Malaki at maliwanag na ngiti ang makikita sa mga mukha ng mga biyenan ni Charlie nang sinabi niya na bibili siya ng mas magandang kotse para sa kanila bukas.Ang hindi alam ni Jacob ay nawalan siya ng isang top-spec na 760.Kaunting nag-alala si Claire. Pagkatapos nilang bumalik sa kanilang kwarto at naligo, tahimik niyang tinanong, “May pera ka pa ba talaga para makabili ng bagong kotse? Mayroon akong sikretong ipon dito, kunin mo ito bukas!”Mabilis na iwinasiwas ni Charlie ang kanyang mga kamay. “Hindi, hindi ko kailangan ng pera mo. Mayroon pa akong natitira, sapat na ito.”Sinabi nang mahina at humihingi ng paumanhin ni Claire, “Pasensya na, hindi ko alam na magiging ganito ang papa at mama ko…”“Anong sinasabi mo? Ang mga magulang mo ay mga magulang ko rin. Pamilya tayo, nasisiyahan ako na kaya kong bigyan sila ng regalo paminsan minsan.”Humiga si Charlie sa maliit niyang kama sa lapag at sinabi nang may marahan na ngiti, “Huwag kang mag-alala, pupunta ako at bibili ako ng
Nakita ng mga tao sa Audi showroom si Charlie sa sandaling palapit na siya nang palapit. Isa sa mga salesperson ang sinabi. “P*ta, ang e-bike na lalaki na bumili ng BMW 760!”“P*cha, papahintuin ko siya at hihikayatin na bumili ng top-spec na Audi A8 kahit na dilaan ko pa ang sapatos niya!”“Oo!”Biglaan, isang malaking bilang ng mga salesmen as Audi ang lumabas at pinalibutan siya.“Sir! Mangyaring pumasok ka at tingnan ang pinakabagong top-spec Audi A8 sa aming showroom!”“Sir! Ang aming A8 ay sobrang lakas. Mayroon itong W12 na makina, mas maganda pa sa V12 ng BMW 760!”Umarko ang mga kilay ni Charlie nang mausisa. “Talaga? Gano’n ito kalakas?”“Oo!” Isang salesman ng Audi ang mabilis na umabante at nagsimula, “Boss, hayaan mong ipaliwanag ko ito sa’yo. Ang aming W12 na makina ay mahahati sa dalawang parte at ang isang parte ay pwedeng isara kung kailan mo gusto. Ito ay mas tipid sa gasolina kapag sinara ang kalahati ng labindalawang cylinder!”Sinabi nang may panghahamak ni
Ang lalaki ay ngumisi. Kinurot niya si Lily sa mukha at sinabi, “Ikaw na ang babae ko ngayon, bakit gusto mo pa rin makasama siya? Hindi ko hahayaan na hawakan ng ibang lalaki ang babae ko!”Mabilis na inudyok ni Lily sa tusong boses, “Huwag kang mag-alala, Jerome, hindi ko siya hinayaan na hawakan ako simula pa noong nagsama kami. Sobrang dumi niya! Ang katawan ko ay laging sayo at sa’yo lang, eksklusibo lang ito para sa’yo!”Pagkatapos, nagpatuloy siya, “Sa totoo lang, gusto kong makipaghiwalay sa kanya sa sandaling nagsimula ang restaurant, pero hindi ko alam na ang talunan ay may kaibigang medyo mapamaraan at tinulungan akong paalisin ang lalaking may peklat sa mukha sa redevelopment zone. Hintayin mo lang na umayos ang negosyo—iiwan ko siya at papaalisin sa restaurant!”Tumawa nang mayabang si Jerome Hunt at sinabi, “Lalaking may peklat lang sa mukha iyon! Kung sinabi mo ito sa akin nang mas maaga, ang kailangan ko lang ay isang tawag at ang boss niya ay pupunta na at luluhod a
