"Sis, kumain ka naman ng kunti." Tiningnan ko si Freya na kanina pa ako kinukulit sa pagkaing inihanda niya. "Sis." Agad na tumalikod si Freya nang makita niya ang luha na muling nagpapaala sa akin kung gaano kasakit mawalan ng isang sanggol na hindi mo man lang nahawakan. Ilang beses na akong tinakasan ng panglasa ko, ilang beses na rin akong trinaidor ng mga luha ko na kahit anong mahika ang gamitin ko ay wala pa ring makakapigil sa sakit na nararamdaman ko. Sa bawat pagpikit ng mga mata ko ay isang sanggol ang naalala ko. Sanggol na namatay sa sinapupunan ko dahil sa pagsalakay ng mga kaaway. "Masama ba akong ina?" Bigla kong tanong sa sarili ko. Nakatanaw lang ako sa bintana kung saan nakikita ko ang malayang agila lumilipad sa kalangitan. Dati noong bata pa ako tinanong kami ng guro namin kung ano ba ang pangarap naming maging. Some of my classmates said, gusto nila maging teacher, pulis, bombero, at marami pang iba. But when my teacher pointed her attention on me, I simply sa
Huling Na-update : 2021-11-11 Magbasa pa