MADILIM.
Iyan yung unang salitang naisip niya nang magising siya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya nang sandaling sinabi ng sistema niyang dapat na siyang magising —na handa na siyang gumising —mula sa malalim at matagal na pagkakahimbing. Kung ilang oras siyang natutulog, hindi niya masabi. Kung nanaginip man siya, hindi niya na maalala kung ano.
Ilang segundo ring nagpyesta ang mga mata niya sa kadiliman bago siya mag-isip uli ng mga sumunod na salita. "Nasaan ako?" ang itinanong niya sa sarili, na alam naman niyang hindi niya rin masasagot.
Ibinaling niya ang ulo niya sa kanan at napakunot-noo, tila may inaalala, pero kung ano man iyon, hindi niya rin alam. Kung mayroon man siyang dapat maalala kung bakit nandito siya sa lugar na ito, hindi niya maalala kung bakit. Kung paano siya napunta rito, hindi niya maalala kung paano. Kung nasaan man siya ngayon, hindi niya masabi kung saan. Walang kahit na anong pumapasok sa isip niya maliban na lang sa paglalarawan niya kung gaano kadilim ang paligid niya. At masasabi niyang mas madilim pa ito sa kadilimang pamilyar sa kanya.
Itinukod niya ang mga kamay niya sa hinihigaan at dahan-dahang bumangon. Nang makabangon, inilapag niya ang mga paa niya sa sahig. Naramdaman niyang malamig iyon, pero kahit na ganoon, nakapagtatakang hindi siya nagpakita ng pagkaginaw. Para bang sanay na siya o baka naman wala na siyang pakiramdam; hindi siya sigurado.
Nang sandaling itapak niya ang mga paa niya sa sahig, nagulat siya sa nasaksihang pagbabago sa paligid niya. May lumitaw na maliliit na liwanag sa tinapakan niya at umagos iyon sa tila mga bitak sa sahig. Umagos iyong sing natural ng tubig sa batis, tuloy-tuloy, na lubusan niyang ikinamangha. Dumaloy ang naghahalong dilaw at kahel na kulay ng liwanag at dumiretso sa pader, patungo sa iilang sulo sa silid na hindi mo akalaing nandoon pala dahil nilamon na ng kadiliman. Kahit na 'di kalakihan ang mga sulong nakakabit sa pader, nagbigay ang mga iyon ng nakasisilaw na liwanag. Naging sapat iyon para mawala ang kadilimang bumabalot sa silid kanina. Halos 'di siya makapaniwala sa paraan ng paglitaw ng liwanag. Tila mahika iyon sa kanyang paningin.
Tuluyang lumiwanag ang paligid. Napakurap siya dahil sa pagkasilaw, pero umayos din naman ang paningin niya matapos na makapag-adjust sa liwanag. Tiningnan niya ang paligid. Maluwag ang silid para sa iisang tao lang. Kulay itim ang pader nitong gawa sa bato. Walang ibang dekorasyong nakasabit maliban sa anim na sulong nakakabit sa pader. May mga bitak yung sahig na tinapakan niya; tila mga ukit na iba-iba ang disensyo at simbolo na hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin. Walang bintana; magkagayunman, malamig sa loob. Hindi nakahadlang ang sulo sa pagpapanatili ng kalamigan ng paligid.
Sa paglibot ng kanyang paningin, doon niya napagtantong nakahiga pala siya sa isang malapad at makinis na batong higaan. Katunayan, walang ibang gamit sa silid. At nakapagtatakang napakasarap ng kanyang pagkakahimbing kahit na walang kumot o kutson.
Isang kapuna-puna ang pintong gawa sa kahoy. Hindi bumagay ang kulay nitong ginto sa kulay itim na pader, at may ukit iyon na kapareho ng mga ukit na nakita niya sa sahig. May ilang diretso, pakurba at paikot-ikot. Kung may pinto, isa lang ang pupuwedeng mangyari. Puwede siyang lumabas!
Tuluyan siyang bumangon at naglakad agad papunta sa pinto. Nang marating niya iyon, natigilan siya. May napansin siya: wala itong bukasan!
