"Sis, kumain ka naman ng kunti." Tiningnan ko si Freya na kanina pa ako kinukulit sa pagkaing inihanda niya. "Sis." Agad na tumalikod si Freya nang makita niya ang luha na muling nagpapaala sa akin kung gaano kasakit mawalan ng isang sanggol na hindi mo man lang nahawakan. Ilang beses na akong tinakasan ng panglasa ko, ilang beses na rin akong trinaidor ng mga luha ko na kahit anong mahika ang gamitin ko ay wala pa ring makakapigil sa sakit na nararamdaman ko. Sa bawat pagpikit ng mga mata ko ay isang sanggol ang naalala ko. Sanggol na namatay sa sinapupunan ko dahil sa pagsalakay ng mga kaaway. "Masama ba akong ina?" Bigla kong tanong sa sarili ko. Nakatanaw lang ako sa bintana kung saan nakikita ko ang malayang agila lumilipad sa kalangitan. Dati noong bata pa ako tinanong kami ng guro namin kung ano ba ang pangarap naming maging. Some of my classmates said, gusto nila maging teacher, pulis, bombero, at marami pang iba. But when my teacher pointed her attention on me, I simply sa
Ilang araw kong pinagluksaan ang namayapa kong anak. Ilang araw ko ring pinagnilayan ang lahat na nangyari at hindi pweding hanggang sa wakas ay magkukulong na lang ako sa kwarto ko apat na sulok ng kwarto ko. Pinatawag ko si Freya at ang ama ko upang mag-ulat sa akin ang lahat ng nangyari. “Ang Lucian ay hawak ni Yvan na siyang kasalukuyang Alpha ng lahat. Ang Lucian ang pinakamalakas ng hybrid ng mga werewolf. Ayon kay Sentimo na siyang espeya ko sa loob ng Ashvel ay 20% lamang ang pinadala ni Yvan upang halughugin ang buong kagubatan upang mahanap ang mga traidor sa council.” Kung ganoon ay balik din nilang patayin ang ama ko? Tila nanadya talaga si Mr Yvan. Naikuyom ko ang kamao ko. Sige lang, I'll give you want you want. You want war? Let's see, who will win.“Gaano kalakas ang mga kawal nila?” I ask him without throwing a look. “They are the powerful than Vaewolves. They are the 6th generation of our bloodline. Mas bago, mas makakas,” wika ng ama ko. “Bakit kailangan niya pan
Inangat ko ang kamay ko. Nasilayan ng mga mata ko ang unti-unti pagiging abo na tinatangay ng hangin. Hanggang nawala na sa paningin ko ang mga daliri ko at hindi ko na maramdaman pa. Marahan kong idinestansiya ang sarili ko kay Vincent. “Vince, I’m vanishing.” “No! No! You are not, Jas.” “This is the punishment of heaven for taking the life of her blood relatives,” wika ni Apollo. Lahat kami ay naipako ang tingin sa kaniya. My father runs toward me. He whispered something I couldn't understand. Unti-unti nang naging abo ang kalahi kong katawan“W-what?” Parang nabingi ako sa sinabi na iyon ni Apollo. Tila bumagak ang pag-asa na ipinangako ko sa anak ko. Punishment? Pwede pa rin pa lang paresahan ang tulad kong makapangyarian? Hindi ba ay napaka unfair para sa akin ang makatanggap ng parusa? Gusto ko lang naman na mapaghiganti ang anak at ina ko. It's unfair! Hanggang dito na lang ba ako? “NO! PLEASE! JASMINE PLEASE DON’T GO!” Pagmamakaawa ni Vincent nang makita na niyang tinat
"Mom." Tawag ng isang binatang papalapit sa amin. Gulat akong napatingin sa kaniya. Unang napansin ko ang pagkakahawig niya kay Yvan, pangalawa ay ang mga mata niya na gaya ng sa akin at ang aura nitong nagbabadya ng panganib at ang tingin nitong naghahatid ng kilabot. Tulad ng araw na mapadpad ako sa Ashvel at nakilala sa unang pagkakataon si Yvan. Hindi ko napansin ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Tila may pakiramdam ako na nagpapahayag ng patinding pangungulila ng matagal. "Mom. How are you?" "Y-you know me?" Taka kong tanong ko sa kaniya. Magkahawig nga sila ni Yvan at imposible rin naman na anak namin iyon dahil patay na ang anak namin. Nasaksihan ko ang paghatid sa kaniya sa huling hantungan. "Matagal na rin ang panahon, simula nang makausap kita, ma."Gulong-gulo na ako. Hindi ko maintindihan kung bakit niya akong tinatawag na mama. "I know you are confused right now. At mahabang kwento rin kung bakit ako narito sa iyong harapan. But to make the story short. Anak mo ak
"Simula ng maglaho ka ay naging mas magulo pa ang bayan ng Ashvel.” Inabot ni Sebastian ang isang tasang mainit na kape sa akin. Pinaradahan ko nang tingin ang mga nagtipon-tipon dito ngayon. Marami sa kanila ay biktima ng nakakalason na tubig. May mga sintomas din akong nakikita mula sa kanilang balat. Bata, matanda, dalaga, binata. Lahat sila ay walang kawala sa salot kung tawagin nila. Sure it is. Pero gusto kong malaman kung bakit? Noong iwan ko ang mundo rito pansamantala ay maayos pa naman ang bayan ng Ashvel at ginagampanan pa ni Yvan ang kaniyang pagiging Alpha sa bayan niya.Dahil din doon ay bigla akong na konsensya. Kung hindi lang sana nangyari iyon, hindi sana ay may magagawa pa ako. Pero ang nakatataas na ang nagdesisyon sa kapalaran ko. Hindi ko na mababago ang lahat. I gritted my teeth, trying to hold myself not to cry.“Anong ibig mong sabihin?” Napatingin ako sa mainit na kape.“Noong mawala ka sa mansion ni Yvan ay napapansin ko na ang unti-unti niyang pagbabago.
