021-08-09
  • Glimpse of Perfection   Kabanata 9

    "Salamat nga pala ulit, ah."Tumango ito. "You're always welcome, Miss Intramurals."Umiling ako habang natatawa. "Stop kidding around! Kanina mo pa 'ko inaasar n'yan!"Nagkibit siya ng balikat at ngumiti sa akin. Sobrang gaan ng pakiramdam ko pagkatapos niya 'kong dalhin sa dagat kanina. Sabayan mo pa ng boses niyang parang dinuduyan ka."I know that you will gonna win.""Hindi ka naman siguro si Madam Auring, hindi ba?"Parehas kaming natawa. Umiling siya. He commanded me to go inside, umiling naman ako."Tsaka na 'ko papasok kapag nakaalis ka na," wika ko.

    Huling Na-update : 2021-08-10

Pinakabagong kabanata

  • Glimpse of Perfection   Wakas

    Nakakasawa na. Napapagod na ‘kong marinig ang paulit ulit nilang sigawan. Gabi gabi ay nagigising ako hindi dahil sa bangungot kung hindi sa sigawan ng mga magulang ko at sa mga hikbi ni Mama.“Tell me, Harold. Siya pa rin, hindi ba? Siya pa rin sa loob ng ilang taon, ‘di ba?!”“Santina, you better sleep—““No! How can I sleep if my husband is sleeping with another woman?! Are we not enough for you? Hindi ba kami sapat ng mga anak mo sa ‘yo, ha!”“They’re enough! They’re more than enough!” my father’s voice roared like a lion when he shouted those words towards my mother.Kitang-kita ko kung paano tumulo ang luha ni Mama. “Then why are you hurting us? Parehas na kayong may pamilya pero bakit nagagawa niyo pa rin ito?!”“Because no matter what you do, you can never replace her! Naiintindihan mo ba ‘ko, ha?! Siya ang mahal ko! Siya

  • Glimpse of Perfection   Kabanata 45

    Pagkatapos ng usapan namin ay agad niya ‘kong hinatid pabalik sa ospital. I was exhausted and worn out, but I still chose to stay at my daughter’s room. Hindi ako mapapanatag kapag sa bahay ako natulog. When he pulled over, sandali muna akong nanatili roon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Keith.Should I say goodbye? Good night?“Bumaba ka na, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at baka bawiin pa kita,” namamaos niya’ng sabi.I cleared my throat. “U-uhmm…”“Until we meet again, Anna. Now, go. Your home is waiting for you.”Nilingon ko siya. Nakahilig siya sa upuan habang nakapikit. Mahigpit din ang kapit niya sa manibela. Tumango ako kahit alam kong hindi niya iyon nakikita.“Good night, Keith.”Tahimik akong lumabas ng kanyang sasakyan pero kahit gano’n ay narinig ko pa rin ang huli niyang sinabi.“I will lay down my heart and I&

  • Glimpse of Perfection   Kabanata 44

    "Keith, I'm sorry . . ." I whispered andmy voice started to shake.The pain is very visible in his eyes. Hindi ko na napigilan pa ang hikbi ko. If he's intention is to propose to me in front of his clan so that I would never decline to his proposal is so fucked up. Ano? Iipitin niya 'ko sa ganitong sitwasyon para masiguro niyang masasagot ko siya ng oo? This is so selfish!"Ano pa ba ang dapat kong gawin, Anna? Kung ano man 'yong pagkukulang ko sabihin mo at pupunan ko just please... ako na lang ang pakasalan mo. I'm begging you, please." Aniya habang nakaluhod pa rin.Umiling ako. "Wala kang dapat na baguhin, hindi ka kulang. S-sadyang hindi lang talaga ikaw ang mahal ko. Please stand up. Huwag kang magmakaawa sa akin.""Magmamakaawa

  • Glimpse of Perfection   Kabanata 43

    Inirapan ko lang siya atsaka kami sabay na bumaba habang hawak niya pa rin ako sa beywang. Hope ran to her Tita Sunny who's looking so sophisticated and beautiful on her white body con off shoulder dress na may kahabaan ang likod. Nakangiti naman niyang sinalubong si Hope at hinawakan ang kamay para sabay silang makalabas papunta sa kanilang hardin.Nag-umpisang manginig ang aking kamay nang mapansin kong marami ng tao kahit nasa bulwagan pa lang kami. All of them are wearing their beautiful dresses. May nakita pa 'kong nakasuot ng tuxedo. Nawindang naman ako roon. Hindi ko alam kung business party ba ito o ano? I heaved a deep breath when Santri held my hand as we walked towards their garden.Nakita ko ang iilan sa kanila ay nilingon kami. Some of them smiled and some of them didn't. I tried to hide my nervousness by smiling pero kahit

