Maraming mga bisita ang nagbigay ng kanilang mga regalo kay Douglas. Hawak ang painting, naglakad si Charlie papunta kay Douglas at sinabi, “Binabati kita kaibigan. Ito ang maliit na regalo namin upang ipagdiwang ang seremonya ng pagbubukas mo.”Sinabi nang nakangiti ni Claire, “Douglas, binabati kita at sana maging matagumpay ang grand opening mo. Sana ay maging maunlad ang negosyo mo sa mga susunod na taon!”“Salamat, salamat!” Sinabi nang mabilis ni Douglas. Pagkatapos, sumandal siya sa tainga ni Charlie at binulong na may pilyong ngiti, “Hey, nakikita ko na malapit ang relasyon niyo, hindi tulad ng mga sabi-sabi! Kailan kayo magkakaanak?”Nahiyang namula si Claire nang marinig niya ang bulong. Sumagot si Charlie, “Tigilan mo na. Kung mabubuntis siya, ikaw ang unang makakaalam at aasahan ko ang regalo mo!”“Syempre!” Tumawa si Douglas at tumango. “Bibigyan ko ng malaking regalo ang bata!”Sa sandaling ito, isang pangkaraniwang babae na may makapal na makeup ang lumapit kay Doug
Sina Charlie, Claire, at Loreen ay magkasama sa iisang lamesa. Sumali sa kanila si Clinton at umupo sa tabi ni Loreen.Tinanong niya si Loreen na may malaking ngiti sa sandaling umupo siya, “Loreen, narinig ko na pumunta ka sa Aurous Hill upang magtrabaho sa Emgrand Group, totoo ba?”Tumango si Loreen. “Oo, kasisimula ko lang.”Mas lalong lumaki ang ngiti ni Clinton. “Ano ang pagkakataon! Ang ama ko ay deputy general manager sa isang departamento sa Emgrand! Hihilingin ko sa kanya na alagaan ka sa trabaho.”Maraming tao ang nabulalas sa sorpresa, “Aba, Clinton, deputy general manager ang ama mo sa Emgrand Group?”“Oo!” Tumango nang buong karangalan si Clinton. “Napromote siya noong nakaraang taon.”Mabilis na sinabi ng isa na may pambobolang tono, “Sigurado na ang taunang sweldo ng deputy general manager ay ilang milyong dolyar, tama? Ang galing! Hindi nakapagtataka na mayaman ang pamilya mo!”Tumawa si Clinton at sinabi, “Sahod lamang iyon. Medyo malawak ang awtoridad ng ama ko
Walang intensyon si Douglas na gawin ito, ngunit sobrang lakas ni Lily at wala siyang magawa kundi sundin ang gusto niyang gawin.Gayunpaman, hindi nasorpresa ang mga dumalo. Nang i-anunsyo niya kung gaano kamahal ang mga regalo, kaya nilang malaman kung gaano kaganda o kasama ang katayuan ng mga dati nilang kaklase pagkatapos nilang magtapos. Dahil ang pagkukumpara at selos ay likas sa tao.Pagkatapos, sinimulan ni Lily ang anunsyo.“Salamat, Jack Brown, para sa iyong isang libong dolyar!”“Salamat, Bella Walsh, para sa pares ng ginto!”“Salamat, Ola Rivers, para sa isang magandang pasilyo!”“Salamat, Clinton Tucker, para sa iyong sampung libong dolyar!”Ang unang mga regalo, kahit pera o mga gamit, ay halos isang libong dolyar. Biglaan, nang dumating kay Clinton, ang kanyang sampung libong dolyar na regalo ay nagpadala ng alingawngaw ng gulat sa restaurant.Sampung libong dolyar ay malaking halaga para sa seremonya ng pagbubukas!Maraming tao ang namanghang tumingin kay Cl
