Ika-limampu’t apat na araw sa mundo ng mga tao; ika-dalawampu ng Oktubre; at ang ika-tatlumpung kaarawan ni Cyrus. Ang araw na ito ay mahalaga kay Cyrus dahil ngayon ang simula ng panibagong kabanata ng kanyang buhay, panibagong taon, at panibagong mga kahaharapin. Sa araw na ito ay dapat may malaking selebrasyon na magaganap, ngunit dahil para bang sumpa ang araw na ito sa kanya dahil parati na lamang siyang nagkakasakit. Hindi ito dahil sa panahon at pagkakataon, mayroong rason sa likod nito na hindi ko alam kung ano, at wala akong oras upang alamin iyon dahil mas kailangan kong intindihin ang lagay niya.
Magdamag ko siyang binantayan kagabi dahil hindi bumuti ang lagay niya. Mas tumaas ang kanyang lagnat at mas nanakit ang ulo at katawan kaya oras-oras akong nakabantay sa kanya, pinupunasan siya, at pinapainom ng gamot kapag kailangan. Hindi na ako nagpahinga dahil naging tutuok ako sa pagbabantay sa kanya. Wala lang din naman iyon sa akin dahil mas importante ang pa
Mabilis na lumipas ang buong maghapon. Pagkatapos kong maligo at makapag-ayos ay kumuha na kami ng litrato ni Cyrus bago namin pinagsandok ng pagkain sila Mira at ang iba pa. Ako na ang naghatid ng pagkain kina Mira at nagpatulong sa kanya na ibigay ang iba pang pinabalot ni Cyrus para sa iba pang mga taga rito. Lahat naman sila ay nagpasalamat at pinabati si Cyrus. Ang iba ay may regalo pang inabot na pinasalamatan ko. Pagkabalik ko sa bahay ni Cyrus ay kumain na kami. Bumalik ang sigla niya sa pagkain kung kaya’t hinayaan ko siyang kainin ang lahat ng gusto niya pero ang softdrinks ang nilimitahan ko. Kahit paborito niya ito ay hindi pa rin ‘to masustansya. Mabuti na lang at nakinig siya sa akin at ang mga ibinibigay ko ang inuubos. Ang akala ko’y didiretso na sa pagbuti ang lagay niya dahil simula pagkagising niya ay mas umayos na ang pakiramdam niya hanggang sa buong hapon, pero nabigla ako nang pumatak ang gabi ay bumalik na naman ang init ng temperatura ng kata
“Ngayong nagising mo na ang totoo niyang pagkatao, ay ang susunod na kailangan mong gawin ay ipakilala sa kanya kung sino siya at kung paano mamuhay kagaya natin. Siya ay kailangan mong sanayin sa pakikipaglaban dahil sa oras ng pagbabalik mo sa ating mundo ay kasama na siya. Tandaan mo mahal na reyna, siya ang nakatakda mong kabiyak at ang magiging susunod na hari kung kaya’t nakadepende sa iyo kung paano ang gagawin mong pagtuturo. Sa iyo siya kukuha ng lakas at dedepende lalo na’t kaya siya napunta sa sitwasyon na iyan ay dahil na rin sa iyo.” Iyon ang mga huling kataga na binitawan ng bampirang nagligtas sa akin, nagbibigay ng mga gagawin, at ng mga kasagutan at kalinawan sa aking misyon, bago humalo sa hangin at hindi na nagpakitang muli. Iniwan niya kami kanina ni Cyrus sa may ilog na para bang iyon ang pagtatapos ng kanyang gawain sa araw na ito. Matapos niyang ituro sa akin ang gagawin upang iligtas sa Cyrus ay nagbigay ulit siya ng sunod na gagawin. Alam k
“Mahal na reyna…” Nagpalingon-lingon ako sa paligid at hinanap ang boses na tumawag sa akin. Ang boses na hindi ko kilala, ngunit alam kong galing sa isang nilalang na may malaking parte sa akin dahil iba ang dulot na saya no’n na may kasamang lungkot sa aking puso. “Fajra, anak ko…” Sa muling paglingon ko sa aking likod at sa madilim na lugar na ito ay napatulala ako nang makita ang isang nilalang na tanging ang mga mata lang ang kaibahan sa aking wangis. Ang buhok niya na kapareho ng akin, ang hugis ng ilong, mata, labi at katawan ay magkapareho. “I-Ina?” tawag ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin kung kaya’t iyon ang naging hudyat ko upang tumakbo papalapit sa kanya, ngunit sa kahit anong bilis ang gawin ko ay tila ba’y hindi ako umuusad. Napuno ng pagkabahala ang puso ko. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang makita ng malapitan at yakapin dahil ngayon ko lang siya makakasama. Ilang taon kong hinihintay na kahit sa panaginip ko ay magpakita
