Naging tahimik ang buong biyahe namin. Nasabi ko kay Lev na dadaan ako ng opisina dahil maaga pa naman. Ala una pa lang naman ng hapon, may oras pa ako para maghabol sa trabaho. Mula nang umalis kami ng restaurant, hindi na ako nakaimik pa. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan na natamo ko. Stupid, Calli! "You seem quiet. Did I shock you?" pagbabasag ni Lev sa katahimikan. Nilingon ko siya pero nakatingin pa rin siya sa daan na tinatahak namin. "Ah, kasi, ano, iniisip ko 'yong mga gagawin ko para sa chairty ball mo," pagpapalusot ko. "Don't worry, the ball's due 'til 3 weeks. Marami ka pang panahon kaya 'wag mo na problemahin 'yan."
Last Updated : 2021-08-06 Read more