Ika-limampu’t apat na araw sa mundo ng mga tao; ika-dalawampu ng Oktubre; at ang ika-tatlumpung kaarawan ni Cyrus. Ang araw na ito ay mahalaga kay Cyrus dahil ngayon ang simula ng panibagong kabanata ng kanyang buhay, panibagong taon, at panibagong mga kahaharapin. Sa araw na ito ay dapat may malaking selebrasyon na magaganap, ngunit dahil para bang sumpa ang araw na ito sa kanya dahil parati na lamang siyang nagkakasakit. Hindi ito dahil sa panahon at pagkakataon, mayroong rason sa likod nito na hindi ko alam kung ano, at wala akong oras upang alamin iyon dahil mas kailangan kong intindihin ang lagay niya.Magdamag ko siyang binantayan kagabi dahil hindi bumuti ang lagay niya. Mas tumaas ang kanyang lagnat at mas nanakit ang ulo at katawan kaya oras-oras akong nakabantay sa kanya, pinupunasan siya, at pinapainom ng gamot kapag kailangan. Hindi na ako nagpahinga dahil naging tutuok ako sa pagbabantay sa kanya. Wala lang din naman iyon sa akin dahil mas importante ang pa
Last Updated : 2021-09-26 Read more