"Simula ng maglaho ka ay naging mas magulo pa ang bayan ng Ashvel.” Inabot ni Sebastian ang isang tasang mainit na kape sa akin. Pinaradahan ko nang tingin ang mga nagtipon-tipon dito ngayon. Marami sa kanila ay biktima ng nakakalason na tubig. May mga sintomas din akong nakikita mula sa kanilang balat. Bata, matanda, dalaga, binata. Lahat sila ay walang kawala sa salot kung tawagin nila. Sure it is. Pero gusto kong malaman kung bakit? Noong iwan ko ang mundo rito pansamantala ay maayos pa naman ang bayan ng Ashvel at ginagampanan pa ni Yvan ang kaniyang pagiging Alpha sa bayan niya.Dahil din doon ay bigla akong na konsensya. Kung hindi lang sana nangyari iyon, hindi sana ay may magagawa pa ako. Pero ang nakatataas na ang nagdesisyon sa kapalaran ko. Hindi ko na mababago ang lahat. I gritted my teeth, trying to hold myself not to cry.“Anong ibig mong sabihin?” Napatingin ako sa mainit na kape.“Noong mawala ka sa mansion ni Yvan ay napapansin ko na ang unti-unti niyang pagbabago.
Naging matagumpay ang pagpasok namin ni Sebastian sa loob ng mataas na palasyo na itinayo ni Yvan. Hindi ko akalain na ganoon ka hirap lusutan ang kaniyang mga kawal na nagkalat. Kamuntik pa kaming mahuli dahil sa paggamit ko ng mahika. Buti na lang at napigilan agad ako ni Sebastian na gumamit. Tila may detection system ang buong lugar na 'to, at hind basta-basta makakagamit ng mahika na hindi napapansin. Pansin ko ring mabilis nilang maamoy ang mga intremetido tulad namin.Hindi kami dumaan sa entrance mismo ng kanilang kaharian, kundi sa pinakatago na tanging si Sebastian lamang ang nakaalalam. Sa pagkakaalala ko ang lugar na ito ay ang mansion noon ni Yvan. Hindi ko rin alam kung paano nila natatag ng ganito kataas ang pader na siyang naghahati sa palasyo niya at sa bayan ng Ashvel, na kung titingnan ay tatagal ng isang dekada bago mabuo ang pader.Mabilis akong hinila ni Sebastian sa kamay ng bigla na lang may dumaan na werewolf. Hindi pa kami tuloyang nakaabot sa pinakapinto ng
Mabilis na naging tao si Vincent nang mailapag na niya ako sa lupa. Hindi ko na maalala ang pinasukan namin upang makapunta rito. Hindi ko na rin maalala ang mga dinaanan namin para makatakas sa kamay ng mga bampira na 'yon.Nabaling ang tingin ko sa babaeng lobo nang matamaan ito ng sinag ng araw. Nakapatong ito sa malaking bato habang patuloy sa pag-alulong. Ang kaniyang balahimo ay kasing kinang ng bituin sa langit at ang kaniyang mga mata ay tila ba ay replika ng kalawakan.Mariin akong napapikit nang maramdaman ang sakit sa braso ko. Biglang natuyo ang lalamunan ko't kahit ang tubig ay hindi nito kayang pawiin ang uhaw ko. Naririnig ko ang pagtawag sa akin ni Vincent pero tila naging malabo sa pandinig ko ang mga boses nila."Vincent!" Tawag ng dalawang babae nang makita kong lumabas ito mula sa puno."W-what are you doing here?" boses iyon ni Vincent."Sinundan ka namin. Obvious naman 'di ba?" Aniya pa.Nakita ko na lang ang paglapit ng kambal sa akin bago nila ako ginamot. They
Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan namin ngayon na alam na nang buong palasyo ng Alpha na patay na si Glenda. Naging alarma ang lahat ng kawal sa palasyo at nagpakalat ang mga bantay sa labas ng pader tulad na lamang nang nakikita ko ngayon.Mag-isa ko lamang na tinahak ang patay na siyudad ng Ashvel. Palihim lamang ang lakad na ito dahil ayaw kong sumama pa sila Vincent. Mas kailangan ng iba pang mga lobo ang tulong ng kambal at Vincent dahil marami sa kanila ay hindi pa lubos na magaling gawa nang pag-atake ng mga croucker.Habang tinitingnan kung paano ako makakapasok sa loob ay nagulat na lamang ako nang isang kamay ang humila sa akin patungo sa kagubatan. Sinubukan kong makaalis sa kaniyang mga kamay, pero laking gulat ko na lamang nang makita kung sino iyon.Mabilis niya akong sinipa dahilan para mapaupo ako sa damuhan. Napamura ako dahil pakiramdam ko'y natamaan nang husto ang kamay ko. Hindi na siya nag-aksaya pa nang segundo at mabilis niya akong inatake. Sunod-sunod nama
