Marami ang gulat na gulat pa sa pagkakataong ito. Sa gitna nito, hindi nag-alangan si Travis na itaas ang kanyang kamay saka siya sumigaw nang determinado, “Handa akong magbayad ng 100 million US dollars!”Habang nasa monitoring room, hindi mapigilang mapangiti ni Charlie at mamangha, “Matalinong tao talaga si Travis Lane. Alam niyang hindi sapat ang financial resources niya kaya gusto niya nang makuha agad ang unang quarter ng pill. Kung hindi niya magagawang mapanalunan ito, siguradong magiging mas mahirap para sa kanya na makuha ang susunod.”“Tama ang sinabi niyo.” Itinuro ni Isaac ang naka-zoom na imahe ng mukha ni Travis. Habang nakangiti, nagsalita siya, “Tignan mo, Young Master! Ang laki ng perang binid ni Travis, pero kita mo sa mukha niya na masyadong masakit para sa kanya na gumastos ng ganito kalaki.”Napatitig si Charlie sa close-up ng mukha ni Travis at hindi niya mapigilang mapasabog ng tawa. Tumango siya habang nakangiti, “Mula sa 200 na applicants ngayong araw, mahi
Read more