Share

Ika-pitumpu't dalawang kabanata

Nakatanggap kami ng hudyat na nasa kanya-kanya nang posisyon ang lahat, kung kaya’t hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at magkakasamang humalo sa hangin. Dito kami napunta sa pwesto na malapit sa kastilyo, kung saan dito rin kami unang dumaan noong kinuha namin ang aking espada at kasulatan.

Katulad ng ginawa namin noon, ginamit ni Heinrich ang kanyang kapangyarihan upang palooban ng itim na kapangyarihan ang mga nagbabantay, na nagdulot ng pagkablangko ng kanilang isip. Agad ko rin silang kinulong sa itim na harang upang magbigay ng kasiguraduhan na hindi sila tuluyang makakalabas.

Lumapit kaming magkakasama sa harang na ginawa ng mga kalaban. Hindi tulad noong una ay dumoble ang harang na iyon.

“Para tuluyan tayong makapasok ay kailangan naming palooban ng bagong harang ang mundo ninyo, pero sa pagkakataong ito ay tayo na ang makakapasok. Ang mga mamamayan lamang ang makakalabas, at makukulong ang mga kalaban. Hindi nila malalaman na napalitan na ang haran

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status