"Paano...?" isip niya. Paano siya lalabas kung walang bukasan?
Inilapat niya ang kanang kamay niya sa pinto at tinapik iyon. Lumikha siya ng ingay, pero walang kakaibang nangyari. Napabuntong-hininga siya dahil dito.
"Paano kaya ako makalalabas dito?" tanong niya sa sarili.
Hanggang sa naisipan niyang kumatok. Ganoon naman ang ginagawa niya e! Pag umuuwi siya ng bahay at naaabutang sarado iyon, kumakatok siya at nagbabakasaling may isang magbubukas na galing sa loob; baka natutulog lang, baka magising at pagbuksan siya. Iyan ay kung naaalala pa nga niya ang mga sandaling iyon.
"Tao po! May tao ba riyan sa labas?" sabi niya habang kinakatok ang pinto.
Sunod-sunod ang ginawa niyang pagkatok. Naisip niyang para siyang hibang sa ginagawa niya. Siya itong nasa loob na dapat magbukas ng pinto, siya pa itong nagtatanong kung may puwedeng magbukas mula sa labas. Pero paano nga naman kasi kung pupuwede ngang buksan ang pinto mula sa labas?
"Kung mayroon man, baka puwedeng pakibuksan yung pinto kasi gusto kong lumabas! Tao po!" sumamo niya.
At ilang sandali pa, may tumunog; parang tunog ng susiang nabuksan. Kasabay noon ang pagliwanag ng mga ukit na nasa pinto. Nagulat siya at napaatras. Ilang sandali pa, nawala ang liwanag at dahan-dahang bumukas ang pinto. Lumikha ng ingay ang dahan-dahang pagbukas nito. Wala pa sa ikapat nang huminto ito.
Napatitig siya sa bumukas na pinto. Naghihintay siya kung may papasok, pero wala. Nagtaka siya at lumapit dito. Hinawakan niya ang gilid ng pinto at binuksan iyon nang tuluyan. Hindi man lang siya natakot na baka may kung anumang panganib sa likod ng pinto. At sa pagbukas niya rito, may nakita siyang nakatayo sa labas ng silid.
"Hi!" pagbati nito at kumaway sa kanya.
"H-hi," itinugon niya, tila nasurpresa na makita ito. Hindi na siya kumaway pabalik. Isa pang ikina-surpresa niya ang pagsasalita ng isang wikang hindi niya alam kung saan nanggaling, pero tila pamilyar sa kanya. "Gising ka na pala. Mabuti naman," bahagya itong ngumiti, tila naiilang, dahil ang araw na ito ang unang beses nilang pagkikita. Pumasok ito sa loob ng silid at itinulak pasara ang pinto. Hindi iyon napinid pasara. Nag-iwan iyon ng kakaunting espasyo.Natahimik siya. Hindi niya alam kung ano ang itutugon. Nakatitig lang siya sa taong pumasok, isang lalaki, sa silid niya. Kung maituturing niya ngang kanya ito.
Matangkad ang lalaki at katamtaman ang pangangatawan. Siguro nasa 6'0" ang taas. Kapansin-pansin ang tayu-tayo nitong itim na buhok na animo'y matagal nang hindi nalalapatan ng suklay. Maitim ang paligid ng mga mata nito na parang hindi pa nakatutulog ng ilang araw. Mayroon itong maputi, hindi, maputlang kulay ng balat. Hindi gaanong mapula ang labi ng lalaki na pakiwari niya'y bagay din naman dito. Kulay abo ang mga mata nito at nakahahalina kung tititigan. Matangos ang ilong nito. Hindi masyadong makapal ang mga kilay nito. May kagwapuhan ang lalaki, pero hindi naman napapansin dahil sa maputla nitong hitsura na parang nagkasakit. Nakasuot ito ng itim na t-shirt na may malalim na neckline, dahilan upang halos makita na ang dibdib nito —ang dibdib nitong may peklat. Nakasuot din ito ng hapit na itim na pantalon. Mayroon itong sinturon na hitsurang bungo ang hibilya (buckle). Mayroon din itong hikaw sa kaliwang tainga, maliit, bilog at kulay itim. Nasasapinan ng itim na sapatos na yari sa balat ang mga paa nito. Wala iyong sintas. May suot itong pulseras sa magkabilang kamay, parang mga taling kulay itim. Sa leeg ng lalaki, makikitang nakasuot ang isang taling kwintas na may palawit na itim na bato. Sa gitna ng bato, may nagniningning na kulay puting liwanag. Gumagalaw at sumasayaw ang puting liwanag na tila usok na nakulong sa isang sisidlan. Pero bago niya pa maitanong kung bakit ganoon, nagsalita ang lalaki.
