Galit na pinadyak ni Raymond ang kanyang paa. “Biyenan mo siya, hindi ba?”Tumango si Charlie. “Oo, biyenan ko siya, pero siya ang nakasira, hindi ako. Hanapin mo kung sino ang responsable sa pagkabasag ng pasilyo. ‘Hanapin mo ang totoong salarin, huwag mong idamay ang kanilang pamilya’—narinig mo na ba ang kasabihan na ito?”Ang dugo ni Raymond ay kumukulo, pero pinag-isipan niya ang sinabi ni Charlie at napagtanto na tama siya.Kung lalabas ang balita na humihingi siya ng bayad mula sa inosenteng tao, madudumihan ang reputasyon ng Vintage Deluxe.Kaya, inutusan niya ang mga lalaki na nasa tabi niya, “Ikaw, ibalik mo ang matandang lalaki dito!”Kumulot ang mga labi ni Charlie sa isang tahimik na ngisi habang pinapanood ang mga lalaki na hinahabol ang matandang lalaki.Sa totoo lang, kaya niyang gamitin ang kanyang card at tapusin na ‘to, pero masyado itong madali para sa kanyang walang hiyang biyenan na lalaki, hindi ba?Mas mabuti pa na magdusa ang matandang lalaki at matuto s
Sabik at sobrang saya, mabilis na nilagay ni Charlie ang Apocalyptic Book sa kanyang bulsa, ngunit ang libro ay agad na naging pulbos at naglaho sa hangin.Himala, ang bawat salita sa libro ay malinaw na tumatak sa utak ni Charlie.Sa sandaling ito, si Jacob, na tumakbo na parang isang duwag, ay marahas na hinuli ng ilang malalaki at malalakas na lalaki at hinagis pabalik sa shop.Kung titingnan ang kanyang malaki at namamagang mga pisngi, napagtanto ni Charlie na siguradong nabugbog siya bago siya binuhat pabalik dito.Naramdaman ni Charlie na ang kaawa-awang hitsura ni Jacob ay sobrang nakakatawa at kawili-wili.Gaano kangahas ang matandang ito na gawin siyang hantungan ng sisi pagkatapos mapasok sa gulo! Ang kaunting bugbog ay kailangan bilang parusa sa kanya upang matutunan niya ang leksyon niya.Si Jacob ay nasa isang partikular na nakakatakot at nakayayanig na posisyon ngayon. Dahil sa kanyang desperado na pagtakas kanina, labis siyang humihingal na parang aso, sinusubukan
Tumango si Charlie. “Paano kung naayos ko ito?”Suminghal si Raymond. “Kailangan kong tanungin ang mga tagatasa. Kung sasabihin nila na naayos mo ang karamihan sa pinsala, papakawalan ko kayong dalawa!”“Sige!” Tumango si Charlie. “Isa itong kasunduan!”Mabilis siyang tumalikod sa gagawin niya at tahimik na sinimulan ang kanyang trabaho. Kinuha niya ang eskoba at gumuhit ng balangkas ng pasilyo sa papel ng bigas ng tsino.Pagkatapos, kinatok niya nang magaan ang itlog upang gumawa ng isang maliit na bukasan, sinawsaw ang kanyang hintuturo upang kumuha ng puti ng itlog, pinunas ito sa isang piraso ng pasilyo, at idinikit ito sa modelo ng papel. Pagkatapos, inulit niya ang parehong proseso sa sumunod na piraso, at iba pa, hanggang ang modelo ng papel ay unti-unting nabalot ng mga piraso ng pasilyo...Ang lahat ay tahimik na nanonood habang pinipigilan ang kanilang paghinga sa takot na magambala nila ang kanyang proseso ng pag-aayos.Mabilis na lumipas ang kalahating oras.Nang tu
Nagulantang si Raymond!Kailanman ay hindi niya naisip, kahit sa kanyang panaginip, na ang pasilyo ay magbabago at magiging mas mahalagang kayamanan pagkatapos ayusin gamit ang ilang itlog!Tinuro niya si Charlie at sinabi, “Miss, ito ang lalaking umayos ng pasilyo…”Habang sumulyap si Jasmine kay Charlie, hindi niya maiwasang isipin kung paano nalaman ng isang batang lalaki ang matagal nang nawawalang pamamaraan ng pag-aayos ng isang kultural na relikya!Sa kabila ng kanyang pagdududa, nakapaglas siya ng isang magalang na ngiti at tinanong, “Hi, ako si Jasmine Moore. Paano dapat kita tawagin? Maaari ko bang malaman kung kanino mo natutunan ang pamamaraan ng pag-aayos ng relikya?”Si Jacob, na nanginginig pa rin sa gilid, ay nagulantang nang marini ang pangalan ni Jasmine Moore.Ang pamilya Moore!Ang pamilya Moore ang pinakamataas na pamilya sa Aurous Hill! Ang kanilang impluwensya ay hindi maikukumpara sa mga matataas na pamilya ng Eastcliff, pero sa Aurous Hill, sila ang nasa
