Walang ingay na maririnig sa paligid maliban na lang sa pagtama ng swelas ng sapatos ng lalaking kasama niya sa daanang nilalakaran nila. Kanina niya pa nga tinitingnan ang likod nito habang naglalakad sila. Masasabi niyang may kakisigan ito at humahanga siya sa tangkad nito. Hanggang balikat lang yata siya nito o mas mababa pa ng ilang pulgada. Iniisip niya kung saan sila pupunta at kung ano nga ba iyong binanggit nitong pangalan kanina kasi hindi niya gaanong narinig. Nakasunod siya rito dahil wala rin naman siyang ibang pagpipilian. Ganyan sa lugar na ito, susunod ka sa sasabihin at maniniwala na lang din kahit ayaw mong maniwala.
Habang naglalakad, tinitingnan niya ang lugar. Isa itong malawak na daanan. Gawa sa kumikinang na bato ang tinatapakan nila. Hindi niya matukoy kung ano ang mga batong ito, pero masasabi niyang napakaganda ng mga ito. Mayroong kulay berde, pula, puti, at malamlam na asul. Nakahahalina ang pagkinang ng mga iyon.
Gaya ng silid niya, malamig ang paligid. Walang ibang dekorasyon maliban na lang sa mga nakasabit na sulong nagbibigay-liwanag. Para siyang naglalakad sa isang kuweba dahil ganoon katahimik ang lugar kung nasaan sila. Wala siyang sapin sa paa at hindi na siya nag-atubiling magtanong sa lalaki kung may puwede kaya siyang gamiting sapatos. Kumakapit ang alikabok sa paa niya, pero hindi niya iyon alintana. In-enjoy na lang niya ang pagtapak sa daanang may kumikinang na mga bato.
Isang bagay ang napansin niya sa lugar na nilalakaran nila. Isa itong lugar na mayroong napakaraming pintong may numero, sunod-sunod, parang isang hotel.
"Ba't kaya ang daming kuwarto?" isip niya.
Katulad ng pinto ng silid kung saan sila naroon kanina ang disenyo at kulay ng pinto ng mga silid na nakikita niya ngayon.
"Ano kaya'ng mayroon sa loob?" Nahihiwagaan siya.
Habang binabagtas nila ang malawak na daan, may mga nakasalubong sila. Tinitingnan sila ng bawat isang nadadaanan nila. Tipid siyang ngumiti nang batiin sila ng mga iyon. Hindi siya pamilyar sa kanila, kaya parang nahihiya pa siya. Napansin niyang pawang nakasuot ng kulay itim ang lahat ng nakasalubong nila. Nang tingnan niya ang sarili, ganoon din pala siya. Pero iba ang suot niya sa suot ng mga iyon. Manipis at mahabang pantulog na spaghetti strap ang pagkakayari ng kanya. Napansin niyang halos kita na pala ang katawan niya at wala siyang damit panloob, kaya niyakap niya ang sarili, para matakpan kahit man lang yung dibdib niya.
Mayroong iilang nakatayo sa labas ng mga silid na nadaanan nila. Nang mapadaan sila sa isang silid na ang bilang ay 14-10027, isang babaeng may mahabang buhok ang ngumiti sa kanya. Maputi siguro ang kulay ng balat noon kung nabubuhay pa, pero gaya nilang dalawa, maputla iyon. Itim ang kulay ng buhok ng babae, asul ang mga mata, matangos ang ilong at manipis ang pulang labing halatang kinulayan ng kolorete. May hawak iyong kwintas, tila isang rosaryo, pero nakabaligtad ang krus. Sa tantya niya, nasa labing anim na taong gulang lang iyon. Napakabata pa noong tingnan, napakabata pa para mamatay. Nakasandal iyon sa pader sa labas ng silid, tila may hinihintay. Hindi niya alam kung ano ang itutugon kaya ngumiti na lang din siya gaya ng ginawa niya sa mga nakasalubong kanina, at umiwas siya ng tingin pagkatapos.
