Home / Mistery / Thriller / Death Whisperer / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Death Whisperer: Chapter 1 - Chapter 10

51 Chapters

DW - I

          MADILIM.           Iyan yung unang salitang naisip niya nang magising siya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya nang sandaling sinabi ng sistema niyang dapat na siyang magising —na handa na siyang gumising —mula sa malalim at matagal na pagkakahimbing. Kung ilang oras siyang natutulog, hindi niya masabi. Kung nanaginip man siya, hindi niya na maalala kung ano.           Ilang segundo ring nagpyesta ang mga mata niya sa kadiliman bago siya mag-isip uli ng mga sumunod na salita. "Nasaan ako?" ang itinanong niya sa sarili, na alam naman niyang hindi niya rin masasagot.           Ibinaling niya ang ulo niya sa kanan at napakunot-noo, tila may inaalala, pero kung ano man iyon, hindi niya rin alam. Kung mayroon man siyang dapat maalala kung bakit nandito siya sa
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

DW - I.I

          Nabigla ang lalaki sa itinanong niya, pero mukhang inaasahan na rin naman nito ang ganoong tanong. Ibinaba nito ang kamay at inilagay sa bulsa ng pantalon. "Hindi mo alam?" balik na tanong nito.           Umiling siya. Nag-isip ang lalaki. "Hmm. Paano ko ba ipaliliwanag? Sabihin na lang nating nandito ka sa isang kakaibang mundo."           "Kakaibang mundo?" pagtataka niya.          "Oo! Kakaibang mundo!" sagot ng lalaki nang may pagmamalaki.          "Kakaibang planeta?" tanong niyang muli. Hindi siya sigurado.          "Hindi naman ganoon. Pero sa mundong ito, may kapangyarihan ka," pagbibida nito.           Naguluhan siya. "Ano?! Anong kapangyar
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

DW - II

          Walang ingay na maririnig sa paligid maliban na lang sa pagtama ng swelas ng sapatos ng lalaking kasama niya sa daanang nilalakaran nila. Kanina niya pa nga tinitingnan ang likod nito habang naglalakad sila. Masasabi niyang may kakisigan ito at humahanga siya sa tangkad nito. Hanggang balikat lang yata siya nito o mas mababa pa ng ilang pulgada. Iniisip niya kung saan sila pupunta at kung ano nga ba iyong binanggit nitong pangalan kanina kasi hindi niya gaanong narinig. Nakasunod siya rito dahil wala rin naman siyang ibang pagpipilian. Ganyan sa lugar na ito, susunod ka sa sasabihin at maniniwala na lang din kahit ayaw mong maniwala.           Habang naglalakad, tinitingnan niya ang lugar. Isa itong malawak na daanan. Gawa sa kumikinang na bato ang tinatapakan nila. Hind
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

DW - II.I

          May mga lumulutang na kandila. Bilog ang hugis ng mga iyon at iba-iba ang kulay. May sindi ang mga iyon na siyang nagpapaliwanag sa buong paligid. Nilibot niya ng tingin ang paligid. May mahahabang mesang gawa sa makinis na batong kapareho ng higaan niya kanina. Yari rin sa bato ang mga upuan. Nakadikit ang mga iyon sa sahig at tila hindi puwedeng alisin. May kandila rin ang bawat mesa. Mayroong libu-libong plato, kutsara, baso at tinidor na gawa sa ginto, pero wala namang laman. May tatlong tao sa silid. Lahat sila pawang naka-itim, pero iba-iba ang pagkakayari ng damit.           May isang babaeng maiksing-maiksi ang suot, naka-tube at shorts. Litaw ang dibdib nitong may kalakihan. Maganda ang babae, kasing ganda ng hubog ng katawan niya, at makinis ang mukha. Maiksi a
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

DW - III

          Nilingon ni Jehanne sina Fame, Harmony at Hogan, at nakita niyang nag-uusap-usap na ang mga iyon. Matapos masulyapan ang mga ito, itinuon niya na ang paningin sa lalaki at sinundan ito gaya ng sinabi ni Harmony.           Tuloy-tuloy na naglakad ang lalaki sa loob ng malawak na silid kung saan naroon sila, papunta sa isa na namang pinto, at pumasok dito. Mababakas sa mukha nito ang pagkayamot na lubusang ipinagtaka ni Jehanne. Nagmadali na siya at tumakbo na para maabutan ito. Pero kahit na sa palagay niya e ito na ang pinakamabilis niyang pagtakbo, hindi niya pa rin nagawang abutan ang lalaki.           "Sandali lang naman!" malakas na pagkakasabi niya na naging dahilan upang makuha niya ang atensyon ng lalaki. Huminto iyon at naabutan na niya.           Humingi ito ng paumanhin sa kanya. "Sorry," sabi nito.          
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