Tumango si Charlie. “Naiintindihan ko.”Ang matandang lalaki ay naglabas ng isang malalim na buntong hininga, ibinulong niya, “Kung alam ko lang na may ganito kang kasanayan, hindi sana ako susugod sa’yo! Ngayon, hindi lang ako sobrang napagod, nasampal pa ako nang ilang beses! P*cha, malas naman!”Nagpatuloy siya, “Namumula pa rin ba ang mukha ko?”Sumagot si Charlie, “Kaunti.”Nagreklamo muli ang matandang lalaki. “Sabihin mo sa ina mo na nauntog ako sa poste kung itatanong niya.” Nang dumating siya sa bahay, agad na pumunta si Charlie sa supermarket upang bumili ng mga pagkain at gumawa ng hapunan para sa pamilya.Pagkatapos ay tinawagan niya ang kanyang asawa, si Claire Wilson, kung sakaling may gusto siyang kainin. Gayunpaman, may plano pala siya sa paparating na proyekto kasama si Doris Young sa gabing iyon, kaya inimbita niya si Claire upang maghapunan sa Emgrand Group.Nang marinig ang sinabi niya, sinubukan din ni Doris Young at sinabi, “Sir, ang proyekto ay isinasag
Pagdating sa Silverwing Hospital, makikita si Douglas na nakahiga sa isa sa mga kama sa may ward, nababalot ng gasgas at sugat. Mayroon din siyang cast sa kanyang kanang binti, at mukha siyang miserable. Hindi maiwasang makiramay ni Charlie. Ang lalaking ito ay niloko, nasira ang puso, at ngayon ay nababalot ng sugat.Nang makita ang pagdating ni Charlie, ang mga namamagang mata ni Douglas ay napuno, luha ang dumadaloy sa kanyang mga pisngi na parang isang ilog. “Charlie…” Napahagulgol sa iyak si Douglas.Mabagal siyang nilapitan ni Charlie at sinabi nang malambot, “Ayos lang yan, isa lang siyang asong babae, hindi siya karapat-dapat.”Nagpatuloy si Douglas, “Niligawan ko siya nang tatlong taon, halos itapon ko na ang dignidad ko sa basurahan para sa kanya! Pakiramdam ko ay isa lang akong mababang aso na nakakapit sa lahat ng makakaya ko, pero ngayon, napagtanto ko na wala akong kahit ano sa simula palang…”Tila ba nabubulunan si Douglas sa kanyang luha. “Hindi lang gustong makip
Galit na sinabi ni Lily. “Itigil mo na ang kalokohan na ito. Ang restaurant ay walang kinalaman sa iyo. Huwag kang umasa na babayaran kita ni singko! Ang painting ay pagmamay-ari ng restaurant, kung hindi mo ibibigay iyon ngayon din, tatawagan ko ang pulis at idedemanda ka sa pagnanakaw!”Si Jerome, na nakatayo sa tabi ni Lily, ay kinutya rin. “Makinig ka, bata. Pinapayuhan kita na makipagtulungan ka sa amin. Ang koneksyon ko sa Aurous Hill ay isang bagay na hindi mo gustong subukan, hindi ba? Kung hindi mo ibibigay ang painting, kailangan ko lang bisitahin ang public security bureau at ikukulong ka agad nila! Sa halagang iyon, makukulong ka sa pinakamababang sampung taon!”Ang mga luha ni Douglas ay dumaloy na parang ulan, at tinanong niya si Lily, “Wala akong ginawa kundi kabutihan sa iyo sa mga nakaraang taon, binigay ko sa’yo ang lahat ng mayroon ako! Ayos lang kung hindi mo talaga ako mahal, pero bakit mo kailangang gawin sa akin ‘to!?”Naglabas nang malamig na hagikgik si Lily