Bagama't bumabati sa kanila ang bawat makasalubong nila, pakiwari niya binabati lang naman ng mga iyon ang lalaking kasama niya. Alam naman niyang hindi siya kilala sa lugar na ito. Ang nakapagtataka, tinatawag ang lalaki sa iba-ibang pangalan, pero hindi na lang niya inintindi.
"Kung makikita mo, maraming silid dito," sabi ng lalaki.
Sa wakas nagsalita na rin ito! Binging-bingi na siya sa katahimikan. Nauuna ito ng ilang hakbang sa kanya. Itinuro nito ang mga silid at napatango siya tanda ng pagsang-ayon. Napakarami ngang silid. Higit isandaan o isang libo siguro. Ano nga kaya ang laman ng bawat isang silid?
"Bawat isa sa silid na iyan, may laman," sabi nito.
"Kaluluwa yata? Yung kagaya ko? Kung anumang tawag sa akin," isip niya. "Kung mapapansin mo, may mga naghihintay sa labas. Tinatawag silang taga-bantay." "Taga-bantay? Para saan?" agad niyang itinanong. "Para pag nagising yung nasa loob, may magbubukas ng pinto para sa kanila at magpapaliwanag kung ano ba itong lugar na ito. At pag nagtanong ang mga iyon, sasagutin ng mga taga-bantay ang mga tanong na kaya nilang sagutin. Parang ako! Taga-bantay mo ako." "A, oo. Taga-bantay na walang silbi," isip niya.Hindi pa rin malinaw sa kanya kung bakit nandito siya sa lugar na ito. Inakala pa man din niyang langit at impyerno lang ang pupuntahan ng tao pag namatay na.
"Narinig mo ba yung pagtawag ko kanina? Yung pagkatok ko?" tanong niya sa lalaki.
"Narinig ko. Saka nakita ko yung liwanag. Yung liwanag ang hudyat na nagising na yung nasa loob ng silid. Pag ganoon, ibig sabihin, kailangan nang buksan yung pinto." "Bakit ang tagal mong buksan yung pinto?" "Pinakikiramdam ko pa e! May iba kasing nagwawala at nananakit pag binuksan na yung pinto." "Teka, nananakit? At ikaw, nasasaktan ka naman?!"Natawa ang lalaki. "Ano ba'ng akala mo? 'Di purkit wala na tayong pisikal na katawan, hindi na tayo puwedeng masaktan. Tingnan mo na lang yung mga ipinatapon sa impyerno! Habang buhay silang pinahihirapan at nasasaktan."
Natahimik siya. May punto ang lalaki. Nagpatuloy iyon,
"Noong nakita kong kalmado ka naman, edi binuksan ko na yung pinto. Saka, kararating-rating ko lang din dito nang eksaktong makita ko yung liwanag."
"Saan ka galing?" "Sa trabaho." "Anong trabaho?"Nilingon siya ng lalaki, ngumiti at tumugon ng, "Malalaman mo rin." Napa-ismid siya. Bakit kasi hindi na lang sabihin agad sa kanya?
"Paano mo pala nabuksan yung pinto? Wala namang susian."
"Wala nga. Binubuksan iyon sa pamamagitan nito," sabi nito. Ang tinutukoy nito e yung bato na ipinakita nito sa kwintas na nasa leeg nito. "Mabibigyan ka rin nito pag naiharap na kita kay Cadis. At magiging taga-bantay ka rin pag itinalaga ka ng nakatataas. Iyan ay kung karapat-dapat ka nga sa tungkulin."Lugar na walang pangalan, taga-bantay, mga numero sa pinto, batong kulay itim at kumikinang, Cadis, nakatataas, karapat-dapat sa tungkulin... Naghalu-halo na ang mga iyon sa isip niya at hindi niya maintindihan kung ano ang mga iyon!
