Nakatayo pa din ako habang minamasdan si Damien na hanggang ngayon ay dilat ang mata at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Malinaw naman ang sinabi ko at bakit tila hindi pa din ito makapaniwala.
"Sabi ko maghubad ka," ani ko sa kaniya. Inulit ko pa talaga at mas lalo lang ata itong nagulat. "Ano ba Damien, malinaw naman ang sinabi ko at bakit nakatayo ka pa din diyan?" Tanong ko sa kaniya. Ang seryosong mukha niya ay napalitan na naman iyon ng nakakalokong ngisi kaya hindi maiwasan na magtaas ako ng isang kilay ko.
"Hindi ko alam na nagiging palabiro ka na ngayon, Sabrina." Sabi niya at natawa pa talaga ito nang mahina kaya nag-cross arms ako habang tinititigan siya.
"Teka, akala ko ba gagawin mo ang lahat para tanggapin ko ang sorry mo?" Tanong ko bigla kaya sumeryoso ang mukha niya. Actually, kanina ko pa talaga balak tanggapin ang sorry n
(Sabrina's POV)Kinaumagahan ay nagising na lang ako nang may maramdamang magagaang halik sa buong mukha ko. Pagmulat ng mata ko ay ang mukha agad ni Damien ang nakita ko. Na sa kuwarto ko na naman po siya natulog at ano pa bang magagawa ko kung hindi ang pumayag.May isang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ko nang makita ang guwapong mukha ni Damien na panay ang titig sa akin. Hindi ko man lang napansin na gising na pala siya.Sabagay, mukhang sanay na naman ata itong magising. At take note, hating-gabi na kami nakatulog kagabi dahil sa pasorpresa niya sa akin."Good morning, baby ko." Nakangiting bati ni Damien sa akin kaya napaayos ako nang upo. Ngayon ay kaharap ko na siya at kahit na bagong gising ay sobrang fresh niya pa din tignan."Good morning," ani ko habang minamasdan siya. "Ang aga mo nagising ngayon." Sabi ko at biglang natawa si Damie
(Sabrina's POV)Ilang minuto lang ay nakarating kami kaagad sa kompanya niya. Sinalubong kami ng mga guards nang isang pagbati ngunit hindi naman kumibo si Damien kaya ako na lang ang babati pabalik sa kanila."Good morning din sa inyo." Sabi ko at nginitian pa sila nang matamis. Nanlaki naman ang mata ng guards na hindi makapaniwala sa ginawa ko."Let's go, baby ko." Hinila na naman ni Damien ang kamay ko kaya wala akong nagawa kung hindi ang sundin siya. Sa likuran naman namin ay nakasunod ang mga tauhan ni Damien.Mabilis ang mga hakbang namin na animo'y may hinahabol kami. Hindi ko rin alam kay Damien kung bakit ang bilis niyang maglakad. Siguro may importante siyang gagawin kaya sobrang napakabilis nitong maglakad.Ngayon naman ay ramdam ko ang mga mata ng kaniyang empleyado sa amin. Tinungo ko na lang ang ulo at ayaw kong salubungin ang iba't-i
(Sabrina's POV)Nanatali pa ding seryoso ang mukha ni Damien at hanggang ngayon ay hindi niya pa din sinasagot ang katanungan ko kung bakit may bomba sa loob ng kompanya. At sa pagkakaalam ko, sobrang higpit ng kaniyang security pero bakit may nakalusot pa din."I have no idea yet, Sabrina. Pero malalaman ko din kung sino ang may gawa noon." Kung titigan ko sa Damien ay normal ang kaniyang reaksiyon pero ang biglang paglabas ng kaniyang ugat sa mukha at ang higpit nang kaniyang paghawak sa manibela ng sasakyan ay alam kong nagtitimpi lamang ito."Kung sino man siya Damien, ay dapat siyang hulihin dahil nilagay niya tayong lahat sa peligro." Sabi ko kaya napalingon si Damien sa akin banda at puno nang pag-aalala ang kaniyang buong mukha."I can't wait to know who's behind this because if I knew that Williams were behind of this, I swear to do everyth
(Sabrina's POV)Ilang araw na ang lumipas nang mangyari ang pagsabog na 'yon. Tapos nang maayos ni Damien ang kompanya. Hanggang ngayon ay hindi pa din mawala sa isipan ko ang mga tagpong iyon. Madaming katanungan sa isipan ko kung sino ba talaga ang na sa likod nang pagsabog. Alam ko na walang kinalaman ang mga Williams 'dito pero hindi ko din naman maiwasang maisip ang sinabi ni Damien sa akin.Hindi dapat ako basta maniwala dahil maaring binibilog lang nila ang ulo ko kaya tatandaan ko ang sinabi niya.Nagpaalam ako kay Damien na may pupuntahan muna ako at mabuti na lang ay pumayag ito. Hindi naman ako magtatagal at mabilis lang naman ako. Pinasama niya ang dalawang maingay na sina Neil at Sean sa akin.Gusto ko sanang ayawan si Damien pero alam ko naman na hindi niya ako papayagan umalis kaya hinayaan ko na lang at tiniis ang maingay na dalawang