Agad na tumawag si Jerome sa kanyang selpon at sumigaw, “Zaz, nasa Silverwing Hospital ako ngayon. Magdala ka ng mga tauhan mo, may papatayin tayong bata!”Si Charlie naman, sa kabilang dako, ay hindi nag-abalang tumawag. Sa halip, nag-text siya kay Albert Rhodes: [Pumunta ka sa Silverwing Hospital, may gustong pumatay sa akin.]Agad siyang tinawagan ni Don Albert.“Mr. Wade, sino ang p*tang inang iyan?”Sumagot si Charlie nang walang pakialam, “Huwag na masyadong magsalita, basta pumunta ka.”Sumagot si Don Albert, “Huwag kang mag-alala Mr. Wade, nandyan na ako sa ilang minuto.”Nang napagtanto ni Jerome na nakikipag-usap din si Charlie sa selpon, kinutya niya. “Hah, huwag mong sabihin na may pinapunta ka bilang backup. Anong biro!”Hindi siya pinansin ni Charlie at ngumiti. “Gaya ng sabi ko kanina, mamamatay kayo sa pinakamasakit na paraan.”Tumawa si Jerome na tila ba narinig niya ang pinaka nakakatawang biro sa buong planeta. “Sino ka ba sa tingin mo? Walang mangangahas na
Kahit halatang malungkot pa rin si Charlie, nagpasya si Vera na aliwin siya. Kaya marahan niyang hinawakan ang braso ni Charlie at saka siya inakay pabalik sa daan na kanilang dinaanan. Habang naglalakad sila, nakayuko lang si Charlie, at si Vera nama’y nag-iisip kung paano niya mapapagaan ang kalooban niya. Pagkatapos ay tinanong niya siya nang medyo sabik, “Young Master, sa tingin mo ba, nagkaroon na ng mga bagong usbong na dahon ang Mother of Pu’er Tea nitong mga nakaraang araw?”Kaswal na sumagot si Charlie, “Siguro ay lumago na siya nang kaunti, at kung tungkol naman sa mga dahon, mukhang okay lang naman kung may tumubong ilang malalambot na usbong.”Ngumiti si Vera at sinabi, “Kung gano’n, pagbalik natin, pipitas ako ng ilang bagong usbong na dahon, patutuyuin ko, at magtitimpla ako ng tsaa para matikman mo.”Tinanong ni Charlie nang mausisa, “Hindi ba komplikado ang paggawa ng Pu’er tea? Di ba dapat iniimbak at pinapa-ferment muna iyon?”Napatawa si Vera at ipinaliwanag niya
Samantala, sa paanan ng bundok kung saan matatagpuan ang Quiant Monastery, hindi pa rin makapagdesisyon si Charlie na itigil ang paglalakbay. Kung aalis siya nang ganito, siguradong mabibitin siya.Pero may punto rin ang paliwanag ni Vera. Kung may isang tao na nag-abala para bigyan sila ng babala, masyado namang mayabang kung ipipilit pa rin nila ang paglalakbay. Bigla niyang napagtanto na baka nga nagiging mayabang na siya, at naalala niyang kulang pa ang lakas niya para harapin ang hindi pa niya alam.Matapos mag-isip sandali, napabuntong-hininga siya at inamin, “Tama siguro ang abbess. Mas mahina pa ako kay Fleur. Hindi dapat ako masyadong kampante. At saka, alam niya ang impormasyon natin at mga kilos, kaya hindi siya isang ordinaryong tao.”Habang nagsasalita, seryosong tumingin si Charlie kay Vera at sinabi, “Miss Lavor, mas matalino ka kaysa sa akin, mas malalim kang mag-isip at mas malinaw mong nakikita ang mga bagay. Dahil ikaw mismo ang nagsasabing itigil muna natin ito,
Sinabi ni Charlie, “Pareho pa tayong hindi sigurado kung sino talaga ang kabila. Hindi ko pwedeng isuko ang lahat ng pinlano natin dahil lang sa sinabi niya.”Nag-aalalang sinabi ni Vera, “Young Master, may nakakaalam na paparating tayo rito at kinalkula pa ang ruta natin para abangan tayo. Ibig sabihin, kilalang-kilala tayo ng taong iyon. Kahit wala siyang masamang balak, kailangan pa rin nating amining nalantad na ang mga pagkakakilanlan natin. Kung magpapatuloy tayo sa ganitong sitwasyon, kaaway man siya o kakampi, malaki ang posibilidad na mapahamak tayo.”Sandaling natulala si Charlie sa mga sinabi ni Vera. Napaisip siyang muli sa buong sitwasyon. Gaya ng sabi ni Vera, kaibigan man o kaaway ang abbess, totoo nang nalantad na sila. Kung alam na sila ng abbess, baka may iba pang nakakaalam. Kung ipipilit niyang magpatuloy, bukod sa posibleng panganib, paano kung may ibang tao pang makaalam ng tunay niyang pagkatao? Paano kung makarating pa ito sa Qing Eliminating Society? Ano na l
