Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 71 - Chapter 80

5562 Chapters

Kabanata 71

Ang buong Aurous Hill ay pinapanood ang napaka rangyang kasal sa malabo at malamig na kristal na salamin.Habang sila ay labis na naiinggit sa magnobyo at sa kanilang pagdiriwang, hindi nila maiwasang isipin kung sino ang magkasintahan na nagpapakasal sa Sky Garden.Bukod dito, sila ay sobrang misteryoso, dalawa lamang sila sa kanilang kasal. Wala kahit isang pamilya o kaibigan ang nandoon, wala man lang kahit saksi!Sa kristal na entablado, hinawakan ni Charlie ang kamay ni Claire at kinuha ang kuwintas na hade na matagal na niyang hinanda.“Claire, ito ang aking regalo para sa ating anibersaryo ng kasal. Sana ay magustuhan mo ito!”Tinitigan ni Claire ang malinaw na jade na kuwintas at sinabi, “Ito… hindi ba’t ito ang mahalagang pag-aari ng Emerald Court? Charlie, paano at saan mo nakuha ito?”Nagulat si Claire nang sinabi niya ito.Si Charlie ba ang misteryosong bilyonaryo sa video?Paano pa niya makukuha ang kuwintas na jade na ito?Pero...Pero wala itong katuturan!Mal
last updateLast Updated : 2021-05-18
Read more

Kabanata 72

Sa isang gabi, ang engrandeng kasal sa Sky Garden ang naging pinakamainit na na usapin sa siyudad.Gayunpaman, ang magkasintahan sa kasal ay nanatiling hindi kilala.Minaneho ni Charlie ang binagong BMW 520 at umuwi kasama si Claire.Si Claire ay nanatiling sobrang masaya, tila ba siya ay nakahiga sa gitna ng cloud nine. Hindi niya maiwasang itanong, “Paano mo nareserba ang buong Sky Garden? Hindi pa nila ito pinayagan kahit kailan.”Ngumiti nang tuso si Charlie at sinabi, “Sa totoo lang, ang senior executive ng Shangri-La ay mabuting kaibigan ko sa bahay ampunan. Pinagdaanan namin ang mahirap at malupit na panahon nang magkasama at lagi kong binibigay ang kalahati ng siopao ko sa kanya, kaya nang humingi ako ng pabor sa kanya, pumayag siya.”Bahagyang tumango si Claire. “Ah, naintindihan ko. Bakit hindi ko pa ito narinig dati?”“Marami kong kaibigan sa bahay ampunan, marahil ay kailangan ko ng tatlong araw upang mabanggit ko ang tungkol sa kanila. Hindi ko pa ito binabanggit dah
last updateLast Updated : 2021-05-18
Read more

Kabanata 73

Malaki at maliwanag na ngiti ang makikita sa mga mukha ng mga biyenan ni Charlie nang sinabi niya na bibili siya ng mas magandang kotse para sa kanila bukas.Ang hindi alam ni Jacob ay nawalan siya ng isang top-spec na 760.Kaunting nag-alala si Claire. Pagkatapos nilang bumalik sa kanilang kwarto at naligo, tahimik niyang tinanong, “May pera ka pa ba talaga para makabili ng bagong kotse? Mayroon akong sikretong ipon dito, kunin mo ito bukas!”Mabilis na iwinasiwas ni Charlie ang kanyang mga kamay. “Hindi, hindi ko kailangan ng pera mo. Mayroon pa akong natitira, sapat na ito.”Sinabi nang mahina at humihingi ng paumanhin ni Claire, “Pasensya na, hindi ko alam na magiging ganito ang papa at mama ko…”“Anong sinasabi mo? Ang mga magulang mo ay mga magulang ko rin. Pamilya tayo, nasisiyahan ako na kaya kong bigyan sila ng regalo paminsan minsan.”Humiga si Charlie sa maliit niyang kama sa lapag at sinabi nang may marahan na ngiti, “Huwag kang mag-alala, pupunta ako at bibili ako ng
last updateLast Updated : 2021-05-18
Read more