(Sabrina's POV)Ilang minuto lang ay nakarating na kaming tatlo sa mansion ni Damien. Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili dahil ayokong mahalata ni Damien na may problema ako. Kung ano man ang nangyari kanina ay mananatili lang sa akin at sana hindi magsumbong ang dalawa.Agad akong lumabas sa kotse at naglakad papasok sa loob ng bahay. Medyo kinakabahan din ako na baka makahalata si Damien at magtanong sa akin.Pagpasok ko sa bahay ay nadatnan ko siya agad na ngayon ay nakakunot ang kaniyang noo habang nakaupo sa couch at hinihintay ang pagdating ko. Napilitan akong ngumiti saka lumapit sa kaniya. Agad naman siyang tumayo at hinalikan ako sa noo."How's your walk?" Tanong nito sa akin at tanging malalim na hininga ang sinagot ko sa kaniya."Nakakapagod pa lang maglakad at hindi ko man lang nakita ang hinahanap ko Damien." Sabi ko sa
(Sabrina's POV)Pakiramdam ko na-semento ang paa ko at hindi ko ito maigalaw. Kay bilis ni Damien kumilos. Bigla niyang sinakal si Scarlet sa harapan naming lahat. Hindi ko aakalain na gagawin niya iyon. Ang mga kasamahan ni Scarlet ay nakatutok na ang baril kay Damien at ang mga tauhan naman ni Damien ay nakatutok ang baril sa kabilang panig."Kailan ka ba magigising na hindi na kita mahal. You're forcing yourself towards me! Isn't it clear to you that Sabrina is the girl I love. Gusto mo talaga na patayin kita." Galit na sabi ni Damien. Nanatili lang akong nakatayo at hindi malaman kung anong gagawin ko.Kita ko sa mukha ni Scarlet na nahihirapan na siyang huminga dahil sa mahigpit na pagkakasakal ni Damien sa kaniya."Galawin niyo na ako pero huwag si Sabrina. Dahil kapag sinubukan niyo siyang galawin ay baka makakapatay ako." Napalunok naman ako sa sin
(Sabrina's POV)Hindi ko alam kung lilingon ba ako o tatakbo. Parang nagkakarerahan ang kabog ng puso ko dahil sa mga pamilyar na boses na aking narinig. Hindi ako maaaring magkamali kasi kilalang-kilala ko ang mga iyon."Mr. Cullen, maraming salamat po sa pag-imbita sa amin." Sabi ni Glaiza kay Damien pero ako ay nakatalikod pa din dahil nahihiya akong tignan sila. Naabutan nila ako na kasalukuyang hinihimas ang six-pack abs ni Damien.Parang gusto ko na lang biglang maglaho sa kanilang paningin dahil sa hiya."Mukhang hindi ata makatingin sa amin ang girlfriend niyo Mr. Cullen. Aalis na lang siguro kami." Naalarma naman ako dahil sa sinabi ni Allysa kaya napaharap ako sa kanila na ngayon ay nakangisi na sa akin.Sigurado akong pinagtatawanan na nila ako sa kanilang isip dahil sa naabutan nilang eksena."Ano ba kayo. Mabuti na la
(Sabrina's POV)Magkahawak na kami ng kamay ni Damien nang balikan namin silang lahat sa pool. Ang mga kaibigan ko ay na sa pool pa din habang sina Neil naman ay na sa tabi lang."Your eyes gentleman." Natawa ako nang mahina dahil sa sinabi ni Damien sa mga ito."Sensitive masiyado, bossing. Huwag kang mag-alala hindi naman namin aagawin ang baby mo. Takot lang namin sa 'yo. Mahal pa kaya namin ang buhay namin." Mahabang litanya ni Hayden kaya natawa naman ako. Ngayon ay nakangiti na si Damien at nakakahawa talaga ang mood niya."Mabuti naman at alam niyo. Ayoko lang na titigan niyo ang katawan ng baby ko, kung ayaw niyong tanggalin ko 'yang mga mata niyo." Sabi ni Damien. Imbis na mainis ang tatlo niyang kaibagan ay natawa na lang ang mga ito.Akmang magsasalita pa sana si Damien nang bigla ko silang hilahin patalon sa pool. Nagulat nam
