Share

Ika-limampu't walong kabanata

“So, ano na? Kayo na? Sinagot mo na siya?” nasasabik na tanong sa akin ni Mira habang nagsasandok siya ng niluto kong pasta sa kanyang plato. Lunes ngayong araw at naisipan kong magluto ng pasta dahil ginamit ko ang natirang ham mula sa inulam namin kaninang almusal ni Cyrus. Eksakto rin naman na wala palang pasok si Mira kaya inanyayahan ko siya ngayon para makapagmiryenda.

Ibinaba ko sa mesa ang ginawa kong garlic bread bago nagsandok ng aking pagkain at umiling ako sa kanya bilang sagot sa kanyang tanong. Agad namang napakunot ang kanyang noo at napatigil sa pagsubo ng pagkain.

“Hindi? Bakit? Ayaw mo ba kay Cyrus? Hindi ba siya consistent? Ilang linggo na ba siyang nanliligaw?” sunod-sunod na tanong niya sa akin. Napasandal naman ako sa aking kinauupuan bago inabot ang tinidor at napabuntong hininga.

“Araw-araw ipinaparamdam sa akin ni Cyrus na mahal niya ako at wala naman akong mahihiling pa mula sa kanya dahil bukod sa likas si

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status