Sinabi ni Douglas habang tumawa nang marahan, “Pumunta siya sa hair salon. Bakit?”Ngumisi si Charlie. “Hair salon? Iyon ba ang sinabi niya sa’yo?”“Oo!”“At naniwala ka sa kanya?”Tinanong ni Douglas sa nagtatakang tono, “Charlie, anong gusto mong sabihin? Sabihin mo na, huwag ka na mag paligoy-ligoy.”Umugong si Charlie at nagsimula, “Sige. Nakita ko si Lily sa BMW showroom na may kasamang lalaki na tinatawag na Jerome Hunt. Nagyayakapan sila, at tinawag pa niya ang lalaki na ‘mahal’. Sa tingin ko ay niloloko ka niya.”“Imposible!” Sinabi nang malakas ni Douglas. “Hindi gano’n si Lily! Mali ba ang nakita mong tao?”Sinabi nang matingdi ni Charlie, “Hindi. Siya nga.”“Hindi! Hindi ako naniniwala!” Sinabi nang malamig ni Douglas, “Charlie, malapit tayong magkaibigan pero hindi mo dapat sinisiraan ang nobya ko dahil malapit kami!”“Douglas, gumising ka nga! Niloloko ka ng nobya mo kasama ang ibang lalaki at ang basurang Jerome na ‘yon ay pinangakuan siyang bilha ng BMW X6. Pumu
Pagkatapos magtanghalian, si Jacob, ang biyenan na lalaki ni Charlie, ay nakabihis na nang maayos at sinabihan si Charlie, “Hey, bilisan mo na at maghanda ka na, gagamitin natin ang bago nating kotse at pupunta sa Antique Street. Isang shop doon ang nakakuha mula sa ibang bansa ng isang kiln vase mula sa Tang Dynasty at gusto ko itong makita.”Sinabi ni Charlie, “Pa, magsisimula ka nanaman sa antigong bagay ulit? Wala tayong masyadong pera at marangyang libanagan iyan ngayon.”Walang kasanayan si Jacob sa pagpapalago ng pera pero nangangarap siya sa mga plano niyang yumaman nang mabilis. Mahilig siyang pumunta sa Antique Street para sa pag-asa na makakuha ng isang bihirang piraso ng antigo sa mababang presyo, ngunit sa mga nakaraang taon, ang mga karanasan na nakuha niya lamang ay panloloko.Kailangan niyang huminto nang ilang panahon ngunit ngayon, hindi lamang siya bumalik sa kanyang hilig ngunit nangati na rin ang mga kamay niya.Nainis si Jacob sa sinabi ni Charlie na may mabut
Galit na pinadyak ni Raymond ang kanyang paa. “Biyenan mo siya, hindi ba?”Tumango si Charlie. “Oo, biyenan ko siya, pero siya ang nakasira, hindi ako. Hanapin mo kung sino ang responsable sa pagkabasag ng pasilyo. ‘Hanapin mo ang totoong salarin, huwag mong idamay ang kanilang pamilya’—narinig mo na ba ang kasabihan na ito?”Ang dugo ni Raymond ay kumukulo, pero pinag-isipan niya ang sinabi ni Charlie at napagtanto na tama siya.Kung lalabas ang balita na humihingi siya ng bayad mula sa inosenteng tao, madudumihan ang reputasyon ng Vintage Deluxe.Kaya, inutusan niya ang mga lalaki na nasa tabi niya, “Ikaw, ibalik mo ang matandang lalaki dito!”Kumulot ang mga labi ni Charlie sa isang tahimik na ngisi habang pinapanood ang mga lalaki na hinahabol ang matandang lalaki.Sa totoo lang, kaya niyang gamitin ang kanyang card at tapusin na ‘to, pero masyado itong madali para sa kanyang walang hiyang biyenan na lalaki, hindi ba?Mas mabuti pa na magdusa ang matandang lalaki at matuto s
Sabik at sobrang saya, mabilis na nilagay ni Charlie ang Apocalyptic Book sa kanyang bulsa, ngunit ang libro ay agad na naging pulbos at naglaho sa hangin.Himala, ang bawat salita sa libro ay malinaw na tumatak sa utak ni Charlie.Sa sandaling ito, si Jacob, na tumakbo na parang isang duwag, ay marahas na hinuli ng ilang malalaki at malalakas na lalaki at hinagis pabalik sa shop.Kung titingnan ang kanyang malaki at namamagang mga pisngi, napagtanto ni Charlie na siguradong nabugbog siya bago siya binuhat pabalik dito.Naramdaman ni Charlie na ang kaawa-awang hitsura ni Jacob ay sobrang nakakatawa at kawili-wili.Gaano kangahas ang matandang ito na gawin siyang hantungan ng sisi pagkatapos mapasok sa gulo! Ang kaunting bugbog ay kailangan bilang parusa sa kanya upang matutunan niya ang leksyon niya.Si Jacob ay nasa isang partikular na nakakatakot at nakayayanig na posisyon ngayon. Dahil sa kanyang desperado na pagtakas kanina, labis siyang humihingal na parang aso, sinusubukan
