Ilang araw na ang lumipas nang mangyari ang pagsabog na 'yon. Tapos nang maayos ni Damien ang kompanya. Hanggang ngayon ay hindi pa din mawala sa isipan ko ang mga tagpong iyon. Madaming katanungan sa isipan ko kung sino ba talaga ang na sa likod nang pagsabog. Alam ko na walang kinalaman ang mga Williams 'dito pero hindi ko din naman maiwasang maisip ang sinabi ni Damien sa akin.
Hindi dapat ako basta maniwala dahil maaring binibilog lang nila ang ulo ko kaya tatandaan ko ang sinabi niya.
Nagpaalam ako kay Damien na may pupuntahan muna ako at mabuti na lang ay pumayag ito. Hindi naman ako magtatagal at mabilis lang naman ako. Pinasama niya ang dalawang maingay na sina Neil at Sean sa akin.
Gusto ko sanang ayawan si Damien pero alam ko naman na hindi niya ako papayagan umalis kaya hinayaan ko na lang at tiniis ang maingay na dalawang
(Sabrina's POV)Ilang minuto lang ay nakarating na kaming tatlo sa mansion ni Damien. Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili dahil ayokong mahalata ni Damien na may problema ako. Kung ano man ang nangyari kanina ay mananatili lang sa akin at sana hindi magsumbong ang dalawa.Agad akong lumabas sa kotse at naglakad papasok sa loob ng bahay. Medyo kinakabahan din ako na baka makahalata si Damien at magtanong sa akin.Pagpasok ko sa bahay ay nadatnan ko siya agad na ngayon ay nakakunot ang kaniyang noo habang nakaupo sa couch at hinihintay ang pagdating ko. Napilitan akong ngumiti saka lumapit sa kaniya. Agad naman siyang tumayo at hinalikan ako sa noo."How's your walk?" Tanong nito sa akin at tanging malalim na hininga ang sinagot ko sa kaniya."Nakakapagod pa lang maglakad at hindi ko man lang nakita ang hinahanap ko Damien." Sabi ko sa
(Sabrina's POV)Pakiramdam ko na-semento ang paa ko at hindi ko ito maigalaw. Kay bilis ni Damien kumilos. Bigla niyang sinakal si Scarlet sa harapan naming lahat. Hindi ko aakalain na gagawin niya iyon. Ang mga kasamahan ni Scarlet ay nakatutok na ang baril kay Damien at ang mga tauhan naman ni Damien ay nakatutok ang baril sa kabilang panig."Kailan ka ba magigising na hindi na kita mahal. You're forcing yourself towards me! Isn't it clear to you that Sabrina is the girl I love. Gusto mo talaga na patayin kita." Galit na sabi ni Damien. Nanatili lang akong nakatayo at hindi malaman kung anong gagawin ko.Kita ko sa mukha ni Scarlet na nahihirapan na siyang huminga dahil sa mahigpit na pagkakasakal ni Damien sa kaniya."Galawin niyo na ako pero huwag si Sabrina. Dahil kapag sinubukan niyo siyang galawin ay baka makakapatay ako." Napalunok naman ako sa sin
(Sabrina's POV)Hindi ko alam kung lilingon ba ako o tatakbo. Parang nagkakarerahan ang kabog ng puso ko dahil sa mga pamilyar na boses na aking narinig. Hindi ako maaaring magkamali kasi kilalang-kilala ko ang mga iyon."Mr. Cullen, maraming salamat po sa pag-imbita sa amin." Sabi ni Glaiza kay Damien pero ako ay nakatalikod pa din dahil nahihiya akong tignan sila. Naabutan nila ako na kasalukuyang hinihimas ang six-pack abs ni Damien.Parang gusto ko na lang biglang maglaho sa kanilang paningin dahil sa hiya."Mukhang hindi ata makatingin sa amin ang girlfriend niyo Mr. Cullen. Aalis na lang siguro kami." Naalarma naman ako dahil sa sinabi ni Allysa kaya napaharap ako sa kanila na ngayon ay nakangisi na sa akin.Sigurado akong pinagtatawanan na nila ako sa kanilang isip dahil sa naabutan nilang eksena."Ano ba kayo. Mabuti na la
(Sabrina's POV)Magkahawak na kami ng kamay ni Damien nang balikan namin silang lahat sa pool. Ang mga kaibigan ko ay na sa pool pa din habang sina Neil naman ay na sa tabi lang."Your eyes gentleman." Natawa ako nang mahina dahil sa sinabi ni Damien sa mga ito."Sensitive masiyado, bossing. Huwag kang mag-alala hindi naman namin aagawin ang baby mo. Takot lang namin sa 'yo. Mahal pa kaya namin ang buhay namin." Mahabang litanya ni Hayden kaya natawa naman ako. Ngayon ay nakangiti na si Damien at nakakahawa talaga ang mood niya."Mabuti naman at alam niyo. Ayoko lang na titigan niyo ang katawan ng baby ko, kung ayaw niyong tanggalin ko 'yang mga mata niyo." Sabi ni Damien. Imbis na mainis ang tatlo niyang kaibagan ay natawa na lang ang mga ito.Akmang magsasalita pa sana si Damien nang bigla ko silang hilahin patalon sa pool. Nagulat nam
