Ang 520 ni Charlie ay mayroon lamang 184-horsepower na makina habang ang kanyang 540 ay mayroong 340 horsepower. Ang kanyang kotse ay dapat mas mabilis at mas malakas kaysa kay Charlie! Paano niya siya madaling nalampasan?!Ang mga taong nanonood ng karera ay nagulantang din!Walang nakaisip na si Charlie, na inakala nilang talo na, ay madaling nalampasan si Clinton sa isang matulin na paggalaw na parang isang palaso na binitawan sa pana! Sa totoo lang, ang kotse ni Charlie ay mabilis na kumaripas at agad na iniwan si Clinton!Wala pa sa kalahati si Clinton sa karera at nakaikot na agad si Charlie sa intersection sa dulo ng kalsada!Nang dumating si Clinton sa intersection, nasa panimulang linya na ang kotse ni Charlie!Nanalo si Charlie!Isang malaking tagumpay pa!Pagkatapos umikot sa intersection, nakita ni Clinton na nasa finish line na si Charlie at muntik na siyang himatayin!Anong nangyayari!Ano ba ang nangyayari!Kailan pa nalampasan nang sobra ng BMW 520 ang 540?H
Sa sandaling ito, nawala sa pag-iisip si Clinton.Ayaw niyang mapahiya ng talunan na si Charlie sa harap ng kanyang mga kaibigan.Kaya, kinagat niya ng kanyang mga labi, kinuha ang mga paputok kay Douglas, at tinapon ito sa loob ng kanyang sasakyan.Pagkatapos, habang kumuha siya ng lighter at hinawakan ang dulo ng paputok, sumigaw siya, “Tingnan niyo, kayong lahat! Hindi ako talunan! Hindi ko kailangan ng awa ni Charlie!”Pagkatapos, sinindihan niya ang mga paputok gamit ang lighter!Sa isang iglap, ang lahat ng mga paputok ay nasindihan at pumutok sa loob ng kanyang kotse!Sa una, mga apoy ang nagliliyab sa loob ng kotse, pero hindi matagal, ang kotse ay napuno ng makapal na puting usok. Ang tunog ng tuloy-tuloy na pagputok ay pinadugo ang puso ni Clinton sa sakit, ngunit ang mga nanonood ay sobrang tuwang-tuwa at sabik.Maraming naglabas ng mga selpon upang i-record ang kakaibang eksena. Pinlano nila na i-post ito online upang ibahagi sa mga netizens.Ang 3-metrong paputok a
Maraming mga bisita ang nagbigay ng kanilang mga regalo kay Douglas. Hawak ang painting, naglakad si Charlie papunta kay Douglas at sinabi, “Binabati kita kaibigan. Ito ang maliit na regalo namin upang ipagdiwang ang seremonya ng pagbubukas mo.”Sinabi nang nakangiti ni Claire, “Douglas, binabati kita at sana maging matagumpay ang grand opening mo. Sana ay maging maunlad ang negosyo mo sa mga susunod na taon!”“Salamat, salamat!” Sinabi nang mabilis ni Douglas. Pagkatapos, sumandal siya sa tainga ni Charlie at binulong na may pilyong ngiti, “Hey, nakikita ko na malapit ang relasyon niyo, hindi tulad ng mga sabi-sabi! Kailan kayo magkakaanak?”Nahiyang namula si Claire nang marinig niya ang bulong. Sumagot si Charlie, “Tigilan mo na. Kung mabubuntis siya, ikaw ang unang makakaalam at aasahan ko ang regalo mo!”“Syempre!” Tumawa si Douglas at tumango. “Bibigyan ko ng malaking regalo ang bata!”Sa sandaling ito, isang pangkaraniwang babae na may makapal na makeup ang lumapit kay Doug
