Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3911 - Chapter 3920

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3911 - Chapter 3920

5741 Chapters

Kabanata 3911

Dumaloy ang mga mapagpasalamat na luha ni Todd sa mga mata niya habang sinabi niya nang paulit-ulit ang pasasalamat niya.“Oo! Sa wakas ay makakatayo na ako gamit ang mga paa ko, salamat sa Rejuvenating Pill!”Sumagot si Jasmine na may kaunting ngiti, “Okay. Number 27, mangyaring bumalik ka na sa upuan mo ngayon. Magpapatuloy na ang auction namin.”Tumango nang nagmamadali si Todd bago pinunasan nang mabilis ang mga luha niya. Pagkatapos, nagmamadali siyang bumaba sa stage nang sabik.Pinanood ng lahat si Todd na naglalakad pabalik sa kanyang upuan sa maginhawang paraan. Hindi kapani-paniwalang tanawin ito.Naparalisa ang katawan ng lalaking ito mula sa kanyang leeg. Bukod sa kanyang bibig at mga mata, hindi siya makagalaw at kailangan pa niya ng tao para buhatin siya paakyat sa stage. Pero sa isang kurap, kaya na niya ulit maglakad gamit ang mga paa niya at bumaba sa stage nang walang tulong. Nagbigay ng malakas na epekto ang malaking pagkakaiba ng kanina at ngayon sa mga natulal
Read more

Kabanata 3912

Naudyok ang interes ng mga tao dahil sa sabay na pag-bid nina Chandler at Jeremiah para sa mga amulet.Hindi inaasahan ni Jeremiah na interesado rin si Chandler sa amulet. Habang nakangiti, sumenyas siya nang nag-iimbita at sinabi nang magalang, “Old Master Lennard, ikaw na ang mag-bid para sa unang amulet. Hindi ako makikipaglaban sa iyo.”Pinasalamatan siya ni Chandler habang nakangiti. “Sir Wade, salamat sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na mauna. Kung gano’n, kukunin ko na ang una. Hindi ako makikipaglaban sa iyo para sa susunod na amulet.”Tumawa si Jeremiah at tumango sa pagsang-ayon. “Magaling, magaling! Mr. Lennard, ikaw na ang mauna.”Tinaas agad ni Chandler ang kanyang kamay at nag-bid. “20 million.”Mabilis na idinagdag ni Jasmine, “Mr. Lennard, kailangan mo lang ng one million US dollars na mas mataas sa huling bid. Hindi mo kailangan mag-bid sa napakataas na presyo.”Kumaway si Chandler, “Ayos lang, ayos lang.”Walang nagawa si Jasmine kundi tumango bilang sagot.
Read more

Kabanata 3913

Sumali si Jordan sa bid sa huling sandali. Itinaas niya ang kanyang kamay nang walang bahala at sinabi, “200 million.”200 million US dollars ay doble ng huling bid, kung iaangat sa pinakamalapit na 100 million. Natakot agad ang maraming bidder sa presyo na binigay ni Jordan.Dahil, iba ang amulet sa Rejuvenating Pill. Nakita ng lahat ang mga himala ng pill, pero walang may alam na kahit ano sa lakas ng amulet.Ang pangatlong amulet ay nabenta sa halagang 200 million US dollars, marahil ay ito na ang pinakamahal na amulet sa buong mundo.Wala nang iba ang nag-alok ng presyo na mas mataas sa 200 million para sa amulet. Dahil dito, tagumpay na napanalunan ni Jordan ang bid para sa pangatlong amulet.Pagdating sa pang-apat na amulet, mabilis na tinaasan ng mga interesadong bidder ang presyo sa 150 million US dollars. Sa puntong ito, marami nang nakaisip na hindi karapat-dapat ang amulet para sa ganitong presyo at unti-unti na silang huminto na mag-bid.Biglang itinaas ng isang tao s
Read more

