Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 3871 - Kabanata 3880

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 3871 - Kabanata 3880

5738 Kabanata

Kabanata 3871

Sa pagkakataong ito, gumamit si Chandler ng posporo para sindihan ang seal incense na hinulma niya sa hugis ng lotus. Pagkatapos, kinausap niya si Charlie habang nakangiti, “Young Master Wade, ayos lang naman siguro sa inyo na amoy insenso dito, hindi ba?”Ngumiti nang bahagya si Charlie at napatitig siya sa usok na umaangat sa ere habang inaamoy niya ang kakaibang aroma ng agarwood na sinindihan ni Chandler. Gumaan ang kanyang loob at tila ba nakapagrelaks siya. Ganoon din tumugon siya, “Old Master Lennard, talagang elegante kayo. Naamoy ko lang ang ganitong klaseng seal incense noong kabataan ko kasama ang nanay ko. Pagkatapos ng ilang taon, tumatak ang amoy na ito sa memorya ko, hindi ako makapaniwalang naaamoy ko ito ulit ngayon”Tumango si Chandler at seryoso siyang nagsalita, “Isang sikat na anyo ang nanay mo sa United States. Sinasabing noong buhay pa siya, hindi siya nagsayang ng oras para i-promote ang Oskian traditional culture sa United States. Marami sa mga young ladies n
Magbasa pa

Kabanata 3872

Sa totoo lang, sa loob-loob ni Charlie, inaabangan niyang makilala ang kanyang maternal grandfather sa auction ng Rejuvenating Pill.Subalit, hindi niya alam kung bakit nararamdaman niya ang ganitong bagay.Matapos ang lahat, wala siyang balak na kilalanin ang pamilya Acker bilang kanyang mga kamag-anak.Habang pinag-uusapan ang maternal grandfather ni Charlie, tila ba nagkaroon ng biglaang interes si Chandler saka siya ngumiti, “Young Master Wade, sa totoo lang, inaabangan ko ring makita ang maternal grandfather mo sa darating na auction ng Rejuvenating Pill.”Hindi mapigilang mapatanong ni Charlie, “Old Master Lennard, bakit niyo naman iyan nasabi?”Ngumiti si Chandler saka siya tumugon, “Matagal nang nasa United States ang maternal grandfather mo at masyado na siyang westernized. Naniniwala na lang siya sa siyensya para sa lahat at tinuturing niya na mga basura ang lahat ng mga tradisyon na alam niya.”Tumango si Charlie, “Nauunawaan ko naman siya. Narinig ko sa nanay ko dati
Magbasa pa

Kabanata 3873

Nag-alangan si Chandler sa loob ng ilang sandali saka siya napatitig kay Charlie at seryoso siyang nagsalita, “Young Master, sa totoo lang, may gusto akong sabihin sa inyo pero hindi ako sigurado kung dapat ko bang banggitin o hindi.”Tumugon si Charlie, “Old Master Lennard, hindi mo kailangang maging pormal sa akin. Wala namang masama kung sasabihin mo sa akin kung ano ang nasa isip mo.”Tumugon si Chandler, “Kahit nakatakas ka na sa dragon standing predicament mo, hindi natatapos sa pagbabalik mo sa fate of the dragon ang lahat! Sa ‘Tales of Strange Matters’, nakatala na 500 taon ang ginugugol ng isang tao para maging water dragon, 1,000 taon para maging tunay na dragon, at magiging horned dragon ito sa loob ng 500 na taon saka ito magiging winged dragon sa susunod na 1,000 taon. Ibig sabihin para sa isang taong may fate of the dragon, hindi ito ang pinakamataas na tadhana, naririyan pa ang horned at winged dragon sa ibabaw nito.”Biglang pumasok sa isip ni Charlie ang nilalaman n
Magbasa pa

