Nagising si Jehanne sa isang panibagong silid. Nakahiga siya sa malambot na kamang kulay pula. Bumangon siya. Paglibot niya ng tingin, nakakita siya ng kulay pulang lamesa at upuan. Kahit saan tumama ang paningin niya, kulay pula.
Nagpapaliwanag sa silid ang isang sulo na may kulay pulang apoy. Hindi nagustuhan ni Jehanne ang kulay pulang ilaw na nagmumula rito kaya sinubukan niya kung gagana ba ang kapangyarihan niya. May lumabas na itim na usok sa kamay niya at dumaloy iyon papunta sa sulo. Naging normal ang kulay ng apoy. Namangha siya sa sariling kakayahan.
Tumayo siya at napansing may saplot na siya. Nasa leeg na rin niya ang bato. Hinawakan niya iyon. Pareho pa rin ang temperatura na nararamdaman niya rito: iinit, lalamig, iinit, lalamig. 'Di nagtagal, lumabas siya ng sil
Nagtipon-tipon sa bulwagan ang mga taga-bulong. Kabuuang bilang: limampu. Nagtaka si Jehanne at nagtanong kay Mara. "Nasaan ang iba?" Ngumisi si Mara. "Huwag kang maghanap ng wala. Walang iba. Tayo lang." "Pang-limampu ka," singit naman ni Zedd. "Bakit ang kaunti natin?" tanong ni Jehanne. Naalala niya noong nagsasanay pa lang siya, daan-daang kaluluwa ang nakakasabay niyang kumain sa Bulwagan ng mga Namayapa. Hindi siya sanay sa ganitong kakaunting bilang. Sumagot si Mara, "Sa trabaho natin, mayroon tayong mahigpit na kalaban. At sabihin na nating iyon ang dahilan kung bakit kaunti lang tayo. Kapag hindi tayo nagtagumpay, hindi natutuwa si Cadis. 'Pag hindi nat
Mas matindi pa sa bangungot. Hindi sukat akalain ni Mara na mangyayari uli ang ganitong tagpo. Nasa opisina sila ni Cadis. Kasalukuyang ipinalalabas ang eksena ng kapalpakan ng isa nilang kasama sa trabaho nito. Nakaupo si Alric, ang pumalpak na taga-bulong, sa sofa habang pinanonood ang imaheng nakunan sa kanyang trabaho. Tahimik lang siya at tinanggap na nang buong loob ang mapait niyang kapalaran. Konsensya. Sabi ni Mara iyan ang pinakamahigpit nilang kalaban. Hindi lang pala mga tao ang tinatablan ng konsensya. Sa tagal na nitong nagtatraba
"Hindi mabuti," sagot ni Mara kasunod ng pagbubuntong-hininga. Wala naman sigurong masama kung magpapakatotoo siya sa damdamin niya. Gaya nga ng sinabi ni Jehanne sa kanya, mas makabubuti kung tatanggapin niya ang kahinaan niya. Tumango si Andrei. "Naiintindihan ko." Seryoso ang mukha niya.
"Na-miss kita," sabi ni Hogan. "Ako rin," tugon ni Jehanne at humiwalay siya sa pagkakayakap. "Pasensya na kung ngayon lang kita nadalaw. Naging abala kasi ako sa ilang mga bagay." "Gaya ng ano?" "Trabaho at... paghahanap ng impormasyon, gaya ng ipinangako ko sa iyo." "Nakahanap ka na ba ng sagot?" tanong ni Jehanne. "Wala pang malinaw na sagot," tugon ni Hogan. Kahit alam naman nating nadiskubre niya na ang tungkol kay Elana, pakiramdam niya marami pa siyang hindi nalalaman. "Narinig mo ba ang balita?" pag-iba ni Je
Nakasalampak si Jehanne sa sahig. Pakiramdam niya, nawalan siya ng lakas. "Nasaan ako?" tanong niya sa sarili. Hinang-hina siya. Dahan-dahan siyang bumangon. Wala siyang ibang makita sa paligid kundi kadiliman. Naalala niya tuloy yung unang beses siyang nagising sa mundong ito. Ang naisip lang niya, masyadong madilim. "Anong lugar ito?" Kinapa niya ang paligid. Wala siyang mahawakang pader. Para lang siyang kumukumpas sa hangin. Para siyang isang bulag na naghahanap ng makakapitan. Nang mahanap niya ang balanse niya, sinubukan ng mga mata niyang mag-adjust sa liwanag, pero walang talab. Wala pa rin siyang makita. Walang kahit na anong liwanag sa lugar na ito. Pakiramdam niya tuloy, tinakasan na rin siya ng pag-asa. &
