Share

DW - V.I

Author: Maja Rocha
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

          "Syempre, gusto kong makita!" galak na galak niyang itinugon.

          "Pahiram ako ng bato mo," sabi ni Andrei. Tinanggal ni Jehanne sa pagkakakabit sa leeg niya ang kwintas na pinagkakanlungan ng bato at ibinigay iyon kay Andrei. Hinawakan ni Andrei ang kwintas at kapansin-pansing nawala ang kinang ng bato. "Tingnan mo ito," sabi niya.

          "Nawala ang kulay ng bato ko," mahinang pagkakasabi ni Jehanne. Ibinalik ni Andrei ang kwintas sa kanya. Nang hawakan niya ito, nagulat siya nang makitang bumalik ang kulay nito!

          "Ikaw lang ang maaaring gumamit ng batong iyan, Jehanne. Kung hahawakan iyan ng iba, mawawalan iyan ng buhay. Puwede mong ihalintulad iyan sa pisikal na katawan, at ikaw ang kaluluwang nagbibigay-buhay sa batong iyan. Kung maiaalis iyan sa iyo, hindi g
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Death Whisperer   DW - VI

    Bago pa man sila magpunta sa mundo ng mga tao para simulan ang pagsasanay, ipinatawag ang mga taga-bantay at kanilang binabantayan para sa isang pagpupulong sa lugar na sa pagkakalarawan ni Jehanne ay "maraming lamesa at kandila." Saka lang niya nalamang ang tawag pala sa lugar na iyon ay "Bulwagan ng mga Namayapa," nang sabihin sa kanya ni Andrei. Pinagmasdan ni Jehanne ang mga kasama niya. Pansin niyang may pagkakapareho ang mga binabantayan sa kulay ng mga mata at balat. Inisip niyang dahil siguro iyon sa seremonyang pinagdaanan nila. Ipinagtataka naman niya kung bakit halos hindi nila kawangis ang mga taga-bantay. Ilan sa kanila ay iba ang kulay ng mga mata. Mapapansin ding mas marangya ang bihis ng mga taga-bantay kaysa sa kanila at napakaraming palamuti sa katawan ng mga iyon, maliban na nga lang siguro kay Andrei dahil simple lang ang ayos nito. Inisip niyang maganda siguro kung magiging taga-bantay

    Last Updated : 2024-10-29
  • Death Whisperer   DW - VI.I

    Dumilat si Jehanne at nakitang kakaiba na ang paligid. Nasa lungsod sila. Madilim ang gabi. Sa paligid nila, mga taong naglalakad. Yung iba, papasok sa trabaho. Yung iba, pauwi na. Sa ilalim niya, naroon si Andrei at nakangiti. "Nag-enjoy ka bang yakapin ako?" mapang-asar na tanong nito. Nagsalubong ang kilay ni Jehanne, dali-daling kumawala sa pagkakayakap ng taga-bantay niya, at bumangon. Tumayo rin si Andrei at pinagpag ang damit. Suot niya ang isang kakaibang ngiti at 'di niya rin mawari kung bakit siya ngumingiti nang ganoon. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Jehanne. Itinuro ni Andrei ang isang gusaling ginagawa pa lang. "Doon!" sabi niya. Tumakbo siya at sinundan siya ni Jehanne. Habang tumatakbo, may mga nakasalubong si Jehanne na sa palagay niya ay kauri nila. Madali namang mat

    Last Updated : 2024-10-29
  • Death Whisperer   DW - VII

    Nagsimula na ang pagsasanay. Nasa taas ng gusali sina Andrei at Jehanne. Kasama nila rito ang ilang manggagawa ng itinatayong gusali. Ilegal ang pananatili ng mga iyon sa palapag na ito, pero wala namang nagbabantay kaya wala na ring pumigil sa mga iyon. Mahimbing na natutulog ang lahat kahit na sa tabla lang nakahiga ang karamihan sa kanila. Hindi na sila naghangad ng maayos na tulugan dahil presko naman ang hangin sa itaas ng gusali. Habang naghihilik ang lahat, mayroong isang gising at nakatayo sa dulo ng palapag ng gusali. Pinagmamasdan noon ang tanawin sa ibaba. Iyon ang biktima sa gabing ito. May inilabas na itim na papel si Andrei mula sa bulsa niya. Galing ito kay Cadis. Binasa niya ang nakasulat. Mayroong pangalan: Greg Macasaet. Ipinakita niya kay Jehanne ang papel. "Nababasa mo?" tanong niya.

