Unang gabi ng pag-eensayo. Pagkatapos ipaalam ni Ina sa aming mga kasamahan kanina na nagtagumpay ang unang plano sa ay sinimulan na namin ang pag-eensayo. Bukas ay isa-isa ko naman silang bibisitahin upang ipaliwanag at ipakita sa bawat magiging kasama namin kung sino ang kanilang grupong sasamahan at saang bayan ang kanilang poprotektahan. Ito na ang huling pahahanda naming gagawin bago ang malakihang pagpupulong bago ang araw ng pagsugod.
Kaharap ko ngayon si Cyrus na nakatukod ang espada sa lapag; nakataas ang isang kilay sa akin at hinihintay ang aking pagsugod. Siya ang napili kong katunggali dahil gusto kong mas sobra pa siyang masanay sa iba-iba kong estilo kahit na mahusay na siya.
Ang iba naming kasamahan ay nag-eensayo na rin. Si Dan ay kalaban sina Dyke at Heinrich na tinupad ang sinabi niyang babalik siya sa oras ng pag-eensayo. Ang aking Ina naman ay pinili si Achlys na kasama ni Heinrich sa pagbabalik; habang si Helena naman ay si Danie ang hinarap.
Masyado kong ikinabigla ang nangyaring panghahamon ni Heinrich kay Cyrus. Ang akala ko’y mananatili siyang ilag sa amin, lalo na kay Cyrus, ngunit hindi pala. Alam kong malakas na si Cyrus at kayang makipaglaban kahit hindi ako ang kaharap, pero sa ilang taong pag-eensayo ni Heinrich, at sa pagiging isang hari niya ay siguradong lampas pa sa kaalaman ko sa pakikipaglaban ang kaya niyang gawin. Napatunayan ko rin angg husay niya kapag kami’y nag-eensayo noon, kung kaya’t ang porsyento na manalo si Cyrus ay mababa lamang. Nanatili ako, at ang mga kasama kong tutok sa laban. Sa estilo ng pakikipaglaban ni Cyrus ay makikita mong desidido siyang manalo at ginagawa ang lahat ng makakaya. Alam kong kayang-kaya niyang kontrolin si Heinrich upang magkaroon ng kalamangan, pero pinili niyang hindi gawin iyon at purong lakas ang gamitin. Ang paglalaban nila ay umabot ng ilang minuto, na hindi ko inasahan. Sa pagtatagumpay ni Cyrus na patamaan si Heinrich, ay ang bigla ring pagki
Palaging ipinapaalala sa akin ni Ama noon na ang isang pinuno ay dapat hindi magagapi ng kung ano mang emosyon na maaaring makapagpabagsak sa akin. Sa labing-anim na taon kong kasama siya ay tumatak na iyon sa aking isipan. Ang akala ko’y madali lang gawin iyon dahil nakikita ko sa kanya na kayang-kaya niya iyong gawin kahit alam kong balot ng kalungkutan ang puso niya dahil sa pagkawala ni Ina. Ang akala ko’y magagawa ko ring kontrolin ang aking emosyon at hindi ako darating sa punto na maaapektuhan nito ang mga desisyon, kilos, at pasya ko… pero kahit ilang taong natatak sa aking isipan iyon ay nabigo pa rin ako. Ang dahilan kung bakit ako natalo ng mga kalaban ay dahil sa aking emosyong hindi makontrol. Naapektuhan nito hindi lang ang pagdedesisyon ko ng naaayon sa tama, kung hindi pati na rin ang pagramdam ng mga panganib sa paligid. Masyadong nagulo ang emosyon ko noong umamin sa akin si Heinrich at naging dahilan ng pagbagsak ko. Ang akala ko’y noong nasa mund
Labing-walong araw na lamang ang nalalabi sa amin para paghandaan ang araw ng pagsugod. Kung ano ang ginagawa naming preparasyon sa nalalapit na laban, ay iyon din ang paghahanda ng mga kalaban sa aming mundo para sa inaasahan nilang pag-iisang dibdib at koronasyon. Hanggang ngayon ay ang akala nila’y sila ang panalo. Ang akala nila’y tuluyan na nila akong nagapi dahil ang pagkilos nila ngayo’y mga akala mo ba’y tunay nang nanalo at walang ingat, pero huwag silang mag-alala dahil sisiguraduhin ko na sa oras na magpakita ako sa kanila ay siguradong pagkabigla at takot ang mababakas sa kanilang mukha. Ano ba ang kanilang inaakala? Na sa pagtutulungan nila noon ay basta ako mamamatay? Katulad nga ng aking palaging sinasabi; Miski ang kamatayan ay lalabanan ko para masigurado na ang tama ang mananatiling panalo sa dulo. “Fajra, bakit mo kami pinatigil sa pag-eensayo?” tanong nila sa akin. Nandito kami ngayon sa lugar ensayuhan sa kapatagan sa likod ng mu
Nakatanggap kami ng hudyat na nasa kanya-kanya nang posisyon ang lahat, kung kaya’t hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at magkakasamang humalo sa hangin. Dito kami napunta sa pwesto na malapit sa kastilyo, kung saan dito rin kami unang dumaan noong kinuha namin ang aking espada at kasulatan. Katulad ng ginawa namin noon, ginamit ni Heinrich ang kanyang kapangyarihan upang palooban ng itim na kapangyarihan ang mga nagbabantay, na nagdulot ng pagkablangko ng kanilang isip. Agad ko rin silang kinulong sa itim na harang upang magbigay ng kasiguraduhan na hindi sila tuluyang makakalabas. Lumapit kaming magkakasama sa harang na ginawa ng mga kalaban. Hindi tulad noong una ay dumoble ang harang na iyon. “Para tuluyan tayong makapasok ay kailangan naming palooban ng bagong harang ang mundo ninyo, pero sa pagkakataong ito ay tayo na ang makakapasok. Ang mga mamamayan lamang ang makakalabas, at makukulong ang mga kalaban. Hindi nila malalaman na napalitan na ang haran