MADILIM. Iyan yung unang salitang naisip niya nang magising siya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya nang sandaling sinabi ng sistema niyang dapat na siyang magising —na handa na siyang gumising —mula sa malalim at matagal na pagkakahimbing. Kung ilang oras siyang natutulog, hindi niya masabi. Kung nanaginip man siya, hindi niya na maalala kung ano. Ilang segundo ring nagpyesta ang mga mata niya sa kadiliman bago siya mag-isip uli ng mga sumunod na salita."Nasaan ako?"ang itinanong niya sa sarili, na alam naman niyang hindi niya rin masasagot. Ibinaling niya ang ulo niya sa kanan at napakunot-noo, tila may inaalala, pero kung ano man iyon, hindi niya rin alam. Kung mayroon man siyang dapat maalala kung bakit nandito siya sa
Nabigla ang lalaki sa itinanong niya, pero mukhang inaasahan na rin naman nito ang ganoong tanong. Ibinaba nito ang kamay at inilagay sa bulsa ng pantalon. "Hindi mo alam?" balik na tanong nito. Umiling siya. Nag-isip ang lalaki. "Hmm. Paano ko ba ipaliliwanag? Sabihin na lang nating nandito ka sa isang kakaibang mundo." "Kakaibang mundo?" pagtataka niya. "Oo! Kakaibang mundo!" sagot ng lalaki nang may pagmamalaki. "Kakaibang planeta?" tanong niyang muli. Hindi siya sigurado. "Hindi naman ganoon. Pero sa mundong ito, may kapangyarihan ka," pagbibida nito. Naguluhan siya. "Ano?! Anong kapangyar
Walang ingay na maririnig sa paligid maliban na lang sa pagtama ng swelas ng sapatos ng lalaking kasama niya sa daanang nilalakaran nila. Kanina niya pa nga tinitingnan ang likod nito habang naglalakad sila. Masasabi niyang may kakisigan ito at humahanga siya sa tangkad nito. Hanggang balikat lang yata siya nito o mas mababa pa ng ilang pulgada. Iniisip niya kung saan sila pupunta at kung ano nga ba iyong binanggit nitong pangalan kanina kasi hindi niya gaanong narinig. Nakasunod siya rito dahil wala rin naman siyang ibang pagpipilian. Ganyan sa lugar na ito, susunod ka sa sasabihin at maniniwala na lang din kahit ayaw mong maniwala. Habang naglalakad, tinitingnan niya ang lugar. Isa itong malawak na daanan. Gawa sa kumikinang na bato ang tinatapakan nila. Hind
Nakasalampak si Jehanne sa sahig. Pakiramdam niya, nawalan siya ng lakas. "Nasaan ako?" tanong niya sa sarili. Hinang-hina siya. Dahan-dahan siyang bumangon. Wala siyang ibang makita sa paligid kundi kadiliman. Naalala niya tuloy yung unang beses siyang nagising sa mundong ito. Ang naisip lang niya, masyadong madilim. "Anong lugar ito?" Kinapa niya ang paligid. Wala siyang mahawakang pader. Para lang siyang kumukumpas sa hangin. Para siyang isang bulag na naghahanap ng makakapitan. Nang mahanap niya ang balanse niya, sinubukan ng mga mata niyang mag-adjust sa liwanag, pero walang talab. Wala pa rin siyang makita. Walang kahit na anong liwanag sa lugar na ito. Pakiramdam niya tuloy, tinakasan na rin siya ng pag-asa. &
"Na-miss kita," sabi ni Hogan. "Ako rin," tugon ni Jehanne at humiwalay siya sa pagkakayakap. "Pasensya na kung ngayon lang kita nadalaw. Naging abala kasi ako sa ilang mga bagay." "Gaya ng ano?" "Trabaho at... paghahanap ng impormasyon, gaya ng ipinangako ko sa iyo." "Nakahanap ka na ba ng sagot?" tanong ni Jehanne. "Wala pang malinaw na sagot," tugon ni Hogan. Kahit alam naman nating nadiskubre niya na ang tungkol kay Elana, pakiramdam niya marami pa siyang hindi nalalaman. "Narinig mo ba ang balita?" pag-iba ni Je
"Hindi mabuti," sagot ni Mara kasunod ng pagbubuntong-hininga. Wala naman sigurong masama kung magpapakatotoo siya sa damdamin niya. Gaya nga ng sinabi ni Jehanne sa kanya, mas makabubuti kung tatanggapin niya ang kahinaan niya. Tumango si Andrei. "Naiintindihan ko." Seryoso ang mukha niya.
