Home / Fantasy / The Fall of the Queen / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of The Fall of the Queen: Chapter 41 - Chapter 50

103 Chapters

Ika-tatlumpu't walong kabanata

Ika-labing dalawang araw ng pananatili ko sa mundo ng mga mortal. Ayon kay Cyrus kahapon nang tanungin ko siya ay alas siyete ng umaga siya aalis para pumasok sa trabaho, kung kaya’t alas singko y medya pa lang ay bumangon na ako at naghanda ng almusal. Palaging pinapaalala sa akin ni Danie na bago simulan ang ano mang gawain at trabaho ay kailangang may laman ang tiyan dahil ito ang magbibigay enerhiya upang masimulan ng maayos ang kung ano mang gawain. Noong mga nakaraan ay hindi ko siya napagluluto dahil nagbabawi pa ako ng lakas, ngunit ngayong tuluyan ng maayos ang lagay ko ay sisimulan ko na ang pagluluto ng kanyang almusal sa araw-araw hanggat nandito pa ako nanunuluyan sa kanyang tahanan.Hindi ko pa alam kung ano ang hilig niyang kainin sa umaga o ang paboritong kombinasyon ng pagkain, kung kaya’t kung ano muna ang nandito na alam kong lutuin ay siya kong ihahanda.Ang itlog na narito ay hinaluan ko ng sibuyas, kamatis, siling berde, at sinamahan n
last updateLast Updated : 2021-08-28
Read more

Ika-tatlumpu't siyam na kabanata

Para sa mga bampirang katulad ko, isang biyaya ang magkaroon ng mga kakayahan tulad ng mabilis na pagkilos, paghalo sa hangin para mabilis makapunta kung saan namin nais, malinaw na paningin at pandinig, at ang hindi pagkakaroon ng sakit na hindi mula sa mga tama ng kung anong mapaminsalang gamit o sumpa. Nakadepende rin sa dugong nananalaytay sa amin kung ano pa ang ibang mga kakayahanan o kapangayrihan na mayroon kami. Kung ako mayroong kapangyarihan na nakuha ko sa aking mga magulang tulad ng pagkontrol sa anino at apoy, pagbubukas ng mga portal, pagkontrol ng isip, at iba pa, na natatangi sa iba, ay ang ibang bampira naman ay wala nito. May mga kakayahan naman sila na minsa’y ako naman ang wala.Ang isa pang lubos na ipinagpapasalamat namin ay hindi tumatanda ang aming mga itsura, at ang imortalidad ay hindi mabilis maputol kung hindi sasadyaing tapusin. Ngunit sa bawat biyaya na mayroon kami ay may kaakibat naman na sumpa. Isa na sa itinuturing naming na sumpa ay a
last updateLast Updated : 2021-08-29
Read more

Ika-apatnapung kabanata

“Sa paglipas ng panahon, sigurado akong ang mga kakayahan at kapangyarihan na mayroon ka ngayon ay mas lalakas at mas dadami. Sa ngayon ay kakayahan pa lamang ng iyong ina ang mayroon ka, pero nakakasigurado akong makukuha mo ang akin kung magpapatuloy ka sa pag-eensayo,” saad ni ama habang isang ngiti ang nakaguhit sa labi niya nang maabutan niya ako rito sa aking silid ensayuhan na sumusubok gamitin ang mga patalim at ibang kagamitan sa pakikipaglaban. Inihagis ko ang huling kutsilyo na hawak ko sa may tudlaan bago sinundan ng tingin ang pagkilos niya. Kinuha niya ang espada sa may gilid at inihagis sa akin papunta ang isa, kung kaya’t agad na sinalo ko iyon. Kinuha naman niya ang isa pa bago lumapit sa akin. Nabigla ako nang mabilis siyang sumugod sa akin, kung kaya’t wala akong nagawa kung hindi labanan siya pabalik dahil kapag nanatili akong nakatayo lamang ay maaaring mahiwa o bumaon sa akin ang espada niyang gamit.
last updateLast Updated : 2021-09-02
Read more

Ika-apatnapu't isang kabanata (unang parte)

