Home / Fantasy / The Fall of the Queen / Ika-animnapu't apat na kabanata

Share

Ika-animnapu't apat na kabanata

last update Huling Na-update: 2021-10-07 19:06:40

Isang araw na lamang ang nalalabi bago kami umuwi sa tunay naming mundo at tahanan. Isang araw na aking hinihiling na mas humaba pa at maging isang linggo kung maaari, ngunit alam ko namang hindi mangyayari.

Sobra na ang kabang nararamdaman ko, hindi dahil sa nalalapit na ang araw na pagharap namin sa mga kalaban, kung hindi dahil dalawang araw mula ngayon ay haharapin ko na ang mga kasamahan namin, pati na si Heinrich.

Ang akala ko noong mga nakaraan ay maayos na ako dahil nabuo na sa aking isipan ang mga sasabihin sa kanya, ngunit nang ipaalala kanina ni Cyrus na malapit na kaming umuwi sa aming mundo ay para bang iyon ang nagbukas sa pinto ng pagkabahala ko at nabura sa isip ko ang mga paghingi ng tawad, at kung ano pa mang sasabihin ko kay Heinrich.

Siguro’y kaya ko ito nararamdaman ay dahil nagkaroon siya ng parte sa akin, at gano’n na rin ako sa kanya na hindi naman nauwi sa maayos dahil sa gulo ng mga nangyari.

Handa akong tuldukan ang kung ano

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The Fall of the Queen   Ika-animnapu't limang kabanata

    Hindi ako makapaniwala… Hindi ko lubos maisip na hindi isang panaginip ang nangyayari ngayong mga oras na ito. Hindi ako makapaniwala na ang aking inang inakala kong lumisan na dahil iyon ang parating sinasabi sa akin ng aking ama at ni Danie, ay nakatayo ngayon sa aking harapan—lumuluha habang nakatitig sa akin. Bakas ang ang lungkot, pagsisisi, at pag-aalangan sa kanyang mukha sa mga oras na ito.Hindi ako makapaniwala na ang kanyang binanggit noon sa aking panaginip na hanggang sa aming susunod na pagkikita ay ito pala. Hindi sa panaginip, kung hindi sa personal dahil buhay pa siya at nasa tabi ko lang parati. Binuhay ako, binabantayan, at binibigyan ng mga pagsubok na maghuhubog sa akin bilang isang reyna at magmumulat sa akin sa katotohanan.Hindi ako makapaniwala na ang gaan ng nararamdaman ko sa kanya sa kabila ng hindi ko pagkilatis sa kanya noong nagbabalat kayo siya, at sa kabila ng mga pagkainis ko ngayong binibigyan niya ako ng misyon

    Huling Na-update : 2021-10-08
  • The Fall of the Queen   Ika-animnapu't anim na kabanata (unang parte)

    Sa nagdaang pitumpu’t pitong araw na pananatili sa mundo ng mga mortal ay marami akong napagtanto at natutunan. Isa na roon ay kailangang palaging ipagpasalamat kung ano ang buhay na mayroon tayo kahit gaano pa kaganda o kamisirable iyon. Nasa sa atin nakadepende kung paano natin ito papahalagahan at papabutihin. Katulad ni Cyrus, hindi man maganda ang naging buhay niya sa mundo ng mortal; mag-isa, nakaranas ng hirap sa murang edad, ay hindi siya sumuko na hanapin ang ganda no’n. Isa rin sa natutunan ko na sa kahit anong sitwasyon, ang kalinawan ng isip ang pinakakinakailangan bago ka magbitiw ng kung ano mang mga desisyon at pasya. Hindi ka rin dapat magpadala sa kung ano mang emosyon mo dahil maaari iyong maging kalamangan ng kalaban at gamitin laban sa iyo. Huminga ng malalim, ayusin ang nararamdaman bago gumawa ng hakbang. Sa mga araw ng panananatili ko sa mundo ng mga mortal ay aking nakita at napagtanto na kahit isa akong reyna na may mabigat na responsibilidad

    Huling Na-update : 2021-10-09
  • The Fall of the Queen   Ika-animnapu't anim na kabanata (ikalawang parte)