Sina Charlie, Claire, at Loreen ay magkasama sa iisang lamesa. Sumali sa kanila si Clinton at umupo sa tabi ni Loreen.Tinanong niya si Loreen na may malaking ngiti sa sandaling umupo siya, “Loreen, narinig ko na pumunta ka sa Aurous Hill upang magtrabaho sa Emgrand Group, totoo ba?”Tumango si Loreen. “Oo, kasisimula ko lang.”Mas lalong lumaki ang ngiti ni Clinton. “Ano ang pagkakataon! Ang ama ko ay deputy general manager sa isang departamento sa Emgrand! Hihilingin ko sa kanya na alagaan ka sa trabaho.”Maraming tao ang nabulalas sa sorpresa, “Aba, Clinton, deputy general manager ang ama mo sa Emgrand Group?”“Oo!” Tumango nang buong karangalan si Clinton. “Napromote siya noong nakaraang taon.”Mabilis na sinabi ng isa na may pambobolang tono, “Sigurado na ang taunang sweldo ng deputy general manager ay ilang milyong dolyar, tama? Ang galing! Hindi nakapagtataka na mayaman ang pamilya mo!”Tumawa si Clinton at sinabi, “Sahod lamang iyon. Medyo malawak ang awtoridad ng ama ko
Walang intensyon si Douglas na gawin ito, ngunit sobrang lakas ni Lily at wala siyang magawa kundi sundin ang gusto niyang gawin.Gayunpaman, hindi nasorpresa ang mga dumalo. Nang i-anunsyo niya kung gaano kamahal ang mga regalo, kaya nilang malaman kung gaano kaganda o kasama ang katayuan ng mga dati nilang kaklase pagkatapos nilang magtapos. Dahil ang pagkukumpara at selos ay likas sa tao.Pagkatapos, sinimulan ni Lily ang anunsyo.“Salamat, Jack Brown, para sa iyong isang libong dolyar!”“Salamat, Bella Walsh, para sa pares ng ginto!”“Salamat, Ola Rivers, para sa isang magandang pasilyo!”“Salamat, Clinton Tucker, para sa iyong sampung libong dolyar!”Ang unang mga regalo, kahit pera o mga gamit, ay halos isang libong dolyar. Biglaan, nang dumating kay Clinton, ang kanyang sampung libong dolyar na regalo ay nagpadala ng alingawngaw ng gulat sa restaurant.Sampung libong dolyar ay malaking halaga para sa seremonya ng pagbubukas!Maraming tao ang namanghang tumingin kay Cl
Nang marinig ng lahat na ang ama ni Lily ay isang estimador ng mga kultural na relikya, agad silang tumingin nang mapanghamak at nakiramay kay Charlie.Silang lahat ay may parehong iniisip—sobrang malas ni Charlie!Ang pagpapasikat niya ay nagambala ng presensya ng isang eksperto! Ito ay parang sampal sa kanyang sariling mukha!Sobrang mapapahiya siya kung si Lawson Lewis, ang ama ni Lily, ay bumaba! Nahihiyang namula si Claire. Sumandal siya kay Charlie at binulong, “Maraming tao ang pinapanood ka. Hindi dapat maging matigas ang ulo mo, kung hindi sobrang nakakahiya!”Sa daan papunta rito, sinabi nga ni Charlie ang tungkol sa painting na binili niya ngunit sinabi niya na hindi malaki ang ginastos niya. Gayunpaman, ngayon, nagbago ang kilos niya at sinabi na sobrang mahal nito. Si Claire ay kaunting nagduda at nag-alinlangan nang dahil sa pagbabago ng reaksyon niya, iniisip na baka nagsinungaling si Charlie para sa kanyang reputasyon.Sa kabilang dako, walang reaksyon si Charli
”Opo,” sumagot si Lily. “Magkaibigan sila simula noong kolehiyo!”Habang sinasabi niya ito, iniisip niya sa kanyang utal, ‘Charlie, kayong dalawa ni Douglas ay mabuting magkaibigan ngunit nangahas ka na bigyan siya ng isang walang halagang basura, hayaan mong ilantad ka ng ama ko at ipahiya ka sa harap ng lahat!’Gayunpaman, taliwas sa inaasahan ng lahat, sinabi ni Lawson na may nalulugod na buntong hininga, “Talaga, mukhang isa siyang mabuting kaibigan! Bakit siya magbibigay ng isang sobrang mahalagang na regalo kung hindi?”Ang lahat ay nagulantang sa sinabi niya!Ano ang ibig sabihin niya sa ‘mahalaga’? Sinasabi niya ba na ang madilaw-dilaw na painting ay mahal? Nababagot, minura ni Clinton sa loob ng kanyang ulo, ‘T*ng ina! Pwede akong pumunta sa Antique Street, bumili ng pekeng painting, ihian ito para maging mukhang luma at madilaw-dilaw, at mas magiging mukhang tunay pa ito kaysa sa basurang iyan!’Nilinis ni Lawson ang kanyang lalamunan at sinabi sa tapat na tono, “Ito a