    Last Updated : 2024-10-29
  • Death Whisperer   DW - VII.I

    Lumapit si Jehanne kay Andrei na kasalukuyang nakatayo at nakatingin sa ibaba. "Hindi man lang ako nahirapan!" pagmamayabang nito. Nakaramdam ng pagkasuklam si Jehanne kay Andrei, pero pilit niyang isinaisip na trabaho lang ito. Hindi rin malayong mangyaring ganito rin ang gagawin niya sa mga tao sa hinaharap. Ilang sandali pa, nakita niya mula sa taas ng gusali na humiwalay ang kaluluwa ni Greg sa katawan nito. Mayroong dalawang tao, lalaki at babaeng naka-itim, na siyang umalalay sa kaluluwa. "Mga taga-gabay," sabi ni Andrei. "Sila ang magtuturo ng daan para 'di ka maligaw." Napagtanto ni Jehanne na ang mga taga-gabay ay sina Hogan at ang binabantayan nito. "Tara na," yakag ni Andrei habang patuloy na nagkakagulo sa ibaba. "Saan tayo pupunta?

    Last Updated : 2024-10-29
  • Death Whisperer   DW - VIII

    Paraiso sa Gitna ng Dilim, ganyan tinawag ni Elana ang lugar na ginawa niya sa pamamagitan ng kapangyarihan niya. Sino'ng mag-aakalang may lugar palang gaya nito rito? Isa itong malawak na lupaing punung-puno ng luntiang puno at sariwang damo. Tumutubo ang mababango at makukulay na bulaklak na hindi mo makikita sa mundong ibabaw. Mayroong repleksyon ng liwanag, ng kalangitan ―isang imaheng mapanlinlang sa mga mata! May batis kung saan umaagos ang malinis at malamig na tubig. Kaya nitong pawiin ang iyong uhaw. Nariyan din ang hanging sariwa at banayad sa balat. May mga insekto at mga hayop na kukumpleto sa magandang tanawin. Para kang nagbabakasyon sa isang napakagandang lugar, sa probinsya marahil. Higit sa lahat, "buhay" ka sa lugar na ito. Pero sa kabila ng ganda ng paligid, isang katotohanan ang nananaig: pawang ilusyon lamang ang lahat ng ito. "Sabi nila maganda ang lan

    Last Updated : 2024-10-29
  • Death Whisperer   DW - VIII.I

    Matapos ang ilang minutong paglagi nila sa Paraiso, nilisan na nila ang lugar. Magkagayunman, hindi makalimutan ni Jehanne ang ganda ng Paraiso kaya nakiusap siya kay Andrei na bumalik sila roon. Hindi naman siya binigo ni Andrei at sinabing babalik sila kung pagbubutihin ni Jehanne ang mga gagawing pagsasanay sa hinaharap. Sa ikalawang araw ng pagsasanay, nagbalik sina Andrei at Jehanne sa mundo ng mga tao. Hindi tulad ng nauna nilang pagsasanay, maliwanag ang mundong ibabaw nang puntahan nila. Nasa isang kalye sila. Maraming estudyanteng nakasuot ng uniporme ang dumaraan. Inabot ni Andrei kay Jehanne ang nakatiklop na itim na papel na paniguradong galing kay Cadis. "Narito ang pangalan ng sunod na biktima, tama?" tanong ni Jehanne. "Ganoon na nga," sagot ni Andrei. Binuksan ni Jehann

    Last Updated : 2024-10-29
  • Death Whisperer   DW - IX

    Umulan noong araw na iyon. Hindi nagsabay sina Laura at Thea noong uwian dahil sabi ni Laura, makikipagkita siya kay Raizen. Hindi na sumama si Thea dahil pinakiusapan siya ng kaibigan at pakiramdam niya hindi rin naman siya makatutulong. Ayaw niya ring makagulo sa kung anumang magiging usapan ng dalawa. Bago pa maghiwalay, niyakap ni Thea si Laura at sinabihan ng, "Good luck! Balitaan mo ako ha!" Tumango ang kaibigan at ngumiti nang bahagya. Dali-daling itong sumakay nang dumaan ang isang pampasaherong jeep na siyang magdadala sa pupuntahan nito. Kasabay ng pagbiyahe ni Laura lulan ng pampasaherong jeep ay ang paglalakbay ng isip niya. Katatagpuin niya si Raizen, ang dati niyang kasintahan. Mas matanda ito ng limang taon sa kanya. Marami itong pera dahil may magandang trabaho. Hindi naman iyon ang nakasilaw sa kanya. Sadyang minahal niya ito dahil marami silang pag