Nang marinig ng lahat na ang ama ni Lily ay isang estimador ng mga kultural na relikya, agad silang tumingin nang mapanghamak at nakiramay kay Charlie.Silang lahat ay may parehong iniisip—sobrang malas ni Charlie!Ang pagpapasikat niya ay nagambala ng presensya ng isang eksperto! Ito ay parang sampal sa kanyang sariling mukha!Sobrang mapapahiya siya kung si Lawson Lewis, ang ama ni Lily, ay bumaba! Nahihiyang namula si Claire. Sumandal siya kay Charlie at binulong, “Maraming tao ang pinapanood ka. Hindi dapat maging matigas ang ulo mo, kung hindi sobrang nakakahiya!”Sa daan papunta rito, sinabi nga ni Charlie ang tungkol sa painting na binili niya ngunit sinabi niya na hindi malaki ang ginastos niya. Gayunpaman, ngayon, nagbago ang kilos niya at sinabi na sobrang mahal nito. Si Claire ay kaunting nagduda at nag-alinlangan nang dahil sa pagbabago ng reaksyon niya, iniisip na baka nagsinungaling si Charlie para sa kanyang reputasyon.Sa kabilang dako, walang reaksyon si Charli
”Opo,” sumagot si Lily. “Magkaibigan sila simula noong kolehiyo!”Habang sinasabi niya ito, iniisip niya sa kanyang utal, ‘Charlie, kayong dalawa ni Douglas ay mabuting magkaibigan ngunit nangahas ka na bigyan siya ng isang walang halagang basura, hayaan mong ilantad ka ng ama ko at ipahiya ka sa harap ng lahat!’Gayunpaman, taliwas sa inaasahan ng lahat, sinabi ni Lawson na may nalulugod na buntong hininga, “Talaga, mukhang isa siyang mabuting kaibigan! Bakit siya magbibigay ng isang sobrang mahalagang na regalo kung hindi?”Ang lahat ay nagulantang sa sinabi niya!Ano ang ibig sabihin niya sa ‘mahalaga’? Sinasabi niya ba na ang madilaw-dilaw na painting ay mahal? Nababagot, minura ni Clinton sa loob ng kanyang ulo, ‘T*ng ina! Pwede akong pumunta sa Antique Street, bumili ng pekeng painting, ihian ito para maging mukhang luma at madilaw-dilaw, at mas magiging mukhang tunay pa ito kaysa sa basurang iyan!’Nilinis ni Lawson ang kanyang lalamunan at sinabi sa tapat na tono, “Ito a
Sa sandaling ito, gusto nang mamatay ni Clinton!P*cha!Anong nangyayari!Hindi siya makakawala, tama?Paano siya pinahiya nang ilang beses ng talunan na si Charlie?Kailanman ay hindi niya inakala na ang painting ay tunay at may halagang dalawang daang libong dolyar!Nangako na siya, ano na ang gagawin niya? Kailangan niya ba talagang kainin ang lamesa?Talagang imposible ito!Kaya niyang bumili ng bagong kotse pagkatapos masunog ng isa, pero paano siya kakain ng lamesa?Siguradong mamamatay siya kung gagawin niya iyon!Inasar siya ng mga nanonood, “Hoy, Clinton, ikaw mismo ang nagsabi na kakainin mo ang lamesa kapag natalo ka. Sisirain mo nanaman ba ang pangako mo ngayon?”“Tama! Hinihintay ng lahat ang pambihirang palabas mo!”May sumampal nang malakas sa lamesa. “Hoy, gawin mo na ngayon!”Ang mukha ni Clinton ay naging pangit na kulay ng pula at berde. Sinabi niya nang mahina, “Magkaibigan tayong lahat, kailangan niyo ba talagang akong sipain kahit na natumba na ako? ”
Ang mas mahalaga, kailangan niyang humanap ng paraan upang malinis ang kanyang reputasyon sa kanyang mga dating kaklase sa kolehiyo. Kung hindi, paano siya magpapasikat sa harap ng kanyang mga kaibigan sa hinaharap pagkatapos siyang ipahiya ni Charlie nang dalawang beses?Habang iniisip niya kung paano ibalik ang kanyang dignidad, biglang nagkaroon ng kaguluhan sa main entrance ng restaurant.Nakuha ng ingay ang pansin ng lahat at tumingin sila sa pinto.Isang grupo ng mga bata na may nakakatakot na itsura ang pumasok sa restaurant. Mayroon silang mga tattoo sa kanilang katawan, may hawak na baseball bat, mga tubo, at iba pa sa kanilang mga kamay. Mukhang hindi sila nandito para kumain.Labis na nagulat ang lahat nang makita ito, lalo na sina Douglas at Lily, ang kanilang mga mata ay puno ng takot.Halata na ang lalaki na may peklat sa kanyang mukha ang pinuno ng grupo. Umabante siya, tiningnan ang lugar, pagkatapos ay tinuro si Douglas na may masamang ngisi. “Boss, bakit hindi ka