Sa sandaling ito, gusto nang mamatay ni Clinton!P*cha!Anong nangyayari!Hindi siya makakawala, tama?Paano siya pinahiya nang ilang beses ng talunan na si Charlie?Kailanman ay hindi niya inakala na ang painting ay tunay at may halagang dalawang daang libong dolyar!Nangako na siya, ano na ang gagawin niya? Kailangan niya ba talagang kainin ang lamesa?Talagang imposible ito!Kaya niyang bumili ng bagong kotse pagkatapos masunog ng isa, pero paano siya kakain ng lamesa?Siguradong mamamatay siya kung gagawin niya iyon!Inasar siya ng mga nanonood, “Hoy, Clinton, ikaw mismo ang nagsabi na kakainin mo ang lamesa kapag natalo ka. Sisirain mo nanaman ba ang pangako mo ngayon?”“Tama! Hinihintay ng lahat ang pambihirang palabas mo!”May sumampal nang malakas sa lamesa. “Hoy, gawin mo na ngayon!”Ang mukha ni Clinton ay naging pangit na kulay ng pula at berde. Sinabi niya nang mahina, “Magkaibigan tayong lahat, kailangan niyo ba talagang akong sipain kahit na natumba na ako? ”
Tumingin si Mr. Chardon kay Samadius, na umabante agad at sinabi sa hindi matitinag na tono, “Ferris, may mahalagang gawain si Mr. Chardon na kailangan niyang gawin, kaya walang pwedeng pumigil o antalain siya! Sinabi na sa akin ni Mr. Chardon ang gusto niyong malaman, at sasabihin ko sa inyo ang bawat salita mamaya!”Pagkatapos itong sabihin, “Hayaan mong sabihin ko ito nang maaga. Kung may kahit sinong mag-aantala sa mahalagang gawin ni Mr. Chardon, hindi magkakaroon ng pagkakataon ang taong iyon na malaman ang paraan para sa pagpapahaba ng buhay!”Mayroong takot na ekspresyon ang lahat sa kanilang mukha, at wala nang naglakas-loob na magtanong.Si Ferris, na tinawag sa pangalan, ay nabalisa rin at sinabi, “Maging ligtas sana ang biyahe mo, Mr. Chardon!”Kumilos agad ang lahat at sinabi nang sabay-sabay, “Paalam, Mr. Chardon!”Hinimas ni Mr. Chardon ang mahabang balbas niya at naglakad palayo nang mahinhin. Nang ihahatid na siya palabas ng lahat, sinabi ni Mr. Chardon nang hindi
Pagkatapos itong sabihin, nagtanong ulit si Samadius, “Master Coldie, may karaniwang bakas ka ba tungkol sa babaeng ito? Halimbawa, saan siya maaaring magtago?”Umiling si Mr. Chardon at sinabi, “Hindi ko alam kung nasaan siya, pero sa tingin ko ay malaki ang posibilidad na nasa Oskia siya. Kaya, mas mabuti kung makakagawa ka ng isang grupo ng mga disipulo mo at hayaan silang maglakbay sa buong bansa para hanapin siya!”Tumango si Samadius at sinabi, “Walang problema, aayusin ko na ang lahat ngayon din!”Tumango nang bahagya si Mr. Chardon at sinabi, “Okay, kung gano’n, iiwan ko na sayo ang bagay na ito. Tandaan mo na ipaalam mo agad sa akin kung may nadiskubre kang kahit anong bakas.”“Opo, Master Coldie!” Sumang-ayon nang mabilis si Samadius. Pagkatapos ay tinanong niya si Mr. Chardon, “Siya nga pala, Master Coldie, mga junior ko ang mga taong naghihintay sa labas. Kung matuturo mo sa akin sa hinaharap ang paraan para humaba ang buhay, maaari ko rin ba itong ibahagi sa kanila? Mg
