Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3861 - Chapter 3870

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3861 - Chapter 3870

5738 Chapters

Kabanata 3861

Ito ang unang beses na nakita ni Vivian na hindi mapakali ang store manager.Sa kanyang impresyon, magaling ang kanyang store manager at kaya nitong resolbahan ang kahit anong problema. Nagagawa nitong makipaglaro sa mga mayayamang tao at young ladies na bumibisita dito. Napapalabas niya ang pera mula sa kanilang mga bulsa at napaparamdam niya rin sa kanila na dapat silang magpasalamat sa kanya.Kaya sa mga mata ni Vivian, tinuturing niyang idolo ang kanyang store manager at role model na gusto niyang tularan sa buhay.Simula nang pumasok si Vivian sa tindahang ito, nagbago ang buong pananaw niya sa buhay.Kung hindi dahil nagtatrabaho siya sa isang luxury store, hindi sana malalaman ni Vivian na ang mga mararangyang taong iyon na madalas masungit sa mga pangkaraniwang tao at mapagmataas na para bang kaya nilang abutin ang langit ay magpapakumbaba para lang makuha ang loob ng mga salesperson sa luxury shops.Kung hindi siya nakapasok sa tindahang ito, hindi sana malalaman ni Vivia
Read more

Kabanata 3862

Ganoon din, hindi nangahas si Vivian na tumakbo pabalik sa shop na pinagtatrabahuan niya, sa halip, tumakbo siya palabas ng shopping mall papunta sa kasalungat na direksyon. Pagkatapos, umikot siya nang malayo saka siya bumalik sa Hermes store.Bilang resulta, hindi siya nagawang habulin ng nanay na may buhat-buhat na anak at hinayaan na lamang siya nitong tumakas.Hinahapo si Vivian nang makabalik siya sa tindahan, pero bago pa siya makahinga nang maayos, nakita niyang miserable ang itsura ng kanyang mga kasamahan at madilim ang ekspresyon sa kanilang mukha na para bang nawalan sila ng 1,000,000 dollars.Higit sa lahat, hindi maipaliwanag ang ekspresyon ng store manager—namumula ang kanyang mga mata na para bang katatapos niya lang umiyak.Agad na lumapit si Vivian para magtanong, “Manager, anong problema niyo? May nangyari ba?!”Napatitig ang store manager kay Vivian, galit siyang humakbang saka niya ito sinipa hanggang sa matumba ito sa sahig. Sumigaw siya, “Vivian Wynne! P*tan
Read more

Kabanata 3863

Hindi inaakala ng store manager na sasambitin ni Den ang mga salitang ito sa kabila ng sitwasyon.Agad siyang nagalit at nagngitngit ang kanyang ngipin habang nagmumura siya, “Wala bang ibang nasa kokote ng g*gong gaya mo kundi pera?! Sinisante na nila tayong lahat! Wala tayong makukuha ni isang kusing! Sinabi ng group na nagdulot tayo ng serious damage sa brand at may karapatan silang kasuhan tayo dahil nagkaroon sila ng immeasurable huge losses sa reputation! Baka nga tayo pa ang magbayad sa kanila!”Nagulantang si Den, tila ba tinamaan siya ng kidlat sa pagkakataong ito. Para bang nandidilim ang paningin niya at malapit na siyang mawalan ng malay.Nakabalik lang si Den sa kanyang huwisyo salamat sa kanyang katrabahong babae na lumapit sa kanya para buhusan siya ng nagyeyelong tubig direkta sa mukha.Sa pagkakataong ito, umiyak si Den at napabulalas siya, “Paano nangyari ang bagay na ito?! Kung hindi nila ako bibigyan ng commission, paano ako magbabayad para sa kotse sa susunod n
Read more