“Talas ng pandama. Iyan ang unang bagay na dapat mong matutunan dahil ang mga kalaban ay patagong kumilos at may mga taglay na bilis at kayang sumabay sa hangin. Bago ka nila matamaan ay kailangan mo na agad malaman kung nasaan sila upang maiwasan iyon at makadepensa. Kailangan mong salagin ang lahat ng pag-atake na gagawin ko at alamin kung nasaan ako nakapwesto. Magagawa mo ba?” tanong ko sa kanya habang nilalagyan ng piring ang kanyang mata. Nang matapos ko iyong ilagay sa kanya at siniguradong wala siyang nakikita ay tumayo ako sa kanyang harapan.“Seryoso ka talaga, Fajra? Gan’to agad? Hindi muna mga suntukan? Basic attack skills, gano’n?” tanong niya na ikinataas ng kilay ko.“Oo, dahil ang mga sinasabi mo ay mabilis mo na lang matutunan, at lakas at estilo lang ang kailangan. Kahit na mortal ay makakaya iyon,” sagot ko sa kanya at kinuha ang patpat na nasa gilid bago naglakad paikot sa kanya.“Handa ka
Labing-isang araw at sampung gabi ang mabilis na lumipas ng gano’n-gano’n na lang. Walang gabi ang aming pinalampas ni Cyrus para sa pag-eensayo dahil ang pagtuturo sa pagkontrol ng espesyal niyang kapangyarihan ay hindi gano’n kadali, ‘di tulad ng mga kakayahan ng mga bampira na natural at kayang-kaya kong ituro sa kanya.Sa ikalawang araw ng pag-eensayo niya ay nagpakita sa amin ang bampirang nagligtas sa akin. Nagpakilala siya kay Cyrus ngunit ang totoong pagkakakilanlan ay tago pa rin. Ipinaliwanag niya sa amin ang kapangyarihan ni Cyrus at nagbigay ng mga dapat gawin upang mapalabas iyon at magamay. Wala akong alam tungkol sa kakayahan niya at binabase ang pagtuturo sa sinabi sa amin kung kaya’t hindi iyon naging madali.Bukod rin sa pagbibigay niyang muli ng tulong ay ipinakita niya sa amin ang kasalukuyang nagaganap sa aming mundo at ang impormasyon na alam na ng mga kasamahan ko na buhay ako at malapit nang makabalik.
Isang araw na lamang ang nalalabi bago kami umuwi sa tunay naming mundo at tahanan. Isang araw na aking hinihiling na mas humaba pa at maging isang linggo kung maaari, ngunit alam ko namang hindi mangyayari. Sobra na ang kabang nararamdaman ko, hindi dahil sa nalalapit na ang araw na pagharap namin sa mga kalaban, kung hindi dahil dalawang araw mula ngayon ay haharapin ko na ang mga kasamahan namin, pati na si Heinrich. Ang akala ko noong mga nakaraan ay maayos na ako dahil nabuo na sa aking isipan ang mga sasabihin sa kanya, ngunit nang ipaalala kanina ni Cyrus na malapit na kaming umuwi sa aming mundo ay para bang iyon ang nagbukas sa pinto ng pagkabahala ko at nabura sa isip ko ang mga paghingi ng tawad, at kung ano pa mang sasabihin ko kay Heinrich. Siguro’y kaya ko ito nararamdaman ay dahil nagkaroon siya ng parte sa akin, at gano’n na rin ako sa kanya na hindi naman nauwi sa maayos dahil sa gulo ng mga nangyari. Handa akong tuldukan ang kung ano
Hindi ako makapaniwala… Hindi ko lubos maisip na hindi isang panaginip ang nangyayari ngayong mga oras na ito. Hindi ako makapaniwala na ang aking inang inakala kong lumisan na dahil iyon ang parating sinasabi sa akin ng aking ama at ni Danie, ay nakatayo ngayon sa aking harapan—lumuluha habang nakatitig sa akin. Bakas ang ang lungkot, pagsisisi, at pag-aalangan sa kanyang mukha sa mga oras na ito.Hindi ako makapaniwala na ang kanyang binanggit noon sa aking panaginip na hanggang sa aming susunod na pagkikita ay ito pala. Hindi sa panaginip, kung hindi sa personal dahil buhay pa siya at nasa tabi ko lang parati. Binuhay ako, binabantayan, at binibigyan ng mga pagsubok na maghuhubog sa akin bilang isang reyna at magmumulat sa akin sa katotohanan.Hindi ako makapaniwala na ang gaan ng nararamdaman ko sa kanya sa kabila ng hindi ko pagkilatis sa kanya noong nagbabalat kayo siya, at sa kabila ng mga pagkainis ko ngayong binibigyan niya ako ng misyon
Sa nagdaang pitumpu’t pitong araw na pananatili sa mundo ng mga mortal ay marami akong napagtanto at natutunan. Isa na roon ay kailangang palaging ipagpasalamat kung ano ang buhay na mayroon tayo kahit gaano pa kaganda o kamisirable iyon. Nasa sa atin nakadepende kung paano natin ito papahalagahan at papabutihin. Katulad ni Cyrus, hindi man maganda ang naging buhay niya sa mundo ng mortal; mag-isa, nakaranas ng hirap sa murang edad, ay hindi siya sumuko na hanapin ang ganda no’n. Isa rin sa natutunan ko na sa kahit anong sitwasyon, ang kalinawan ng isip ang pinakakinakailangan bago ka magbitiw ng kung ano mang mga desisyon at pasya. Hindi ka rin dapat magpadala sa kung ano mang emosyon mo dahil maaari iyong maging kalamangan ng kalaban at gamitin laban sa iyo. Huminga ng malalim, ayusin ang nararamdaman bago gumawa ng hakbang. Sa mga araw ng panananatili ko sa mundo ng mga mortal ay aking nakita at napagtanto na kahit isa akong reyna na may mabigat na responsibilidad