(Sabrina's POV)Ilang araw na din ang lumipas matapos ang night swimming na iyon. Kinaumagahan din ay nagpaalam na ang mga kaibigan ko na umuwi dahil may pasok pa ang mga ito.As usual, balik na naman sa dating ginagawa. Si Damien ay mukhang nagiging busy na sa kaniyang kompanya. Minsan, pinapasama niya ako pero minsan mas gusto ni Damien ay manatili lang ako sa bahay nito.Minsan nga ay naiinip na ako kakatambay 'dito. Araw ng lunes ngayon at na sa opisina si Damien. Siya naman ay tapos na sa kaniyang ginagawa. Halos magawa niya na lahat ng kaniyang trabaho sa bahay pero bored pa din siya.Hanggang sa may biglang nag-text sa aking telepono at agad ko itong tinignan. Nagtaka naman ako nang makitang numero lang ang nakalagay. Pero kahit nagtataka ay binuksan ko pa din ito at binasa."This is Jessel. Lumabas ka muna may sasabihin ako." Pa
(Sabrina's POV)Nanatili lamang ako sa kinauupuan habang pinapanood si Damien na nakikipagbarilan sa mga lalaking dumukot sa akin. Ang mga galaw niya ay sobrang napakabilis. Iyong tipo na sanay na sanay na siya sa mga ganito.Hindi pa man naipuputok ng mga kalaban ang baril nila kay Damien ay nauunahan niya na ang mga ito. Hindi mahirap para sa kaniya ang patumbahin ang ilang bilang na mga lalaki na nandito.Kumurap pa ako nang mapagtanto na naubos kaagad ang mga ito. Nakita ko na lang na tumakbo si Damien patungo sa akin. Kumabog naman nang malakas ang puso ko dahil doon."Damn, hindi ka ba nila sinaktan? May masakit ba sa 'yo?" Sunod na mga tanong niya sa akin habang kinakalagan ako mula sa pagkakatali sa upuan."Walang masakit sa akin, Damien. Dumating ka sa tamang oras at kung hindi mo ako iniligtas baka," hindi ko matuloy ang sasab
(Sabrina's POV)In the next morning, I was awaken by as I felt a small kisses all throughout my face. Pagmulat ko ay ang guwapong mukha agad ni Damien ang nakita ko. Kinusot-kusot ko muna ang mata saka siya tinitigan."Ang aga mo naman akong bulabugin." Sabi ko kaya natawa ito. Hinalikan niya muna ang pisngi ko, ang tungki ng ilong saka ang labi ko. Namula naman agad ang mukha ko sa ginawa niya."Have you forgotten what we talk yesterday?" He asked which made me think of what does we talk yesterday hanggang sa, naalala ko na nga ito. Kaya naman ay napabalikwas ako nang bangon kahit buhaghag pa ang buhok ko."Huwag mo akong iwanan, Damien maliligo muna ako." Sabi ko at patakbong pumasok sa banyo. Agad ko namang ginawa ang dapat kong gawin saka nagmadaling lumabas. Bakit ba kasi nakalimutan ko na dadalhin pala ako ni Damien sa opisina at s
(Sabrina's POV)Ilang minuto din akong nanatili sa banyo. Huminga ako nang malalamin at pilit iwaglit sa isipan ko ang pagseselos. Hindi ko din naman maintindihan ang sarili bakit gano'n ang nararamdaman ko sa babaeng iyon.Hindi naman dapat akong magselos kasi ako naman ang mahal ni Damien. Maybe, he need to entertain the girl because she was the daughter of his father's best friend. At isa pa, dapat akong magtiwala sa pagmamahal ni Damien. I need to washed this insecurities I feel right now.Huminga muna ako nang malalamin saka nagdesisyon na lumabas. Nadatnan ko naman sila na ngayon ay nakaupo na sa couch. Napatingin naman si Damien sa gawi ko na ngayon ay nakangiti.Iyong ngiti na masaya siyang makita ako at doon pa lang ay dapat ko ilagay sa isip ko na ako ang mahal niya. Ngumiti na lang ako sa kaniya at pilit pinapakita kay Damien na hindi ako
