Home / Fantasy / The Fall of the Queen / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of The Fall of the Queen: Chapter 71 - Chapter 80

103 Chapters

Ika-animnapu't apat na kabanata

Isang araw na lamang ang nalalabi bago kami umuwi sa tunay naming mundo at tahanan. Isang araw na aking hinihiling na mas humaba pa at maging isang linggo kung maaari, ngunit alam ko namang hindi mangyayari. Sobra na ang kabang nararamdaman ko, hindi dahil sa nalalapit na ang araw na pagharap namin sa mga kalaban, kung hindi dahil dalawang araw mula ngayon ay haharapin ko na ang mga kasamahan namin, pati na si Heinrich. Ang akala ko noong mga nakaraan ay maayos na ako dahil nabuo na sa aking isipan ang mga sasabihin sa kanya, ngunit nang ipaalala kanina ni Cyrus na malapit na kaming umuwi sa aming mundo ay para bang iyon ang nagbukas sa pinto ng pagkabahala ko at nabura sa isip ko ang mga paghingi ng tawad, at kung ano pa mang sasabihin ko kay Heinrich. Siguro’y kaya ko ito nararamdaman ay dahil nagkaroon siya ng parte sa akin, at gano’n na rin ako sa kanya na hindi naman nauwi sa maayos dahil sa gulo ng mga nangyari. Handa akong tuldukan ang kung ano
last updateLast Updated : 2021-10-07
Read more

Ika-animnapu't limang kabanata

Hindi ako makapaniwala… Hindi ko lubos maisip na hindi isang panaginip ang nangyayari ngayong mga oras na ito. Hindi ako makapaniwala na ang aking inang inakala kong lumisan na dahil iyon ang parating sinasabi sa akin ng aking ama at ni Danie, ay nakatayo ngayon sa aking harapan—lumuluha habang nakatitig sa akin. Bakas ang ang lungkot, pagsisisi, at pag-aalangan sa kanyang mukha sa mga oras na ito.Hindi ako makapaniwala na ang kanyang binanggit noon sa aking panaginip na hanggang sa aming susunod na pagkikita ay ito pala. Hindi sa panaginip, kung hindi sa personal dahil buhay pa siya at nasa tabi ko lang parati. Binuhay ako, binabantayan, at binibigyan ng mga pagsubok na maghuhubog sa akin bilang isang reyna at magmumulat sa akin sa katotohanan.Hindi ako makapaniwala na ang gaan ng nararamdaman ko sa kanya sa kabila ng hindi ko pagkilatis sa kanya noong nagbabalat kayo siya, at sa kabila ng mga pagkainis ko ngayong binibigyan niya ako ng misyon
last updateLast Updated : 2021-10-08
Read more

Ika-animnapu't anim na kabanata (unang parte)

Sa nagdaang pitumpu’t pitong araw na pananatili sa mundo ng mga mortal ay marami akong napagtanto at natutunan. Isa na roon ay kailangang palaging ipagpasalamat kung ano ang buhay na mayroon tayo kahit gaano pa kaganda o kamisirable iyon. Nasa sa atin nakadepende kung paano natin ito papahalagahan at papabutihin. Katulad ni Cyrus, hindi man maganda ang naging buhay niya sa mundo ng mortal; mag-isa, nakaranas ng hirap sa murang edad, ay hindi siya sumuko na hanapin ang ganda no’n. Isa rin sa natutunan ko na sa kahit anong sitwasyon, ang kalinawan ng isip ang pinakakinakailangan bago ka magbitiw ng kung ano mang mga desisyon at pasya. Hindi ka rin dapat magpadala sa kung ano mang emosyon mo dahil maaari iyong maging kalamangan ng kalaban at gamitin laban sa iyo. Huminga ng malalim, ayusin ang nararamdaman bago gumawa ng hakbang. Sa mga araw ng panananatili ko sa mundo ng mga mortal ay aking nakita at napagtanto na kahit isa akong reyna na may mabigat na responsibilidad
last updateLast Updated : 2021-10-09
Read more

Ika-animnapu't anim na kabanata (ikalawang parte)