(Sabrina's POV)Mahigit dalawang buwan na ang lumipas nang ikasal kaming dalawa ni Damien at ngayon ay namumuhay kaming dalawa na masaya at kasama ang anak namin na si Elijah. Higit sa lahat ay may panibago na namang miyembro ng pamilya dahil nalaman ko ngayon lang na buntis ako.Damien was on the company dahil may meeting siya sa mga oras na ito pero mukhang hindi na ata ako makatiis at gustong-gusto ko nang ibalita sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko.Alam ko na sobrang matutuwa iyon kapag nalaman ang tungkol sa dinadala ko. Agad naman akong nagbihis at nagmamadali na lumabas sa kuwarto namin. Sa baba ay nadatnan ko ang mga kaibigan na nakikipaglaro kay Elijah."May lakad ka, Sab?" Nagtatakang tanong ni Glaiza kaya napangiti ako saka lumapit sa kanila at hinalikan ng mabilis si Elijah."Mamaya sasabihan ko kayo. Kailangan ko lang puntahan si Damien sa kompanya." Sabi ko na nakan
(Sabrina's POV)Nakalabas na kaming lahat sa loob ng bahay na iyon dala-dala ang bangkay na katawan nina Cole at Scarlet. Tuluyan na ngang binawian ng buhay si Cole dahil sa 'kin. Iniligtas niya ako sa tiyak na kamatayan at nagpapasalamat ako sa kaniya ng sobra sa lahat ng mga ginawa niya para sa 'kin.Madaming nawala, madami ang nagbuwis ng buhay dahil sa gulong ito. Pero nagpapasalamat ako sa diyos dahil buhay ako at si Damien. Nawala man ang mga mahal ko sa buhay pero alam ko na masaya na sila kung na saan man sila ngayon.Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatayo sa puntod ni Dad, ni Mom, ni Scarlet at maging sa puntod din ni Cole. Nagdesisyon ako na itabi na lang silang lahat. Nalaman ko na din kasi kung saan inilibing si Mommy at nagdesisyon na itabi sila ni dad."Baby, are you okay?" Napangiti naman ako nang may biglang yumakap sa 'kin sa likod ko."I'
(Sabrina's POV)Nagulat naman ako nang makarinig ako ng mga putukan sa labas kaya naman ay napahigpit ang paghawak ko sa baril. Ang lakas din nang kabog ng puso ko sa isiping baka nandito na sila Damien.Nagtago naman ako sa likod ng pinto dahil alam ko na papasok ang isa sa mga kalaban para kunin ako at ang hindi nila alam ay nakatakas na ako at hindi na ako papayag pa na makuha nila ako ulit.Lumakas na naman ang kabog ng puso ko nang may marinig akong kalabog ng paa papunta sa kinaroroonan ko kaya inihanda ko na ang sarili hanggang sa pumasok na nga si tita Phoebe at hinanap ako."Huwag kang gagalaw." Sabi ko at naglakad na papalapit sa kaniya. Dahan-dahan naman na napapaharap sa 'kin si tita Phoebe na ngayon ay gulat ang kaniyang reaksiyon ng makita ako."Nakatakas ka talaga, huh." Sabi niya kaya naman ay napangisi ako at tinutok sa kaniya ang baril ko."Hindi mo aakal
(Sabrina's POV)Napatingin naman ako sa mga lalaking nagbabantay sa akin at saktong-sakto naman na hindi sila nakatingin sa akin. Dahan-dahan ang ginawa kong paglapit sa kanila at inatake ang mga ito patalikod. Mabuti na lang at tinuruan ako ni Damien noon. Hindi ako puwedeng gumamit ng baril dahil baka maalarma ang mga kalaban.Tatlo lang naman ang nagbabantay na kapuwa ay na sa ibang direksiyon ang kanilang mga atensiyon. Hindi nila ako napansin."Hintayin mo ako, Phoebe tatapusin ko kayo ngayon." Nakangising sabi ko at kinuha ang mga baril ng lalaking napatay ko. Nilapitan ko naman ang katawan ni Scarlet at tinanggal ang pagkakadena. Hindi ko na naman maiwasang mapaiyak dahil sa nangyari sa kaniya. Niyakap ko na lang si Scarlet at pinangako sa kaniya na matapos ang laban na ito ngayon ay bibigyan ko siya ng maayos na libing sa tabi ni dad.Magbabayad silang lahat sa ginawa nila sa pamily
(Sabrina's POV)Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Hindi na ako makapag-isip ng maayos kung paano ako makakatakas dito. Kailangan kong iligtas silang lahat dahil nanganganib ang kanilang mga buhay.Hindi ako papayag na may isa pa na mawawala na naman sa mga mahal ko. Hindi ako papayag na sasaktan nila ni isa man sa mga taong naiwan sa 'kin.Umalis pansamantala sina Marra at Phoebe. Naiwan ako dito sa loob na ngayon ay binabantayan nang maigi ng kanilang mga tauhan.Napalingon naman ako sa gawi ni Scarlet at hindi maiwasang mapaluha. Nasasaktan ako sa kalagayan ng kapatid ko. Alam ko na wala na siya at hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na makapagpaalam kami sa isa't-isa."I'm really sorry, Scarlet. Wala man lang akong nagawa para iligtas ka sa kanila. Hindi man lang kita naipaglaban. Pero isa lang ang pinapangako ko, bibigyan ko kayo ng hustisya ni dad. Hindi ako papayag n
