Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 51 - Chapter 60

5654 Chapters

Kabanata 51

Ang restaurant ni Douglas ay matatagpuan sa bagong redevelopment zone ng Aurous Hill. Medyo malayo ito sa siyudad at kakaunti lang ang mga tao. Kaunting nalito si Charlie kung bakit dito itinayo ni Douglas ang kanyang restaurant.Sinabi sa kanya ni Claire na ilang malalaking manufacturing company ang magtatayo ng kanilang kumpanya at mga pabrika sa redevelopment zone kasama na ang multinational na kumpanya tulad ng Foxconn, kaya ang lugar na iyon ay yayaman at uunlad nang mabilis.Sa ibang salita, matalino ang desisyon ni Douglas na magtayo ng restaurant dito.Ang restaurant ni Douglas, na pinangalanang The Charm, ay nasa sulok ng isang malawak na bagong kalye. Sa labas, mukhang malaki ito, may dalawang palapag. Ang pangalan ng restaurant ay nagmumungkahi ng masining na ideya.Nang dumating si Charlie sa pinto ng restaurant, mayroong nang hilera ng kotse na nakaparada malapit sa pasukan at may ilang mga taong nakatayo sa harap ng isang gintong BMW, naninigarilyo at nag-uusap.Naki
Read more

Kabanata 52

Marahang binati nina Claire at Loreen ang lahat. Nagngalit ang mga ngipin ni Clinton as sobrang pagkabalisa habang nakatingin siya kay Claire na mas lalong lumiliwanag at gumaganda.Noong sila ay nasa kolehiyo, desperado niyang sinubukan na kunin ang kanyang puso, pero hindi niya siya pinansin.Gayunpaman, pinakasalan niya ang isang walang kwentang talunan na umaasa lamang sa kanya.P*cha, bakit?!Siguradong bulag ang diyos!Lumiit ang kanyang mga mata sa pagkabalisa at kinutya. “Hey, Charlie, mukhang maganda ang buhay mo pagkatapos pakasalan si Claire! Nakakapagmaneho ka pa ng BMW ngayon! Binili ba ito ni Claire para sa’yo? Isa ka talagang huwaran ng isang laruan na lalaki!”Nainis si Claire sa sinabi niya habang mabilis na sinabi ni Loreen, “Clinton, mali ka, hindi si Claire ang bumili ng kotse ngunit si Charlie mismo ang bumili nito!”“Aba!” Kumibot ang mga labi ni Clinton. “Magaling, kaya mo nang makabili ng BMW 5 Series ngayon!”Pagkatapos, sinabi niya sa nakagagalit na to
Read more

Kabanata 53

Hindi mapigilan ni Clinton ang kanyang pagkasabik nang marinig ang kanilang pusta.Ang kanyang kotse ay ang modelo ng 540 habang kay Charlie ay 520. Ang talunan ay hindi posibleng manalo kahit subukan pa niya.Napahanga siya sa kapangahasan ni Charlie na pumusta nang malaki sa kanya!Ang kanyang kotse ay magiging basura kapag sinindihan ang tatlong metrong paputok sa loob ng kotse niya. Ang lahat—ang disenyo, upuan, at dashboard—ay agad na masisira.Hinuhukay ni Charlie ang sarili niyang libingan, kaya itutulak niya na lang siya!Tumango nang walang pag-aatubili si Clinton at sumigaw, “Guys, kayo ang magiging saksi namin’! Magkakarera kami kung sino ang mas mabilis. Kung sino ang matalo, lalagyan ng paputok ang loob ng kanyang kotse at sisindihan ito!”Pagkatapos, dinagdag niya, “Kung may mangangahas na lumabag sa pusta, mamamatay ang buong pamilya niya!”Ang mga lalaki na nakatayo sa gilid ng kalsada ay sumigaw nang malakas. Ang mga natirang kaklase sa loob ng restaurant ay lum
Read more

