Share

Ika-pitumpu't tatlong kabanata

Masyadong mabilis at nakakabigla ang nangyari. Ang nilalang na sinaksak ko at sumasakal kay Ina ay hindi si Arthur kung hindi ang nilalang na binuhay ko. Sa palagay ko ay kinontrol siya ni Arthur at pinalabas na kawangis niya. Walang nakatingin sa kanilang pwesto dahil ang lahat ay may kanya-kanyang kaharap kung kaya’t ang pagkakataon na iyon ay kinuha niya.

Napahakbang ako paatras at napatulala. Nabitawan ko rin ang aking espada at napatingin kay Ina na bumagsak sa sahig. Hinahabol niya ang kanyang paghinga at napatingin sa akin, pero gano’n na lang ang pagtataka ko nang manlaki ang kanyang mata.

“Fajra! Si Arthur!” Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na napalingon sa likod ko nang marinig ang boses na iyon. Masyadong mabilis ang pangyayari at huli na para sa akin. Sa pagharap ko ay ang nakangising mukha ni Arthur ang bumungad sa akin, at nakitang hawak niya ang aking espada kahit tumutulo na ang dugo mula sa kamay niya mula sa pagkasunog.

Napapikit na lam

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status