Katulad ng palagi kong nakagawian ay ipinaghanda ko ng almusal si Cyrus at kasabay niyang kumain. Sa pagkakataong ito ay ang hiniling niyang sinangang na may maraming bawang at ang pinatuyong isda na tinatawag niyang dilis at tuyo ang akin ipinirito, at dinamayan na rin ng itlog. Tinuruan niya ako kahapon ng kung paanong timpla ang gusto niya sa kanyang kape kung kaya’t iyon ang inihanda ko para sa kanya. Mas gusto niya raw ito kaysa sa gatas.Pagkaluto ng lahat ay inihanda ko na iyon sa mesa. Nakakapanibagong isipin na kung dati’y ako ang pinagsisilbihan dahil ako ang reyna, pero ngayon ay iyon naman ang ginagawa ko para sa iba. Hindi naman iyon nakakahiya at mas lalong hindi rin nakakababa dahil ginagawa ko ito bilang kapalit sa tulong na ibinigay sa akin ni Cyrus dahil kung tutuusin ay baka wala na ako kung hindi dahil sa tulong niya.At isa pa, hindi ko tinitignan ang sarili ko na mataas sa iba lalo na at kailanma’y hindi ako tinuruan ni ama na ta
last updateLast Updated : 2021-09-04
Read more

Ika-apatnapu't isang kabanata (ikalawang parte)

Ginugol ko ang maghapon ko sa pagliligpit dito sa bahay at sa pagtitiklop ng mga nalabhan ko. Mabilis itong natuyo dahil sa mataas na sinag ng araw sa labas.Pagkatapos ko sa mga gawain ay muli akong naligo. Pinili ko na lamang suotin ang puting mahabang bestida na binili sa akin ni Cyrus noon at pinatungan ng may mahabang manggas na cardigan dahil ang mismong bestida na suot ko ay may pugot na manggas.Hinayaan ko na lamang na nakalugay ang buhok ko at naglagay ng kaunting kolorete sa mukha na nabili namin noon ni Cyrus sa mall. Isinuot ko na rin ang sapin sa paa na kasabay naming binili noon, at pati ang kwintas ko na hindi pa namin naibebenta. Mabuti na lamang at hindi ito ang kwintas na pagmamay-ari ng aking ina dahil hinding-hindi ko talaga ito ibibigay o ibebenta sa oras na kailanganin namin ng pera. Iyon na lamang ang nag-iisang alaala niya sa akin.Nang masiguradong nakaayos na ako ay kinuha ko ang cellphone na ibinigay ni Cyrus sa akin at inilagay iyon
last updateLast Updated : 2021-09-05
Read more

Ika-apatnapu't dalawang kabanata

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito dahil kung kanina ay ang totoong nais ko na hindi makakuha ng atensyon at lumayo sa gulo kung maaari ay nabaliktad. Ang lahat ng atensyon ng mga nandito ay nakuha na namin dahil sa nangyaring gulo. Hindi rin ako pala-patol sa mga ganito kaliliit na gulo, ngunit dahil sa kinikimkim kong galit kay Kirsten ay napunta iyon lahat ngayon sa mortal na ito na kawangis at kaugali niya. Isang simpleng patak ng alak sa damit niya ay kung ano-ano na agad ang sinabi siya sa akin at binuhusan pa ako ng alak sa mukha. Hindi rin kita ang mantsang iyon dahil kulay asul ang suot niya, hindi tulad sa akin na puting-puti at kitang-kita ang mantsa ng alak. Isang ngisi ang ipinakita ko sa kanya bago muling humakbang paabante. Agad naman siyang napaatras at tumama sa katawan ng amo ni Cyrus. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang Gobernador ng kanilang bayan, at maaaring anak niya ang babaeng kaharap ko na ito dahil sa paraa
last updateLast Updated : 2021-09-06
Read more

Ika-apatnapu't tatlong kabanata (unang parte)

Ikalabing-pitong araw sa mundo ng mga mortal. Sa mga araw na lumipas ay ilang beses kong sinusubukang kumonekta kina Danie, Dan, Heinrich, o miski kay Helena upang mapabatid na nandito ako sa mundo ng mga mortal at buhay, ngunit kahit anong subok ko ay walang nangyayari. Gusto kong kapag dumating ang araw ng pagbabalik ko ay naroon sila upang ang planong aking ihahanda para sa pagkuhang muli ng aking trono ay malaman nila. Hindi ko man sila nais na idamay muli sa plano ay kakailanganin ko ng tulong. Mas lalong mahirap na kalabanin ngayon ang mga Venderheel dahil sigurado akong mas malaki na ang bilang ng kanilang pangkat at mas malakas. Nakakasigurado akong muli silang bubuhay ng mga converted vampire upang ang mga iyon ay magamit laban sa akin. Sigurado rin akong lalasunin din nila ang isipan ng mga mamamayan upang tumalikod sa panunungkulan ko at sabihing iniwan ko sila sa oras ng hirap at kaguluhan. Mayroon man akong alas sa aking pagbabalik ay kakailangan ko pa r
last updateLast Updated : 2021-09-07
Read more