Kabanata 3914

Sa parehong oras, inanunsyo nang engrande ni Jasmine, “Ang susunod na item para sa auction ay ang pangatlong pill ng Rejuvenating PIll. Wala nang masyadong pagkakataon na manalo para sa bid ng Rejuvenating Pill. Kaya mangyaring samantalahin ng lahat ang pagkakataon na ito. Huwag kayong umalis nang may nagsisisi!”Sumigla ulit ang lahat dahil sa mga sinabi ni Jasmine.Nang ininom ni Todd ang pangalawang Rejuvenating Pill, ipinakita niya sa mga manonood ang mga himala na mangyayari kapag ininom ang Rejuvenating Pill.Marami ang nakakita ng walang hanggan na posibilidad. Kinuskos ng mga tao ang mga palad nila sa pagnanasa, nagpasya silang lahat na lumaban para sa pangatlong Rejuvenating Pill kahit anong mangyari.Tulad kanina, pinresenta ng staff ang Rejuvenating Pill sa isang pilak na plato sa stage.Ipinaliwanag ni Jasmine habang nakangiti, “Hindi magbabago ang panimulang presyo para sa pangatlong bahagi ng pill. Magsisimula ang bid para sa Rejuvenating Pill sa halagang 100 million
Read more

Kabanata 3915

Ang lalaki na nag-akala na madali niyang mapapanalunan ang pangatlong pill gamit ang nine billion US dollars ay umiyak nang mapait nang puwersahan siyang napasuko sa bidding. May pera siya, pero hindi niya kaya ang bagong presyo. Lampas na ito sa abilidad niya na bayaran.SA huli, ang pangatlong pill ay napanalunan ng isang Jewish businessman sa halagang 18.5 billion US dollars.May iba’t ibang chronic disease ang Jewish businessman tulad ng diabetes, hypertension, at coronary artery disease. Bilang resulta, patuloy na humina ang kalusugan niya sa bawat araw.Kailan lang, nalaman ng doktor niya na nanatiling mataas ang serum creatinine niya. Pagkatapos ng diagnosis, kinumpirma ng doktor na humihina na rin ang mga kidney niya.Kasama na ang ibang sakit niya, sinabi ng doktor na magkakaroon siya ng end-stage renal disease sa loob ng ilang taon. Sa sandaling iyon, kailangan niyang umasa sa matagal na dialysis para mapanatili ang buhay niya o umasa sa kidney transplant.Humina nang so
Read more

Kabanata 3916

Pagkatapos ma-auction ng ilang collection item, sa wakas ay malapit na ang auction sa matagal nang hinihintay na pagtatapos.Magsisimula na ang auction para sa pang-apat na bahagi ng pill. Ginamit ni Charlie ang walkie-talkie at binigyan si Jasmine ng ilang utos.“Bago magsimula ang auction para sa pang-apat na bahagi ng pill, mangyaring paalalahanan mo ang mga bidder. Para sa mga naghihintay na mag-bid para sa huling buong pill, kung medyo mapanganib ang financial strength nila, payuhan mo sila na mag-bid muna para sa pang-apat na bahagi ng pill. Kung hindi, baka wala silang mapanalunan na kahit ano.”Naintindihan ito ni Jasmine. Inanunsyo niya agad sa mga bidder, “Ang susunod na item para sa auction ay ang Rejuvenating Pill. Ito na ang pang-apat na bahagi ng pill, at ang huling bahagi ng pill para sa auction. Naniniwala ako na nakita na ng lahat ang mga mahiwagang epekto ng tatlong pill kanina. Alam ko na maraming nagsisisi dahil pinalampas niya ang pagkakataon na mapanalunan ang
Read more

Kabanata 3917

Naramdaman nila na uuwi sila nang walang nakukuha kung hindi nila sasamantalahin ang pagkakataon na mapanalunan ang huling bahagi ng pill. Alam nila na hindi bababa sa 60 o 70 billion US dollars ang presyo ng huling buong pill.Kung gagamitin nila ang matematika at kakalkulahin ang presyo, ang isang sangkapat ng pill ay mas mababa sa 20 billion US dollars. Ang problema ay, ang pagbayad ng 60 o 70 billion US dollars ay lampas na sa abilidad ng marami.Bukod dito, pinagbabawalan sila ng mga patakaran ng joint bidding. Ang mga may hindi sapat na pondo ay kailangan sumuko at subukan na lang ang sangkapat na bahagi ng pill. Kahit na mas mahal ang huling bahagi ng pill, wala silang magagawa kundi tanggapin ito at magpatuloy.May mga dahilan ang mga pumunta para sumali sa auction para sa Rejuvenating Pill, karamihan sa kanila ay sobrang tanda na o may sakit, o may mga terminal illness.Sa sandaling pumasok na ang tao sa panahon kung saan nabibilang na nila ang mga natitirang araw nila, hi
Read more

