Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 3931 - Kabanata 3940

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 3931 - Kabanata 3940

5741 Kabanata

Kabanata 3931

Naging makahulugan ang ngiti ni Jasmine, “Number 35, ikaw ang nagsabi ng halagang 210 billion US dollars. Ibig sabihin kaya mong magbayad ng ganitong halaga. Maliban pa rito, hindi ba bibihira lang ang pagkakataon na mapasakamay mo ang isang gaya ng Rejuvenating Pill kahit sa ganitong halaga? Kung hindi ka natutuwa at gusto mo talaga ng reauction, pwede ka nang ihatid ng staff namin palabas ng venue.”Nagpatuloy si Jasmine, “Pwede naming ibenta ang Rejuvenating Pill kay Number 16 sa halagang 72 billion US dollars. Siguro, malaki nga ang mawawalan sa amin. Matapos ang lahat, nasa 370 billion US dollars ang pinakamalaking offer sa amin kanina.”“Pero, hindi mahalaga sa amin kahit malugi pa kami ng 300 billion US dollars. Mas mahalaga na maging patas kami sa auction house na ito!”“Para sa mga gustong sumubok sa rules ng auction house namin, aalisin namin kayo agad-agad rito!”“Gagawin namin ang parehong bagay kahit ano pa ang estado niyo sa buhay at gaano pa kalaki ang net worth niyo
Magbasa pa

Kabanata 3932

“Ikaw! Ano ang sinabi mo?!”Halos mahimatay si Jordan sa kanyang kinauupuan sa pagkakataong iyon. Sa kabutihang palad, nasa tabi niya si Jarvis. Sinuportahan siya nito at pinindot nito ang kanyang pressure point sa kamay para hindi siya mawalan ng malay.Hindi nagtagal, galit na nagsalita si Jordan, “Paano nangyaring nakapagpatawag ng emergency order ang tarantadong iyon? May authority ba siya?!”Hirap na nagpaliwanag si Jace, “Nagpatawag ng board meeting si Sir at ipinakita niya ang ebidensya ng funds transfer at transactions niyo sa Swiss bank account ng group…”“Sinabihan niya ang board na lumikom ka ng 200 billion US dollars para lang bilihan ng isang hindi makatotohanang life elixir…”“Naniniwala siyang naapektuhan na raw ng kondisyon mo ang pag-iisip mo kaya wala raw kayo sa katinuan. Kung magpapatuloy kayo bilang chairman, magkakaroon raw ng malaking financial loss at magdadala ito ng peligro sa operations ng group sa hinaharap. Dahil dito, nagawa niyang magpatawag ng highe
Magbasa pa

Kabanata 3933

Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang nawalan ng pag-asa at naging emosyonal sa gabig iyon. Nagpatuloy ito na para bang walang katapusan.Pakiramdam niya nanghihina ang kanyang puso sa dami ng emosyong nararamdaman niya. Kapag nagpatuloy ito, pakiramdam niya aatakihin na siya sa puso at mauuna pa siyang malagutan ng hininga bago niya mainom ang pill.Napatitig nang matindi si Bernard kay Jordan, umaasa siyang sasambitin nito na hindi niya mababayaran ang pill. Kapag nangyari ito, mabibili ni Bernard ang Rejuvenating Pill sa halagang 72 billion US dollars!Samantala, napanatag si Kathleen nang marinig niya na may pagkakataon ang kanyang lolo na makuha ang pill. Subalit, napatalon sa gulat ang kanyang puso dahil sa kaba nang marinig niya ang galit na boses ni Jordan. Agad niyang napagtanto na kumilos agad ang kanyang first uncle para agawin ang kapangyarihan sa kamay ng kanyang lolo.Tumugon si Jace at rinig sa kanyang boses na hindi niya alam ang gagawin, “My Lord… pasensya na
Magbasa pa