(Sabrina's POV)Bigla akong nagising dahil sa may biglang nagbuhos sa akin ng isang malamig na tubig kaya naman ay napaubo-ubo pa ako. Pagdilat ng mata ko ay na sa ibang lugar na ako particularly, na sa isang malawak na kuwarto. Ginalaw ko ang kamay ko ngunit hindi ko magalaw dahil nakagapos na ang mga kamay ko, mas lalo na din ang mga paa ko."Saan niyo dinala si Scarlet!?" Malakas na sigaw ko sa mga lalaking ngayon ay na sa harapan ko. Sila ang nagbuhos sa akin ng malamig na tubig. Pero ang siste, ay napangisi lamang ang mga ito habang nakatingin sa akin."Na sa tabi mo lang siya." Sabi ng isa sa kanila kaya naman ay kaagad akong napalingon sa tabi ko at nakita si Scarlet na ngayon ay nakagapos ang mga kamay ng kadena at pati na din ang kaniyang mga paa.Wala na siyang malay at parang pakiramdam ko ay binibiyak ang puso ko makita ang ayos niya. Sobrang nakakaawang tignan si Scarlet.
(Sabrina's POV)Dahan-dahan lang akong umalis ng bahay na hindi napapansin ng mga kasama ko. Hindi nila dapat na malaman na umalis ako. Walang sino man ang dapat makakaalam sa sinabi ng caller kanina dahil kapag isang maling galaw ko lang ay mamamatay ang mga mahal ko sa buhay na ayaw kong mangyari.Hindi ko lubos maisip na darating ang araw na ito at malalagay kaming lahat sa peligro. Kailangan kong iligtas si Scarlet dahil ayokong mawala siya. Wala na nga ang mga magulang ko at hindi ko hahayaan na pati din siya.Kaagad naman akong sumakay ng taxi at pumunta sa lugar kung saan dapat kami magkita ng taong tumawag sa akin kanina lang. Kanina pa ako kinakabahan dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa mga oras na ito pero para sa mga taong mahal ko at para kay Scarlet nakahanda akong gawin lahat maligtas lang sila.Nakarating naman kaagad ako sa lugar at nagpalinga-linga pa ako da
(Sabrina's POV)Ilang minuto lang ang biyahe namin pauwing mansion at nakarating naman kami kaagad. Na sa pinto pa lang kami ng bahay ay napansin ko na si Damien na ngayon ay nakasandal sa pinto habang ang dalawa niyang kamay ay nakalagay sa bulsa niya.Napalunok naman ako dahil sa masamang tingin niya at alam ko na wala sa mood ito."Where did you go, Sabrina?" Tanong niya sa akin habang nag-aabot naman ang kaniyang dalawang kilay."Mr. Cullen, pasensiya na po kung umalis kami ni Sabrina, nagpasama kasi ako sa mall at may binili lang ako." Si Allysa na ang nagsalita at nakatitig lamang ako kay Damien. Napakunot naman ang kaniyang noo kaya napahinga ako ng malalim. Biglang nagbago ang expression niya at akala ko talaga ay magagalit siya sa akin."Okay, it's okay I understood. Mabuti naman at sinama niyo si Scott." Sabi niya kaya naman ay napangiti ako. Tama lang talaga na dinala ko si
(Sabrina's POV)Kanina pa ako pabalik-balik dito sa loob ng bahay pero wala pa si Damien. Hindi pa siya nakakauwi at kanina pang umaga wala. Anong oras na ngayon. Napalingon na lang ako sa pinto ng kuwarto ko ng magbukas ito at iniluwa si Allysa."Sab, puwede mo ba akong samahan ngayon?" Tanong niya kaya naman ay napataas ang kilay ko."Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya kaya naman ay napapakamot siya sa batok niya at tila ba ay hindi niya kayang sabihin sa akin kung saan man ang kaniyang lakad."Magpapasama lang sana ako sa mall dahil may bibilhin ako. Huwag kang mag-alala dahil sina Glaiza at Jessel naman ang magbabantay muna sa anak mo." Sabi niya kaya naman ay nagbuntong hininga ako.Total wala pa naman si Damien kaya sasama na lang muna ako sa kaniya. Babalik naman siguro kami kaagad at isa pa, parang may gusto din akong bilhin para kay Damien at baby Elijah."Sig