Kabanata 3874

Napaisip si Charlie sa mga salitang binitawan ni Chandler.Hindi niya iniisip kung pwede niya bang hiramin ang lakas ng kanyang maternal family para makamit ang mga layunin niya sa hinaharap, pero napapaisip siya na kapag mas tumaas ang daan na tatahakin niya, siguradong magiging mas makitid ang daan niya. Kung gusto niyang tumayo ang pamilya Wade sa tuktok ng mundo, darating rin ang pagkakataon na makakadaupang palad niya ang pamilya Acker sa makitid na daang ito.Hindi niya mapigilang isipin kung magiging kalaban o kaibigan niya ba ang pamilya Acker kung sakaling magkita sila sa makitid na daang ito sa hinaharap.Matapos ang lahat, isa ang pamilya Acker sa top three families of the world. Kung gustong makamit ni Charlie ang hiling ng kanyang tatay dati, hindi maiiwasang kailangang tumayo ng pamilya Wade sa mas mataas na lugar kumpara sa top three families.Kung ayaw makita ng top three families na may isang rising star sa taas nila, siguradong magkakaroon ng digmaan sa pagitan ng
Magbasa pa

Kabanata 3875

Nang marinig ni Charlie ang mga salitang ito, hindi niya mapigilang mamangha nang kaunti kay Kathleen.Talagang kakaiba ang babaeng iyon. Kahit papaano, dahil ginagamit ni Kathleen ang pagbibigay ng pabor bilang paraan para umatake, matagal nang nakapagpasya si Charlie na kung hindi mapapanalunan ng lolo ni Kathleen ang Rejuvenating Pill, bibigyan niya ito ng kalahating Healing Pill para mabuhay siya ng dagdag na dalawang taon pa.Katambal ng mga salita ni Chandler, masisiguro na ni Charlie na kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan kay Jordan habang nasa Aurous Hill siya, matatanggap niya ang kalahati ng Healing Pill para iligtas ang kanyang buhay.Alam ni Charlie na gumagamit si Kathleen ng pagbibigay ng pabor para makuha ang kanyang loob, at alam niya ring kahit anong paraan pa ang gamitin ni Kathleen, hindi pa rin ito sapat bilang kapalit ng kalahating Healing Pill.Pero, pakiramdam ni Charlie kapag hindi niya binayaran ang mga pabor na ginawa nito para sa kanya sa pagkaka
Magbasa pa

Kabanata 3876

Sa sandaling ito, naramdaman ni Kathleen na naging magulo ang lahat ng plano at ritmo niya dahil sa biglaang imbitasyon ni Charlie.Hindi niya man lang alam kung ano ang layunin ni Charlie.Gusto niya lang ba siya imbitahin na sumali sa auction, o matagal na niyang alam ang mga motibo niya, kaya sadya niyang sinasamantala ang sitwasyon?Kaya, biglang hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya.Habang hindi niya alam ang gagawin niya, nagtanong ng kasunod na tanong si Charlie, “Mis Jane, hindi ka ba interesado sa ganitong uri ng auction? Sa totoo lang, hindi mo kailangan mag-alala nang sobra. Hindi ko tinutulungan ang auction na mang-akin ng mga customer, at sa tingin ko lang ay mas magiging nakakatuwa ito, kaya, gusto kitang imbitahin, bilang isang bisita na galing sa malayo, na pumunta at enjoyin ito. Pwede mo rin pawiin ang ilang pagkabagot mo at magpalipas ng oras doon.”Habang nagsasalita si Charlie, tumawa siya at sinabi, “Dahil, kasal din ako. Hindi angkop kung iimb
Magbasa pa

Kabanata 3877

“Hindi.” Sinabi nang kaswal ni Charlie, “Paano ko kakayanin na gumawa ng kahit anong auction? Kilala ko lang ang organizer at nangako ako sa kanila na gagawan ko sila ng maliit na pabor. Kaya, nakatanggap ako ng VIP entrance ticket sa kanila.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Charlie, “Miss Jane, opisyal na magsisimula ang auction ng alas otso ng gabi sa makalawa. Dumating ka dapat sa entrance ng Shangri-La ng alas siyete ng gabi sa makalawa, at susunduin kita at ipapasok kita.”“Okay!” Mabilis na pumayag si Kathleen at ngumiti habang sinabi, “Kung gano’n, magkita tayo sa makalawa, Mr. Wade!”Sinabi ni Charlie, “Okay, magkita tayo.”Pagkatapos itong sabihin ni Charlie, idinagdag niya, “Siya nga pala, Miss Jane, huwag mo sanang sabihin sa kahit sino ang tungkol dito, lalo na kay Claire.”Hindi nasorpresa si Kathleen nang marinig ito.Ito ay dahil matagal na niyang alam na ayaw na ayaw kumuha ng atensyon ni Charlie, at sobrang lalim niyang tinatago ang lahat, lalo na sa pamilya niya. H
Magbasa pa