"Ako nga pala si," sabi nito, pero natigilan, "a, kinagagalak kitang makilala," nasabi na lang nito, at inalok nito ang kanang kamay.
Imbis na makipagkamay, tinitigan lang niya ang iniaabot na kamay ng lalaki at diretsahang nagtanong, "Nasaan ako?"
Nabigla ang lalaki sa itinanong niya, pero mukhang inaasahan na rin naman nito ang ganoong tanong. Ibinaba nito ang kamay at inilagay sa bulsa ng pantalon. "Hindi mo alam?" balik na tanong nito. Umiling siya. Nag-isip ang lalaki. "Hmm. Paano ko ba ipaliliwanag? Sabihin na lang nating nandito ka sa isang kakaibang mundo." "Kakaibang mundo?" pagtataka niya. "Oo! Kakaibang mundo!" sagot ng lalaki nang may pagmamalaki. "Kakaibang planeta?" tanong niyang muli. Hindi siya sigurado. "Hindi naman ganoon. Pero sa mundong ito, may kapangyarihan ka," pagbibida nito. Naguluhan siya. "Ano?! Anong kapangyar
Walang ingay na maririnig sa paligid maliban na lang sa pagtama ng swelas ng sapatos ng lalaking kasama niya sa daanang nilalakaran nila. Kanina niya pa nga tinitingnan ang likod nito habang naglalakad sila. Masasabi niyang may kakisigan ito at humahanga siya sa tangkad nito. Hanggang balikat lang yata siya nito o mas mababa pa ng ilang pulgada. Iniisip niya kung saan sila pupunta at kung ano nga ba iyong binanggit nitong pangalan kanina kasi hindi niya gaanong narinig. Nakasunod siya rito dahil wala rin naman siyang ibang pagpipilian. Ganyan sa lugar na ito, susunod ka sa sasabihin at maniniwala na lang din kahit ayaw mong maniwala. Habang naglalakad, tinitingnan niya ang lugar. Isa itong malawak na daanan. Gawa sa kumikinang na bato ang tinatapakan nila. Hind
May mga lumulutang na kandila. Bilog ang hugis ng mga iyon at iba-iba ang kulay. May sindi ang mga iyon na siyang nagpapaliwanag sa buong paligid. Nilibot niya ng tingin ang paligid. May mahahabang mesang gawa sa makinis na batong kapareho ng higaan niya kanina. Yari rin sa bato ang mga upuan. Nakadikit ang mga iyon sa sahig at tila hindi puwedeng alisin. May kandila rin ang bawat mesa. Mayroong libu-libong plato, kutsara, baso at tinidor na gawa sa ginto, pero wala namang laman. May tatlong tao sa silid. Lahat sila pawang naka-itim, pero iba-iba ang pagkakayari ng damit. May isang babaeng maiksing-maiksi ang suot, naka-tube at shorts. Litaw ang dibdib nitong may kalakihan. Maganda ang babae, kasing ganda ng hubog ng katawan niya, at makinis ang mukha. Maiksi a
Nilingon ni Jehanne sina Fame, Harmony at Hogan, at nakita niyang nag-uusap-usap na ang mga iyon. Matapos masulyapan ang mga ito, itinuon niya na ang paningin sa lalaki at sinundan ito gaya ng sinabi ni Harmony. Tuloy-tuloy na naglakad ang lalaki sa loob ng malawak na silid kung saan naroon sila, papunta sa isa na namang pinto, at pumasok dito. Mababakas sa mukha nito ang pagkayamot na lubusang ipinagtaka ni Jehanne. Nagmadali na siya at tumakbo na para maabutan ito. Pero kahit na sa palagay niya e ito na ang pinakamabilis niyang pagtakbo, hindi niya pa rin nagawang abutan ang lalaki. "Sandali lang naman!" malakas na pagkakasabi niya na naging dahilan upang makuha niya ang atensyon ng lalaki. Huminto iyon at naabutan na niya. Humingi ito ng paumanhin sa kanya. "Sorry," sabi nito.