Kabanata 3864

“T*ng i*a mo!” Nagmura si Benedict saka siya bumulalas, “Hindi ba nangako kang hindi ka magkakaroon ng problema sa bayad?!”Sumagot si Den na para bang nawawalan na siya ng pag-asa, “Hindi ko rin inaasahan ang bagay na ito… Ngayon, 80% ang posibilidad na hindi ako makahanap ng pera. Kaya, pakiusap tulungan mo akong ibalik ang kotse!”Napatikom ng bibig si Benedict saka siya tumugon, “Den, hindi naman dahil ayaw kong tulungan ka. Pero, wala talaga akong magagawa sa puntong ito…”Habang nagsasalita, nagpatuloy si Benedict, “Nagbayad ka na sa bank account ng car dealership namin, at pumirma ka na rin ng kontrata gamit ang video recording. Finorward ko na ang video mo sa boss ko, at pumayag na rin ang boss ko na itabi ang kotseng ito para sa’yo dahil nagbayad ka na rin ng 100,000 dollars. Kung gusto mong ibalik ang kotse, masasabing breach of contract ito, at ayon sa terms ng contract, hindi mo na makukuha ang pera mo kung sakaling hindi ka na tutuloy.”Nang marinig ni Den ang mga sali
Read more

Kabanata 3865

Tumugon si Benedict na para bang wala na siyang magagawa, “Mas mabuti pa rin iyan kaysa mawalan ka ng 100,000 dollars, hindi ba? Imposible nang makatakas ka sa sitwasyong ito nang walang nawawala sa’yo, kaya ang magagawa mo lang ay bawasan ito!”Nagulantang nang bahagya si Den. Napaisip siya sa kanyang sarili at totoo nga namang tama ang sinabi ng kanyang kaibigan. Wala na siyang ibang magagawa kundi bawasan ang mawawalang pera sa kanya sa ganitong paraan.Nang maisip ito, agad na nagsalita si Den, “Benedict, tulungan mo akong makausap ang kakilala mo na nagpapautang. Gusto kong makuha agad ang kotse at ibenta ito agad para bumalik na ang pera ko…”Sumagot si Benedict, “Walang problema. Bibigyan kita ng address at phone number. Direkta ka nang pumunta sa kanya. Banggitin mo lang ang pangalan ko at sa tingin ko bibigyan ka niya ng 20% discount sa interest.”Puno ng pasasalamat na sumagot si Den, “Maraming maraming salamat, Benedict!”“Walang anuman.” Tugon ni Benedict, “Magkaibigan
Read more

Kabanata 3866

Karaniwang bagay lamang sa mundong ito na gumamit ng mga kakilala at kaibigan para mapilit ang mga biktima na kumuha ng loan.Ang pinakamadali sa lahat ng paraang ito ay gumamit ng isang kakilala.Higit sa lahat, sa tuwing nagiging matagumpay ang isang kakilala, magbibigay ito ng lakas sa isang indibidwal na gawin rin ang parehong bagay.Mahirap unawain ang second hand car market. Kung mas malalim ang tiwala mo sa mga kaibigan mo, mas madali ka ring maloloko ng iba.Dating pinaparentahan sa Newcoe Hill ang Porsche 718 na gustong makuha ni Den. Isa itong refurbished car galing sa Sudbury na nabili sa mababang presyo ng isang car rental agency sa Newcoe Hill. Nagawang bawiin ng car rental agency ang ginastos nila para sa pagpapaayos ng sasakyang ito sa pamamagitan ng pagpaparenta nito sa halagang mahigit sa 1,000 dollars bawat araw.Anim na buwan ang nakararaan, nirentahan ng dalawang kabataan na katatanggap lang ng kanilang driver’s license ang sasakyang ito sa Newcoe Hill. Sa kasa
Read more

Kabanata 3867

“Salamat!” Niyapos ni Den ang kanyang mga palad saka siya nagsalita ng puno ng sabik at pasasalamat, “Kukunin ko na ang kotseng ito. Sabihan mo na lang ang kaibigan mo na kontakin ako pagkatapos ng ilang araw. Ililibre kita ng masarap na hapunan kapag naibenta ko na ang sasakyang ito!”Kumaway si Benedict at naging seryoso ang ekspresyon sa kanyang mukha, “Hindi mo na ako kailangang ilibre. Hindi rin naman ito madali para sa’yo!”Pagkatapos ng limang minuto, nakaramdam si Den ng matinding pasasalamat sa kanyang kaibigan pagkaalis niya ng car dealership sakay ng kanyang pinapangarap na Porsche 718.Sa pagkakataong ito, hindi niya alam kung anong klase ng bangungot ang naghihintay para sa kanya dahil sa kotseng ito.Hindi niya rin alam na hindi lang siya mawawalan ng 100,000 dollars, pero magkakaroon rin siya ng isang high-interest loan at darating sa puntong kailangan niyang umasa sa kanyang mga magulang para ibenta ang kanilang bahay at tulungan siyang bayaran ang kanyang utang.*
Read more