    Masyadong nababagabag ang aking isipan dahil kay Heinrich, at alam kong maaalis lang ito kung makakausap ko siya ngayong gabi.Ipinikit ko ang aking mga mata at sinubukang pakiramdaman ang aming koneksyon. Alam kong hindi pa tuluyang nawawala iyon kahit na naganap na ang sacred bond sa amin ni Cyrus. Nakumpirma kong tama nga angg aking hinala nang maramdamang ang dalawang koneksyon ko sa dalawang nilalang na narito. Masyado ng mahina ang isa roon at alam kong iyon ay ang kay Heinrich. Kung hindi mo iyon papakiramdaman ng mabuti ay hindi iyon mapapansin. Ang koneksiyon na iyon ay wala sa tahanan na ito kung kaya’t mabilis akong bumangon at sinuot ang cloak ko sa may gilid bago humalo sa hangin.Tama ang aking naramdaman dahil dito ko siya naabutan sa ilog sa dulo ng bayan na ito. Nakaupo siya sa damuhan habang ang nakukuhang bato sa paligid niya ay hinahagis sa ilog. Nakatanaw lang siya rito at mukhang nasa malalim na pag-iisip. Naglakad ako palapit sa kanya at tu

    Huling Na-update : 2021-10-10
  • The Fall of the Queen   Ika-animnapu't pitong kabanata

    Ang katahimikan ng gabing iyon ay nabasag nang biglang umulan nang malakas. Ang langit ay para bang nakisabay sa aking emosyon noong mga oras na iyon at katulad ko’y lumuha rin. Sobra-sobrang emosyon ang naramdaman ko nang mga oras na iyon na tila ba’y ang pag-iyak ay hindi sasapat para sa sakit na naramdaman. Buong buhay ko, pinipilit kong magpakatatag. Ang mga luha’y minsan lamang pumatak, pero ngayon ay tila ba sosobra na sa bilang ng mga daliri sa kamay at paa ang dalas ng aking pagluha. Hindi ko alam kung paano maaampat ang sakit na nararamdaman. Kung masakit para sa akin ang ginawa ng tadhana at ang nangyari sa pagitan namin ni Heinrich ay paano pa para sa kanya? Ang matapang na hari ng mga Demon ay ilang beses lumuha dahil sa akin. Hindi rin ako makapaniwala na sa kabila ng ginawa ko ay pinili niya pa rin akong mahalin kahit sa malayo at manatili ngayon kahit harap-harapan niya kaming nakikita ni Cyrus. Alam niyang hindi para sa amin ang pagkakataong i

    Huling Na-update : 2021-10-11
  • The Fall of the Queen   Ika-animnapu't walong kabanata

    “Hanggat makakaya ay iiwas tayo sa mga kawal, o kung sino man sa kastilyo upang hindi maalerto ang mga Venderheel. Kailangan nating kumilos ng tahimik, mabilis, at walang maiiwang bakas upang hindi nila malaman dahil kapag nangyari iyon, paniguradong gagawa sila ng paraan para kalabanin tayo at para sila ang magtagumpay. Naiintindihan ninyo ba?” Isa-isa kong tinignan ang mga kasamahan kong nasa harap ko. Tumango naman sila bilang pagsang-ayon sa aking sinabi kung kaya’t napangiti ako. “Kung gayon ay halina’t ‘wag nang magpalipas ng oras,” aya ko sa kanila. Muli silang tumango sa akin at kanya-kanyang naghanda. Humarap naman ako kay Cyrus na nasa aking tabi at sinuot ang inabot niyang cloak, bago ngumiti sa kanya at nagpasalamat. “Mag-iingat kayo at lalo na ikaw. Tatalunin pa natin ang mga kalaban at magpapakasal pa ako sa iyo sa pagdating ng tamang araw,” paalala niya sa akin. Agad naman akong napangiti sa kanyang sinabi at tumango. Inayos niya at pagkakasuot cloak k

    Huling Na-update : 2021-10-12
  • The Fall of the Queen   Ika-animnapu't siyam na kabanata (unang parte)

    Unang gabi ng pag-eensayo. Pagkatapos ipaalam ni Ina sa aming mga kasamahan kanina na nagtagumpay ang unang plano sa ay sinimulan na namin ang pag-eensayo. Bukas ay isa-isa ko naman silang bibisitahin upang ipaliwanag at ipakita sa bawat magiging kasama namin kung sino ang kanilang grupong sasamahan at saang bayan ang kanilang poprotektahan. Ito na ang huling pahahanda naming gagawin bago ang malakihang pagpupulong bago ang araw ng pagsugod. Kaharap ko ngayon si Cyrus na nakatukod ang espada sa lapag; nakataas ang isang kilay sa akin at hinihintay ang aking pagsugod. Siya ang napili kong katunggali dahil gusto kong mas sobra pa siyang masanay sa iba-iba kong estilo kahit na mahusay na siya. Ang iba naming kasamahan ay nag-eensayo na rin. Si Dan ay kalaban sina Dyke at Heinrich na tinupad ang sinabi niyang babalik siya sa oras ng pag-eensayo. Ang aking Ina naman ay pinili si Achlys na kasama ni Heinrich sa pagbabalik; habang si Helena naman ay si Danie ang hinarap.