Kabanata 74

Nakita ng mga tao sa Audi showroom si Charlie sa sandaling palapit na siya nang palapit. Isa sa mga salesperson ang sinabi. “P*ta, ang e-bike na lalaki na bumili ng BMW 760!”“P*cha, papahintuin ko siya at hihikayatin na bumili ng top-spec na Audi A8 kahit na dilaan ko pa ang sapatos niya!”“Oo!”Biglaan, isang malaking bilang ng mga salesmen as Audi ang lumabas at pinalibutan siya.“Sir! Mangyaring pumasok ka at tingnan ang pinakabagong top-spec Audi A8 sa aming showroom!”“Sir! Ang aming A8 ay sobrang lakas. Mayroon itong W12 na makina, mas maganda pa sa V12 ng BMW 760!”Umarko ang mga kilay ni Charlie nang mausisa. “Talaga? Gano’n ito kalakas?”“Oo!” Isang salesman ng Audi ang mabilis na umabante at nagsimula, “Boss, hayaan mong ipaliwanag ko ito sa’yo. Ang aming W12 na makina ay mahahati sa dalawang parte at ang isang parte ay pwedeng isara kung kailan mo gusto. Ito ay mas tipid sa gasolina kapag sinara ang kalahati ng labindalawang cylinder!”Sinabi nang may panghahamak ni
last updateLast Updated : 2021-05-18
Read more

Kabanata 75

Ang lalaki ay ngumisi. Kinurot niya si Lily sa mukha at sinabi, “Ikaw na ang babae ko ngayon, bakit gusto mo pa rin makasama siya? Hindi ko hahayaan na hawakan ng ibang lalaki ang babae ko!”Mabilis na inudyok ni Lily sa tusong boses, “Huwag kang mag-alala, Jerome, hindi ko siya hinayaan na hawakan ako simula pa noong nagsama kami. Sobrang dumi niya! Ang katawan ko ay laging sayo at sa’yo lang, eksklusibo lang ito para sa’yo!”Pagkatapos, nagpatuloy siya, “Sa totoo lang, gusto kong makipaghiwalay sa kanya sa sandaling nagsimula ang restaurant, pero hindi ko alam na ang talunan ay may kaibigang medyo mapamaraan at tinulungan akong paalisin ang lalaking may peklat sa mukha sa redevelopment zone. Hintayin mo lang na umayos ang negosyo—iiwan ko siya at papaalisin sa restaurant!”Tumawa nang mayabang si Jerome Hunt at sinabi, “Lalaking may peklat lang sa mukha iyon! Kung sinabi mo ito sa akin nang mas maaga, ang kailangan ko lang ay isang tawag at ang boss niya ay pupunta na at luluhod a
last updateLast Updated : 2021-05-26
Read more

Kabanata 76

Sinabi ni Douglas habang tumawa nang marahan, “Pumunta siya sa hair salon. Bakit?”Ngumisi si Charlie. “Hair salon? Iyon ba ang sinabi niya sa’yo?”“Oo!”“At naniwala ka sa kanya?”Tinanong ni Douglas sa nagtatakang tono, “Charlie, anong gusto mong sabihin? Sabihin mo na, huwag ka na mag paligoy-ligoy.”Umugong si Charlie at nagsimula, “Sige. Nakita ko si Lily sa BMW showroom na may kasamang lalaki na tinatawag na Jerome Hunt. Nagyayakapan sila, at tinawag pa niya ang lalaki na ‘mahal’. Sa tingin ko ay niloloko ka niya.”“Imposible!” Sinabi nang malakas ni Douglas. “Hindi gano’n si Lily! Mali ba ang nakita mong tao?”Sinabi nang matingdi ni Charlie, “Hindi. Siya nga.”“Hindi! Hindi ako naniniwala!” Sinabi nang malamig ni Douglas, “Charlie, malapit tayong magkaibigan pero hindi mo dapat sinisiraan ang nobya ko dahil malapit kami!”“Douglas, gumising ka nga! Niloloko ka ng nobya mo kasama ang ibang lalaki at ang basurang Jerome na ‘yon ay pinangakuan siyang bilha ng BMW X6. Pumu
last updateLast Updated : 2021-05-26
Read more

Kabanata 77

Pagkatapos magtanghalian, si Jacob, ang biyenan na lalaki ni Charlie, ay nakabihis na nang maayos at sinabihan si Charlie, “Hey, bilisan mo na at maghanda ka na, gagamitin natin ang bago nating kotse at pupunta sa Antique Street. Isang shop doon ang nakakuha mula sa ibang bansa ng isang kiln vase mula sa Tang Dynasty at gusto ko itong makita.”Sinabi ni Charlie, “Pa, magsisimula ka nanaman sa antigong bagay ulit? Wala tayong masyadong pera at marangyang libanagan iyan ngayon.”Walang kasanayan si Jacob sa pagpapalago ng pera pero nangangarap siya sa mga plano niyang yumaman nang mabilis. Mahilig siyang pumunta sa Antique Street para sa pag-asa na makakuha ng isang bihirang piraso ng antigo sa mababang presyo, ngunit sa mga nakaraang taon, ang mga karanasan na nakuha niya lamang ay panloloko.Kailangan niyang huminto nang ilang panahon ngunit ngayon, hindi lamang siya bumalik sa kanyang hilig ngunit nangati na rin ang mga kamay niya.Nainis si Jacob sa sinabi ni Charlie na may mabut
last updateLast Updated : 2021-05-27
Read more

