“Ngayong nagising mo na ang totoo niyang pagkatao, ay ang susunod na kailangan mong gawin ay ipakilala sa kanya kung sino siya at kung paano mamuhay kagaya natin. Siya ay kailangan mong sanayin sa pakikipaglaban dahil sa oras ng pagbabalik mo sa ating mundo ay kasama na siya. Tandaan mo mahal na reyna, siya ang nakatakda mong kabiyak at ang magiging susunod na hari kung kaya’t nakadepende sa iyo kung paano ang gagawin mong pagtuturo. Sa iyo siya kukuha ng lakas at dedepende lalo na’t kaya siya napunta sa sitwasyon na iyan ay dahil na rin sa iyo.”
Iyon ang mga huling kataga na binitawan ng bampirang nagligtas sa akin, nagbibigay ng mga gagawin, at ng mga kasagutan at kalinawan sa aking misyon, bago humalo sa hangin at hindi na nagpakitang muli. Iniwan niya kami kanina ni Cyrus sa may ilog na para bang iyon ang pagtatapos ng kanyang gawain sa araw na ito. Matapos niyang ituro sa akin ang gagawin upang iligtas sa Cyrus ay nagbigay ulit siya ng sunod na gagawin. Alam k
“Mahal na reyna…” Nagpalingon-lingon ako sa paligid at hinanap ang boses na tumawag sa akin. Ang boses na hindi ko kilala, ngunit alam kong galing sa isang nilalang na may malaking parte sa akin dahil iba ang dulot na saya no’n na may kasamang lungkot sa aking puso. “Fajra, anak ko…” Sa muling paglingon ko sa aking likod at sa madilim na lugar na ito ay napatulala ako nang makita ang isang nilalang na tanging ang mga mata lang ang kaibahan sa aking wangis. Ang buhok niya na kapareho ng akin, ang hugis ng ilong, mata, labi at katawan ay magkapareho. “I-Ina?” tawag ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin kung kaya’t iyon ang naging hudyat ko upang tumakbo papalapit sa kanya, ngunit sa kahit anong bilis ang gawin ko ay tila ba’y hindi ako umuusad. Napuno ng pagkabahala ang puso ko. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang makita ng malapitan at yakapin dahil ngayon ko lang siya makakasama. Ilang taon kong hinihintay na kahit sa panaginip ko ay magpakita
“Talas ng pandama. Iyan ang unang bagay na dapat mong matutunan dahil ang mga kalaban ay patagong kumilos at may mga taglay na bilis at kayang sumabay sa hangin. Bago ka nila matamaan ay kailangan mo na agad malaman kung nasaan sila upang maiwasan iyon at makadepensa. Kailangan mong salagin ang lahat ng pag-atake na gagawin ko at alamin kung nasaan ako nakapwesto. Magagawa mo ba?” tanong ko sa kanya habang nilalagyan ng piring ang kanyang mata. Nang matapos ko iyong ilagay sa kanya at siniguradong wala siyang nakikita ay tumayo ako sa kanyang harapan.“Seryoso ka talaga, Fajra? Gan’to agad? Hindi muna mga suntukan? Basic attack skills, gano’n?” tanong niya na ikinataas ng kilay ko.“Oo, dahil ang mga sinasabi mo ay mabilis mo na lang matutunan, at lakas at estilo lang ang kailangan. Kahit na mortal ay makakaya iyon,” sagot ko sa kanya at kinuha ang patpat na nasa gilid bago naglakad paikot sa kanya.“Handa ka
Labing-isang araw at sampung gabi ang mabilis na lumipas ng gano’n-gano’n na lang. Walang gabi ang aming pinalampas ni Cyrus para sa pag-eensayo dahil ang pagtuturo sa pagkontrol ng espesyal niyang kapangyarihan ay hindi gano’n kadali, ‘di tulad ng mga kakayahan ng mga bampira na natural at kayang-kaya kong ituro sa kanya.Sa ikalawang araw ng pag-eensayo niya ay nagpakita sa amin ang bampirang nagligtas sa akin. Nagpakilala siya kay Cyrus ngunit ang totoong pagkakakilanlan ay tago pa rin. Ipinaliwanag niya sa amin ang kapangyarihan ni Cyrus at nagbigay ng mga dapat gawin upang mapalabas iyon at magamay. Wala akong alam tungkol sa kakayahan niya at binabase ang pagtuturo sa sinabi sa amin kung kaya’t hindi iyon naging madali.Bukod rin sa pagbibigay niyang muli ng tulong ay ipinakita niya sa amin ang kasalukuyang nagaganap sa aming mundo at ang impormasyon na alam na ng mga kasamahan ko na buhay ako at malapit nang makabalik.