Ika-apatnapu't tatlong kabanata (ikalawang parte)

“Gano’n ba? Salamat. Kakain na rin kami, gusto mo bang sumabay?” Agad na siniko ko si Cyrus at sinamaan siya ng tingin nang alukin niya si Sofie. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya upang alukin pa ang babaeng alam niyang  kumukulo ang dugo sa akin, at gano’n din ako rito. Lumingon siya sa akin at pinanlakihan ako ng mata. “Anak ni Gov,” bulong niya sa akin. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya pero sa huli ay sumuko rin. Heto na naman ang dahilan niyang anak ng Gobernador si Sofie kung kaya’t dapat ay hindi ko sagot-sagutin at hayaan na rito kumain. “I wouldn’t say no to that!” maarteng sagot ni Sofie. Napairap na lamang ako at umalis sa tabi ni Cyrus. Marahas kong kinuha ang inabot na lagayan ng pagkain ni Sofie at dumiretso sa may kusina. Inihanda ko sa mesa ang dala niyang pagkain bago naglagay ng bagong plato. Tinawag ko naman sila agad pagkahanda. Naupo ako sa may katapat ni Cyrus habang si Sofie naman ay nasa kabilan
last updateLast Updated : 2021-09-08
Read more

Ika-apatnapu't apat na kabanata

“Ama, ayon sa librong binabasa ko ay hindi natin dapat basta-basta nilalagay sa ating mga kamay ang batas. Ibig sabihin ho ba nito ay kailangan muna natin ng matibay na patunay at mga pruweba sa pagkakasalang ginawa ng nasasakdal bago sila hatulan?” tanong ko sa aking ama na nasa katapat ko nakaupo. Narito kami ngayon sa silid aklatan. Kasalukuyan kong binabasa ang libro tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin ng isang namumuno patungkol sa mga nagkakasala, at siya naman ay nagbabasa ng mga ipinasang batas at kasulatan sa kanya mula sa konseho.Napatigil siya sa pagbabasa at tumingin sa akin. Ibinaba niya ang scroll na hawak niya sa may mesa bago sumandal sa kanyang upuan.“Iyan ang nakasaad sa ating kasulatan at tamang gawin, ngunit may mga pagkakataon na maaari natin iyang baliin, katulad na lamang kung harap-harapan nating nakita na nagtataksil sila sa ating mundo o kapag may mga kalabang sumugod sa atin at kailangan na ng ating mga nasasakupan,
last updateLast Updated : 2021-09-09
Read more

Ika-apatnapu't limang kabanata

“Mira, hindi na lang ako sasam—” “No way! Kailangan mong sumama sa amin para makapaglibang ka naman. Saglit lang tayo!” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at pabagsak na naupo sa kanyang kama. Hindi siya nagpapatalo simula kanina at mukhang wala nga akong magagawa kung hindi ang sumama sa kanila dahil paniguradong hihilahin niya ako paalis mamaya. Nandito ako ngayon sa bahay nila Mira dahil pagtapos naming magtalo ni Cyrus kanina ay rito ako dumiretso. Hindi ko matagalan ang makita si Cyrus sa iisang lugar o miski ang makasama siya. Hindi ako makapaniwala na sa kanyang paningin ay ako ang mali dahil napikon si Sofie, gayong ang babaeng kanyang pinagtatanong at pinapanigan ay ang nagsisimula ng gulo. Simula sa pagbangga niya sa akin noong kaarawan ng kapitan ng lugar na ito, hanggang sa mga nangyari pang pakikipagtalo niya sa akin. Matatanggap ko pa sana na mali ako kung sinumpa, o sinaktan ko ng pisikal ang babaeng iyon, ngunit ang tanging sinabi ko
last updateLast Updated : 2021-09-10
Read more
PREV
1
...
34567
...
11
DMCA.com Protection Status