(Sabrina's POV)Na sa resort ako kasama ng aking tatlong mga kaibigan na babae. Kasalukuyan kaming kumakain sa isang restaurant habang naglalaro kami ng truth or dare. "Your turn," ani Allysa sa nakakalokong ngiti kaya hindi maiwasang umikot ang dalawang mata ko. Sinimulan ko nang bumunot ng papel at gulat na gulat nang mabasa ko ito."Punch someone," ani ko sa mahinang boses. Ilan lang naman 'yan sa mga nabasa ko na ikinalaki ng aking dalawang mata."Nakikita mo ba 'yung paparating?" Napatingin naman ako sa tinuro no'ng tatlo. May bagong pasok lang kasi na mga lalaki. Hindi nakaligtas sa mata ko ang lalaking na sa gitna.Napakaguwapo niya, matangkad, seryoso at higit sa lahat sobrang hot nito sa suot niyang tuxedo. May kasama siya na mataman silang nag-uusap. "Seriously!" Hindi makapaniwalang turan ko sa tatlong bruha na ngayon a
Last Updated : 2021-05-13 Read more