(Sabrina's POV)Nakatayo pa din ako habang minamasdan si Damien na hanggang ngayon ay dilat ang mata at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Malinaw naman ang sinabi ko at bakit tila hindi pa din ito makapaniwala. "Sabi ko maghubad ka," ani ko sa kaniya. Inulit ko pa talaga at mas lalo lang ata itong nagulat. "Ano ba Damien, malinaw naman ang sinabi ko at bakit nakatayo ka pa din diyan?" Tanong ko sa kaniya. Ang seryosong mukha niya ay napalitan na naman iyon ng nakakalokong ngisi kaya hindi maiwasan na magtaas ako ng isang kilay ko. "Hindi ko alam na nagiging palabiro ka na ngayon, Sabrina." Sabi niya at natawa pa talaga ito nang mahina kaya nag-cross arms ako habang tinititigan siya. "Teka, akala ko ba gagawin mo ang lahat para tanggapin ko ang sorry mo?" Tanong ko bigla kaya sumeryoso ang mukha niya. Actually, kanina ko pa talaga balak tanggapin ang sorry n
Magbasa pa