Tumango si Charlie. “Paano kung naayos ko ito?”Suminghal si Raymond. “Kailangan kong tanungin ang mga tagatasa. Kung sasabihin nila na naayos mo ang karamihan sa pinsala, papakawalan ko kayong dalawa!”“Sige!” Tumango si Charlie. “Isa itong kasunduan!”Mabilis siyang tumalikod sa gagawin niya at tahimik na sinimulan ang kanyang trabaho. Kinuha niya ang eskoba at gumuhit ng balangkas ng pasilyo sa papel ng bigas ng tsino.Pagkatapos, kinatok niya nang magaan ang itlog upang gumawa ng isang maliit na bukasan, sinawsaw ang kanyang hintuturo upang kumuha ng puti ng itlog, pinunas ito sa isang piraso ng pasilyo, at idinikit ito sa modelo ng papel. Pagkatapos, inulit niya ang parehong proseso sa sumunod na piraso, at iba pa, hanggang ang modelo ng papel ay unti-unting nabalot ng mga piraso ng pasilyo...Ang lahat ay tahimik na nanonood habang pinipigilan ang kanilang paghinga sa takot na magambala nila ang kanyang proseso ng pag-aayos.Mabilis na lumipas ang kalahating oras.Nang tu
“Ano… Anong sinabi mo?!” Pakiramdam ni Charlie na namanhid ang buong katawan niya dahil sa mga sinabi ni Vera. Hindi ito pagmamalabis. Nakaramdam talaga siya ng mahinang kuryente mula sa kanyang ulo hanggang paa!Sinabi ni Vera na napanood niya ang Mother of Pu’er Tea na nabigong lampasan ang kalamidad nito sa Heavenly Lake tatlong daang taon na ang nakalipas. Ang ibig sabihin ba nito ay mahigit 300 years old na siya?!Sa una ay hindi kayang maniwala ni Charlie sa sinabi ni Vera. Dahil, kahit na nahanap talaga ng isang tao ang daan sa mahabang buhay, karaniwan ay unti-unting proseso ito.Marahil ay mag-cultivate ang isang tao sa 20s o 30s, pero madalas posible na magsimula ang cultivation sa edad na 50 o 60, o mas matanda pa.Habang lumalalim ang cultivation ng isang tao, humahaba ang buhay niya, pero kahit ang isang cultivator na mahigit 100 years old, tulad ng great earl ng Qing Eliminating Society, ay napanatili lang ang hitsura niya na isang lalaki na nasa 60 years old.Kung m
Humagikgik si Vera at sinabi, “Nagkataon, may natira pa na huling piraso ng Pu’er tea. Nag-aatubili akong inumin ito, at hinihintay ko ang araw na maitimpla ko ito para sayo para matikman mo ito. Charlie, mangyaring maghintay ka saglit!”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Miss Lavor, hindi mo na kailangan abalahin ang sarili mo. Bigyan mo na lang ako ng isang baso ng tubig.”Tumayo si Vera at hindi na lumingon habang sinabi, “Ang Pu’er tea na mayroon ako ay ang pinakamasarap ng Pu’er tea sa buong mundo. Charlie, siguradong pagsisisihan mo sa hinaharap kung hindi mo ito titikman.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “At saka, ipapaliwanag ko ang lahat ng mga bagay kung saan ka nalilito, simula sa piraso ng Pu’er tea na iyon.”Pagkatapos ay mabilis na kinuha ni Vera ang kumpletong tea set niya at ang Pu’er tea na palagi niyang pinapahalagahan nang hindi na hinihintay ang sagot ni Charlie.Pagkatapos bumalik sa tabi ng kama, maingat na sinindihan ni Vera ang uling ng olibo