  • Glimpse of Perfection   Kabanata 42

    Umiling siya nang umiling. "I can't, Anna. Hindi ko kayang bitawan ka." Mahina niyang sabi.Nanlumo ako. Why the fuck he can't do that?! Ano bang meron sa akin at hindi niya ko kayang bitawan? I already told him that I can't reciprocate his love for me! Kapag pinagpatuloy niya ang nararamdaman niya sa akin ay patuloy lang siyang masasaktan. At hindi lang ako pati na rin ang kapatid niya at mga taong nakapaligid sa amin."Asshole!" Umawang ang labi ko nang bumalagta sa sahig si Keith dahil sa nagpupuyos na galit na si Santri. I can see the veins on his forehead. Ang kanyang kamao ay mariing nakakuyom at gigil na gigil ang mukha. Gustong gusto pa atang suntokin si Keith.Somehow, this scene reminded me of what had happened years ago. Iyong mga panahon na sinuntok ni Keith si Santri dahil

  • Glimpse of Perfection   Kabanata 41

    "Uh..." I don't know what to say. Kabado pa rin ako dahil sa rami ng tao rito sa kanilang sala. Ito na ba ang buong angkan niya? Bakit ang agad naman ata nila? Mas lalong dumoble ang kaba ko dahil sa paraan ng tingin nila sa akin.Hindi ko alam kung anong iniisip nila ngayon.Iniisip ba nila na ako ang anak ng kabit ni Tito Harold noon?Iniisip ba nila na ako ang sumira sa kasal nina Santri at Emerald? Pero ang sabi ni Emerald sa akin ay pagpapanggap lang daw iyon para maprotektahan ako ni Santrius.Nilingon ko si Santri para manghingi ng tulong. Umiling siya habang natatawa bago ako hinawakan sa baywang at hinapit sa kanya. I gasped. Nakita ko rin ang gulat sa mukha ng kanyang kapatid.

  • Glimpse of Perfection   Kabanata 40

    "Hope is longing with his father, Anna. Tingnan mo, halos hindi na niya bitawan ang Daddy niya." wika ni Michelle habang tinatanaw ang mag-ama ko na naglalaro kasama ang kanyang pamangkin.I heaved a deep breath. Tinanaw ko ang mag-ama ko at nakita ko ang malawak na ngiti ng aking anak. Gano'n din si Santrius, makikita mo sa mukha niya ang galak habang nakikipaglaro sa aming anak.Natigilan ako.Aming anak.Nakakapanibago. Is it real?"Alam ko naman 'yon pero sobrang natakot talaga 'kong harapin si Santri. Alam mo naman, 'di ba? Ang buong akala ko'y kasal sila ni Emerald. Kung babalik ako rito tapos makikita kong may iba na siyang pamilya, madudurog lang ako. Kaya mas pinili ko na lang ang itago si Hope."Michelle l

  • Glimpse of Perfection   Kabanata 39

    Hindi siya nakagalaw. He was just staring at me intently. I bit my lower lip and pushed myself to him. He closed his eyes and when he opened it, mas lalong dumilim ang kanyang mga mata. He closed the door behind me. Napasinghap ako nang hinapit niya ang aking katawan at hinalikan nang mariin.Para akong sinilaban nang mas palalimin niya pa ang halik. I moaned when his hand went inside my shirt. I craned my neck when his kisses went down. Impit akong napaungol nang kagatin niya ang leeg ko. What the hell!"Santri!" imbes na sawayin siya sa ginawa ay mas nagmukha pa iyong ungol. He wrapped my legs around his waist. Naglakad siya papunta sa kung saan habang hindi pinuputol ang aming halikan. Maingat niya 'kong binaba sa couch at tinitigan.I gulped when his eyes bore into me. He looks lik

  • Glimpse of Perfection   Kabanata 38

    "Thank you so much, hija. Iyong bigat sa dibdib na matagal ko nang dinadala, ngayon ay unti-unti nang gumagaan dahil sa kapatawaran na ibinigay mo sa akin," madamdaming wika ni Harold Aquino.I wiped my tears away. "You're welcome po. I just realize that if I will not forgive you, patuloy lang po akong magagalit sa inyo and I don't want that. Hindi po ako marunong magtanim ng galit.""Thank you so much, hija."I smiled at him. Huminga ako ng malalim at nakaramdam ng ginhawa. I realized as well that it's okay to get hurt, to cry, and to feel the pain because that makes us human. We have to learn how to acknowledge pain and sufferings, because if we will not acknowledge them it will lead us to bitterness.Patuloy tayong magagalit sa mun

DMCA.com Protection Status