Labis na nagulantang si Clinton sa biglaang reaksyon ni Mr. Kee at nainis nang sobra, pero habang pinapanood pa rin siya ng mga kaklase niya, tiniis niya ito at naghanap ng ibang tao. Ngayon, tinawagan niya ang direktor sa sangay ng pulisya ng distrito.Naalala niya malapit ang taong ito sa kanyang ama.Nang may sumagot sa tawag niya, agad siyang nagsimula, “Hi, Mr. Kent, ako ito, si Clinton, Clinton Tucker. May problema ako sa redevelopment zone…”Inilarawan niya muli ang nangyari.Ang lalaki sa kabilang linya ay awkward na nilinis ang kanyang lalamunan at sinabi, “Clinton, siya ay tauhan ni Bill, at si Bill ay tauhan ni Don Albert, sa tingin ko ay hindi ka dapat masangkot sa bagay na ito.”Tinanong nang nalilito ni Clinton, “Wala ka bang gustong gawin tungkol dito?”“Alam mo dapat ang katayuan ni Don Albert sa siyudad na ‘to, wala ito sa kontrol ko.”Kaunting nabulabog si Clinton sa sagot niya at sinabi nang kabado, “Pwede mo ba siyang kausapin saglit?”Tumawa nang marahan
Tumango si Vera at sinabi, “May kaunting alam ako sa lahat, pero mga pangunahing kaalaman lang.”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Nagdala ako ng maraming pill bago ako umalis, pero wala nang natira ngayon…”Pagkatapos itong sabihin, may naalala siya at mabilis niyang tinanong si Vera, “Siya nga pala, ano na ang petsa at oras ngayon?”Hindi alam ni Charlie kung gaano katagal ang lumipas bago siya napunta dito. Kung kaunting panahon lang ito, may oras pa siya para magmadaling umuwi at sirain ang sulat na iniwan niya para kay Claire. Kung matagal na panahon na ang lumipas, marahil ay nalaman na ni Claire ang tungkol sa sikreto niya.Nang makita ni Vera na nababalisa nang sobra si Charlie, sinabi niya nang nagmamadali, “Huwag kang mag-alala, Charlie. Karirinig ko lang ng ilang segundo ang pagsabog sa timog bago ka lumitaw sa hot spring pool. Nasa kalahating oras pa lang ang lumipas simula noon.”Sa wakas ay huminga na nang maluwag si Charlie nang marinig ni
Pakiramdam ni Charlie na pagod na pagod na ang utak niya, at hindi niya maunawaan ang lohika. Sa sandaling ito, bigla niyang naalala na ginamit ni Vera ang pangalan na ‘Veron’ nang bumisita siya sa Aurous Hill, pero pagkatapos siyang makita, tinawag niyang ‘Vera’ ang sarili niya.Kahit na may kaunting pagkakaiba lang sa pangalan na ‘Vera’ at ‘Veron’, bukod-tangi ang kahulugan nito para kay Charlie.Agad siyang nakaramdam ng lamig sa kanyang gulugod at tinanong nang mahina sa gulat, “Hindi… Naa… Naaalala mo ako?”Tumango si Vera at nahihirapan na alalayan ang nanghihinang si Charlie habang papunta siya sa kanyang kwarto. Sinabi niya nang malambot, “Charlie, niligtas mo ang buhay ko sa Northern Europe. Hinding-hindi ko ito makakalimutan!”Nagulat nang sobra si Charlie. Binulong niya, “Bakit… Bakit naaalala mo pa rin? Maaari ba… Maaari ba na isa ka ring cultivator?”Ngumiti nang nahihiya si Vera at sinabi, “Charlie, hindi ako isang cultivator, pero medyo espesyal ang katawan ko, kaya