Nang marinig ang paliwanag ni Vera, kumunot ang noo ni Charlie at tinanong, “Paano iyon posible? Nagsisinungaling ka siguro sa akin.”“Bakit ako magsisinungaling sayo?” Sinabi nang sigurado ni Vera, “Totoo talaga ito! Kaya kong mangako sa buhay ko!”Umiling si Charlie at sinabi nang sobrang seryoso at tapat, “Paniniwalaan kita kahit na may pagdududa ako. Naniniwala ako na kaya nga ng singsing na ito na ipadala ang tao sa iba, pero nang mangyari ang pagsabog kanina, hindi ikaw ang iniisip ko… Ang iniisip ko ay ang mga pumanaw na magulang ko…”Pagkasabi nito, patuloy na binulong ni Charlie, “Mukhang lumitaw sa isipan ko ang imahe ng asawa ko sa dulo. Kung totoo ang sinabi mo, dapat ay ipinadala ako ng singsing na ito sa asawa ko…”Tinikom ni Vera ang mga labi niya at sinabi nang may kaunting lungkot, “Charlie, hindi ako nagsisinungaling sayo. Natural na alam ko na hindi mo ako iisipin sa sandali ng buhay at kamatayan. Kaso nga lang ay ang ama ko ang nag-iwan ng singsing na ito sa aki
Tumango si Vera at sinabi, “May kaunting alam ako sa lahat, pero mga pangunahing kaalaman lang.”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Nagdala ako ng maraming pill bago ako umalis, pero wala nang natira ngayon…”Pagkatapos itong sabihin, may naalala siya at mabilis niyang tinanong si Vera, “Siya nga pala, ano na ang petsa at oras ngayon?”Hindi alam ni Charlie kung gaano katagal ang lumipas bago siya napunta dito. Kung kaunting panahon lang ito, may oras pa siya para magmadaling umuwi at sirain ang sulat na iniwan niya para kay Claire. Kung matagal na panahon na ang lumipas, marahil ay nalaman na ni Claire ang tungkol sa sikreto niya.Nang makita ni Vera na nababalisa nang sobra si Charlie, sinabi niya nang nagmamadali, “Huwag kang mag-alala, Charlie. Karirinig ko lang ng ilang segundo ang pagsabog sa timog bago ka lumitaw sa hot spring pool. Nasa kalahating oras pa lang ang lumipas simula noon.”Sa wakas ay huminga na nang maluwag si Charlie nang marinig ni
Pakiramdam ni Charlie na pagod na pagod na ang utak niya, at hindi niya maunawaan ang lohika. Sa sandaling ito, bigla niyang naalala na ginamit ni Vera ang pangalan na ‘Veron’ nang bumisita siya sa Aurous Hill, pero pagkatapos siyang makita, tinawag niyang ‘Vera’ ang sarili niya.Kahit na may kaunting pagkakaiba lang sa pangalan na ‘Vera’ at ‘Veron’, bukod-tangi ang kahulugan nito para kay Charlie.Agad siyang nakaramdam ng lamig sa kanyang gulugod at tinanong nang mahina sa gulat, “Hindi… Naa… Naaalala mo ako?”Tumango si Vera at nahihirapan na alalayan ang nanghihinang si Charlie habang papunta siya sa kanyang kwarto. Sinabi niya nang malambot, “Charlie, niligtas mo ang buhay ko sa Northern Europe. Hinding-hindi ko ito makakalimutan!”Nagulat nang sobra si Charlie. Binulong niya, “Bakit… Bakit naaalala mo pa rin? Maaari ba… Maaari ba na isa ka ring cultivator?”Ngumiti nang nahihiya si Vera at sinabi, “Charlie, hindi ako isang cultivator, pero medyo espesyal ang katawan ko, kaya
Simula noong nawalan siya ng malay, walang ideya si Charlie kung gaano katagal na siyang lumulutang sa kawalan, hanggang sa huli, isang kaunting ilaw ang biglang lumitaw sa harap ng mga mata niya.Sa sandaling ito, kasama ng kaunting ilaw ay ang matinding sakit at malakas na pakiramdam ng kahinaan. Sa sobrang lakas ng pakiramdam ng kahinaan na ito, hindi niya man lang kayang buksan ang mga mata niya.Hindi katagalan, naramdaman niya na para bang binalot ng mainit na pakiramdam ang katawan niya, at parang nagbigay ng ilang kaginhawaan ang init na ito sa matinding sakit sa paligid niya. Pagkatapos ay nadiskubre niya na inaangat siya ng mainit na pakiramdam na ito.Pagkatapos nito, narinig niya ang isang pamilyar na boses na sinabi sa tainga niya, “Charlie!” Dahil sa tawag na ito, unti-unting bumalik ang paningin ni Charlie.Nang binuksan ng nanghihingang Charlie ang mga mata niya at nakita niya ang tao na nakatayo sa harap niya, natulala siya dahil bigla niyang nadiskubre na ang maga