    Huling Na-update : 2021-10-13
  • The Fall of the Queen   Ika-animnapu't siyam na kabanata (ikalawang parte)

    Masyado kong ikinabigla ang nangyaring panghahamon ni Heinrich kay Cyrus. Ang akala ko’y mananatili siyang ilag sa amin, lalo na kay Cyrus, ngunit hindi pala. Alam kong malakas na si Cyrus at kayang makipaglaban kahit hindi ako ang kaharap, pero sa ilang taong pag-eensayo ni Heinrich, at sa pagiging isang hari niya ay siguradong lampas pa sa kaalaman ko sa pakikipaglaban ang kaya niyang gawin. Napatunayan ko rin angg husay niya kapag kami’y nag-eensayo noon, kung kaya’t ang porsyento na manalo si Cyrus ay mababa lamang. Nanatili ako, at ang mga kasama kong tutok sa laban. Sa estilo ng pakikipaglaban ni Cyrus ay makikita mong desidido siyang manalo at ginagawa ang lahat ng makakaya. Alam kong kayang-kaya niyang kontrolin si Heinrich upang magkaroon ng kalamangan, pero pinili niyang hindi gawin iyon at purong lakas ang gamitin. Ang paglalaban nila ay umabot ng ilang minuto, na hindi ko inasahan. Sa pagtatagumpay ni Cyrus na patamaan si Heinrich, ay ang bigla ring pagki

    Huling Na-update : 2021-10-14
  • The Fall of the Queen   Ika-pitumpung kabanata

    Palaging ipinapaalala sa akin ni Ama noon na ang isang pinuno ay dapat hindi magagapi ng kung ano mang emosyon na maaaring makapagpabagsak sa akin. Sa labing-anim na taon kong kasama siya ay tumatak na iyon sa aking isipan. Ang akala ko’y madali lang gawin iyon dahil nakikita ko sa kanya na kayang-kaya niya iyong gawin kahit alam kong balot ng kalungkutan ang puso niya dahil sa pagkawala ni Ina. Ang akala ko’y magagawa ko ring kontrolin ang aking emosyon at hindi ako darating sa punto na maaapektuhan nito ang mga desisyon, kilos, at pasya ko… pero kahit ilang taong natatak sa aking isipan iyon ay nabigo pa rin ako. Ang dahilan kung bakit ako natalo ng mga kalaban ay dahil sa aking emosyong hindi makontrol. Naapektuhan nito hindi lang ang pagdedesisyon ko ng naaayon sa tama, kung hindi pati na rin ang pagramdam ng mga panganib sa paligid. Masyadong nagulo ang emosyon ko noong umamin sa akin si Heinrich at naging dahilan ng pagbagsak ko. Ang akala ko’y noong nasa mund

    Huling Na-update : 2021-10-15

Pinakabagong kabanata

  • The Fall of the Queen   Karagdagang kabanata (huling parte)

    “P-paano mo nalaman ang aking pangalan? At saka sino ka ba sa inaakala mo?!” galit na wika kong muli. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. May kakayahan ba siyang basahin ang isip ng isang tao?! Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit hindi ko inasahan na bigla siyang lumuha sa harap ko. Sunod-sunod na pumatak ang mga iyon at kitang-kita ko ang iba’t-ibang emosyon sa kanyang mata na hindi ko alam kung para saan at bakit. Napasinghap ako nang bigla siyang lumapit sa akin at kinulong ako sa kanyang yakap. “Maraming salamat sa pagbabalik, mahal ko… Maraming salamat sa paglaban. Mahal na mahal k-kita. Antagal ka naming hinintay ng mga anak natin. Sa wakas, nandito ka nang muli…” Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niyang iyon. Ang lungkot, sakit, at saya ay maririnig sa kanyang boses. Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko pa lang ang boses niya ay para bang naging kakaiba ang bilis ng tibok ng puso ko, kung kaya’t nang maramdaman

  • The Fall of the Queen   Karagdagang kabanata (unang parte)