Kabanata 3878

Inulat din ni Kathleen ang magandang balita kay Jordan, na nasa Shangri-La pa rin, gamit ang video call sa lalong madaling panahon.Si Jordan, na galit dahil sa mahigpit na mga patakaran at regulasyon sa Shangri-La, ay biglang naliwanagan pagkatapos malaman ang balita na ito, at sinabi niya nang sabik, “Magaling, Kathleen! Mukhang hindi sayang ang lahat ng pagsisikap mo sa Aurous Hill. Siguradong si Master Wade ang mastermind sa likod ng buong auction!”Tumango si Kathleen at tumingin kay Jordan sa video habang ngumiti at pinagaan ang loob niya, “Lolo, kailangan mong magtiis muna at maghirap nang kaunti sa dalawang araw na daraan. Dadalhin kita sa hotel kung saan ako nananatili ngayon pagkatapos ng auction kahit ano pa ang resulta. Naghanda na ako ng kwarto para sayo dito.”“Okay!” Nagpasalamat si Jordan, “Ikaw pa rin ang pinaka maalalahanin at ligtas pagdating sa mga pagsasagawa ng mga bagay!”Sinabi ulit ni Kathleen, “Lolo, nasa VIP private room ako sa araw ng auction, at hindi t
Magbasa pa

Kabanata 3879

Dahil sa malakas na pagsasaayos ni Charlie, hindi nakaramdam ng pagbabago sa siyudad ng Aurous Hill ang mga ordinaryong mamamayan sa pagdating ng dalawang daan na top tycoon bukod sa katotohanan na puno ang lahat ng parking space sa mga airport ng ilang nakapalibot na siyudad.Kung hindi dahil sa malakas na pangangailangan ni Charlie na kailangan sumunod ng mga taong ito sa lahat ng regulasyon, magiging miserable ang traffic sa Aurous Hill dahil sa mga taong ito sa pamamagitan lang ng pagdala ng mga motorcade nila at mga bodyguard.Opisyal nang magsisimula ang auction para sa Rejuvenating Pill ngayong araw.Medyo naiinip na rin ang mga top tycoon na pumunta para sumali sa auction.Sumailalim sila sa house arrest ng dalawang araw sa Shangri-La, at pinipigilan nila ang galit at inis nila habang hinihintay na magsimula ang auction.Sa 12.pm ng hapon, naglabas ng mga written notice ang staff sa lahat ng kalahok.Pinaalam ng paunawa sa kanila na magdadala ng mga pagkain ang hotel staf
Magbasa pa

Kabanata 3880

Nang marinig ito ni Jordan, ngumiti siya nang kumpiyansa habang pinagdaup niya ang mga kamay niya at sinabi, “Tatanggapin ko ang mapalad na salita mo ngayong gabi, Master Yant!”Pagkasabi nito, tumayo siya mula sa sofa, at si Jarvis, na nasa tabi niya, ay nagmamadaling umabante para tulungan siya. Pagkatapos nito, lumabas sila nang magkasama sa kwarto ng hotel.Pagkatapos nilang lumabas sa kwarto, isa-isa na ring lumabas ang ibang tao sa mga nakapalibot na kwarto.Sa mga taong ito, magkakahalo ang hitsura ng mga eastern at western, at dahil pare-pareho ang suot ng lahat, medyo mahirap makilala ang bawat isa.Akala ni Jordan na may makikilala siyang ilang tao, pero sa sorpresa niya, hindi niya inaasahan na puno ng mga hindi pamilyar na mukha ang palapag kung nasaan siya.Isa-isang pumunta sa elevator hall ang lahat ngunit ang nakita lang nila ay dalawang security guard na nakatayo sa pasukan ng elevator hall. Mayroong blangkong hitsura ang dalawang ito sa kanilang mukha habang sina
Magbasa pa
PREV
1
...
386387388389390
...
574
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status