Nahulaan na ni Vera ang ibig sabihin ng mga sinabi ng abbess, kaya agad siyang nagtanong, “Master, ang ibig n’yo po bang sabihin ay nakadepende kay Mr. Wade kung muling mabubuhay si Master Marcius Stark?”Sinabi nang walang ekspresyon ng abbess, “Marami na akong nasabi. Subukan mong pag-isipan na lang muna ang ilang bagay, pero tandaan mo, huwag mong ipapaalam kay Mr. Wade ang tungkol dito.”Nang makita ni Vera na ayaw na talagang magsalita pa ng abbess, agad siyang nagtanong, “Master, may iba pa po ba kayong bilin?”Magalang na pinagdaup ng abbess ang mga kamay niya at sinabi, “Wala na. Matagal ko nang naring ang tungkol sayo, Miss Lavor. Ngayon na nakita kita, natupad na ang isa sa mga hangarin ko. Naghihintay pa si Mr. Wade sa paanan ng bundok, kaya bumaba ka na at subukang kumbinsihin siyang bumalik sa Aurous Hill.”Hindi pa rin sumusuko si Vera kaya agad siyang nagtanong, “Master, ano po ba ang dapat gawin ni Mr. Wade? Kung hindi siya makakausad ngayon, baka mapahamak siya. Sa
Pagkasabi nito, luluhod na sana si Vera.Nang makita ito, mabilis siyang umabante, sinuportahan ang katawan ni Vera bago pa siya makaluhod, at sinabi, “Nakita na ni Miss Lavor ang mga malalaking pagbabago sa mundo sa loob ng daang-daang taon. Hindi ako mangangahas na sumobra sa harap mo. Sana ay huwag mong gawin ang engrandeng kilos na ito.”Habang sinuportahan niya si Vera, nagpatuloy siya, “Miss Lavor, siguradong alam mo ang mga misteryo ng tadhana. Kahit sa Book of Changes at Eight Diagrams, ang pinakamaliit na pagbabago ay maaaring humantong sa napakalaking kaibahan ng resulta. Kung masyadong marami ang masasabi ko, may panganib na magkaroon ng pagkontra. Kung gusto mo talagang tulungan si Mr. Wade, mas mabuti na paliitin ang ganitong panganib. Masasabi ko sayo nang malinaw na may mga panganib para kay Mr. Wade, at kailangan mo lang siguraduhin na susukuan ni Mr. Wade ang pagpunta doon. Ito ang pinakamagandang resulta. Kung masyadong marami kayong alam ni Mr. Wade, mas malaki ang
Nang marinig ang tanong ni Vera, ipinaliwanag nang tapat ng abbess, “Sa totoo lang, Miss Lavor, ang lugar na gusto niyong puntahan ni Mr. Wade ay limampung milya lang. Pero, Miss Lavor, kahit na pwede kang pumunta doon at kahit pwedeng pumunta doon si Fleur Griffin, hindi pwedeng pumunta doon si Mr. Wade.”“Master, kilala mo si Fleur?”Nang marinig ni Vera na binanggit ng abbess si Fleur, mas lalo siyang nagulat.Hindi niya maintindihan ang katauhan ng abbess na ito, lalo na kung bakit may pambihirang abilidad siya. Isang bagay na alam niya ang tungkol sa kanila ni Charlie, pero alam niya rin ang tungkol kay Fleur.Dahil nabanggit niya ang pangalan ni Fleur, pinapatunayan nito na may alam siya sa buhay ni Fleur.Sa ibang salita, alam niya siguro na mahigit tatlong daang taon nang nabubuhay si Fleur hanggang ngayon.Palihim na natakot si Vera sa puso niya habang nakatingin siya sa abbess, iniisip niya, ‘Alam niya ang mga sikreto ni Fleur, kaya alam niya rin siguro ang sikreto ko?’
