Bukod sa mga pag-eensayo, mga dapat tandaan patungkol sa kung paano maging mabuting pinuno, paano magdesisyon ng tama, at kung paano maging matatag ay hindi nawawala sa paalala sa akin ni Ama noon na maging wais pagdating sa pag-ibig. Oo, ang bawat nilalang ay mayroon nakatakdang kabiyak, ngunit hindi naman ibig sabihin no’n ay basta mo na lang hahayaan ang lahat. Kailangan mo pa rin maging wais sa pagdedesisyon, at kung paano aayusin, at papalalimin ang inyong relasyon upang hindi mauwi sa pagtalikod, pagtataksil, at sakitan.
Ilang beses pinapaalala sa akin iyon ni Ama dahil alam niyang sa aspetong iyon ay palagi kaming bigo. Isinumpa bilang kapalit ng pagiging makapangyarihan at paglabag sa batas noon na hindi maaaring maging isa ang isang Demon at Vampire.
Iyon ay kanyang naranasan, at alam kong kaya niya ipinapaalala iyon ay hindi niya gustong mangyari sa akin, lalo na’t pagdating sa emosyonal na aspeto ay sobra na ang sakit na madudulot no’n. Parati niyang sinas
Sa dalawampu’t pitong taon ko sa mundong ito na pasan ang mabigat na responsibilidad ay ito ang pangalawang beses na nakatulog ako nang mahimbing. Ang una ay noong nasa mundo ako ng mga mortal habang kasama si Cyrus, at ang sumunod ay ngayon, na siya pa rin ang aking katabi na ngayong mas napagtibay na at mas nabigyan ng linaw ang aming koneksyon. Naramdaman ko na para bang may sumusuklay sa aking buhok na nakapagpagising sa akin. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata, at ang unang bumungad sa akin ay ang mukha ni Cyrus na nakangiti. Awtomatiko ring gumuhit ang isang ngiti sa aking labi dahil doon. “Magandang umaga,” bati niya sa akin, at ipinagpatuloy ang ginagawa niyang pagsuklay sa aking buhok. “Magandang umaga rin,” bati ko sa kanya pabalik. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin at kinintilan ako ng halik sa labi, bago ako hinila pasiksik sa kanyang katawan. Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang katawan dahil dikit na dikit ang aming m
“Dan, malayo pa ba kayo?” naiinip na tanong ko kay Dan sa aking isip. Pabalik-balik akong naglalakad rito sa loob ng aklatan dahil kanina ko pa hinihintay ang pagbabalik nila. Hindi ko na natapos ang pagbabasa dahil sa inip sa paghihintay sa kanilang pagbabalik. Hindi ko mailagay ang buong atensyon ko sa binabasa ko dahil pati ang isip ko ay sumunod ata sa kanilang pag-alis kanina. “Fajra, kakatanong mo lang niyang sampung segundo lang ang nakakaraan. Ano bang nangyayari sa iyo?” sagot ni Dan sa aking isip na aking ikinahinto sa paglalakad. Sampung segundo pa lang ba ang nagdaraan? Wala si Dan dito sa kastilyo at kasama niya si Cyrus at ang ibang kawal. Umalis sila kanina dahit ito ang araw ng kanilang takdang paglilibot sa mga hangganan ng aming mundo upang alamin ang lagay roon at kuhanin ang mga ulat. Kahit wala na kaming kalaban ay hindi pa rin naman nawawala ang mga maliliit na nanggugulo at nakakalampas kung kaya’t ang pagbabantay sa mga lugar na iyon
Ang lahat ng pag-aalala kanina ni Cyrus ay humupa nang malaman na normal lang ang kung anong naramdaman ko kanina dahil sa pagbabago sa aking katawan. Ang pag-aalala niya kanina ay agad na napalitan ng pagkasabik at saya kung kaya’t sinulit niya ang oras sa pagkausap sa mga anak naming hindi pa siya tunay na naririnig. Pagkatapos naman no’n ay agad naman niyang tinawag si Ina at si Danie upang tanungin kung tunay nga ang aming naramdamang buhay sa akin, at sunod na isinama rin niya sa aming silid ang punong nanggagamot sa kastilyo upang mas lalong makumpirma na totoong dinadala ko na ang magiging mga tagapagmana namin. “Ano? Totoo bang dinadala na ng mahal na reyna ang mga anak namin? Tunay bang kambal sila? Magkakaroon na ba kami ng mga tagapagmana? Kumusta ang kanilang mga lagay?” sunod-sunod na tanong ni Cyrus na pabalik-balik ang paglalakad sa harap ng kama. Bakas ang kaba sa kanyang mukha na aking ikinatawa. Alam naman niya ang sagot at kanina’y sabik-sabik, pero heto s
“Sa papaanong paraan ako b-babawian ng buhay gayong kakayanin ko naman pala? Saan ako iiwas? May mga kalaban pa bang susulpot?” Kung hindi ko maiiwasan ang nakatadhanang kamatayan ko ay lalabanan ko ito. Sa abot ng aking makakaya, lalaban ako, para sa akin, sa mga anak ko, at para kay Cyrus. “Si C-Cyrus…” Napaiwas ng tingin si Helena sa akin matapos banggitin ang pangalan ni Cyrus. Anong kinalaman ni Cyrus dito? Ang tinatanong ko sa kanya ay kung sino ang maaaring kalaban na sumulpot at saan ako iiwas. Anong kinalaman niya rito? “Anong si Cyrus?” tanong ko. Unti-unting inangat ni Helena ang kanyang paningin, at nakita ko kung paano gumuhit ang lungkot sa kanyang mga mata. “Siya ang dahilan. Si Cyrus ang p-papatay sa iyo…” sagot niya, na para bang nagpalagot ng aking paghinga. “Ano ba ang sinasabi mo riyan?! Paanong nangyari na si C-Cyrus ang p-papatay sa akin? Hindi niya magagawa iyon!” Sunod-sunod an