    FAJRAKadiliman. Puro kadiliman ang nakikita ko. Hindi ko alam kung ilaw oras, araw, buwan, o taon na ako rito dahil hindi ko na kalkulado. Para bang walang katapusan ang kadiliman na ito dahil kahit anong lakad at takbo ang gawin ko ay hindi ko alam kung nasaan ang daan palabas, o kung paano makakaalis dito. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok dito dahil sa pagmulat ng mga mata ko ay nandito na ako sa lugar na ito, at hindi ko rin alam kung isa ba itong panaginip o ilusyon dahil hindi ako nakakaramdam ng kahit ano sa lugar na ito, at basta na lamang naglilibot.Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa lugar na ito, ngunit isang araw, bigla na lamang sa pagmulat ng mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa kapaligiran na puno ng mga puno. Mag-isa lang ako at hindi ko alam kung nasaan ako. Ang tanging alam ko lang at ang nasa isip ko ay ang kaalaman sa pangalan ko, at kung anong nilalang ako. Isa akong imortal—isa akong Demon at a

  • The Fall of the Queen   ANG PAGTATAPOS (huling parte)

    Cyrus, Hindi ko alam kung matagal na bang wala sa hulog ang pag-iiwan ng sulat, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay gagawin ko ito. Habang isinusulat ko ito ay kasalukuyan kang kasama nina Dan sa pag-iikot sa mga hangganan ng mundo, at wala akong ibang kasama dahil nanghingi ako sa kanila ng mga pagkain upang maging rason para maiwan nila akong mag-isa kahit na saglit. Cyrus, hindi ako mapapagod na magpasalamat sa iyo dahil sa pagmamahal mo. Ikaw ang nagmulat sa akin ng totoong kahulugan ng pagmamahal at saya. Sa kabila ng bigat ng responsibilidad ko sa aming mundo, sa tabi mo ay naramdaman ko ang kalayaan. Hindi ko inakala na sa mahabang panahon ay hinahanap ko rin pala iyon, kung kaya’t maraming salamat. Minahal at tinanggap mo kung sino ako, pati ang nangyari sa iyo sa nakaraan dahil sa akin. Mahal na mahal kita. Kahit kailan ay hindi ako magsisisi na sinunod ko ang puso ko. Sa tabi mo, naging masaya ko, ngu

  • The Fall of the Queen   ANG PAGTATAPOS (ikalawang parte)

    Ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa oras ng pangangailangan ay palagi kong ginagawa. Hindi ako napapagod na tumulong dahil alam ko, at naranasan ko ang hirap ng buhay. Kahit gipit ako o nagmamadali, hindi ako nagdadalawang isip na tumulong. Ano lang naman ba ang pagaanin ang sitwasyon ng nangangailangan? Lahat naman tayo ay may hinaharap sa buhay, at ang isang paraan upang mapagaan iyon kahit kaunti ay ang pagtulong. Nagiging masaya ako at lumuluwag sa kalooban kong makita ang pagngiti nila sa akin at pasasalamat. Hindi ko kailangan ng kahit anong material na bagay bilang kabayaran. Makita ko lang na masaya sila sa aking ginawa ay kuntento na ako. Sa nagdaang mga buwan, para bang kay bilis ng mga pangyayari. Nagsimulang magkaroon ng kulay ang boring kong buhay mula nang matagpuan ko ang isang babae sa may tabing ilog noon. Hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya at kupkupin kahit sa kabila ng katotohanan na hindi ko siya kilala. Walang nakakakilala sa kanya,

  • The Fall of the Queen   ANG PAGTATAPOS (unang parte)

    CYRUS “Hijo, maaari mo ba akong ihatid sa tabing ilog? Masyado lang marami ang dala ko at nananakit na ang aking likod sa pagbuhat.” Napatigil ako sa paglalakad nang bigla may magsalita sa aking likuran. Boses iyon ng isang matanda, kung kaya’t agad ko siyang nilingon, at nabigla nang makita ngang naroon siya. Nilingap ko ang paningin ko sa paligid upang tignan kung saan siya posibleng nagmula dahil malalim na ang gabi at sa pagdaan ko naman dito kanina ay wala siya, ngunit dahil hindi ko alam at wala akong ideya ay muli ko siyang hinarap at ngitian. Siguro ay masyado lang akong tutok sa paglalakad kanina at hindi siya napansin. Pagod na pagod na kasi ako dahil tatlo ang trabaho ko ngayong araw, at pagtapos ay wala naman nang masakyan kung kaya’t hanggang sa kalagitnaan lang ng daan pauwing lugar namin ang naabutan ko. Halos nakisabay nga lang ako. Pagtapos kong ihatid si Gov kanina sa Munisipyo ay kung saan-saan naman pumunta si Ms. Sof

  • The Fall of the Queen   Huling kabanata (ikalawang parte)