Simula noong nawalan siya ng malay, walang ideya si Charlie kung gaano katagal na siyang lumulutang sa kawalan, hanggang sa huli, isang kaunting ilaw ang biglang lumitaw sa harap ng mga mata niya.Sa sandaling ito, kasama ng kaunting ilaw ay ang matinding sakit at malakas na pakiramdam ng kahinaan. Sa sobrang lakas ng pakiramdam ng kahinaan na ito, hindi niya man lang kayang buksan ang mga mata niya.Hindi katagalan, naramdaman niya na para bang binalot ng mainit na pakiramdam ang katawan niya, at parang nagbigay ng ilang kaginhawaan ang init na ito sa matinding sakit sa paligid niya. Pagkatapos ay nadiskubre niya na inaangat siya ng mainit na pakiramdam na ito.Pagkatapos nito, narinig niya ang isang pamilyar na boses na sinabi sa tainga niya, “Charlie!” Dahil sa tawag na ito, unti-unting bumalik ang paningin ni Charlie.Nang binuksan ng nanghihingang Charlie ang mga mata niya at nakita niya ang tao na nakatayo sa harap niya, natulala siya dahil bigla niyang nadiskubre na ang maga
Walang sinabi si Isaac, sa halip, ipinakita niya lang ang screen ng kanyang cellphone sa harap niya.Nang makita ni Rosalie ang mga salita sa screen, agad natipon ang mga luha sa mga mata niya. Ang mga salita sa screen ay: ‘May nangyari sa Young Master. Panatilihin mo sana ang katahimikan mo at tulungan mo akong tipunin ang mga Harker para maghanap ng mga bakas!’Hindi nagsalita si Rosalie at tumango lang siya nang mabigat. Hind katagalan, mahigit sampung miyembro ng pamilya Harker ang nagmamadaling nagtipon, sumakay sa helicopter, at lumipad pabalik sa eksena ng pangyayari.Nang makita ni Rosalie ang nakakatakot na eksena, pakiramdam niya na tila ba pinunit ang puso niya, at hindi niya nakontrol ang mga luha niya. Pero, pinunasan niya ang mga luha niya at naghanap ng mga bakas sa paligid ng bilog na lugar ng pagsabog kasama ang mga miyembro ng pamilya Harker.Patuloy na pinalawak ng mahigit isang dosenang tao ang paghahanap nila, umabot pa ng radyus na isang kilometro mula sa gitn
Biglang huminto saglit ang puso ni Merlin nang marinig niya na ang mga shell fragment sa kamay ni Albert ay pagmamay-ari ni Charlie.Binulong niya sa sarili niya, “Mga gamit ni Charlie? Hindi ba’t ang ibig sabihin ay napahamak siya?”Pagkasabi nito, mabilis siyang yumuko para maingat na suriin ang mga bakas na iniwan ng pagsabog. Sa pag-obserba ng direksyon ng pagsabog, nakahanap siya ng mas maraming piraso ng Tridacna sa lupa.Namutla ang kanyang mukha, at binulong niya, “Sobrang lapit ng mga gamit ni Charlie sa gitna ng pagsabog. Hindi ba’t ang ibig sabihin ay malapit siya sa gitna nang mangyari ang pagsabog?!”Nang marinig ito, namaga ang mga mata ni Albert sa luha, at napaiyak siya. Hindi siya makapaniwala habang sinabi niya kay Merlin, “Chief Lammy, sobrang lakas ni Master Wade. Hindi siguro siya masasaktan sa ganitong uri ng pagsabog, tama?”Nag-squat si Merlin sa sahig, pinulot ang piraso ng tumigas na itim na lupa, puwersahan itong kinuskos, at pagkatapos ay inamoy ito. Ma
Pagkasabi nito, si Albert, na natataranta, ay tumakbo agad palabas at sumakay sa helicopter na naghihintay sa courtyard. Pagkatapos ay sinabi niya nang balisa sa piloto na naka-standby, “Bilis! Paliparin mo!”Sa sandaling ito, isang tao ang mabilis na tumakbo palabas, at tumalon si Merlin sa helicopter gamit lang ang ilang hakbang, sinasabi, “Mr. Albert, sasama ako sayo!”Sinabi nang nagmamadali ni Albert, “Chief Lammy, kumikilos ako ayon sa mga utos ni Master Wade para siguraduhin ang kaligtasan mo at ang mga miyembro ng pamilya Acker. Mas mabuti na manatili ka dito!”Umiling si Merlin at sinabi, “Mr. Albert, huwag mong kalimutan na isa akong pulis. Kung may hindi inaasahang sitwasyon, lalo na ang pag-iimbestiga sa eksena, walang mas propesyonal kaysa sa akin!”Pagkatapos itong pag-isipan, pumayag si Albert at sinabi, “Kung gano’n, kailangan kitang abalahin, Chief Lammy!”Pagkatapos itong sabihin, humarap siya sa piloto at sinabi, “Umalis na tayo!”Binilisan ng helicopter ang ma