"Hay naku! Sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi mo!" irita niyang pagkakasabi.
Natawa ang lalaki, "Haha! Ganyan din ang sinabi ko sa dati kong taga-bantay."
"Sino si Cadis?" naitanong niya.
"Ang namamahala sa lugar na ito." "Parang boss?" "Parang Diyos."Napalunok siya sa sinabi ng lalaki. "Diyos..." isip niya. "Ihaharap ako sa Diyos." Kinakabahan siya sa ideya. Ano nga kaya ang hitsura ni Cadis?
"Sino pala ang naging taga-bantay mo?" usisa niya.
"Makikilala mo siya mamaya pag nakarating na tayo sa dapat nating puntahan."Patuloy lang na naglakad ang dalawa. Iniisip niya kung gaano kaya kalawak ang lugar na ito kasi kanina pa sila naglalakad at parang paikot-ikot lang naman, pero 'di naman sila humihinto. Dahil naging tahimik na muli ang lalaki, sinubukan niyang magtanong dito.
"Ilang oras na ba akong nandoon?"
Huminto ang lalaki sa paglalakad. Tiningnan siya nito at nagtanong pabalik, "Oras?" Nagbilang ito sa daliri. "Isa, dalawa, tatlo. Tatlo, kundi ako nagkakamali. A oo, tama! Tatlo nga!"
"Tatlong oras?"
"Anong tatlong oras? Tatlong taon!"Nagulat siya, "Ha? Tatlong taon? Ibig sabihin, nasa silid ako na iyon nang tatlong taon?"
"Uh-huh." Naglakad na muli ang lalaki. Sumunod siya.
Napailing siya. Tatlong taon... Napakatagal na panahon na iyon! Bakit ganoon? Ano nga kaya talaga ang nangyari sa kanya?
"Bakit ako natulog nang ganoon katagal?" tanong niya sa lalaki.
"Hindi ko alam," sagot nito.Napabuntong-hininga siya. "At binabantayan mo ako ng..."
"Tatlong taon na rin. Hinihintay kitang gumising sa loob ng tatlong taon. Medyo naiinip na nga ako e, pero ganoon talaga. Pag tinalaga ka bilang taga-bantay, kailangan mahaba ang pasensya mo. Saka parang pribilehiyo na rin iyon kasi pag taga-bantay ka, ibig sabihin, isa ka sa pinakamagaling dito sa lugar na ito. Nakita mo yung babaeng mahabang buhok kanina na nadaanan natin? Binantayan ko rati iyon! Isang linggo lang nagising na siya. Ngayon, tingnan mo, matapos ang limang taon, taga-bantay na rin siya. Tapos sumunod ka. Sa lahat ng binantayan ko, ikaw yung pinakamatagal na nagising."
Habang dumadami yung nalalaman niya, dumadami lang din lalo yung mga tanong niya. At alam niyang dadami rin yung mga tanong niyang hindi masasagot, dahil wala namang isinasagot sa kanya yung lalaki kundi, "Hindi ko alam."
Ilang sandali pa, narating na nila yung lugar na dapat nilang puntahan. Isang malaking bakal na pintong may sukat na dalawampung talampakan ang nasa harap nila. Kulay ginto ito at may iba-ibang ukit na gaya ng nasa silid niya kanina. Itinapat ng lalaki ang kwintas niya sa pinto at lumabas ang isang puting liwanag. Gaya ng nangyari sa silid niya, dumaloy ang liwanag sa mga ukit na nasa pinto at ilang sandali pa, nawala ito. Kasabay nito ang isang tunog, "Click," at bumukas ang pinto. Itinulak ng lalaki ang pinto at tuluyan itong nabuksan.
Pumasok sila. Sumara agad ang pinto na ikinagulat niya. Nilingon niya ito. Bigla siyang kinalabit ng lalaki at sinenyasang tumingin sa itaas. Sa pagtingin niya roon, sobra siyang namangha sa nakita!