Nang marinig ni Mr. Chardon ang sabik na pagpapahayag ng katapatan ni Samadius, tumango siya at ngumiti nang kuntento. Ang lahat ay nangyayari ayon sa planong direksyon niya.Para kay Mr. Chardon, kailanman ay hindi siya naging isang mabuting tao. Bukod sa pagsisikap nang walang reklamo sa harap ng British Lord, kahit kailan ay hindi niya naabot ang pinakapangunahing kabutihang-asal ng ‘pagtupad ng pangako niya’ pagdating sa iba.Sa totoo lang, naisip niyang gamitin ang mga koneksyon at resources ng Cohmer Temple para hanapin si Vera noong una siyang dumating sa Eastcliff, pero pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, naramdaman niya na hindi sulit na ibunyag ang tunay niyang pagkakakilanlan para lang pagsamantalahan ang Cohmer Temple.Kahit hindi na banggitin kung matutulungan ba siya ng Cohmer Temple na makahanap ng mga bakas tungkol kay Vera, pero kung ang balita na buhay pa rin ang isang Taoist priest na ipinanganak sa 19th century at nag-ensayo ng Taoism sa Cohmer Temple ng dek
Tumango si Mr. Chardon, bumuntong hininga, at sinabi, “156 years old na ako ngayong taon.”“156 years old?” Sinabi ni Samadius habang may mapaghangad na tingin sa kanyang mukha, “Hindi ka man lang mukhang 156 years old…”Sinabi nang kalmado ni Mr. Chardon, “Ito ang mga benepisyo pagkatapos ma-master ang Reiki. Tatlong siglo na akong nabubuhay; ang 19th, 20th, at 21st century. Hindi na ako magkakaroon ng pagsisisi sa buhay kung aabot ako ng 22nd century.”Nabigla si Samadius. Lumuhod ulit siya at yumuko sa harap ni Mr. Chardon habang nagmakaawa, “Master Coldie, pakiusap at ituro mo sana sa ako ang paraan ng pagpapahaba ng buhay! Kung papayag ka, handa akong sundan ka sa buong buhay ko para magamit mo! Susundin ko ang lahat ng hiling mo nang walang pag-aatubili!”Mahigit pitumpung taon na simula noong pumasok si Samadius sa Taoist Sect, at sa sandaling ito, nasa parehong estado siya ni Mr. Chardon noong unang umalis siya sa Cohmer Temple.Buong araw siyang nag-eensayo ng Taoism at g
Sa mga nagdaang taon, bumalik siya nang ilang beses sa Oskia gamit ang iba’t ibang pagkakakilanlan, pero kahit kailan ay hindi siya bumalik sa Cohmer Temple.Ito ay dahil ayaw niyang malaman ng mga disipulo niya sa Cohmer Temple na nadiskubre na niya ang paraan ng mahabang buhay.Sa opinyon niya, dumaan siya sa lahat ng uri ng paghihirap bago siya sa wakas nakapasok sa landas ng Taoism, kaya hindi dapat malaman ng kahit sinong nakakakilala sa kanya ang sikreto na ito, kasama na ang mga tao sa Cohmer Temple.Pinili niyang pumunta sa Cohmer Temple ngayong araw dahil wala siyang mahanap na kahit anong bakas tungkol sa kinaroroonan ni Vera pagkatapos ng mahabang panahon.Patuloy siyang inuudyok ng British Lord na pumunta sa Aurous Hill. Kaya niyang antalain ito ng tatlo hanggang limang araw pero hindi tatlo hanggang limang buwan. Ayon sa ugali ng British Lord, siguradong bibigyan niya siya ng dalawa o tatlong araw na lang, kaya walang nagawa si Mr. Chardon kundi humanap ng mga katulong
Sinundan ni Mr. Chardon ang binatang Taoist priest sa reception hall sa middle yard ng Cohmer Temple. Ito ang reception room sa Cohmer Temple na ginagamit para aliwin ang mga abbot at overseer mula sa ibang Taoist temple o peregrino na may malaking ambag sa Taoist temple.Pagkatapos sabihan si Mr. Chardon na maghintay dito, nagmamadaling tumakbo ang binatang Taoist priest para i-report ito sa kanyang master.Sa Cohmer Temple, karamihan ng tao na nananatili sa front yard nang matagal ay ang mga junior Taoist priest na may medyo mababang kwalipikasyon, kaya naatasan sila na panatilihin ang kaayusan ng mga turista at mga mananampalataya sa yard habang naglilinis, inaayos ang mga istatwa ng templo, at inaayos ang mga alay.Kaya, kung gustong i-report ng binatang Taoist priest ang balita sa overseer, kailangan patong-patong ang daan ng mensahe, at ang dami ng antas ng paglilipat ay higit sa inaasahan ng binatang Taoist priest.Makalipas ang dalawampung minuto, isang matandang lalaki na