“Ulitin mo ang sinabi mo,” utos ni Cyrus kay Helena at pumasok sa loob ng silid na ito. Napapikit na lang ako nang mariin, at sa aking pagdilat at lumapit ako kay Cyrus. Agad na niyakap ko siya at sinubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib. Hindi ko naramdaman ang presensya niya kanina. Sigurado akong itinago niya iyon at hindi tunay na dumiretso sa may kusina, bagkus ay sumunod sa amin. Hindi ko alam kung may napapansin na ba siya sa mga ikinikilos ko noong mga nakaraan, o kung bakit siya sumunod sa amin, pero ang katotohanan na nalaman na niya ang mangyayari sa mga susunod ay hindi maaari. Ginawa ko ang lahat para itago sa kanya dahil alam kong sobra siyang maaapektuhan, ngunit kahit gaano ko ito itago ay mangyayari pa rin pala ito. “Totoo ba ang lahat ng nakita mong mangyayari sa ikalawang kabilugan ng buwan? Paanong mangyayari na ako ang magiging dahilan ng pagkamatay ni Fajra? Paano ang mga a-anak namin? At ano ang sinasabi mong kung hindi sila ay ako ang mawawala?
Ika-limampu’t anim na araw mula nang dalhin ko ang aming mga magiging anak ni Cyrus. Mabilis silang lumaki katulad ng inaasahan, at dahil dalawa sila ay hindi biro ang laki nila sa aking sinapupunan. Katulad rin ng sinabi ni Helena ay masigla ang aking mga anak, at hindi nila ako pinapahirapan. Dahil may ibayong lakas ako ay hindi ako nabibigatan at nahihirapan na dalhin sila, ang kaso nga lang ay kinailangan kong araw-araw na uminom ng purong dugo ng mga mortal dahil masyadong nakukuha ng aking mga anak ang aking lakas. Mayroong pangyayari noong nakaraang araw na bigla na lamang akong bumagsak at nawalan ng malay. Dahil doon ay sobrang nag-alala sa akin ang lahat, lalo na si Cyrus na inaalala na baka sa paraang ito mangyayari ang sumpa sa pagitan namin, ngunit mabuti na lamang at nalinaw ng mangagamot at ni Helena na naubusan lamang ako ng lakas at kailangan ang dugo ng mga mortal na nagsisilbing bitamina namin para maibalik ang nawalang lakas kung kaya’t nawala ang pag-aal
Simula nang dalhin ko ang aming mga anak ni Cyrus ay hindi ako naaalis sa malalim na pagtulog sa gabi kahit gaano pa karami ang iniisip, ngunit sa pagkakataong ito ay para bang may pilit na hinihila ako upang gumising, kung kaya’t unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Rinig ko ang pagkatok na nagmumula sa bintana at para bang kahit walang naririnig na boses ay may tumatawag sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Cyrus na nakapulupot sa akin at agad na pinalitan iyon ng unan. Sinigurado ko ring gamitan iyon ng aking kapangyarihan upang mas akalain ni Cyrus na ako pa rin ang kanyang yakap. Palagi kasi siyang nagigising kapag umaalis ako sa tabi niya kung kaya’t hindi ko na nais na maistorbo siya ngayon. Mahaba ang naging araw niya dahil naglibot siya sa lahat ng bayan, at pagtapos ay pinagluto ako noong hapon, at nang sumapit naman ang gabi ay nag-ensayo. Kaagad na bumaba ako ng kama at lumapit sa bintana. Sa paghawi ko ng makapal na kurtina ay napakunot ang a
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang marinig ang mga nag-uusap sa paligid ko. Agad na nakilala ko ang boses nina Ina, Danie, Helena at ni Cyrus na nangingibabaw roon. Ako ang pinag-uusapan nila at bakas ang pag-aalala sa mga boses nila. Gusto kong pumagitna sa pag-uusap nila upang siguraduhin na maayos lang ang lagay ko—na hindi sila dapat mag-alala sa amin ng mga anak ko dahil maayos ang lagay namin, ngunit dahil masyado pa akong nanghihina ay simpleng pagmulat lang ng mata at paglingon sa kanila ang nagawa ko. Nakatayo si Cyrus at kasalukuyang nakaharap sa bintana. Katabi niya sina Dan at Dyke na tahimik lang, habang sina Ina, Danie at Helena ay nasa may sopa. “C-Cyrus…” tawag ko sa kanya. Alam kong kahit sa mahinang boses ay naririnig nila ako, at hindi nga ako nagkamali nang lahat sila ay napabaling sa akin. Nagmamadaling lumapit sa akin si Cyrus at naupo sa aking tabi, bago ako tinulungang makabangon at niyakap nang mahigpit. Ipinikit ko ang aking mga mat