Isang araw na lamang ang nalalabi bago kami umuwi sa tunay naming mundo at tahanan. Isang araw na aking hinihiling na mas humaba pa at maging isang linggo kung maaari, ngunit alam ko namang hindi mangyayari. Sobra na ang kabang nararamdaman ko, hindi dahil sa nalalapit na ang araw na pagharap namin sa mga kalaban, kung hindi dahil dalawang araw mula ngayon ay haharapin ko na ang mga kasamahan namin, pati na si Heinrich. Ang akala ko noong mga nakaraan ay maayos na ako dahil nabuo na sa aking isipan ang mga sasabihin sa kanya, ngunit nang ipaalala kanina ni Cyrus na malapit na kaming umuwi sa aming mundo ay para bang iyon ang nagbukas sa pinto ng pagkabahala ko at nabura sa isip ko ang mga paghingi ng tawad, at kung ano pa mang sasabihin ko kay Heinrich. Siguro’y kaya ko ito nararamdaman ay dahil nagkaroon siya ng parte sa akin, at gano’n na rin ako sa kanya na hindi naman nauwi sa maayos dahil sa gulo ng mga nangyari. Handa akong tuldukan ang kung ano
Hindi ako makapaniwala… Hindi ko lubos maisip na hindi isang panaginip ang nangyayari ngayong mga oras na ito. Hindi ako makapaniwala na ang aking inang inakala kong lumisan na dahil iyon ang parating sinasabi sa akin ng aking ama at ni Danie, ay nakatayo ngayon sa aking harapan—lumuluha habang nakatitig sa akin. Bakas ang ang lungkot, pagsisisi, at pag-aalangan sa kanyang mukha sa mga oras na ito.Hindi ako makapaniwala na ang kanyang binanggit noon sa aking panaginip na hanggang sa aming susunod na pagkikita ay ito pala. Hindi sa panaginip, kung hindi sa personal dahil buhay pa siya at nasa tabi ko lang parati. Binuhay ako, binabantayan, at binibigyan ng mga pagsubok na maghuhubog sa akin bilang isang reyna at magmumulat sa akin sa katotohanan.Hindi ako makapaniwala na ang gaan ng nararamdaman ko sa kanya sa kabila ng hindi ko pagkilatis sa kanya noong nagbabalat kayo siya, at sa kabila ng mga pagkainis ko ngayong binibigyan niya ako ng misyon
Sa nagdaang pitumpu’t pitong araw na pananatili sa mundo ng mga mortal ay marami akong napagtanto at natutunan. Isa na roon ay kailangang palaging ipagpasalamat kung ano ang buhay na mayroon tayo kahit gaano pa kaganda o kamisirable iyon. Nasa sa atin nakadepende kung paano natin ito papahalagahan at papabutihin. Katulad ni Cyrus, hindi man maganda ang naging buhay niya sa mundo ng mortal; mag-isa, nakaranas ng hirap sa murang edad, ay hindi siya sumuko na hanapin ang ganda no’n. Isa rin sa natutunan ko na sa kahit anong sitwasyon, ang kalinawan ng isip ang pinakakinakailangan bago ka magbitiw ng kung ano mang mga desisyon at pasya. Hindi ka rin dapat magpadala sa kung ano mang emosyon mo dahil maaari iyong maging kalamangan ng kalaban at gamitin laban sa iyo. Huminga ng malalim, ayusin ang nararamdaman bago gumawa ng hakbang. Sa mga araw ng panananatili ko sa mundo ng mga mortal ay aking nakita at napagtanto na kahit isa akong reyna na may mabigat na responsibilidad
Masyadong nababagabag ang aking isipan dahil kay Heinrich, at alam kong maaalis lang ito kung makakausap ko siya ngayong gabi.Ipinikit ko ang aking mga mata at sinubukang pakiramdaman ang aming koneksyon. Alam kong hindi pa tuluyang nawawala iyon kahit na naganap na ang sacred bond sa amin ni Cyrus. Nakumpirma kong tama nga angg aking hinala nang maramdamang ang dalawang koneksyon ko sa dalawang nilalang na narito. Masyado ng mahina ang isa roon at alam kong iyon ay ang kay Heinrich. Kung hindi mo iyon papakiramdaman ng mabuti ay hindi iyon mapapansin. Ang koneksiyon na iyon ay wala sa tahanan na ito kung kaya’t mabilis akong bumangon at sinuot ang cloak ko sa may gilid bago humalo sa hangin.Tama ang aking naramdaman dahil dito ko siya naabutan sa ilog sa dulo ng bayan na ito. Nakaupo siya sa damuhan habang ang nakukuhang bato sa paligid niya ay hinahagis sa ilog. Nakatanaw lang siya rito at mukhang nasa malalim na pag-iisip. Naglakad ako palapit sa kanya at tu
Ang katahimikan ng gabing iyon ay nabasag nang biglang umulan nang malakas. Ang langit ay para bang nakisabay sa aking emosyon noong mga oras na iyon at katulad ko’y lumuha rin. Sobra-sobrang emosyon ang naramdaman ko nang mga oras na iyon na tila ba’y ang pag-iyak ay hindi sasapat para sa sakit na naramdaman. Buong buhay ko, pinipilit kong magpakatatag. Ang mga luha’y minsan lamang pumatak, pero ngayon ay tila ba sosobra na sa bilang ng mga daliri sa kamay at paa ang dalas ng aking pagluha. Hindi ko alam kung paano maaampat ang sakit na nararamdaman. Kung masakit para sa akin ang ginawa ng tadhana at ang nangyari sa pagitan namin ni Heinrich ay paano pa para sa kanya? Ang matapang na hari ng mga Demon ay ilang beses lumuha dahil sa akin. Hindi rin ako makapaniwala na sa kabila ng ginawa ko ay pinili niya pa rin akong mahalin kahit sa malayo at manatili ngayon kahit harap-harapan niya kaming nakikita ni Cyrus. Alam niyang hindi para sa amin ang pagkakataong i