Kabanata 54

Ang 520 ni Charlie ay mayroon lamang 184-horsepower na makina habang ang kanyang 540 ay mayroong 340 horsepower. Ang kanyang kotse ay dapat mas mabilis at mas malakas kaysa kay Charlie! Paano niya siya madaling nalampasan?!Ang mga taong nanonood ng karera ay nagulantang din!Walang nakaisip na si Charlie, na inakala nilang talo na, ay madaling nalampasan si Clinton sa isang matulin na paggalaw na parang isang palaso na binitawan sa pana! Sa totoo lang, ang kotse ni Charlie ay mabilis na kumaripas at agad na iniwan si Clinton!Wala pa sa kalahati si Clinton sa karera at nakaikot na agad si Charlie sa intersection sa dulo ng kalsada!Nang dumating si Clinton sa intersection, nasa panimulang linya na ang kotse ni Charlie!Nanalo si Charlie!Isang malaking tagumpay pa!Pagkatapos umikot sa intersection, nakita ni Clinton na nasa finish line na si Charlie at muntik na siyang himatayin!Anong nangyayari!Ano ba ang nangyayari!Kailan pa nalampasan nang sobra ng BMW 520 ang 540?H
Read more

Kabanata 55

Sa sandaling ito, nawala sa pag-iisip si Clinton.Ayaw niyang mapahiya ng talunan na si Charlie sa harap ng kanyang mga kaibigan.Kaya, kinagat niya ng kanyang mga labi, kinuha ang mga paputok kay Douglas, at tinapon ito sa loob ng kanyang sasakyan.Pagkatapos, habang kumuha siya ng lighter at hinawakan ang dulo ng paputok, sumigaw siya, “Tingnan niyo, kayong lahat! Hindi ako talunan! Hindi ko kailangan ng awa ni Charlie!”Pagkatapos, sinindihan niya ang mga paputok gamit ang lighter!Sa isang iglap, ang lahat ng mga paputok ay nasindihan at pumutok sa loob ng kanyang kotse!Sa una, mga apoy ang nagliliyab sa loob ng kotse, pero hindi matagal, ang kotse ay napuno ng makapal na puting usok. Ang tunog ng tuloy-tuloy na pagputok ay pinadugo ang puso ni Clinton sa sakit, ngunit ang mga nanonood ay sobrang tuwang-tuwa at sabik.Maraming naglabas ng mga selpon upang i-record ang kakaibang eksena. Pinlano nila na i-post ito online upang ibahagi sa mga netizens.Ang 3-metrong paputok a
Read more

Kabanata 56

Maraming mga bisita ang nagbigay ng kanilang mga regalo kay Douglas. Hawak ang painting, naglakad si Charlie papunta kay Douglas at sinabi, “Binabati kita kaibigan. Ito ang maliit na regalo namin upang ipagdiwang ang seremonya ng pagbubukas mo.”Sinabi nang nakangiti ni Claire, “Douglas, binabati kita at sana maging matagumpay ang grand opening mo. Sana ay maging maunlad ang negosyo mo sa mga susunod na taon!”“Salamat, salamat!” Sinabi nang mabilis ni Douglas. Pagkatapos, sumandal siya sa tainga ni Charlie at binulong na may pilyong ngiti, “Hey, nakikita ko na malapit ang relasyon niyo, hindi tulad ng mga sabi-sabi! Kailan kayo magkakaanak?”Nahiyang namula si Claire nang marinig niya ang bulong. Sumagot si Charlie, “Tigilan mo na. Kung mabubuntis siya, ikaw ang unang makakaalam at aasahan ko ang regalo mo!”“Syempre!” Tumawa si Douglas at tumango. “Bibigyan ko ng malaking regalo ang bata!”Sa sandaling ito, isang pangkaraniwang babae na may makapal na makeup ang lumapit kay Doug
Read more

Kabanata 57

Sina Charlie, Claire, at Loreen ay magkasama sa iisang lamesa. Sumali sa kanila si Clinton at umupo sa tabi ni Loreen.Tinanong niya si Loreen na may malaking ngiti sa sandaling umupo siya, “Loreen, narinig ko na pumunta ka sa Aurous Hill upang magtrabaho sa Emgrand Group, totoo ba?”Tumango si Loreen. “Oo, kasisimula ko lang.”Mas lalong lumaki ang ngiti ni Clinton. “Ano ang pagkakataon! Ang ama ko ay deputy general manager sa isang departamento sa Emgrand! Hihilingin ko sa kanya na alagaan ka sa trabaho.”Maraming tao ang nabulalas sa sorpresa, “Aba, Clinton, deputy general manager ang ama mo sa Emgrand Group?”“Oo!” Tumango nang buong karangalan si Clinton. “Napromote siya noong nakaraang taon.”Mabilis na sinabi ng isa na may pambobolang tono, “Sigurado na ang taunang sweldo ng deputy general manager ay ilang milyong dolyar, tama? Ang galing! Hindi nakapagtataka na mayaman ang pamilya mo!”Tumawa si Clinton at sinabi, “Sahod lamang iyon. Medyo malawak ang awtoridad ng ama ko
Read more