"Mga kandila..." bulong niya.
May mga lumulutang na kandila. Bilog ang hugis ng mga iyon at iba-iba ang kulay. May sindi ang mga iyon na siyang nagpapaliwanag sa buong paligid. Nilibot niya ng tingin ang paligid. May mahahabang mesang gawa sa makinis na batong kapareho ng higaan niya kanina. Yari rin sa bato ang mga upuan. Nakadikit ang mga iyon sa sahig at tila hindi puwedeng alisin. May kandila rin ang bawat mesa. Mayroong libu-libong plato, kutsara, baso at tinidor na gawa sa ginto, pero wala namang laman. May tatlong tao sa silid. Lahat sila pawang naka-itim, pero iba-iba ang pagkakayari ng damit. May isang babaeng maiksing-maiksi ang suot, naka-tube at shorts. Litaw ang dibdib nitong may kalakihan. Maganda ang babae, kasing ganda ng hubog ng katawan niya, at makinis ang mukha. Maiksi a
Nilingon ni Jehanne sina Fame, Harmony at Hogan, at nakita niyang nag-uusap-usap na ang mga iyon. Matapos masulyapan ang mga ito, itinuon niya na ang paningin sa lalaki at sinundan ito gaya ng sinabi ni Harmony. Tuloy-tuloy na naglakad ang lalaki sa loob ng malawak na silid kung saan naroon sila, papunta sa isa na namang pinto, at pumasok dito. Mababakas sa mukha nito ang pagkayamot na lubusang ipinagtaka ni Jehanne. Nagmadali na siya at tumakbo na para maabutan ito. Pero kahit na sa palagay niya e ito na ang pinakamabilis niyang pagtakbo, hindi niya pa rin nagawang abutan ang lalaki. "Sandali lang naman!" malakas na pagkakasabi niya na naging dahilan upang makuha niya ang atensyon ng lalaki. Huminto iyon at naabutan na niya. Humingi ito ng paumanhin sa kanya. "Sorry," sabi nito.
Nagsimulang magkuwento si Andrei tungkol sa nakaraan niya. "Alam mo, noong napunta ako sa lugar na ito, hindi ko na maalala kung ano ba ang pangalan ko. Noong tinanong ako ni Harmony, wala akong naisagot. Kaya nga naiinis ako pag iyan ang usapan! Ang paliwanag niya, pag namatay ka na, may matitirang kaalaman sa isip mo kung ano ang langit, lupa, impyerno, sino ang Diyos —mga bagay na ganoon at kung anu-ano pa! Pero wala ka nang maaalala tungkol sa buhay mo sa mundong ibabaw. Mayroong iilang nakaaalala pa sa mga pangalan nila, pero hindi pinapayagan ni Cadis ang ganoon dahil parte iyon ng dati mong buhay. Pag nandito ka na kasi, panibagong nilalang ka na, kaya't kailangan mong magkaroon ng panibagong pangalan. "Dahil wala naman akong maisip na ipapangalan sa sarili ko, sabi ko bahala na sila kung ano ang ibigay nila. Tinawag akong Rodney ni Harmony. Yung iba, iba rin