Masyadong nababagabag ang aking isipan dahil kay Heinrich, at alam kong maaalis lang ito kung makakausap ko siya ngayong gabi.Ipinikit ko ang aking mga mata at sinubukang pakiramdaman ang aming koneksyon. Alam kong hindi pa tuluyang nawawala iyon kahit na naganap na ang sacred bond sa amin ni Cyrus. Nakumpirma kong tama nga angg aking hinala nang maramdamang ang dalawang koneksyon ko sa dalawang nilalang na narito. Masyado ng mahina ang isa roon at alam kong iyon ay ang kay Heinrich. Kung hindi mo iyon papakiramdaman ng mabuti ay hindi iyon mapapansin. Ang koneksiyon na iyon ay wala sa tahanan na ito kung kaya’t mabilis akong bumangon at sinuot ang cloak ko sa may gilid bago humalo sa hangin.Tama ang aking naramdaman dahil dito ko siya naabutan sa ilog sa dulo ng bayan na ito. Nakaupo siya sa damuhan habang ang nakukuhang bato sa paligid niya ay hinahagis sa ilog. Nakatanaw lang siya rito at mukhang nasa malalim na pag-iisip. Naglakad ako palapit sa kanya at tu
last updateLast Updated : 2021-10-10
Read more

Ika-animnapu't pitong kabanata

Ang katahimikan ng gabing iyon ay nabasag nang biglang umulan nang malakas. Ang langit ay para bang nakisabay sa aking emosyon noong mga oras na iyon at katulad ko’y lumuha rin. Sobra-sobrang emosyon ang naramdaman ko nang mga oras na iyon na tila ba’y ang pag-iyak ay hindi sasapat para sa sakit na naramdaman. Buong buhay ko, pinipilit kong magpakatatag. Ang mga luha’y minsan lamang pumatak, pero ngayon ay tila ba sosobra na sa bilang ng mga daliri sa kamay at paa ang dalas ng aking pagluha. Hindi ko alam kung paano maaampat ang sakit na nararamdaman. Kung masakit para sa akin ang ginawa ng tadhana at ang nangyari sa pagitan namin ni Heinrich ay paano pa para sa kanya? Ang matapang na hari ng mga Demon ay ilang beses lumuha dahil sa akin. Hindi rin ako makapaniwala na sa kabila ng ginawa ko ay pinili niya pa rin akong mahalin kahit sa malayo at manatili ngayon kahit harap-harapan niya kaming nakikita ni Cyrus. Alam niyang hindi para sa amin ang pagkakataong i
last updateLast Updated : 2021-10-11
Read more

Ika-animnapu't walong kabanata

“Hanggat makakaya ay iiwas tayo sa mga kawal, o kung sino man sa kastilyo upang hindi maalerto ang mga Venderheel. Kailangan nating kumilos ng tahimik, mabilis, at walang maiiwang bakas upang hindi nila malaman dahil kapag nangyari iyon, paniguradong gagawa sila ng paraan para kalabanin tayo at para sila ang magtagumpay. Naiintindihan ninyo ba?” Isa-isa kong tinignan ang mga kasamahan kong nasa harap ko. Tumango naman sila bilang pagsang-ayon sa aking sinabi kung kaya’t napangiti ako. “Kung gayon ay halina’t ‘wag nang magpalipas ng oras,” aya ko sa kanila. Muli silang tumango sa akin at kanya-kanyang naghanda. Humarap naman ako kay Cyrus na nasa aking tabi at sinuot ang inabot niyang cloak, bago ngumiti sa kanya at nagpasalamat. “Mag-iingat kayo at lalo na ikaw. Tatalunin pa natin ang mga kalaban at magpapakasal pa ako sa iyo sa pagdating ng tamang araw,” paalala niya sa akin. Agad naman akong napangiti sa kanyang sinabi at tumango. Inayos niya at pagkakasuot cloak k
last updateLast Updated : 2021-10-12
Read more

Ika-animnapu't siyam na kabanata (unang parte)

Unang gabi ng pag-eensayo. Pagkatapos ipaalam ni Ina sa aming mga kasamahan kanina na nagtagumpay ang unang plano sa ay sinimulan na namin ang pag-eensayo. Bukas ay isa-isa ko naman silang bibisitahin upang ipaliwanag at ipakita sa bawat magiging kasama namin kung sino ang kanilang grupong sasamahan at saang bayan ang kanilang poprotektahan. Ito na ang huling pahahanda naming gagawin bago ang malakihang pagpupulong bago ang araw ng pagsugod. Kaharap ko ngayon si Cyrus na nakatukod ang espada sa lapag; nakataas ang isang kilay sa akin at hinihintay ang aking pagsugod. Siya ang napili kong katunggali dahil gusto kong mas sobra pa siyang masanay sa iba-iba kong estilo kahit na mahusay na siya. Ang iba naming kasamahan ay nag-eensayo na rin. Si Dan ay kalaban sina Dyke at Heinrich na tinupad ang sinabi niyang babalik siya sa oras ng pag-eensayo. Ang aking Ina naman ay pinili si Achlys na kasama ni Heinrich sa pagbabalik; habang si Helena naman ay si Danie ang hinarap.
last updateLast Updated : 2021-10-13
Read more