Kabanata 58

Walang intensyon si Douglas na gawin ito, ngunit sobrang lakas ni Lily at wala siyang magawa kundi sundin ang gusto niyang gawin.Gayunpaman, hindi nasorpresa ang mga dumalo. Nang i-anunsyo niya kung gaano kamahal ang mga regalo, kaya nilang malaman kung gaano kaganda o kasama ang katayuan ng mga dati nilang kaklase pagkatapos nilang magtapos. Dahil ang pagkukumpara at selos ay likas sa tao.Pagkatapos, sinimulan ni Lily ang anunsyo.“Salamat, Jack Brown, para sa iyong isang libong dolyar!”“Salamat, Bella Walsh, para sa pares ng ginto!”“Salamat, Ola Rivers, para sa isang magandang pasilyo!”“Salamat, Clinton Tucker, para sa iyong sampung libong dolyar!”Ang unang mga regalo, kahit pera o mga gamit, ay halos isang libong dolyar. Biglaan, nang dumating kay Clinton, ang kanyang sampung libong dolyar na regalo ay nagpadala ng alingawngaw ng gulat sa restaurant.Sampung libong dolyar ay malaking halaga para sa seremonya ng pagbubukas!Maraming tao ang namanghang tumingin kay Cl
Read more

Kabanata 59

Nang marinig ng lahat na ang ama ni Lily ay isang estimador ng mga kultural na relikya, agad silang tumingin nang mapanghamak at nakiramay kay Charlie.Silang lahat ay may parehong iniisip—sobrang malas ni Charlie!Ang pagpapasikat niya ay nagambala ng presensya ng isang eksperto! Ito ay parang sampal sa kanyang sariling mukha!Sobrang mapapahiya siya kung si Lawson Lewis, ang ama ni Lily, ay bumaba! Nahihiyang namula si Claire. Sumandal siya kay Charlie at binulong, “Maraming tao ang pinapanood ka. Hindi dapat maging matigas ang ulo mo, kung hindi sobrang nakakahiya!”Sa daan papunta rito, sinabi nga ni Charlie ang tungkol sa painting na binili niya ngunit sinabi niya na hindi malaki ang ginastos niya. Gayunpaman, ngayon, nagbago ang kilos niya at sinabi na sobrang mahal nito. Si Claire ay kaunting nagduda at nag-alinlangan nang dahil sa pagbabago ng reaksyon niya, iniisip na baka nagsinungaling si Charlie para sa kanyang reputasyon.Sa kabilang dako, walang reaksyon si Charli
Read more

Kabanata 60

”Opo,” sumagot si Lily. “Magkaibigan sila simula noong kolehiyo!”Habang sinasabi niya ito, iniisip niya sa kanyang utal, ‘Charlie, kayong dalawa ni Douglas ay mabuting magkaibigan ngunit nangahas ka na bigyan siya ng isang walang halagang basura, hayaan mong ilantad ka ng ama ko at ipahiya ka sa harap ng lahat!’Gayunpaman, taliwas sa inaasahan ng lahat, sinabi ni Lawson na may nalulugod na buntong hininga, “Talaga, mukhang isa siyang mabuting kaibigan! Bakit siya magbibigay ng isang sobrang mahalagang na regalo kung hindi?”Ang lahat ay nagulantang sa sinabi niya!Ano ang ibig sabihin niya sa ‘mahalaga’? Sinasabi niya ba na ang madilaw-dilaw na painting ay mahal? Nababagot, minura ni Clinton sa loob ng kanyang ulo, ‘T*ng ina! Pwede akong pumunta sa Antique Street, bumili ng pekeng painting, ihian ito para maging mukhang luma at madilaw-dilaw, at mas magiging mukhang tunay pa ito kaysa sa basurang iyan!’Nilinis ni Lawson ang kanyang lalamunan at sinabi sa tapat na tono, “Ito a
Read more
PREV
1
...
45678
...
566
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status