Yung lalaking pumasok sa silid... Nasa 6'9" o 7'0" ang taas niya. Nanliit tuloy si Jehanne sa mga kasama niya. Mahaba ang itim na buhok noon, maputla ang kulay ng balat, matangos ang ilong at maitim ang paligid ng mga mata, gayundin ang mga labi. Nakasuot iyon ng kulay itim na kasuotang yari sa balat at maraming bling-bling sa katawan. Kapuna-puna rin ang suot nitong choker, isang uri ng kwintas, na ang disenyo ay patusok-tusok na bakal. Pakiramdam ni Jehanne, kayang makapatay ng sinuman ang kwintas na iyon. Bukod sa matangkad ang lalaki, malaki rin ang katawan nito, at mukhang kaya siyang ihagis nang malayo. Pakiramdam din niya, kaya siyang pipiin ng malalapad na kamay nito. Dumiretso ang lalaki sa itim na salaming lamesa at mula sa ilalim, may hinugot siyang isang napakalaking libro. Inilagay niya iyon sa ibabaw ng lamesa. Kulay itim ang libro, makapal, at
Umalis saglit si Andrei para mamili ng kasuotan niya. Nang makabalik, sunod silang nagtungo sa isang tukador na puro alahas. Hindi mahilig si Jehanne sa mga alahas, pero mukhang sa mundong ito ay kailangan mo ng kahit na isa. "Ang Seremonya ng Pag-iisa," sabi ni Andrei. "Mamimili ka ng isang alahas na magiging kanlungan ng bato. Pagkatapos, isusuot mo iyon. At pag nagawa mo na, ikaw at ang bato ay magiging isa." "Ganoon pala..."pagtatanto ni Jehanne. Pinuntahan niya ang mga tukador. Sobrang dami man ng mga alahas, hindi pa rin siya makapili ng isa. Ilang minuto rin siyang paikot-ikot at papalit-palit ng tinitingnang mga tukador hanggang sa nakatagpo na siya ng alahas na pagkakanlungan niya ng bato. "Sa tingin mo bagay ito sa sa akin?" tanong niya kay Andrei nang ipakita ang isangchoke
Lumabas na sina Andrei at Jehanne sa silid. Habang naglalakad, walang nagsasalita sa kanila. Tanging tunog ng pagtapak ng mga paa nila ang maririnig sa paligid. Nasa leeg ni Jehanne ang kwintas kung saan nakakanlong ang bato. Nararamdaman niya ang kakaibang init na nagmumula rito. 'Di gaya ng init ng kadenang gumapos sa kanila kanina, masarap ito sa balat at hindi nakapapaso. Bigla niyang naalala yung nangyari sa kanila ni Andrei, kung paano siya nito hinalikan sa labi, at kung paano niya hinayaan ang sarili na lamunin ng kanyang emosyon. Nahihiya siya sa nangyari kanina. Gusto niyang isiping walang malisya iyon, pero kapag napapatingin siya kay Andrei at nakikita ang sugat nito sa labi na alam niyang siya ang may gawa, hindi niya maiwasang bigyan ito ng kahulugan. Sa kabilang banda, sinubukan niyang ipagwalang-bahala na lang ang nangyari.&nb
"Syempre, gusto kong makita!" galak na galak niyang itinugon. "Pahiram ako ng bato mo," sabi ni Andrei. Tinanggal ni Jehanne sa pagkakakabit sa leeg niya ang kwintas na pinagkakanlungan ng bato at ibinigay iyon kay Andrei. Hinawakan ni Andrei ang kwintas at kapansin-pansing nawala ang kinang ng bato. "Tingnan mo ito," sabi niya. "Nawala ang kulay ng bato ko," mahinang pagkakasabi ni Jehanne. Ibinalik ni Andrei ang kwintas sa kanya. Nang hawakan niya ito, nagulat siya nang makitang bumalik ang kulay nito! "Ikaw lang ang maaaring gumamit ng batong iyan, Jehanne. Kung hahawakan iyan ng iba, mawawalan iyan ng buhay. Puwede mong ihalintulad iyan sa pisikal na katawan, at ikaw ang kaluluwang nagbibigay-buhay sa batong iyan. Kung maiaalis iyan sa iyo, hindi g