Naging matagumpay ang pagpasok namin ni Sebastian sa loob ng mataas na palasyo na itinayo ni Yvan. Hindi ko akalain na ganoon ka hirap lusutan ang kaniyang mga kawal na nagkalat. Kamuntik pa kaming mahuli dahil sa paggamit ko ng mahika. Buti na lang at napigilan agad ako ni Sebastian na gumamit. Tila may detection system ang buong lugar na 'to, at hind basta-basta makakagamit ng mahika na hindi napapansin. Pansin ko ring mabilis nilang maamoy ang mga intremetido tulad namin.Hindi kami dumaan sa entrance mismo ng kanilang kaharian, kundi sa pinakatago na tanging si Sebastian lamang ang nakaalalam. Sa pagkakaalala ko ang lugar na ito ay ang mansion noon ni Yvan. Hindi ko rin alam kung paano nila natatag ng ganito kataas ang pader na siyang naghahati sa palasyo niya at sa bayan ng Ashvel, na kung titingnan ay tatagal ng isang dekada bago mabuo ang pader.Mabilis akong hinila ni Sebastian sa kamay ng bigla na lang may dumaan na werewolf. Hindi pa kami tuloyang nakaabot sa pinakapinto ng
Mabilis na naging tao si Vincent nang mailapag na niya ako sa lupa. Hindi ko na maalala ang pinasukan namin upang makapunta rito. Hindi ko na rin maalala ang mga dinaanan namin para makatakas sa kamay ng mga bampira na 'yon.Nabaling ang tingin ko sa babaeng lobo nang matamaan ito ng sinag ng araw. Nakapatong ito sa malaking bato habang patuloy sa pag-alulong. Ang kaniyang balahimo ay kasing kinang ng bituin sa langit at ang kaniyang mga mata ay tila ba ay replika ng kalawakan.Mariin akong napapikit nang maramdaman ang sakit sa braso ko. Biglang natuyo ang lalamunan ko't kahit ang tubig ay hindi nito kayang pawiin ang uhaw ko. Naririnig ko ang pagtawag sa akin ni Vincent pero tila naging malabo sa pandinig ko ang mga boses nila."Vincent!" Tawag ng dalawang babae nang makita kong lumabas ito mula sa puno."W-what are you doing here?" boses iyon ni Vincent."Sinundan ka namin. Obvious naman 'di ba?" Aniya pa.Nakita ko na lang ang paglapit ng kambal sa akin bago nila ako ginamot. They
Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan namin ngayon na alam na nang buong palasyo ng Alpha na patay na si Glenda. Naging alarma ang lahat ng kawal sa palasyo at nagpakalat ang mga bantay sa labas ng pader tulad na lamang nang nakikita ko ngayon.Mag-isa ko lamang na tinahak ang patay na siyudad ng Ashvel. Palihim lamang ang lakad na ito dahil ayaw kong sumama pa sila Vincent. Mas kailangan ng iba pang mga lobo ang tulong ng kambal at Vincent dahil marami sa kanila ay hindi pa lubos na magaling gawa nang pag-atake ng mga croucker.Habang tinitingnan kung paano ako makakapasok sa loob ay nagulat na lamang ako nang isang kamay ang humila sa akin patungo sa kagubatan. Sinubukan kong makaalis sa kaniyang mga kamay, pero laking gulat ko na lamang nang makita kung sino iyon.Mabilis niya akong sinipa dahilan para mapaupo ako sa damuhan. Napamura ako dahil pakiramdam ko'y natamaan nang husto ang kamay ko. Hindi na siya nag-aksaya pa nang segundo at mabilis niya akong inatake. Sunod-sunod nama