    Last Updated : 2024-10-29
  • Death Whisperer   DW - IX.I

    Pag-uwi sa bahay, dali-daling dumiretso si Laura sa silid niya. Agad siyang sumalampak sa kama at umiyak nang umiyak. Kinuha ni Andrei ang pagkakataon at gumawa ng isang teritoryo. Nagmasid lang si Jehanne kasi hanggang ngayon hindi pa siya handa sa trabaho. Sinimulan nang bulungan ni Andrei si Laura. Malinaw na malinaw na naririnig ni Jehanne ang mga nasa isip ni Laura. Iyak pa rin ito nang iyak habang nakahiga sa kama. Inisip ni Laura na napakamalas ng buhay niya dahil sa batang nasa sinapupunan niya. "Sabi niya mahal ka niya, 'di ba?" "Sabi niya mahal niya ako." "Sabi niya aalagaan ka niya." "Sabi niya aalagaan niya ako." "Pero ano'ng gina

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • Death Whisperer   DW - XXV

    Nakasalampak si Jehanne sa sahig. Pakiramdam niya, nawalan siya ng lakas. "Nasaan ako?" tanong niya sa sarili. Hinang-hina siya. Dahan-dahan siyang bumangon. Wala siyang ibang makita sa paligid kundi kadiliman. Naalala niya tuloy yung unang beses siyang nagising sa mundong ito. Ang naisip lang niya, masyadong madilim. "Anong lugar ito?" Kinapa niya ang paligid. Wala siyang mahawakang pader. Para lang siyang kumukumpas sa hangin. Para siyang isang bulag na naghahanap ng makakapitan. Nang mahanap niya ang balanse niya, sinubukan ng mga mata niyang mag-adjust sa liwanag, pero walang talab. Wala pa rin siyang makita. Walang kahit na anong liwanag sa lugar na ito. Pakiramdam niya tuloy, tinakasan na rin siya ng pag-asa. &

  • Death Whisperer   DW - XXIV.I

    "Na-miss kita," sabi ni Hogan. "Ako rin," tugon ni Jehanne at humiwalay siya sa pagkakayakap. "Pasensya na kung ngayon lang kita nadalaw. Naging abala kasi ako sa ilang mga bagay." "Gaya ng ano?" "Trabaho at... paghahanap ng impormasyon, gaya ng ipinangako ko sa iyo." "Nakahanap ka na ba ng sagot?" tanong ni Jehanne. "Wala pang malinaw na sagot," tugon ni Hogan. Kahit alam naman nating nadiskubre niya na ang tungkol kay Elana, pakiramdam niya marami pa siyang hindi nalalaman. "Narinig mo ba ang balita?" pag-iba ni Je

  • Death Whisperer   DW - XXIV

    "Hindi mabuti," sagot ni Mara kasunod ng pagbubuntong-hininga. Wala naman sigurong masama kung magpapakatotoo siya sa damdamin niya. Gaya nga ng sinabi ni Jehanne sa kanya, mas makabubuti kung tatanggapin niya ang kahinaan niya. Tumango si Andrei. "Naiintindihan ko." Seryoso ang mukha niya.

  • Death Whisperer   DW - XXIII.I

    Mas matindi pa sa bangungot. Hindi sukat akalain ni Mara na mangyayari uli ang ganitong tagpo. Nasa opisina sila ni Cadis. Kasalukuyang ipinalalabas ang eksena ng kapalpakan ng isa nilang kasama sa trabaho nito. Nakaupo si Alric, ang pumalpak na taga-bulong, sa sofa habang pinanonood ang imaheng nakunan sa kanyang trabaho. Tahimik lang siya at tinanggap na nang buong loob ang mapait niyang kapalaran. Konsensya. Sabi ni Mara iyan ang pinakamahigpit nilang kalaban. Hindi lang pala mga tao ang tinatablan ng konsensya. Sa tagal na nitong nagtatraba