Mas matindi pa sa bangungot. Hindi sukat akalain ni Mara na mangyayari uli ang ganitong tagpo. Nasa opisina sila ni Cadis. Kasalukuyang ipinalalabas ang eksena ng kapalpakan ng isa nilang kasama sa trabaho nito. Nakaupo si Alric, ang pumalpak na taga-bulong, sa sofa habang pinanonood ang imaheng nakunan sa kanyang trabaho. Tahimik lang siya at tinanggap na nang buong loob ang mapait niyang kapalaran. Konsensya. Sabi ni Mara iyan ang pinakamahigpit nilang kalaban. Hindi lang pala mga tao ang tinatablan ng konsensya. Sa tagal na nitong nagtatraba
Nagtipon-tipon sa bulwagan ang mga taga-bulong. Kabuuang bilang: limampu. Nagtaka si Jehanne at nagtanong kay Mara. "Nasaan ang iba?" Ngumisi si Mara. "Huwag kang maghanap ng wala. Walang iba. Tayo lang." "Pang-limampu ka," singit naman ni Zedd. "Bakit ang kaunti natin?" tanong ni Jehanne. Naalala niya noong nagsasanay pa lang siya, daan-daang kaluluwa ang nakakasabay niyang kumain sa Bulwagan ng mga Namayapa. Hindi siya sanay sa ganitong kakaunting bilang. Sumagot si Mara, "Sa trabaho natin, mayroon tayong mahigpit na kalaban. At sabihin na nating iyon ang dahilan kung bakit kaunti lang tayo. Kapag hindi tayo nagtagumpay, hindi natutuwa si Cadis. 'Pag hindi nat
Nagising si Jehanne sa isang panibagong silid. Nakahiga siya sa malambot na kamang kulay pula. Bumangon siya. Paglibot niya ng tingin, nakakita siya ng kulay pulang lamesa at upuan. Kahit saan tumama ang paningin niya, kulay pula. Nagpapaliwanag sa silid ang isang sulo na may kulay pulang apoy. Hindi nagustuhan ni Jehanne ang kulay pulang ilaw na nagmumula rito kaya sinubukan niya kung gagana ba ang kapangyarihan niya. May lumabas na itim na usok sa kamay niya at dumaloy iyon papunta sa sulo. Naging normal ang kulay ng apoy. Namangha siya sa sariling kakayahan. Tumayo siya at napansing may saplot na siya. Nasa leeg na rin niya ang bato. Hinawakan niya iyon. Pareho pa rin ang temperatura na nararamdaman niya rito: iinit, lalamig, iinit, lalamig. 'Di nagtagal, lumabas siya ng sil
Umalingawngaw sa tainga ni Andrei ang mga salita ni Hogan, "Duwag ka!" "Duwag!" "Duwag!" "Duwag ka!" "Duwag!" Matinding galit ang bumalot sa kanya na naging dahilan para magpakawala siya ng kapangyarihan at tinira niya ang pader ng kanyang silid. Lumikha iyon ng malaking bitak. Kinuyom niya ang mga kamao niya. Hindi ang mga salita ni Hogan ang lumalason sa kanya kundi ang pagtanggap niya sa katotohanang isa nga talaga siyang duwag. &
Natuon ang pansin ni Cadis sa batong nasa leeg ni Jehanne na nag-iiba-iba ng kulay. Nilapitan niya si Jehanne at napayuko ang dalaga dahil sa presensya niya, pero itinaas niya ang baba nito. Sunod, hinawakan niya ang bato. "Paano mo nagawa?" namamanghang tanong ni Cadis. "Bigla na lang pong nagbago ang kulay ng kanyang bato," pag-uulat ni Andrei. "Nakita ko nga," tugon ni Cadis. "Napanood ko rin naman kanina. Salamat kay Ashen," sabi niya. Si Ashen ang itinuturing ni Cadis na mata niya sa mundo nila. Nakikita niya ang dapat makita dahil sa kapangyarihan at mahikang taglay ni Ashen. Kaya naman kung kailangan mo ng impormasyon, ito ang dapat mong lapitan. Pero bago mo marating ang Santuario ng mga Pat
Paakyat na si Celestine sa ikalawang palapag ng bahay nila nang may marinig siyang ingay na nanggagaling sa silid ng kuya niya. Bukas ang TV. May nanonood. Tumatawa iyon. Naglakas-loob siyang puntahan ang silid ng kuya niya, at nakita niyang nakabukas ang pinto at mukhang may tao. Sumilip siya. Laking gulat niya nang makita niyang nasa loob si Adrian. Napatakip siya ng bibig para hindi siya lumikha ng ingay. Paano ito nakapasok? Nakasara naman ang pinto ng bahay nila. Bigla niyang naalala ang susi ng kuya niya. Hindi niya ito nakita nang halughugin niya ang gamit nito noong araw na nalagay ito sa panganib. Umatras siya. Gusto niyang tumakas. Gusto niyang lumabas ng bahay nila at tumakbo palay