Abot-abot ang aking kaba nang pumasok kami sa palasyo. Alam kong maamoy nila ako. Sa talas ng mga pang-amoy ng mga werewolf na ito, hindi malabong pati ang kapangyarihan ko ay maamoy rin nila.Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko wa balabal na binigay ni Hamna kanina. He was holding my hands so tight. Napapansin ko ring kalmada itong naglalakad na para bang hindi niya nararamdaman ang panganib.Kahit na malakas ang kapangyarihan na meroon ako ay hindi pa rin kaipagkakaila na kulang pa ang pisikal ko na lakas. Tulad nga ng sabi ni Hamna, ang mahina kong pisikal na lakas ang magpapatumba sa akin. I think he is right on that. Nagsisimula na naman kasi ang propesiya na gumalaw. The spot on my chest was slowly showing up. Hindi iyon magandang sinyalis. Sa palagay ko ay nasa panganib na naman ang aking kaharian.Napatingin ako kay Hamna. I am also worried on this guy. Hindi biro ang sugat sa buo niyang katawan. Inaamin kong sobrang lakas niya. Sa tindi ba naman ng mga sugat niya ay hindi
Lahat ng mga mayayaman at mga kilalang tao mula sa iba't-ibang destrito ng nasasakupan ni Yvan ay narito ngayon at nakikipagplastikan sa isa't-isa. Lahat sila ay biglang pinatawag ni Yvan upang ganapin ang pag-iisang dibdib naming dalawa.I know it's so suddenly, and I have no choice. Hawak niya ang dalawang mahahalagang tao sa buhay ko. Kailangan ko silang protektahan.Nakasuot ako ng magarang damit. Maayos na nakatirentas ang aking buhok. Pati ang aking mukha ay hindi rin nakatakas na lagyan ng palamuti. Halos hindi na ako makahinga sa patong-patong na damit ko sa loob. Sumasakit na rin ang anit ko sa higpit nang pagkakatali ng buhok ko. Kailangan ba talaga na ganito?Biglang tumahimik ang lahat. Ilang minuto na lang talaga at matatali na ako sa taong kinamumuhian, at kinasusuklaman ko. Huminga ako ng malalim bago kami naglakad papalapit sa altar. Naka angkla ang aking kamay sa braso ni Yvan habang nakaharang naman sa aking paningin ang tela na tumatakip sa aking buong mukha. Masyado
Dumagsa ang mga manggagamot sa loob ng palasyo ni Yvan. Hindi ko akalain na magiging concern siya sa anak niya.I felt a little bit jealous. Naisip ko rin na kung nabuhay kaya ang anak namin, hahantong kaya sa ganito ang kapalaran namin? Ganito rin kaya ang ipapakita ni Yvan na pag-aalala?I shake my head. Bakit ba ako nag-iisip ng ganito?Nakaupo lang ako sa malawak na upuan habang ninanamnam ang aking tsaa. Ito na ang pangalawang araw na walang malay ang anak nila.Hindi man sabihin ni Yvan ay nababasa ko sa galaw niya ang pag-aalala para sa kaniyang anak. Hindi siya umalis sa tabi buong magdamag. Panay silip din ang kaniyang ginawa sa noo ng bata."Puwede ka nang matulog sa kwarto." Binaling niya ang tingin niya sa akin. Halata sa kaniyang mata ang puyat at pagod sa pagbabantay sa kaniyang anak."You should take a nap, Yvan. Dalawang araw ka ng walang maayos na tulog." Nilapag ko sa mesa ang tasa ko. "I'll take care of her."Buong araw na akong nakaupo rito at pinagmamasdan silang d
"Father?" Sinundan ko siya nang tingin. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga 'yon!Nabalutan ng pag-asa ang puso ko nang sundan ko siya. Pumasok siya sa isang liblib at nakakasulasok na lugar. Pansin ko rin na may bitbit ito na supot. I couldn't smell what's inside of it.Akmang tatawagin ko na sana siya nang bigla na lang itong pumasok sa isang silid. Kumunot ang noo ko nang may napansin ako kakaiba sa kaniya. May mali sa kaniyang kinikilos.Mabilis akong nagtago nang pumasok siya at sinalubong siya ng isang babaeng may suot na balabal. Kumunot ang noo ko nang maamoy ang kaniyang pamilyar na pabango.Kimberly?Hindi nga ako nagkamali nang dahan-dahan niyang tinanggal ang suot na balabal. She's looking at my father- our father.What's happening here? Bakit nandito ang aking ama?Lumapit siya kay Kimberly bitbit ang supot na kaniyang dala. Tila bumaliktad ata ang sikmura ko nang ilabas niya ang laman ng supot. It's a heart with size of walnut.Saka ko lamang nakita kung saan ito galing