Kabanata 78

Galit na pinadyak ni Raymond ang kanyang paa. “Biyenan mo siya, hindi ba?”Tumango si Charlie. “Oo, biyenan ko siya, pero siya ang nakasira, hindi ako. Hanapin mo kung sino ang responsable sa pagkabasag ng pasilyo. ‘Hanapin mo ang totoong salarin, huwag mong idamay ang kanilang pamilya’—narinig mo na ba ang kasabihan na ito?”Ang dugo ni Raymond ay kumukulo, pero pinag-isipan niya ang sinabi ni Charlie at napagtanto na tama siya.Kung lalabas ang balita na humihingi siya ng bayad mula sa inosenteng tao, madudumihan ang reputasyon ng Vintage Deluxe.Kaya, inutusan niya ang mga lalaki na nasa tabi niya, “Ikaw, ibalik mo ang matandang lalaki dito!”Kumulot ang mga labi ni Charlie sa isang tahimik na ngisi habang pinapanood ang mga lalaki na hinahabol ang matandang lalaki.Sa totoo lang, kaya niyang gamitin ang kanyang card at tapusin na ‘to, pero masyado itong madali para sa kanyang walang hiyang biyenan na lalaki, hindi ba?Mas mabuti pa na magdusa ang matandang lalaki at matuto s
last updateLast Updated : 2021-05-27
Read more

Kabanata 79

Sabik at sobrang saya, mabilis na nilagay ni Charlie ang Apocalyptic Book sa kanyang bulsa, ngunit ang libro ay agad na naging pulbos at naglaho sa hangin.Himala, ang bawat salita sa libro ay malinaw na tumatak sa utak ni Charlie.Sa sandaling ito, si Jacob, na tumakbo na parang isang duwag, ay marahas na hinuli ng ilang malalaki at malalakas na lalaki at hinagis pabalik sa shop.Kung titingnan ang kanyang malaki at namamagang mga pisngi, napagtanto ni Charlie na siguradong nabugbog siya bago siya binuhat pabalik dito.Naramdaman ni Charlie na ang kaawa-awang hitsura ni Jacob ay sobrang nakakatawa at kawili-wili.Gaano kangahas ang matandang ito na gawin siyang hantungan ng sisi pagkatapos mapasok sa gulo! Ang kaunting bugbog ay kailangan bilang parusa sa kanya upang matutunan niya ang leksyon niya.Si Jacob ay nasa isang partikular na nakakatakot at nakayayanig na posisyon ngayon. Dahil sa kanyang desperado na pagtakas kanina, labis siyang humihingal na parang aso, sinusubukan
last updateLast Updated : 2021-05-28
Read more

Kabanata 80

Tumango si Charlie. “Paano kung naayos ko ito?”Suminghal si Raymond. “Kailangan kong tanungin ang mga tagatasa. Kung sasabihin nila na naayos mo ang karamihan sa pinsala, papakawalan ko kayong dalawa!”“Sige!” Tumango si Charlie. “Isa itong kasunduan!”Mabilis siyang tumalikod sa gagawin niya at tahimik na sinimulan ang kanyang trabaho. Kinuha niya ang eskoba at gumuhit ng balangkas ng pasilyo sa papel ng bigas ng tsino.Pagkatapos, kinatok niya nang magaan ang itlog upang gumawa ng isang maliit na bukasan, sinawsaw ang kanyang hintuturo upang kumuha ng puti ng itlog, pinunas ito sa isang piraso ng pasilyo, at idinikit ito sa modelo ng papel. Pagkatapos, inulit niya ang parehong proseso sa sumunod na piraso, at iba pa, hanggang ang modelo ng papel ay unti-unting nabalot ng mga piraso ng pasilyo...Ang lahat ay tahimik na nanonood habang pinipigilan ang kanilang paghinga sa takot na magambala nila ang kanyang proseso ng pag-aayos.Mabilis na lumipas ang kalahating oras.Nang tu
last updateLast Updated : 2021-05-28
Read more
PREV
1
...
678910
...
557
DMCA.com Protection Status