Kabanata 3918

Kahit kailan ay hindi patas ang mundo, kahit kaharap ang kamatayan.Maraming mahihirap na tao ang nakatira sa pinakamahirap na lugar sa Asia, Africa, at Latin America. Marahil ay magsanhi ng malaria ang isang baso ng hindi malinis na tubig, kukunin agad ang buhay ng isang tao.Kung ang isang ordinaryong tao ng working class ay nagkaroon ng cancer, marahil ay kaya siyang buhayin ng magandang social security system ng sampung taon pa.Sa pinakamagandang tumor hospital sa buong mundo, ang ilang pasyente ay kaya pang mabuhay sa middle at late stage cancer at mabuhay pa ng limang taon, o mas matagal pa, kumpara sa isang ordinaryo at malusog na tao.Ang mga nasa auction ay swerte na at nakapag-bid sila para sa Rejuvenating Pill at magkaroon ng pagkakataon na gumaling nang tuluyan, kahit na mayroon silang mid-stage o late-stage cancer. Kaya nilang pahabain ang buhay nila mula sa ilang buwan at gawin itong ilang taon o dekada.Ginamit ni Charlie ang special auction na ito gamit ang mga es
Read more

Kabanata 3919

Natipid niya ang pera niya at nakakuha ng napakalaking kayamanan, pero matatapos na ang buhay niya sa susunod na tatlo o anim na buwan.Nang makita ni Lee na tumigil nang mag-bid ang British billionaire, nanabik siya nang sobra sa punto na hindi na niya nakontrol ang panginginig ng katawan niya. Samantala, si Jasmine, ay natulala dahil sa mga nangyari.Ang isang sangkapat ng Rejuvenating Pill ay madaling umabot sa 38.2 billion US dollars. Lampas na ito sa kabuuang net worth ng pamilya Moore! Lampas na sa pang-unawa niya ang nangyari sa harap niya.Sa kabila ng pagkagulat niya, nanatili siyang propesyonal. Tinanong niya nang magalang, “38.2 billion US dollars once. May mas mataas na bid pa ba?”Sobrang tahimik ng hall.Hindi na nagulat ang mga tao. Sa halip, puno sila ng kawalan ng pag-asa. Sa wakas ay nahanap na nila ang himala ng buhay, pero walang nag-aakala na sobrang mahal ng himala.Pagkatapos nito, patuloy na nagtanong si Jasmine at tinawag ang presyo nang tatlong beses.
Read more

Kabanata 3920

Nang nabayaran ni Lee ang 38.2 billion US dollars, naglakad siya sa stage puno ng pag-asa.Pasuray-suray siya dahil sa kahinaan ng katawan niya, malapit nang mamatay ang katawan niya. Pinahirapan siya nang sobra ng sakit mula sa terminal cancer.Nasa punto na siya kung saan kailangan niyang turukan ng mga painkiller sa katawan niya nang ilang beses sa isang araw. Bago siya umalis sa kwarto para sumali sa auction, inutusan niya ang tauhan niya na turuakan siya ng isang dosis ng painkiller.Humina na nang sobra ang epekto ng painkiller ngayon. Sobrang sakit ng bawat hakbang na ginagawa niya.Sa kabila nito, ang katatagan ni Lee ay hindi maikukumpara sa ordinaryong tao.Bilang isang dating sundali, nabuhay siya sa gera sa pagitan ng North at South Korea. Dahil sa malupit na karanasan na ito, ginawa nito ang pambihirang katatagan niya na hanggang ngayon ay nandoon pa rin.Habang tinitiis ang pambihirang sakit, nagpasuray-suray siya sa stage. Hindi tumitigil ang sakit, pero unti-untin
Read more
PREV
1
...
390391392393394
...
575
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status