Kabanata 3934

Namilipit ang ekspresyon ni Jordan dahil sa masasakit na salita na binitawan ng kanyang anak. Hindi niya inaakalang tatratuhin siya ng ganito kalupit ng kanyang mabuting anak na kinilala niyang marunong magpahalaga ng pamilya. Akala niya tinuturing siya ng kanyang anak na pinakamahalagang tao sa buhay nito. Subalit, isiniwalat ng pangit na katotohanan na kinamumuhian siya ng kanyang anak dahil sa mahaba niyang buhay.Gusto pang mapahaba ni Jordan ang kanyang buhay kaya bumiyahe siya nang malayo papunta ng Aurous Hill. Syempre, nakaramdam ng galit ang kanyang panganay na anak nang malaman ito.Kaya, pinili niyang ipakita ang tunay niyang kulay sa pagkakataong ito.Kahit ayaw aminin ni Jordan ang katotohanan, alam niyang nakuha na ng kanyang anak ang buong kontrol sa pamilya Fox sa United States. Matapos ang lahat, nagawa siyang alisan ng kapangyarihan ng kanyang anak pagkatapos makuha ang boto ng lahat ng board members.Ibig sabihin kampante ang kanyang panganay na anak na walang ma
Magbasa pa

Kabanata 3935

Agad na sinuportahan ni Jarvis ang walang malay na si Jordan. Hinawakan niya ang pulso nito agad-agad. Nang mapansin nanghihina ito at malapit na itong malagutan nang hininga, sumigaw siay nang malakas, “Hindi niya na kaya! Pakibilis, tumawag kayo ng ambulansya!”Nagbukas agad ang private room sa 2nd floor. Nakatayo si Kathleen sa likod ng railing at mabilis siyang tumakbo. Umiiyak siya habang natataranta. “Lolo! Master Yant, anong nangyari sa lolo ko?!”Napatitig si Jarvis at nakita niyang nasa 2nd floor si Kathleen. Tumugon siya nang malungkot, “Miss Kathleen, si Lord Fox… natatakot akong hindi niya na kakayanin!”Halos maglupasay si Kathleen sa pagkakataong iyon. Sumigaw siya nang malakas, “Nasa peligro ang buhay niya! Pakiusap, tumawag kayo ng ambulansya!”Binuhat ni Jarvis si Jordan mula sa kanyang upuan at inalerto niya rin ang staff. “Pakiusap, tumawag kayo ng ambulansya!”Inutusan ni Jasmine ang staff na tumawag ng emergency team agad-agad. Dahil sa takot na baka may mang
Magbasa pa

Kabanata 3936

Alam ni Kathleen na siya babalewalain ni Charlie, lalo na pagkatapos niyang bigyan ng utos ang mga tauhan niya. Nagmamadali niya silang sinundan at sumugod sa first floor.Sobrang lapit lang sa auction hall ng VIP room na nasa first floor.Dinala ni Jarvis ang naghihingalong si Jordan sa kwarto. Pinangunahan din ng staff si Kathleen.Hindi na nag-abala si Kathleen na panatilihing sikreto ang pangalawang pagkakakilanlan niya. Sa sandaling pumasok siya sa kwarto, sumugod siya sa tabi ni Jordan at tinanong nang nag-aalala, “Lolo… Lolo, gumising ka. Lolo… Ako si Kathleen. Naririnig mo ba ako?”Bumuntong hininga nang malungkot si Jarvis. “Miss Kathleen, humina na ang paghinga ni Lord Fox. Natatakot ako… Natatakot ako na hindi na niya kakayanin…”Dumaloy agada ng mga luha ni Kathleen sa kanyang pisngi. Nabulunan siya at iniyak, “Hindi… Hindi hahayaan ni Mr. Wade na mamatay nang madali si Lolo… Siguradong may paraan siya… Sigurado ako na mayroon siya…”Bumuntong hininga ulit si Jarvis.
Magbasa pa

Kabanata 3937

Tumingin si Charlie kay Jordan, pagkatapos ay kay Kathleen.Totoo, malapit nang mamatay si Jordan. Pahina na nang pahina ang paghinga niya sa bawat segundo na lumipas.Walang sinabi si Charlie habang pinanood niya ang mga nagmamakaawang mukha nina Kathleen at Chandler. Tahimik siyang naglabas ng isang Healing Pill na hinati sa dalawa mula sa kanyang bulsa. Maaga na niyang inihanda ang kalahating Healing Pill na ito.Nang nilabas niya ang pill, naging sobrang emosyonal si Kathleen sa punto na napaiyak agad siya.Halos magkamukha ang mga pills. Akala niya na ang kalahating pill na nilabas ni Charlie ay ang Rejuvenating Pill na ninanaisa ng kanyang lolo.Naalala niya ang mahimalang epekto ng Rejuvenating Pill kanina. Madaling maliligtas ng sangkapat na pill ang kanyang lolo. Kung maiinom niya ang kalahating pill, marahil ay humaba pa ng anim hanggang pito, o kahit sampung taon ang buhay niya.Nalula siya sa pananabik, at hindi niya alam kung paano pasasalamatan si Charlie. Habang wa
Magbasa pa