Nagsimulang magkuwento si Andrei tungkol sa nakaraan niya. "Alam mo, noong napunta ako sa lugar na ito, hindi ko na maalala kung ano ba ang pangalan ko. Noong tinanong ako ni Harmony, wala akong naisagot. Kaya nga naiinis ako pag iyan ang usapan! Ang paliwanag niya, pag namatay ka na, may matitirang kaalaman sa isip mo kung ano ang langit, lupa, impyerno, sino ang Diyos —mga bagay na ganoon at kung anu-ano pa! Pero wala ka nang maaalala tungkol sa buhay mo sa mundong ibabaw. Mayroong iilang nakaaalala pa sa mga pangalan nila, pero hindi pinapayagan ni Cadis ang ganoon dahil parte iyon ng dati mong buhay. Pag nandito ka na kasi, panibagong nilalang ka na, kaya't kailangan mong magkaroon ng panibagong pangalan. "Dahil wala naman akong maisip na ipapangalan sa sarili ko, sabi ko bahala na sila kung ano ang ibigay nila. Tinawag akong Rodney ni Harmony. Yung iba, iba rin
Yung lalaking pumasok sa silid... Nasa 6'9" o 7'0" ang taas niya. Nanliit tuloy si Jehanne sa mga kasama niya. Mahaba ang itim na buhok noon, maputla ang kulay ng balat, matangos ang ilong at maitim ang paligid ng mga mata, gayundin ang mga labi. Nakasuot iyon ng kulay itim na kasuotang yari sa balat at maraming bling-bling sa katawan. Kapuna-puna rin ang suot nitong choker, isang uri ng kwintas, na ang disenyo ay patusok-tusok na bakal. Pakiramdam ni Jehanne, kayang makapatay ng sinuman ang kwintas na iyon. Bukod sa matangkad ang lalaki, malaki rin ang katawan nito, at mukhang kaya siyang ihagis nang malayo. Pakiramdam din niya, kaya siyang pipiin ng malalapad na kamay nito. Dumiretso ang lalaki sa itim na salaming lamesa at mula sa ilalim, may hinugot siyang isang napakalaking libro. Inilagay niya iyon sa ibabaw ng lamesa. Kulay itim ang libro, makapal, at
Umalis saglit si Andrei para mamili ng kasuotan niya. Nang makabalik, sunod silang nagtungo sa isang tukador na puro alahas. Hindi mahilig si Jehanne sa mga alahas, pero mukhang sa mundong ito ay kailangan mo ng kahit na isa. "Ang Seremonya ng Pag-iisa," sabi ni Andrei. "Mamimili ka ng isang alahas na magiging kanlungan ng bato. Pagkatapos, isusuot mo iyon. At pag nagawa mo na, ikaw at ang bato ay magiging isa." "Ganoon pala..."pagtatanto ni Jehanne. Pinuntahan niya ang mga tukador. Sobrang dami man ng mga alahas, hindi pa rin siya makapili ng isa. Ilang minuto rin siyang paikot-ikot at papalit-palit ng tinitingnang mga tukador hanggang sa nakatagpo na siya ng alahas na pagkakanlungan niya ng bato. "Sa tingin mo bagay ito sa sa akin?" tanong niya kay Andrei nang ipakita ang isangchoke