Alam niya na ang ibig sabihin pagsabog ngayong araw pagkatapos paganahin ni Mr. Chardon ang pineal gland niya ay patay na sila ngayon ni Charlie. Ipineperesenta nito ang perpektong pagkakataon para maglaho siya nang walang bakas. Sa puntong ito, wala na siyang hangarin na bumalik sa Qing Eliminating Society o patuloy na pagsilbihan ang British Lord. Sa mga mata niya, masyadong nakakatakot ang taong ito, at ang pananatili sa tabi niya ay hahantong sa resulta na hindi mas malala sa kapalaran ni Mr. Chardon.Sa halip nito, inisip niya na mas mabuti na samantalahin ang pagkakataon na ito na maglaho sa mundo. Pagkatapos gumaling sa mga injury niya, maghahanap siya ng isang angkop na lugar para tumira sa seklusyon at sulitin ang natitirang dalawang taon ng buhay niya. Para sa kanya, mas mabuti na mabuhay nang malaya ng dalawang taon kaysa mabuhay ng dalawang daang taon pa kasama ang British Lord.Nang maisip ito, tiniis niya ang matinding sakit at patuloy na gumapang nang nahihirapan papun
Agad umugong sa buong Aurous Hill ang matindi at nakabibinging pagsabog, ginising pa ang buong siyudad mula sa pagtulog nito sa gabi. Nawasak makapal na halamanan sa lambak kung saan nangyari ang pagsabog, gumawa ito ng isang bilog na blangkong espasyo na may radyus na ilang daang metro.Naglaho nang walang bakas si Mr. Chardon, naging hangin ang buong katauhan niya, walang iniwan na mga labi.Ang ideya na ‘mabubuhay ang kaluluwa sa kabila ng pagkamatay ng pisikal na katawan’ ay isa lang panloloko. Isa itong walang laman na pangako na binigay niya sa kanila, niloko sila na isakripisyo nang mapagbigay ang sarili nila.Napagtanto lang ni Mr. Chardon sa sandali ng pagkamatay niya na ang formation na iniwan ng British Lord sa loob ng pineal gland nila, tatlumpung taon na ang nakalipas, ay hindi para iligtas ang parte ng kaluluwa nila. Sa halip, isa itong napakalakas na self-destructive formation. Sa kritikal na sandali ng kamatayan, ang pinaniniwalaan nila na isang pag-asa para mabuhay
Si Ruby, na nakatago sa dilim, ay walang napansin na kakaiba. Nang marinig niya ang sinabi ni Mr. Chardon kanina lang, alam niya na napagana na niya ng pineal gland niya, at agad siyang huminga nang maluwag.Kahit na hindi sila nagkakasundo ni Mr. Chardon, naramdaman niya sa pagkamatay ni Mr. Jothurn na magkakaugnay sila. Ngayong ginamit na ni Mr. Chardon ang pineal gland niya, maituturing na nakatakas na siya sa kapit ng kamatayan!Sa sandaling ito, mas lalong naging mabangis ang ekspresyon ni Mr. Chardon nang napakabilis. Inabot lang ng isa o dalawang segundo para mapagana ang pineal gland niya, at nakaramdam siya ng isang napakainit at hindi maikukumparang apoy na nagliyab sa utak niya. Ang apoy na ito, na parang isang pagsabog ng bituin, ay mabilis na lumaki at lumakas! Tumataas din ang pressure sa pineal gland niya!Pakiramdam niya na tila ba isang malaking bundok ang puwersahan na siniksik sa utak niya! Ang matinding sakit na ito ay maikukumpara sa labing-walong patong ng impy