Kabanata 3938

Tumingin si Charlie sa matandang lalaki na nakahiga nang nanghihina sa harap niya. Ipinakilala niya ang sarili niya habang may magalang na ngiti, “Nagagalak akong makilala ka, Lord Fox. Ako si Charlie Wade.”Nakaramdam si Jordan ng kaunting lakas sa kanyang katawan. Mukhang medyo mas malakas na siya kaysa dati, kaya sinubukan niyang bumangon, pero medyo nahirapan pa rin siya. Nang nakatayo na siya, gusto niyang yumuko kay Charlie. Pero, inabot ni Charlie ang kanyang kamay at pinigilan siya.“Lord Fox, mahina ka pa rin. Hindi mo kailangan na yumuko sa akin.”Pero, para kay Jordan, pakiramdam niya na may utang na loob siya. “Mr. Wade, narinig ko na ang kadakilaan mo. Hindi ko inaasahan na makikilala kita ngayong araw… Salamat sa pagligtas mo sa akin! Kung hindi dahil sa tulong mo, marahil ay patay na ako…”Kumaway si Charlie bilang sagot. Tumingin siya kay Kathleen na nasa tabi ni Jordan at sinabi, “Ang apong babae mo dapat ang pasalamatan mo. Kung wala akong utang na loob sa kanya,
Magbasa pa

Kabanata 3939

Hindi nag-college si Charlie at hindi nakatanggap ng kahit anong angkop na tersiyaryong edukasyon. Pero, binigyan siya ng napakagandang edukasyon ng pamilya niya bago siya mag-walong taong gulang.Inaral niya ang mga classical works sa ilalim ng gabay ng kanyang ina simula noong bata pa siya. Binasa niya nang maigi ang mga libro tulad ng Records of the Grand Historian at Classic of Poetry, at naalala ang mga ito sa puso niya. Syempre, naaalala niya rin nang malinaw ang mga pangalan ng kanyang tatlong tito at bunsong tita.Hindi niya inaakala na ang Number 99 na bidder na pinalabas sa hall kanina ay ang panganay na tito niya!Iyon ang dahilan kung bakit parang pamilyar si Christian, pero hindi niya maalala kung saan niya nakita si Christian.Dahil, mahigit dalawang dekada na ang lumipas noong huli niyang nakita ang tito niya. Nagbago na nang sobra ang hitsura ng tito niya noong nasa dalawampung taon pa lang siya. Kaya, hindi nakilala ni Charlie si Christian.Inisip ni Charlie, ‘Muk
Magbasa pa

Kabanata 3940

Sa wakas ay naintindihan na ni Kathleen ang totoong pagkakakilanlan ni Charlie. Maaaring siya ang maging tagapagligtas nila.Lumuhod ulit siya sa sahig at nagmakaawa nang desperado, “Mr. Wade, pakiusap! Tulungan mo sana ang lolo ko na kunin ulit ang kapangyarihan niya…”Nagulantang si Jordan sa biglaang hiling ni Kathleen, hindi niya maintindihan kung bakit nagmakaawa ang apo niya na tumulong si Charlie.Marahil ay may mga Rejuvenating Pill si Charlie, pero kahit na bigyan niya siya ng isa, hahayaan lang nito na mabuhay siya nang mas matagal.Marahil ay mabuhay siya, pero hindi ibig sabihin na madali niyang makukuha ulit ang kapangyarihan niya sa pamilya Fox.Ang ginawa ng panganay na anak niya ay parang pinuksa na siya sa sentro ng kapangyarihan. Wala na siyang kapangyarihan, at wala siyang pamamaraan para makalaban. Bukod dito, marahil ay hindi pa siya makabalik sa United States.Maaari siyang tingnan ng anak niya na isang hadlang kapag bumalik siya sa United States. Kaya, sigu
Magbasa pa
PREV
1
...
392393394395396
...
575
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status