Walang sinabi si Isaac, sa halip, ipinakita niya lang ang screen ng kanyang cellphone sa harap niya.Nang makita ni Rosalie ang mga salita sa screen, agad natipon ang mga luha sa mga mata niya. Ang mga salita sa screen ay: ‘May nangyari sa Young Master. Panatilihin mo sana ang katahimikan mo at tulungan mo akong tipunin ang mga Harker para maghanap ng mga bakas!’Hindi nagsalita si Rosalie at tumango lang siya nang mabigat. Hind katagalan, mahigit sampung miyembro ng pamilya Harker ang nagmamadaling nagtipon, sumakay sa helicopter, at lumipad pabalik sa eksena ng pangyayari.Nang makita ni Rosalie ang nakakatakot na eksena, pakiramdam niya na tila ba pinunit ang puso niya, at hindi niya nakontrol ang mga luha niya. Pero, pinunasan niya ang mga luha niya at naghanap ng mga bakas sa paligid ng bilog na lugar ng pagsabog kasama ang mga miyembro ng pamilya Harker.Patuloy na pinalawak ng mahigit isang dosenang tao ang paghahanap nila, umabot pa ng radyus na isang kilometro mula sa gitn
Biglang huminto saglit ang puso ni Merlin nang marinig niya na ang mga shell fragment sa kamay ni Albert ay pagmamay-ari ni Charlie.Binulong niya sa sarili niya, “Mga gamit ni Charlie? Hindi ba’t ang ibig sabihin ay napahamak siya?”Pagkasabi nito, mabilis siyang yumuko para maingat na suriin ang mga bakas na iniwan ng pagsabog. Sa pag-obserba ng direksyon ng pagsabog, nakahanap siya ng mas maraming piraso ng Tridacna sa lupa.Namutla ang kanyang mukha, at binulong niya, “Sobrang lapit ng mga gamit ni Charlie sa gitna ng pagsabog. Hindi ba’t ang ibig sabihin ay malapit siya sa gitna nang mangyari ang pagsabog?!”Nang marinig ito, namaga ang mga mata ni Albert sa luha, at napaiyak siya. Hindi siya makapaniwala habang sinabi niya kay Merlin, “Chief Lammy, sobrang lakas ni Master Wade. Hindi siguro siya masasaktan sa ganitong uri ng pagsabog, tama?”Nag-squat si Merlin sa sahig, pinulot ang piraso ng tumigas na itim na lupa, puwersahan itong kinuskos, at pagkatapos ay inamoy ito. Ma
Pagkasabi nito, si Albert, na natataranta, ay tumakbo agad palabas at sumakay sa helicopter na naghihintay sa courtyard. Pagkatapos ay sinabi niya nang balisa sa piloto na naka-standby, “Bilis! Paliparin mo!”Sa sandaling ito, isang tao ang mabilis na tumakbo palabas, at tumalon si Merlin sa helicopter gamit lang ang ilang hakbang, sinasabi, “Mr. Albert, sasama ako sayo!”Sinabi nang nagmamadali ni Albert, “Chief Lammy, kumikilos ako ayon sa mga utos ni Master Wade para siguraduhin ang kaligtasan mo at ang mga miyembro ng pamilya Acker. Mas mabuti na manatili ka dito!”Umiling si Merlin at sinabi, “Mr. Albert, huwag mong kalimutan na isa akong pulis. Kung may hindi inaasahang sitwasyon, lalo na ang pag-iimbestiga sa eksena, walang mas propesyonal kaysa sa akin!”Pagkatapos itong pag-isipan, pumayag si Albert at sinabi, “Kung gano’n, kailangan kitang abalahin, Chief Lammy!”Pagkatapos itong sabihin, humarap siya sa piloto at sinabi, “Umalis na tayo!”Binilisan ng helicopter ang ma