(Sabrina's POV)Mahigit dalawang buwan na ang lumipas nang ikasal kaming dalawa ni Damien at ngayon ay namumuhay kaming dalawa na masaya at kasama ang anak namin na si Elijah. Higit sa lahat ay may panibago na namang miyembro ng pamilya dahil nalaman ko ngayon lang na buntis ako.Damien was on the company dahil may meeting siya sa mga oras na ito pero mukhang hindi na ata ako makatiis at gustong-gusto ko nang ibalita sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko.Alam ko na sobrang matutuwa iyon kapag nalaman ang tungkol sa dinadala ko. Agad naman akong nagbihis at nagmamadali na lumabas sa kuwarto namin. Sa baba ay nadatnan ko ang mga kaibigan na nakikipaglaro kay Elijah."May lakad ka, Sab?" Nagtatakang tanong ni Glaiza kaya napangiti ako saka lumapit sa kanila at hinalikan ng mabilis si Elijah."Mamaya sasabihan ko kayo. Kailangan ko lang puntahan si Damien sa kompanya." Sabi ko na nakan
(Sabrina's POV)Nakalabas na kaming lahat sa loob ng bahay na iyon dala-dala ang bangkay na katawan nina Cole at Scarlet. Tuluyan na ngang binawian ng buhay si Cole dahil sa 'kin. Iniligtas niya ako sa tiyak na kamatayan at nagpapasalamat ako sa kaniya ng sobra sa lahat ng mga ginawa niya para sa 'kin.Madaming nawala, madami ang nagbuwis ng buhay dahil sa gulong ito. Pero nagpapasalamat ako sa diyos dahil buhay ako at si Damien. Nawala man ang mga mahal ko sa buhay pero alam ko na masaya na sila kung na saan man sila ngayon.Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatayo sa puntod ni Dad, ni Mom, ni Scarlet at maging sa puntod din ni Cole. Nagdesisyon ako na itabi na lang silang lahat. Nalaman ko na din kasi kung saan inilibing si Mommy at nagdesisyon na itabi sila ni dad."Baby, are you okay?" Napangiti naman ako nang may biglang yumakap sa 'kin sa likod ko."I'
(Sabrina's POV)Nagulat naman ako nang makarinig ako ng mga putukan sa labas kaya naman ay napahigpit ang paghawak ko sa baril. Ang lakas din nang kabog ng puso ko sa isiping baka nandito na sila Damien.Nagtago naman ako sa likod ng pinto dahil alam ko na papasok ang isa sa mga kalaban para kunin ako at ang hindi nila alam ay nakatakas na ako at hindi na ako papayag pa na makuha nila ako ulit.Lumakas na naman ang kabog ng puso ko nang may marinig akong kalabog ng paa papunta sa kinaroroonan ko kaya inihanda ko na ang sarili hanggang sa pumasok na nga si tita Phoebe at hinanap ako."Huwag kang gagalaw." Sabi ko at naglakad na papalapit sa kaniya. Dahan-dahan naman na napapaharap sa 'kin si tita Phoebe na ngayon ay gulat ang kaniyang reaksiyon ng makita ako."Nakatakas ka talaga, huh." Sabi niya kaya naman ay napangisi ako at tinutok sa kaniya ang baril ko."Hindi mo aakal
(Sabrina's POV)Napatingin naman ako sa mga lalaking nagbabantay sa akin at saktong-sakto naman na hindi sila nakatingin sa akin. Dahan-dahan ang ginawa kong paglapit sa kanila at inatake ang mga ito patalikod. Mabuti na lang at tinuruan ako ni Damien noon. Hindi ako puwedeng gumamit ng baril dahil baka maalarma ang mga kalaban.Tatlo lang naman ang nagbabantay na kapuwa ay na sa ibang direksiyon ang kanilang mga atensiyon. Hindi nila ako napansin."Hintayin mo ako, Phoebe tatapusin ko kayo ngayon." Nakangising sabi ko at kinuha ang mga baril ng lalaking napatay ko. Nilapitan ko naman ang katawan ni Scarlet at tinanggal ang pagkakadena. Hindi ko na naman maiwasang mapaiyak dahil sa nangyari sa kaniya. Niyakap ko na lang si Scarlet at pinangako sa kaniya na matapos ang laban na ito ngayon ay bibigyan ko siya ng maayos na libing sa tabi ni dad.Magbabayad silang lahat sa ginawa nila sa pamily
(Sabrina's POV)Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Hindi na ako makapag-isip ng maayos kung paano ako makakatakas dito. Kailangan kong iligtas silang lahat dahil nanganganib ang kanilang mga buhay.Hindi ako papayag na may isa pa na mawawala na naman sa mga mahal ko. Hindi ako papayag na sasaktan nila ni isa man sa mga taong naiwan sa 'kin.Umalis pansamantala sina Marra at Phoebe. Naiwan ako dito sa loob na ngayon ay binabantayan nang maigi ng kanilang mga tauhan.Napalingon naman ako sa gawi ni Scarlet at hindi maiwasang mapaluha. Nasasaktan ako sa kalagayan ng kapatid ko. Alam ko na wala na siya at hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na makapagpaalam kami sa isa't-isa."I'm really sorry, Scarlet. Wala man lang akong nagawa para iligtas ka sa kanila. Hindi man lang kita naipaglaban. Pero isa lang ang pinapangako ko, bibigyan ko kayo ng hustisya ni dad. Hindi ako papayag n
