Nakasakay ako ngayon sa lumang train na maghahatid sa akin sa Ashvel town. Hindi ko rin alam kung bakit may lumang station ng train sa syudad na ito. Maunlad naman ang syudad, kaya nakakatuwang makakita ng lumang train. I have search about the town pero wala akong ibang nakita bukod sa malaki at lumang mansion na sa tingin ko ay nasa dekada na ang tanda. Wala ring ibang lumabas tungkol sa pamumuhay at mga mamamayan ng Ashvel. Dinukot ko ang cell phone ko sa bulsa para tawagan si mama.After the second ring, she picked. I take a deep breath."Ma," I enthusiastically called. "Salamat, anak! Binigay na nila si Stacy. Maraming salamat," bungad niya, at walang humpay na nagpapasalamat sa akin. Napangiti ako. Tinuyo ko ang luha sa aking mata. Sa wakas ay nawala na ang tinik sa lalamunan ko. Balik na sa dati ang lahat. "Salamat naman at tumupad sila," bulong ko. "Kumusta na pala si Stacy, ma?" pag-iiba ko. Kahit naman na hindi kami close ng kapatid ko na iyon ay may pakialam pa rin ako
Read more