  • Death Whisperer   DW - XXIII

    Nagtipon-tipon sa bulwagan ang mga taga-bulong. Kabuuang bilang: limampu. Nagtaka si Jehanne at nagtanong kay Mara. "Nasaan ang iba?" Ngumisi si Mara. "Huwag kang maghanap ng wala. Walang iba. Tayo lang." "Pang-limampu ka," singit naman ni Zedd. "Bakit ang kaunti natin?" tanong ni Jehanne. Naalala niya noong nagsasanay pa lang siya, daan-daang kaluluwa ang nakakasabay niyang kumain sa Bulwagan ng mga Namayapa. Hindi siya sanay sa ganitong kakaunting bilang. Sumagot si Mara, "Sa trabaho natin, mayroon tayong mahigpit na kalaban. At sabihin na nating iyon ang dahilan kung bakit kaunti lang tayo. Kapag hindi tayo nagtagumpay, hindi natutuwa si Cadis. 'Pag hindi nat

  • Death Whisperer   DW - XXII.I

    Nagising si Jehanne sa isang panibagong silid. Nakahiga siya sa malambot na kamang kulay pula. Bumangon siya. Paglibot niya ng tingin, nakakita siya ng kulay pulang lamesa at upuan. Kahit saan tumama ang paningin niya, kulay pula. Nagpapaliwanag sa silid ang isang sulo na may kulay pulang apoy. Hindi nagustuhan ni Jehanne ang kulay pulang ilaw na nagmumula rito kaya sinubukan niya kung gagana ba ang kapangyarihan niya. May lumabas na itim na usok sa kamay niya at dumaloy iyon papunta sa sulo. Naging normal ang kulay ng apoy. Namangha siya sa sariling kakayahan. Tumayo siya at napansing may saplot na siya. Nasa leeg na rin niya ang bato. Hinawakan niya iyon. Pareho pa rin ang temperatura na nararamdaman niya rito: iinit, lalamig, iinit, lalamig. 'Di nagtagal, lumabas siya ng sil

  • Death Whisperer   DW - XXII

    Umalingawngaw sa tainga ni Andrei ang mga salita ni Hogan, "Duwag ka!" "Duwag!" "Duwag!" "Duwag ka!" "Duwag!" Matinding galit ang bumalot sa kanya na naging dahilan para magpakawala siya ng kapangyarihan at tinira niya ang pader ng kanyang silid. Lumikha iyon ng malaking bitak. Kinuyom niya ang mga kamao niya. Hindi ang mga salita ni Hogan ang lumalason sa kanya kundi ang pagtanggap niya sa katotohanang isa nga talaga siyang duwag. &

  • Death Whisperer   DW - XXI.I

    Natuon ang pansin ni Cadis sa batong nasa leeg ni Jehanne na nag-iiba-iba ng kulay. Nilapitan niya si Jehanne at napayuko ang dalaga dahil sa presensya niya, pero itinaas niya ang baba nito. Sunod, hinawakan niya ang bato. "Paano mo nagawa?" namamanghang tanong ni Cadis. "Bigla na lang pong nagbago ang kulay ng kanyang bato," pag-uulat ni Andrei. "Nakita ko nga," tugon ni Cadis. "Napanood ko rin naman kanina. Salamat kay Ashen," sabi niya. Si Ashen ang itinuturing ni Cadis na mata niya sa mundo nila. Nakikita niya ang dapat makita dahil sa kapangyarihan at mahikang taglay ni Ashen. Kaya naman kung kailangan mo ng impormasyon, ito ang dapat mong lapitan. Pero bago mo marating ang Santuario ng mga Pat

  • Death Whisperer   DW - XXI

    Paakyat na si Celestine sa ikalawang palapag ng bahay nila nang may marinig siyang ingay na nanggagaling sa silid ng kuya niya. Bukas ang TV. May nanonood. Tumatawa iyon. Naglakas-loob siyang puntahan ang silid ng kuya niya, at nakita niyang nakabukas ang pinto at mukhang may tao. Sumilip siya. Laking gulat niya nang makita niyang nasa loob si Adrian. Napatakip siya ng bibig para hindi siya lumikha ng ingay. Paano ito nakapasok? Nakasara naman ang pinto ng bahay nila. Bigla niyang naalala ang susi ng kuya niya. Hindi niya ito nakita nang halughugin niya ang gamit nito noong araw na nalagay ito sa panganib. Umatras siya. Gusto niyang tumakas. Gusto niyang lumabas ng bahay nila at tumakbo palay

DMCA.com Protection Status