Lumabas na sina Andrei at Jehanne sa silid. Habang naglalakad, walang nagsasalita sa kanila. Tanging tunog ng pagtapak ng mga paa nila ang maririnig sa paligid. Nasa leeg ni Jehanne ang kwintas kung saan nakakanlong ang bato. Nararamdaman niya ang kakaibang init na nagmumula rito. 'Di gaya ng init ng kadenang gumapos sa kanila kanina, masarap ito sa balat at hindi nakapapaso. Bigla niyang naalala yung nangyari sa kanila ni Andrei, kung paano siya nito hinalikan sa labi, at kung paano niya hinayaan ang sarili na lamunin ng kanyang emosyon. Nahihiya siya sa nangyari kanina. Gusto niyang isiping walang malisya iyon, pero kapag napapatingin siya kay Andrei at nakikita ang sugat nito sa labi na alam niyang siya ang may gawa, hindi niya maiwasang bigyan ito ng kahulugan. Sa kabilang banda, sinubukan niyang ipagwalang-bahala na lang ang nangyari.&nb
Nakasalampak si Jehanne sa sahig. Pakiramdam niya, nawalan siya ng lakas. "Nasaan ako?" tanong niya sa sarili. Hinang-hina siya. Dahan-dahan siyang bumangon. Wala siyang ibang makita sa paligid kundi kadiliman. Naalala niya tuloy yung unang beses siyang nagising sa mundong ito. Ang naisip lang niya, masyadong madilim. "Anong lugar ito?" Kinapa niya ang paligid. Wala siyang mahawakang pader. Para lang siyang kumukumpas sa hangin. Para siyang isang bulag na naghahanap ng makakapitan. Nang mahanap niya ang balanse niya, sinubukan ng mga mata niyang mag-adjust sa liwanag, pero walang talab. Wala pa rin siyang makita. Walang kahit na anong liwanag sa lugar na ito. Pakiramdam niya tuloy, tinakasan na rin siya ng pag-asa. &
"Na-miss kita," sabi ni Hogan. "Ako rin," tugon ni Jehanne at humiwalay siya sa pagkakayakap. "Pasensya na kung ngayon lang kita nadalaw. Naging abala kasi ako sa ilang mga bagay." "Gaya ng ano?" "Trabaho at... paghahanap ng impormasyon, gaya ng ipinangako ko sa iyo." "Nakahanap ka na ba ng sagot?" tanong ni Jehanne. "Wala pang malinaw na sagot," tugon ni Hogan. Kahit alam naman nating nadiskubre niya na ang tungkol kay Elana, pakiramdam niya marami pa siyang hindi nalalaman. "Narinig mo ba ang balita?" pag-iba ni Je
"Hindi mabuti," sagot ni Mara kasunod ng pagbubuntong-hininga. Wala naman sigurong masama kung magpapakatotoo siya sa damdamin niya. Gaya nga ng sinabi ni Jehanne sa kanya, mas makabubuti kung tatanggapin niya ang kahinaan niya. Tumango si Andrei. "Naiintindihan ko." Seryoso ang mukha niya.