(Sabrina's POV)Bigla akong nagising dahil sa may biglang nagbuhos sa akin ng isang malamig na tubig kaya naman ay napaubo-ubo pa ako. Pagdilat ng mata ko ay na sa ibang lugar na ako particularly, na sa isang malawak na kuwarto. Ginalaw ko ang kamay ko ngunit hindi ko magalaw dahil nakagapos na ang mga kamay ko, mas lalo na din ang mga paa ko."Saan niyo dinala si Scarlet!?" Malakas na sigaw ko sa mga lalaking ngayon ay na sa harapan ko. Sila ang nagbuhos sa akin ng malamig na tubig. Pero ang siste, ay napangisi lamang ang mga ito habang nakatingin sa akin."Na sa tabi mo lang siya." Sabi ng isa sa kanila kaya naman ay kaagad akong napalingon sa tabi ko at nakita si Scarlet na ngayon ay nakagapos ang mga kamay ng kadena at pati na din ang kaniyang mga paa.Wala na siyang malay at parang pakiramdam ko ay binibiyak ang puso ko makita ang ayos niya. Sobrang nakakaawang tignan si Scarlet.
(Sabrina's POV)Dahan-dahan lang akong umalis ng bahay na hindi napapansin ng mga kasama ko. Hindi nila dapat na malaman na umalis ako. Walang sino man ang dapat makakaalam sa sinabi ng caller kanina dahil kapag isang maling galaw ko lang ay mamamatay ang mga mahal ko sa buhay na ayaw kong mangyari.Hindi ko lubos maisip na darating ang araw na ito at malalagay kaming lahat sa peligro. Kailangan kong iligtas si Scarlet dahil ayokong mawala siya. Wala na nga ang mga magulang ko at hindi ko hahayaan na pati din siya.Kaagad naman akong sumakay ng taxi at pumunta sa lugar kung saan dapat kami magkita ng taong tumawag sa akin kanina lang. Kanina pa ako kinakabahan dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa mga oras na ito pero para sa mga taong mahal ko at para kay Scarlet nakahanda akong gawin lahat maligtas lang sila.Nakarating naman kaagad ako sa lugar at nagpalinga-linga pa ako da
(Sabrina's POV)Ilang minuto lang ang biyahe namin pauwing mansion at nakarating naman kami kaagad. Na sa pinto pa lang kami ng bahay ay napansin ko na si Damien na ngayon ay nakasandal sa pinto habang ang dalawa niyang kamay ay nakalagay sa bulsa niya.Napalunok naman ako dahil sa masamang tingin niya at alam ko na wala sa mood ito."Where did you go, Sabrina?" Tanong niya sa akin habang nag-aabot naman ang kaniyang dalawang kilay."Mr. Cullen, pasensiya na po kung umalis kami ni Sabrina, nagpasama kasi ako sa mall at may binili lang ako." Si Allysa na ang nagsalita at nakatitig lamang ako kay Damien. Napakunot naman ang kaniyang noo kaya napahinga ako ng malalim. Biglang nagbago ang expression niya at akala ko talaga ay magagalit siya sa akin."Okay, it's okay I understood. Mabuti naman at sinama niyo si Scott." Sabi niya kaya naman ay napangiti ako. Tama lang talaga na dinala ko si
(Sabrina's POV)Kanina pa ako pabalik-balik dito sa loob ng bahay pero wala pa si Damien. Hindi pa siya nakakauwi at kanina pang umaga wala. Anong oras na ngayon. Napalingon na lang ako sa pinto ng kuwarto ko ng magbukas ito at iniluwa si Allysa."Sab, puwede mo ba akong samahan ngayon?" Tanong niya kaya naman ay napataas ang kilay ko."Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya kaya naman ay napapakamot siya sa batok niya at tila ba ay hindi niya kayang sabihin sa akin kung saan man ang kaniyang lakad."Magpapasama lang sana ako sa mall dahil may bibilhin ako. Huwag kang mag-alala dahil sina Glaiza at Jessel naman ang magbabantay muna sa anak mo." Sabi niya kaya naman ay nagbuntong hininga ako.Total wala pa naman si Damien kaya sasama na lang muna ako sa kaniya. Babalik naman siguro kami kaagad at isa pa, parang may gusto din akong bilhin para kay Damien at baby Elijah."Sig