Kahit na may parehong titulo ang Taoist at Buddhist abbot, may sobrang magkaibang gampanin sila. Ang Buddhist abbot ang may pinakamataas na posisyon at kapangyarihan sa templto at siya ang namamahala sa mga gawain ng templo, habang ang pangunahing responsibilidad ng Taoist abbot ay ipangaral ang mga banal na kasulatan. Ang Taoist abbot ay parang isang senior professor sa Taoist temple, pero ang taong may pinakamataas na kapangyarihan sa pamamahala ay ang overseer.Si Mr. Chardon, na may suot na Taoist robe, ay tumingala sa gate ng Cohmer Temple nang ilang sandali, pagkatapos ay pumasok sa gate.Ang buong Cohmer Temple ay nahahati sa tatlong courtyard, na tinatawag na front, middle, at back. Bukas lang ang front yard sa mga mananampalataya at peregrino. May ilang hall dito, lalo na ang Trinity Hall, na inilaan para sa Three Supreme Gods ng Taoism.Ang middle at back yard ay ang mga panloob na lugar ng Cohmer Temple kung saan nakatira at nag-aaral ng Taoism ang mga abbot at ang mga di
Sinabi nang seryoso ni Jacob, “Zachary, ayokong magtunog magaspang, pero dapat mahalin mo ang kahit anong trabaho na kukunin mo. Kung gusto mo ang antique business, dapat ay may etika ka ng isang propesyonal.”Tumango si Zachary at sinabi, “Hindi ba’t ito ay dahil gusto ko munang kumita ng ilang pera? Hindi pa huli para sa akin na paunlarin ang etika ko ng isang propesyonal pagkatapos kong kumita ng ilang pera. Dahil, hindi ba’t may kasabihan na dapat bumili ang isang tao ng ticket pagkatapos sumakay sa bus?”Kumulot ang mga labi ni Jacob sa panghahamak, tumingin sa stall ni Zachary, umiling, at sinabi, “Oh, mas lalo kang paatras kapag nagtatrabaho ka. Nakikita ko na peke ang bawat bagay sa stall mo.”“Oo, tama ka.” Sinabi nang masigasig ni Zachary, “Mr. Jacob, matalas talaga ang paningin mo para sa mga produkto. Hindi makakatakas sa mga mata mo ang mga magagandang bagay, at gano’n din para sa mga peke.”Ngumiti si Jacob, pinulot ang Thunderstrike wood sa gitna ng stall, tiningnan
Hindi niya mapigilang isipin, ‘Mukhang hindi ko kayang itapon ang antique business na ito. Kalahati ng kasiyahan ko ay galing sa lugar na ito… Pwede akong pumunta dito at magsaya paminsan-minsan kung hindi ako abala sa trabaho ko kay Don Albert sa hinaharap.’Masayang gumagawa ng plano si Zachary sa kanyang isipan nang isang pamilyar at malugod na boses na may halong bakas ng sorpresa ang narinig niya, “Oh, Zachary, kailan ka bumalik para magtayo ulit ng isang stall?”Tumingin si Zachary at sinabi nang may magalang na ekspresyon, “Oh, Mr. Jacob! Medyo matagal na kitang hindi nakikita!”Ang taong nagsalita ay walang iba kundi ang biyenan na lalaki ni Charlie, si Jacob.Kahit na si Jacob na ang vice president ng Calligraphy and Painting Association, ang pagmamahal niya para sa mga antique ay gano’n pa rin tulad ng dati.Kailan lang, hindi maayos ang pakiramdam niya pagkatapos niyang matalo sa pag-ibig, kaya medyo matagal siyang hindi pumunta dito.Bumalik nang kaunti ang kalooban n