Ika-animnapu't siyam na kabanata (ikalawang parte)

Masyado kong ikinabigla ang nangyaring panghahamon ni Heinrich kay Cyrus. Ang akala ko’y mananatili siyang ilag sa amin, lalo na kay Cyrus, ngunit hindi pala. Alam kong malakas na si Cyrus at kayang makipaglaban kahit hindi ako ang kaharap, pero sa ilang taong pag-eensayo ni Heinrich, at sa pagiging isang hari niya ay siguradong lampas pa sa kaalaman ko sa pakikipaglaban ang kaya niyang gawin. Napatunayan ko rin angg husay niya kapag kami’y nag-eensayo noon, kung kaya’t ang porsyento na manalo si Cyrus ay mababa lamang. Nanatili ako, at ang mga kasama kong tutok sa laban. Sa estilo ng pakikipaglaban ni Cyrus ay makikita mong desidido siyang manalo at ginagawa ang lahat ng makakaya. Alam kong kayang-kaya niyang kontrolin si Heinrich upang magkaroon ng kalamangan, pero pinili niyang hindi gawin iyon at purong lakas ang gamitin. Ang paglalaban nila ay umabot ng ilang minuto, na hindi ko inasahan. Sa pagtatagumpay ni Cyrus na patamaan si Heinrich, ay ang bigla ring pagki
last updateLast Updated : 2021-10-14
Read more

Ika-pitumpung kabanata

Palaging ipinapaalala sa akin ni Ama noon na ang isang pinuno ay dapat hindi magagapi ng kung ano mang emosyon na maaaring makapagpabagsak sa akin. Sa labing-anim na taon kong kasama siya ay tumatak na iyon sa aking isipan. Ang akala ko’y madali lang gawin iyon dahil nakikita ko sa kanya na kayang-kaya niya iyong gawin kahit alam kong balot ng kalungkutan ang puso niya dahil sa pagkawala ni Ina. Ang akala ko’y magagawa ko ring kontrolin ang aking emosyon at hindi ako darating sa punto na maaapektuhan nito ang mga desisyon, kilos, at pasya ko… pero kahit ilang taong natatak sa aking isipan iyon ay nabigo pa rin ako. Ang dahilan kung bakit ako natalo ng mga kalaban ay dahil sa aking emosyong hindi makontrol. Naapektuhan nito hindi lang ang pagdedesisyon ko ng naaayon sa tama, kung hindi pati na rin ang pagramdam ng mga panganib sa paligid. Masyadong nagulo ang emosyon ko noong umamin sa akin si Heinrich at naging dahilan ng pagbagsak ko. Ang akala ko’y noong nasa mund
last updateLast Updated : 2021-10-15
Read more

Ika-pitumpu't isang kabanata

Labing-walong araw na lamang ang nalalabi sa amin para paghandaan ang araw ng pagsugod. Kung ano ang ginagawa naming preparasyon sa nalalapit na laban, ay iyon din ang paghahanda ng mga kalaban sa aming mundo para sa inaasahan nilang pag-iisang dibdib at koronasyon. Hanggang ngayon ay ang akala nila’y sila ang panalo. Ang akala nila’y tuluyan na nila akong nagapi dahil ang pagkilos nila ngayo’y mga akala mo ba’y tunay nang nanalo at walang ingat, pero huwag silang mag-alala dahil sisiguraduhin ko na sa oras na magpakita ako sa kanila ay siguradong pagkabigla at takot ang mababakas sa kanilang mukha. Ano ba ang kanilang inaakala? Na sa pagtutulungan nila noon ay basta ako mamamatay? Katulad nga ng aking palaging sinasabi; Miski ang kamatayan ay lalabanan ko para masigurado na ang tama ang mananatiling panalo sa dulo. “Fajra, bakit mo kami pinatigil sa pag-eensayo?” tanong nila sa akin. Nandito kami ngayon sa lugar ensayuhan sa kapatagan sa likod ng mu
last updateLast Updated : 2021-10-16
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status