Bago pa man sila magpunta sa mundo ng mga tao para simulan ang pagsasanay, ipinatawag ang mga taga-bantay at kanilang binabantayan para sa isang pagpupulong sa lugar na sa pagkakalarawan ni Jehanne ay "maraming lamesa at kandila." Saka lang niya nalamang ang tawag pala sa lugar na iyon ay "Bulwagan ng mga Namayapa," nang sabihin sa kanya ni Andrei. Pinagmasdan ni Jehanne ang mga kasama niya. Pansin niyang may pagkakapareho ang mga binabantayan sa kulay ng mga mata at balat. Inisip niyang dahil siguro iyon sa seremonyang pinagdaanan nila. Ipinagtataka naman niya kung bakit halos hindi nila kawangis ang mga taga-bantay. Ilan sa kanila ay iba ang kulay ng mga mata. Mapapansin ding mas marangya ang bihis ng mga taga-bantay kaysa sa kanila at napakaraming palamuti sa katawan ng mga iyon, maliban na nga lang siguro kay Andrei dahil simple lang ang ayos nito. Inisip niyang maganda siguro kung magiging taga-bantay
Nakasalampak si Jehanne sa sahig. Pakiramdam niya, nawalan siya ng lakas. "Nasaan ako?" tanong niya sa sarili. Hinang-hina siya. Dahan-dahan siyang bumangon. Wala siyang ibang makita sa paligid kundi kadiliman. Naalala niya tuloy yung unang beses siyang nagising sa mundong ito. Ang naisip lang niya, masyadong madilim. "Anong lugar ito?" Kinapa niya ang paligid. Wala siyang mahawakang pader. Para lang siyang kumukumpas sa hangin. Para siyang isang bulag na naghahanap ng makakapitan. Nang mahanap niya ang balanse niya, sinubukan ng mga mata niyang mag-adjust sa liwanag, pero walang talab. Wala pa rin siyang makita. Walang kahit na anong liwanag sa lugar na ito. Pakiramdam niya tuloy, tinakasan na rin siya ng pag-asa. &
"Na-miss kita," sabi ni Hogan. "Ako rin," tugon ni Jehanne at humiwalay siya sa pagkakayakap. "Pasensya na kung ngayon lang kita nadalaw. Naging abala kasi ako sa ilang mga bagay." "Gaya ng ano?" "Trabaho at... paghahanap ng impormasyon, gaya ng ipinangako ko sa iyo." "Nakahanap ka na ba ng sagot?" tanong ni Jehanne. "Wala pang malinaw na sagot," tugon ni Hogan. Kahit alam naman nating nadiskubre niya na ang tungkol kay Elana, pakiramdam niya marami pa siyang hindi nalalaman. "Narinig mo ba ang balita?" pag-iba ni Je
"Hindi mabuti," sagot ni Mara kasunod ng pagbubuntong-hininga. Wala naman sigurong masama kung magpapakatotoo siya sa damdamin niya. Gaya nga ng sinabi ni Jehanne sa kanya, mas makabubuti kung tatanggapin niya ang kahinaan niya. Tumango si Andrei. "Naiintindihan ko." Seryoso ang mukha niya.