    “Hindi ko nais na umalis…” Napahigpit ang hawak ni Cyrus sa aking kamay. Napangiti ako sa kanya at pinisil pabalik ang kanyang kamay. “Hindi ko nais na iwan ka sa ganitong sitwasyon, ngunit dahil hindi natin alam ang mangyayari ay kailangan ko pa rin itong gawin. Tutol ako sa paglayo lalo na’t ganito ang kinalalagyan mo, ngunit kailangan kong sumunod para sa ikabubuti ng lahat, lalo na para sa inyo ng mga anak natin,” dugtong niya. “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala dahil sa pagbabalik ninyo ay makakasama mo na kami. At isa pa, nandito sina Ina at ang iba upang bantayan at tulungan ako. Nakakasigurado akong palagi silang magsasabi sa iyo ng mga magaganap,” paninigurado ko sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Cyrus bago yumakap sa akin. Kaagad naman akong gumanti ng yakap sa kanya at ipinikit ang aking mga mata. “Panghahawakan ko ang ipinangako mo sa aking hindi mo ako iiwan. Naniniwala at nagtitiwala akong malalampasan natin ito,

  • The Fall of the Queen   Huling kabanata (unang parte)

    “Cyrus, maaari bang pumunta tayo sa hardin?” tanong ko sa kanya na kasalukuyang nasa likuran ko at sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Napatigil siya sa kanyang ginagawa, kung kaya’t kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang lumingon sa kanya. Nakakunot ang noo niya sa akin at mukhang hinihintay na sabihin ko ang rason ko para sa kahilingan ko na ito. “Gusto kong masaksihan ang paglubog ng araw, at sa hardin natin matatanaw iyon,” dugtong ko. Napatango naman siya sa akin at napangiti, bago tinapos ang kanyang ginagawa at tumayo na. Kaaalis lang ng mga kasamahan namin upang maghanda sa magaganap bukas, kung kaya’t kaming dalawa na lang ang naiwan sa aming silid. Buong araw nila akong binantay, at ngayong malapit nang sumapit ang paglubog ng araw ay nagpaalam na muna, ngunit mga babalik din mamaya. Nang sumapit ang ika-sampung araw bago ang takdang kabilugan ng buwan ay parati silang nasa silid namin ni Cyrus at nakabantay, lalo na sina Helena, Danie, at ang akin

  • The Fall of the Queen   Ika-walumpu't limang kabanata

    Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang marinig ang mga nag-uusap sa paligid ko. Agad na nakilala ko ang boses nina Ina, Danie, Helena at ni Cyrus na nangingibabaw roon. Ako ang pinag-uusapan nila at bakas ang pag-aalala sa mga boses nila. Gusto kong pumagitna sa pag-uusap nila upang siguraduhin na maayos lang ang lagay ko—na hindi sila dapat mag-alala sa amin ng mga anak ko dahil maayos ang lagay namin, ngunit dahil masyado pa akong nanghihina ay simpleng pagmulat lang ng mata at paglingon sa kanila ang nagawa ko. Nakatayo si Cyrus at kasalukuyang nakaharap sa bintana. Katabi niya sina Dan at Dyke na tahimik lang, habang sina Ina, Danie at Helena ay nasa may sopa. “C-Cyrus…” tawag ko sa kanya. Alam kong kahit sa mahinang boses ay naririnig nila ako, at hindi nga ako nagkamali nang lahat sila ay napabaling sa akin. Nagmamadaling lumapit sa akin si Cyrus at naupo sa aking tabi, bago ako tinulungang makabangon at niyakap nang mahigpit. Ipinikit ko ang aking mga mat

  • The Fall of the Queen   Ika-walumpu't apat na kabanata (ikalawang parte)

    Simula nang dalhin ko ang aming mga anak ni Cyrus ay hindi ako naaalis sa malalim na pagtulog sa gabi kahit gaano pa karami ang iniisip, ngunit sa pagkakataong ito ay para bang may pilit na hinihila ako upang gumising, kung kaya’t unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Rinig ko ang pagkatok na nagmumula sa bintana at para bang kahit walang naririnig na boses ay may tumatawag sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Cyrus na nakapulupot sa akin at agad na pinalitan iyon ng unan. Sinigurado ko ring gamitan iyon ng aking kapangyarihan upang mas akalain ni Cyrus na ako pa rin ang kanyang yakap. Palagi kasi siyang nagigising kapag umaalis ako sa tabi niya kung kaya’t hindi ko na nais na maistorbo siya ngayon. Mahaba ang naging araw niya dahil naglibot siya sa lahat ng bayan, at pagtapos ay pinagluto ako noong hapon, at nang sumapit naman ang gabi ay nag-ensayo. Kaagad na bumaba ako ng kama at lumapit sa bintana. Sa paghawi ko ng makapal na kurtina ay napakunot ang a

DMCA.com Protection Status