Home / Mistery / Thriller / Death Whisperer / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng Death Whisperer: Kabanata 11 - Kabanata 20

51 Kabanata

DW - VI

          Bago pa man sila magpunta sa mundo ng mga tao para simulan ang pagsasanay, ipinatawag ang mga taga-bantay at kanilang binabantayan para sa isang pagpupulong sa lugar na sa pagkakalarawan ni Jehanne ay "maraming lamesa at kandila." Saka lang niya nalamang ang tawag pala sa lugar na iyon ay "Bulwagan ng mga Namayapa," nang sabihin sa kanya ni Andrei.          Pinagmasdan ni Jehanne ang mga kasama niya. Pansin niyang may pagkakapareho ang mga binabantayan sa kulay ng mga mata at balat. Inisip niyang dahil siguro iyon sa seremonyang pinagdaanan nila. Ipinagtataka naman niya kung bakit halos hindi nila kawangis ang mga taga-bantay. Ilan sa kanila ay iba ang kulay ng mga mata. Mapapansin ding mas marangya ang bihis ng mga taga-bantay kaysa sa kanila at napakaraming palamuti sa katawan ng mga iyon, maliban na nga lang siguro kay Andrei dahil simple lang ang ayos nito. Inisip niyang maganda siguro kung magiging taga-bantay
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

DW - VI.I

          Dumilat si Jehanne at nakitang kakaiba na ang paligid. Nasa lungsod sila. Madilim ang gabi. Sa paligid nila, mga taong naglalakad. Yung iba, papasok sa trabaho. Yung iba, pauwi na. Sa ilalim niya, naroon si Andrei at nakangiti.          "Nag-enjoy ka bang yakapin ako?" mapang-asar na tanong nito.          Nagsalubong ang kilay ni Jehanne, dali-daling kumawala sa pagkakayakap ng taga-bantay niya, at bumangon. Tumayo rin si Andrei at pinagpag ang damit. Suot niya ang isang kakaibang ngiti at 'di niya rin mawari kung bakit siya ngumingiti nang ganoon.          "Saan tayo pupunta?" tanong ni Jehanne.          Itinuro ni Andrei ang isang gusaling ginagawa pa lang. "Doon!" sabi niya. Tumakbo siya at sinundan siya ni Jehanne. Habang tumatakbo, may mga nakasalubong si Jehanne na sa palagay niya ay kauri nila. Madali namang mat
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

DW - VII

          Nagsimula na ang pagsasanay. Nasa taas ng gusali sina Andrei at Jehanne. Kasama nila rito ang ilang manggagawa ng itinatayong gusali. Ilegal ang pananatili ng mga iyon sa palapag na ito, pero wala namang nagbabantay kaya wala na ring pumigil sa mga iyon.          Mahimbing na natutulog ang lahat kahit na sa tabla lang nakahiga ang karamihan sa kanila. Hindi na sila naghangad ng maayos na tulugan dahil presko naman ang hangin sa itaas ng gusali. Habang naghihilik ang lahat, mayroong isang gising at nakatayo sa dulo ng palapag ng gusali. Pinagmamasdan noon ang tanawin sa ibaba. Iyon ang biktima sa gabing ito.          May inilabas na itim na papel si Andrei mula sa bulsa niya. Galing ito kay Cadis. Binasa niya ang nakasulat. Mayroong pangalan: Greg Macasaet. Ipinakita niya kay Jehanne ang papel.          "Nababasa mo?" tanong niya.   
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

DW - VII.I

          Lumapit si Jehanne kay Andrei na kasalukuyang nakatayo at nakatingin sa ibaba. "Hindi man lang ako nahirapan!" pagmamayabang nito. Nakaramdam ng pagkasuklam si Jehanne kay Andrei, pero pilit niyang isinaisip na trabaho lang ito. Hindi rin malayong mangyaring ganito rin ang gagawin niya sa mga tao sa hinaharap.          Ilang sandali pa, nakita niya mula sa taas ng gusali na humiwalay ang kaluluwa ni Greg sa katawan nito. Mayroong dalawang tao, lalaki at babaeng naka-itim, na siyang umalalay sa kaluluwa.          "Mga taga-gabay," sabi ni Andrei. "Sila ang magtuturo ng daan para 'di ka maligaw."          Napagtanto ni Jehanne na ang mga taga-gabay ay sina Hogan at ang binabantayan nito.          "Tara na," yakag ni Andrei habang patuloy na nagkakagulo sa ibaba.          "Saan tayo pupunta?
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

DW - VIII

          Paraiso sa Gitna ng Dilim, ganyan tinawag ni Elana ang lugar na ginawa niya sa pamamagitan ng kapangyarihan niya. Sino'ng mag-aakalang may lugar palang gaya nito rito? Isa itong malawak na lupaing punung-puno ng luntiang puno at sariwang damo. Tumutubo ang mababango at makukulay na bulaklak na hindi mo makikita sa mundong ibabaw. Mayroong repleksyon ng liwanag, ng kalangitan ―isang imaheng mapanlinlang sa mga mata! May batis kung saan umaagos ang malinis at malamig na tubig. Kaya nitong pawiin ang iyong uhaw. Nariyan din ang hanging sariwa at banayad sa balat. May mga insekto at mga hayop na kukumpleto sa magandang tanawin. Para kang nagbabakasyon sa isang napakagandang lugar, sa probinsya marahil. Higit sa lahat, "buhay" ka sa lugar na ito. Pero sa kabila ng ganda ng paligid, isang katotohanan ang nananaig: pawang ilusyon lamang ang lahat ng ito.          "Sabi nila maganda ang lan
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