Nang makita ni Vera na walang tigil si Charlie, tumango siya nang mabilis at sinabi, “Okay! Dalawampung minuto lang!”Nang makita ito, yumuko ulit nang magalang ang madre kay Charlie at sinabi, “Sir, mangyaring maghintay ka nang kaunti.”Pagkatapos ay humarap siya kay Vera nang may magalang na ekspresyon at sinabi, “Benefactor, mangyaring sumama ka sa akin.”Tumango si Vera at ngumiti nang sigurado kay Charlie, binulong nang malambot sa tainga niya, “Mangyaring maghintay ka muna dito, Young Master. Babalik agad ako.”Tumango nang bahagya si Charlie at pinanood si Vera at ang madre na umakyat nang magkasama sa bundok.Pinanood sila ni Charlie na papalayo nang papalayo, nakita silang umakyat sa tuktok, at nakita niya na binuksan ng madre nang magalang ang pinto ng monasteryo para kay Vera. Nakita niya pa na lumingon si Vera at kumaway sa kanya bago pumasok, pero hindi niya mapigilan na mabalisa nang kaunti.Pakiramdam niya na kahit hindi masama ang kabila, nanlamig pa rin ang gulug
Nasorpresa sina Charlie at Vera sa sinabi ng madre. Hindi nila inaasahan na makikilala sila sa harap ng isang monasteryo sa Mount Tason nang hindi nailalantad kay Fleur.Kaya hindi na hinintay ni Charlie na magsalita pa si Vera at agad niyang tinanong ang madre habang may maingat na ekspresyon, “Sino ka? Nagkukunwari ka bang madre at naghuhugas ng damit dito para lang hintayin kaming dumaan?”Magalang na yumuko ang madre at pinagdaup ang kanyang mga kamay, at sinabi, “Sir, hindi ako nagkukunwaring madre. Isa akong bhikkhuni sa Quiant Monastery at doon ako nagsasanay ng Budismo. Alam ng aming abbess na dadaan kayo rito ngayong araw kaya inutusan niya akong hintayin kayo dito.”Pagkatapos ay tumingin siya kay Vera at sinabi nang tapat, “Benefactor, sinabi ng aming abbess na malalim ang koneksyon ninyo sa Budismo. Nais niya kayong imbitahan sa monasteryo para sa isang maikling pag-uusap. Hindi ito tatagal.”Pagkatapos pag-isipan saglit, bahagyang tumango si Vera at sinabi, “Sige. Aaba
Pagdating nila sa paanan ng bundok, nahati sa dalawa ang daan. Ang isa, sa kanan, ay patungo pa sa mas malalim na bahagi ng bundok. Ang isa naman, sa kaliwa, ay paakyat sa tuktok ng isang mas maliit na bundok. Ngunit kumpara sa bundok na inaakyat nina Charlie at Vera, mas maliit ito. Sa tuktok nito, may maliit na bahagi ng mapula-pulang kayumangging gusali, pero hindi malinaw kung para saan iyon.#Kahit na kalagitnaan na ng taglagas, likas na mainit at mahalumigmig ang klima sa Mount Tason. Kaya’t napakalago ng mga halaman dito. Maging ang mga dalisdis, tuktok, at lambak ay puro luntiang-lunti, at sa ilalim ng sikat ng araw, napakaganda ng tanawin, malinis at walang bahid ng modernong mundo.Nakasunod si Vera sa likod ni Charlie habang pinagmamasdan ang paligid. Napansin niya ang kagandahan ng tanawin at hindi napigilang purihin ito. “Sabi nga ng matatanda, 'ang liko-likong daan ay patungo sa tagong ganda.' Hindi ko akalaing ang daang paakyat sa Mount Tason, na datia y kinatatakutan,