Mas matindi pa sa bangungot. Hindi sukat akalain ni Mara na mangyayari uli ang ganitong tagpo. Nasa opisina sila ni Cadis. Kasalukuyang ipinalalabas ang eksena ng kapalpakan ng isa nilang kasama sa trabaho nito. Nakaupo si Alric, ang pumalpak na taga-bulong, sa sofa habang pinanonood ang imaheng nakunan sa kanyang trabaho. Tahimik lang siya at tinanggap na nang buong loob ang mapait niyang kapalaran. Konsensya. Sabi ni Mara iyan ang pinakamahigpit nilang kalaban. Hindi lang pala mga tao ang tinatablan ng konsensya. Sa tagal na nitong nagtatraba
Nagtipon-tipon sa bulwagan ang mga taga-bulong. Kabuuang bilang: limampu. Nagtaka si Jehanne at nagtanong kay Mara. "Nasaan ang iba?" Ngumisi si Mara. "Huwag kang maghanap ng wala. Walang iba. Tayo lang." "Pang-limampu ka," singit naman ni Zedd. "Bakit ang kaunti natin?" tanong ni Jehanne. Naalala niya noong nagsasanay pa lang siya, daan-daang kaluluwa ang nakakasabay niyang kumain sa Bulwagan ng mga Namayapa. Hindi siya sanay sa ganitong kakaunting bilang. Sumagot si Mara, "Sa trabaho natin, mayroon tayong mahigpit na kalaban. At sabihin na nating iyon ang dahilan kung bakit kaunti lang tayo. Kapag hindi tayo nagtagumpay, hindi natutuwa si Cadis. 'Pag hindi nat
Nagising si Jehanne sa isang panibagong silid. Nakahiga siya sa malambot na kamang kulay pula. Bumangon siya. Paglibot niya ng tingin, nakakita siya ng kulay pulang lamesa at upuan. Kahit saan tumama ang paningin niya, kulay pula. Nagpapaliwanag sa silid ang isang sulo na may kulay pulang apoy. Hindi nagustuhan ni Jehanne ang kulay pulang ilaw na nagmumula rito kaya sinubukan niya kung gagana ba ang kapangyarihan niya. May lumabas na itim na usok sa kamay niya at dumaloy iyon papunta sa sulo. Naging normal ang kulay ng apoy. Namangha siya sa sariling kakayahan. Tumayo siya at napansing may saplot na siya. Nasa leeg na rin niya ang bato. Hinawakan niya iyon. Pareho pa rin ang temperatura na nararamdaman niya rito: iinit, lalamig, iinit, lalamig. 'Di nagtagal, lumabas siya ng sil
Umalingawngaw sa tainga ni Andrei ang mga salita ni Hogan, "Duwag ka!" "Duwag!" "Duwag!" "Duwag ka!" "Duwag!" Matinding galit ang bumalot sa kanya na naging dahilan para magpakawala siya ng kapangyarihan at tinira niya ang pader ng kanyang silid. Lumikha iyon ng malaking bitak. Kinuyom niya ang mga kamao niya. Hindi ang mga salita ni Hogan ang lumalason sa kanya kundi ang pagtanggap niya sa katotohanang isa nga talaga siyang duwag. &
Natuon ang pansin ni Cadis sa batong nasa leeg ni Jehanne na nag-iiba-iba ng kulay. Nilapitan niya si Jehanne at napayuko ang dalaga dahil sa presensya niya, pero itinaas niya ang baba nito. Sunod, hinawakan niya ang bato. "Paano mo nagawa?" namamanghang tanong ni Cadis. "Bigla na lang pong nagbago ang kulay ng kanyang bato," pag-uulat ni Andrei. "Nakita ko nga," tugon ni Cadis. "Napanood ko rin naman kanina. Salamat kay Ashen," sabi niya. Si Ashen ang itinuturing ni Cadis na mata niya sa mundo nila. Nakikita niya ang dapat makita dahil sa kapangyarihan at mahikang taglay ni Ashen. Kaya naman kung kailangan mo ng impormasyon, ito ang dapat mong lapitan. Pero bago mo marating ang Santuario ng mga Pat
Paakyat na si Celestine sa ikalawang palapag ng bahay nila nang may marinig siyang ingay na nanggagaling sa silid ng kuya niya. Bukas ang TV. May nanonood. Tumatawa iyon. Naglakas-loob siyang puntahan ang silid ng kuya niya, at nakita niyang nakabukas ang pinto at mukhang may tao. Sumilip siya. Laking gulat niya nang makita niyang nasa loob si Adrian. Napatakip siya ng bibig para hindi siya lumikha ng ingay. Paano ito nakapasok? Nakasara naman ang pinto ng bahay nila. Bigla niyang naalala ang susi ng kuya niya. Hindi niya ito nakita nang halughugin niya ang gamit nito noong araw na nalagay ito sa panganib. Umatras siya. Gusto niyang tumakas. Gusto niyang lumabas ng bahay nila at tumakbo palay