Mas matindi pa sa bangungot. Hindi sukat akalain ni Mara na mangyayari uli ang ganitong tagpo. Nasa opisina sila ni Cadis. Kasalukuyang ipinalalabas ang eksena ng kapalpakan ng isa nilang kasama sa trabaho nito. Nakaupo si Alric, ang pumalpak na taga-bulong, sa sofa habang pinanonood ang imaheng nakunan sa kanyang trabaho. Tahimik lang siya at tinanggap na nang buong loob ang mapait niyang kapalaran. Konsensya. Sabi ni Mara iyan ang pinakamahigpit nilang kalaban. Hindi lang pala mga tao ang tinatablan ng konsensya. Sa tagal na nitong nagtatraba
Nagtipon-tipon sa bulwagan ang mga taga-bulong. Kabuuang bilang: limampu. Nagtaka si Jehanne at nagtanong kay Mara. "Nasaan ang iba?" Ngumisi si Mara. "Huwag kang maghanap ng wala. Walang iba. Tayo lang." "Pang-limampu ka," singit naman ni Zedd. "Bakit ang kaunti natin?" tanong ni Jehanne. Naalala niya noong nagsasanay pa lang siya, daan-daang kaluluwa ang nakakasabay niyang kumain sa Bulwagan ng mga Namayapa. Hindi siya sanay sa ganitong kakaunting bilang. Sumagot si Mara, "Sa trabaho natin, mayroon tayong mahigpit na kalaban. At sabihin na nating iyon ang dahilan kung bakit kaunti lang tayo. Kapag hindi tayo nagtagumpay, hindi natutuwa si Cadis. 'Pag hindi nat
Nagising si Jehanne sa isang panibagong silid. Nakahiga siya sa malambot na kamang kulay pula. Bumangon siya. Paglibot niya ng tingin, nakakita siya ng kulay pulang lamesa at upuan. Kahit saan tumama ang paningin niya, kulay pula. Nagpapaliwanag sa silid ang isang sulo na may kulay pulang apoy. Hindi nagustuhan ni Jehanne ang kulay pulang ilaw na nagmumula rito kaya sinubukan niya kung gagana ba ang kapangyarihan niya. May lumabas na itim na usok sa kamay niya at dumaloy iyon papunta sa sulo. Naging normal ang kulay ng apoy. Namangha siya sa sariling kakayahan. Tumayo siya at napansing may saplot na siya. Nasa leeg na rin niya ang bato. Hinawakan niya iyon. Pareho pa rin ang temperatura na nararamdaman niya rito: iinit, lalamig, iinit, lalamig. 'Di nagtagal, lumabas siya ng sil
Umalingawngaw sa tainga ni Andrei ang mga salita ni Hogan, "Duwag ka!" "Duwag!" "Duwag!" "Duwag ka!" "Duwag!" Matinding galit ang bumalot sa kanya na naging dahilan para magpakawala siya ng kapangyarihan at tinira niya ang pader ng kanyang silid. Lumikha iyon ng malaking bitak. Kinuyom niya ang mga kamao niya. Hindi ang mga salita ni Hogan ang lumalason sa kanya kundi ang pagtanggap niya sa katotohanang isa nga talaga siyang duwag. &
Natuon ang pansin ni Cadis sa batong nasa leeg ni Jehanne na nag-iiba-iba ng kulay. Nilapitan niya si Jehanne at napayuko ang dalaga dahil sa presensya niya, pero itinaas niya ang baba nito. Sunod, hinawakan niya ang bato. "Paano mo nagawa?" namamanghang tanong ni Cadis. "Bigla na lang pong nagbago ang kulay ng kanyang bato," pag-uulat ni Andrei. "Nakita ko nga," tugon ni Cadis. "Napanood ko rin naman kanina. Salamat kay Ashen," sabi niya. Si Ashen ang itinuturing ni Cadis na mata niya sa mundo nila. Nakikita niya ang dapat makita dahil sa kapangyarihan at mahikang taglay ni Ashen. Kaya naman kung kailangan mo ng impormasyon, ito ang dapat mong lapitan. Pero bago mo marating ang Santuario ng mga Pat
Paakyat na si Celestine sa ikalawang palapag ng bahay nila nang may marinig siyang ingay na nanggagaling sa silid ng kuya niya. Bukas ang TV. May nanonood. Tumatawa iyon. Naglakas-loob siyang puntahan ang silid ng kuya niya, at nakita niyang nakabukas ang pinto at mukhang may tao. Sumilip siya. Laking gulat niya nang makita niyang nasa loob si Adrian. Napatakip siya ng bibig para hindi siya lumikha ng ingay. Paano ito nakapasok? Nakasara naman ang pinto ng bahay nila. Bigla niyang naalala ang susi ng kuya niya. Hindi niya ito nakita nang halughugin niya ang gamit nito noong araw na nalagay ito sa panganib. Umatras siya. Gusto niyang tumakas. Gusto niyang lumabas ng bahay nila at tumakbo palay