Masyadong mabilis at nakakabigla ang nangyari. Ang nilalang na sinaksak ko at sumasakal kay Ina ay hindi si Arthur kung hindi ang nilalang na binuhay ko. Sa palagay ko ay kinontrol siya ni Arthur at pinalabas na kawangis niya. Walang nakatingin sa kanilang pwesto dahil ang lahat ay may kanya-kanyang kaharap kung kaya’t ang pagkakataon na iyon ay kinuha niya. Napahakbang ako paatras at napatulala. Nabitawan ko rin ang aking espada at napatingin kay Ina na bumagsak sa sahig. Hinahabol niya ang kanyang paghinga at napatingin sa akin, pero gano’n na lang ang pagtataka ko nang manlaki ang kanyang mata. “Fajra! Si Arthur!” Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na napalingon sa likod ko nang marinig ang boses na iyon. Masyadong mabilis ang pangyayari at huli na para sa akin. Sa pagharap ko ay ang nakangising mukha ni Arthur ang bumungad sa akin, at nakitang hawak niya ang aking espada kahit tumutulo na ang dugo mula sa kamay niya mula sa pagkasunog. Napapikit na lam
“N-nangako si C-Cyrus sa akin n-na hindi ka n-niya s-sasaktan, k-kaya s-siya na ang bahala sa i-iyo. M-mahal kita, F-Fajra… M-mahal na m-mahal, at h-hindi ako n-nagsisisi na ginawa ko i-ito...” Napaawang ang labi ko at hindi na napigilan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha dahil nasaksikan ko kung paano unti-unting pinikit ni Heinrich ang mga mata niya. Ang kanya ring hawak sa akin ay unti-unting lumuwag, hanggang ang paghinga ay tuluyang napugto. “H-hindi… Heinrich!” “HEINRICH! HINDI! HEINRICH!” Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga, pero gano’n na lamang ang pagdaing ko sa sakit at paghawak ko sa may tapat ng puso ko nang ang naramdaman ko ang sakit doon na hindi napapatid. Para pa rin itong pinipiga at nasusunog mula sa huli kong naalalang sakit na naramdaman, at idagdag pa na may mahapdi sa parte na iyon. “Fajra! Anong nangyari?! Saan ang masakit?!” Kaagad na nilingon ko ang nagsalitang iyon at nakita ang nag-aalalang mukha ni Cy
Sa bawat pagsubok na aking kinakaharap, at kahit gaano ko man kwestyunin ang lahat ng nangyari sa aking buhay ay hindi nawawala sa puso at sa isip ko ang idulog lahat sa may Lumikha. Kahit ilang beses ko silang kinuwestiyon, kasama ang tadhana, ay hindi no’n maaalis ang pananalig ko at pagtitiwala. Kahit hindi man maganda ang kinakalabasan ng mga paghihirap ko, at kahit ilang impyerno pa ang sinusuong ko ay nananatili akong nakakapit sa kanya, dahil hindi maaalis ng mga pagsubok na iyon ang katotohanan na kahit anong gawin ko ay ang lahat ng mayroon ako, lalo na ang buhay ko at ang mga nilalang na malalapit sa akin ay hindi mapaparito kung hindi dahil sa kanya. Sa gaano katagal ang mga paghihirap at sakripisyo; at kahit masakit makita at isipin ang mga nagbubuwis ng buhay ay kahit kailan’y hindi ko siya tinalikuran. Kahit mahirap tanggapin ay palagi kong itinatatak sa aking isip na ang lahat ng nangyayari ay may rason. Ang pagkabuhay ko sa mundong ito bilang isang imortal at
Ang kaba ni Cyrus kagabi ay napalitan ng kasabikan nang sumapit na ang umaga. Mas nauna pa siyang gumising sa akin at naabutan kong nakasilip sa bintana kanina at tinatawan ang ayos sa bayan. Ayon sa kanya, kung hindi man daw siya agad na matanggap ng mga mamamayan ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang ang magiging kanyang pamumuno ay maging maayos. Handa na si Cyrus, at kaunting hintay na lang sa oras at pagtatapos ng kanyang pag-eensayo ay malapit na siyang maging hari. Patago ko nang kinakausap ang aking ina pati na rin si Danie para sa kanyang koronasyon. Sinimulan namin ang araw sa sabay-sabay na pagkain ng almusalan kasama ang iba naming mga kaibigan narito na sa kastilyo para sa kasiyahan. Lahat sila ay kahapon pa lang ay narito na, at sinabing ang iba ay susunod na lamang sa mismong araw ng kasiyahan. Sinundan ang pagtatapos ng almusalan na iyon ng pag-aayos para sa gaganaping kasiyahan dahil mamaya lang ay lalabas na kami upang maglibot sa mga bayan.