DW - III.I

          Nagsimulang magkuwento si Andrei tungkol sa nakaraan niya. "Alam mo, noong napunta ako sa lugar na ito, hindi ko na maalala kung ano ba ang pangalan ko. Noong tinanong ako ni Harmony, wala akong naisagot. Kaya nga naiinis ako pag iyan ang usapan! Ang paliwanag niya, pag namatay ka na, may matitirang kaalaman sa isip mo kung ano ang langit, lupa, impyerno, sino ang Diyos —mga bagay na ganoon at kung anu-ano pa! Pero wala ka nang maaalala tungkol sa buhay mo sa mundong ibabaw. Mayroong iilang nakaaalala pa sa mga pangalan nila, pero hindi pinapayagan ni Cadis ang ganoon dahil parte iyon ng dati mong buhay. Pag nandito ka na kasi, panibagong nilalang ka na, kaya't kailangan mong magkaroon ng panibagong pangalan.           "Dahil wala naman akong maisip na ipapangalan sa sarili ko, sabi ko bahala na sila kung ano ang ibigay nila. Tinawag akong Rodney ni Harmony. Yung iba, iba rin
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

DW - IV

          Yung lalaking pumasok sa silid... Nasa 6'9" o 7'0" ang taas niya. Nanliit tuloy si Jehanne sa mga kasama niya. Mahaba ang itim na buhok noon, maputla ang kulay ng balat, matangos ang ilong at maitim ang paligid ng mga mata, gayundin ang mga labi. Nakasuot iyon ng kulay itim na kasuotang yari sa balat at maraming bling-bling sa katawan. Kapuna-puna rin ang suot nitong choker, isang uri ng kwintas, na ang disenyo ay patusok-tusok na bakal. Pakiramdam ni Jehanne, kayang makapatay ng sinuman ang kwintas na iyon. Bukod sa matangkad ang lalaki, malaki rin ang katawan nito, at mukhang kaya siyang ihagis nang malayo. Pakiramdam din niya, kaya siyang pipiin ng malalapad na kamay nito.           Dumiretso ang lalaki sa itim na salaming lamesa at mula sa ilalim, may hinugot siyang isang napakalaking libro. Inilagay niya iyon sa ibabaw ng lamesa. Kulay itim ang libro, makapal, at
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

DW - IV.I

          Umalis saglit si Andrei para mamili ng kasuotan niya. Nang makabalik, sunod silang nagtungo sa isang tukador na puro alahas. Hindi mahilig si Jehanne sa mga alahas, pero mukhang sa mundong ito ay kailangan mo ng kahit na isa.          "Ang Seremonya ng Pag-iisa," sabi ni Andrei. "Mamimili ka ng isang alahas na magiging kanlungan ng bato. Pagkatapos, isusuot mo iyon. At pag nagawa mo na, ikaw at ang bato ay magiging isa."          "Ganoon pala..." pagtatanto ni Jehanne. Pinuntahan niya ang mga tukador. Sobrang dami man ng mga alahas, hindi pa rin siya makapili ng isa. Ilang minuto rin siyang paikot-ikot at papalit-palit ng tinitingnang mga tukador hanggang sa nakatagpo na siya ng alahas na pagkakanlungan niya ng bato. "Sa tingin mo bagay ito sa sa akin?" tanong niya kay Andrei nang ipakita ang isang choke
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

DW - V

          Lumabas na sina Andrei at Jehanne sa silid. Habang naglalakad, walang nagsasalita sa kanila. Tanging tunog ng pagtapak ng mga paa nila ang maririnig sa paligid.          Nasa leeg ni Jehanne ang kwintas kung saan nakakanlong ang bato. Nararamdaman niya ang kakaibang init na nagmumula rito. 'Di gaya ng init ng kadenang gumapos sa kanila kanina, masarap ito sa balat at hindi nakapapaso. Bigla niyang naalala yung nangyari sa kanila ni Andrei, kung paano siya nito hinalikan sa labi, at kung paano niya hinayaan ang sarili na lamunin ng kanyang emosyon. Nahihiya siya sa nangyari kanina. Gusto niyang isiping walang malisya iyon, pero kapag napapatingin siya kay Andrei at nakikita ang sugat nito sa labi na alam niyang siya ang may gawa, hindi niya maiwasang bigyan ito ng kahulugan. Sa kabilang banda, sinubukan niyang ipagwalang-bahala na lang ang nangyari.   &nb
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

DW - V.I

          "Syempre, gusto kong makita!" galak na galak niyang itinugon.          "Pahiram ako ng bato mo," sabi ni Andrei. Tinanggal ni Jehanne sa pagkakakabit sa leeg niya ang kwintas na pinagkakanlungan ng bato at ibinigay iyon kay Andrei. Hinawakan ni Andrei ang kwintas at kapansin-pansing nawala ang kinang ng bato. "Tingnan mo ito," sabi niya.          "Nawala ang kulay ng bato ko," mahinang pagkakasabi ni Jehanne. Ibinalik ni Andrei ang kwintas sa kanya. Nang hawakan niya ito, nagulat siya nang makitang bumalik ang kulay nito!          "Ikaw lang ang maaaring gumamit ng batong iyan, Jehanne. Kung hahawakan iyan ng iba, mawawalan iyan ng buhay. Puwede mong ihalintulad iyan sa pisikal na katawan, at ikaw ang kaluluwang nagbibigay-buhay sa batong iyan. Kung maiaalis iyan sa iyo, hindi g
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status