DW - VIII.I

          Matapos ang ilang minutong paglagi nila sa Paraiso, nilisan na nila ang lugar. Magkagayunman, hindi makalimutan ni Jehanne ang ganda ng Paraiso kaya nakiusap siya kay Andrei na bumalik sila roon. Hindi naman siya binigo ni Andrei at sinabing babalik sila kung pagbubutihin ni Jehanne ang mga gagawing pagsasanay sa hinaharap.          Sa ikalawang araw ng pagsasanay, nagbalik sina Andrei at Jehanne sa mundo ng mga tao. Hindi tulad ng nauna nilang pagsasanay, maliwanag ang mundong ibabaw nang puntahan nila. Nasa isang kalye sila. Maraming estudyanteng nakasuot ng uniporme ang dumaraan. Inabot ni Andrei kay Jehanne ang nakatiklop na itim na papel na paniguradong galing kay Cadis.          "Narito ang pangalan ng sunod na biktima, tama?" tanong ni Jehanne.          "Ganoon na nga," sagot ni Andrei.          Binuksan ni Jehann
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

DW - IX

          Umulan noong araw na iyon. Hindi nagsabay sina Laura at Thea noong uwian dahil sabi ni Laura, makikipagkita siya kay Raizen. Hindi na sumama si Thea dahil pinakiusapan siya ng kaibigan at pakiramdam niya hindi rin naman siya makatutulong. Ayaw niya ring makagulo sa kung anumang magiging usapan ng dalawa.          Bago pa maghiwalay, niyakap ni Thea si Laura at sinabihan ng, "Good luck! Balitaan mo ako ha!" Tumango ang kaibigan at ngumiti nang bahagya. Dali-daling itong sumakay nang dumaan ang isang pampasaherong jeep na siyang magdadala sa pupuntahan nito.          Kasabay ng pagbiyahe ni Laura lulan ng pampasaherong jeep ay ang paglalakbay ng isip niya. Katatagpuin niya si Raizen, ang dati niyang kasintahan. Mas matanda ito ng limang taon sa kanya. Marami itong pera dahil may magandang trabaho. Hindi naman iyon ang nakasilaw sa kanya. Sadyang minahal niya ito dahil marami silang pag
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

DW - IX.I

           Pag-uwi sa bahay, dali-daling dumiretso si Laura sa silid niya. Agad siyang sumalampak sa kama at umiyak nang umiyak. Kinuha ni Andrei ang pagkakataon at gumawa ng isang teritoryo. Nagmasid lang si Jehanne kasi hanggang ngayon hindi pa siya handa sa trabaho.           Sinimulan nang bulungan ni Andrei si Laura. Malinaw na malinaw na naririnig ni Jehanne ang mga nasa isip ni Laura. Iyak pa rin ito nang iyak habang nakahiga sa kama. Inisip ni Laura na napakamalas ng buhay niya dahil sa batang nasa sinapupunan niya.           "Sabi niya mahal ka niya, 'di ba?"           "Sabi niya mahal niya ako."           "Sabi niya aalagaan ka niya."           "Sabi niya aalagaan niya ako."           "Pero ano'ng gina
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

DW - X

           Hawak-hawak ni Fame ang pisnging sinampal ni Andrei habang humahangos na tumatakbo (kahit wala naman siyang hininga) papunta sa isang silid na madalas niyang puntahan tuwing masama ang loob niya. Narating niya ang pinto ng silid na may nakasulat na mga simbolong imposibleng maintindihan ng pangkaraniwang tao. Nakasulat dito ang mga numerong 80 - 800514 at sa ibaba nito, naroon din ang pangalan ng may-ari ng silid, si Hogan. Sa paligid ng pinto may mga simbolong nakaukit na iba't iba ang anyo at hugis na siyang nagsisilbing daluyan ng liwanag galing sa bato.           Itinapat ni Fame ang bato niya at lumabas dito ang puting liwanag, na siyang tanda ng pagiging isang taga-bantay. Nang bumukas ang pinto, agad siyang pumasok sa silid at tinawag niya ang pangalan ng may-ari nito. Agad din namang sumara ang pinto pagpasok niya. Nakadisenyo iyon sa ganoong paraan.           
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

DW - X.I

          Nasa ikatlong araw na ng pagsasanay sina Andrei at Jehanne. Tinipon muli sila ni Cadis sa Bulwagan ng mga Namayapa. Matapos maibigay sa mga taga-bantay ang itim na papel kung saan naroon ang pangalan ng magiging "biktima" nila, nagpunta na sila sa kanya-kanyang silid. Narating na nina Jehanne at Andrei ang silid, pero bago sumalang sa panibagong pagsasanay, nagpaalam si Andrei kay Jehanne at sinabing mahuhuli sila sa nakatakdang oras dahil may mahalagang iniuutos si Cadis sa kanya. Ayos lang naman iyon para kay Jehanne. Hindi rin naman kasi niya gusto ang trabaho nila.          Paglabas ni Andrei ng silid ni Jehanne, nakasalubong niya si Hogan. Binati niya ito.          "Uy Hogan! Bakit pagala-gala ka pa? Hindi pa ba kayo nagsisimulang magsanay?"          "Hmm. Maya-maya. Nagpaalam naman ako kay Cadis e!"          "May pup
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status