Kabanata 3868

Nang marinig ito ni Kathleen, hindi niya mapigilang mapasabog sa tawa.Hindi niya inaakalang hindi pala mapipigilan si Charlie pagdating sa kanyang pamamaraan para kumita ng pera.Ilang libong dolyar lang naman ang halaga ng isang treadmill at ang pinakamahal nasa 10,000 US dollars lang rin ang presyo. Pero, gustong maningil nila Charlie ng halos 100,000 US dollars para sa treadmill na ilang araw lang magagamit ng isang tao. Masasabing masyado itong mahal.Sa pagkakataong ito, hindi mapigilang mapabuntong hininga ni Jordan, “Parang gustong pumatay ng tao ng Shangri-La. Masyado silang maraming paraan para mangolekta ng pera sa puntong hindi mo aakalain!”Agad na tumugon si Kathleen para aluin ang kanyang lolo, “Lolo, maliit na bagay lang naman ang perang ito para sa atin. Hindi mo na kailangang isipin ang bagay na ito, hayaan mo na lang sla.”“Alam ko ang sinasabi mo.” Naiiritang sagot ni Jordan, “Nauunawaan ko rin naman ang konseptong iyan, pero hindi ko lang inaasahan na wala sil
Read more

Kabanata 3869

Sa parehong pagkakataon, binibigyan ni Isaac si Charlie ng detalyadong report, “Young Master, sa kasalukuyan, lahat ng applicants para sa auction ay kasalukuyang tumutuloy sa Shangri-La. Walang kulang sa kanila. Maliban dito, darating rin ang backup candidates mula rank 201 hanggang 220 sa Aurous Hill, isa pagkatapos ng isa, bukas.”Tumango nang bahagya si Charlie saka siya nagbigay ng utos, “Huwag niyong singilin ng kahit anong halaga ang mga backup candidates. Mukhang sasamahan na lang nila ang runners natin at natatakot akong hindi rin sila qualified para pumasok sa venue natin.”“Sige, Young Master.” Tugon ni Isaac saka siya muling nagtanong, “Young Master, hahayaan ba nating masayang ang biyahe nila papunta rito? Matapos ang lahat, marami sa kanila ang nanggaling sa ibang bansa, sigurado akong nakakapagod rin para sa kanila na pumunta rito.”Napaisip si Charlie sa loob ng ilang sandali saka siya nagsalita, “Bakit hindi na lang ito ang gawin natin? Kung hindi sila magkakaroon ng
Read more

Kabanata 3870

Samantala, hinihintay ni Chandler na kontakin siya ni Charlie pagkatapos niyang magcheck-in sa executive building.Alam niyang wala siyang sapat na financial strength para makipaglaban sa mga top tycoons na tumungo ng Aurous Hill kaya pumunta lang siya rito para makipagkita kay Charlie. Nang kontakin siya ni Isaac, tumugon siya nang walang pag-aalangan, “Pakisabi kay Young Master Wade na handa akong maka-usap siya kahit kailan. Maghihintay ako.”Nang marinig ito ni Charlie, hindi na siya nag-alangan pa. Sinabihan niya agad si Isaac na dalhin siya sa executive building kung nasaan ang kwarto ni Chandler.Nang magkita sila, magalang na nagsalita si Charlie, “Old Master Lennard, nagkita na rin tayo sa wakas.”Pinagyapos ni Chandler ang kanyang mga kamay saka siya yumuko at magalang na tumugon, “Young Master Wade, ako dapat ang bumati sa inyo!”Agad na inabot ni Charlie ang braso ni Chandler para suportahan ito saka siya nagwika, “Old Master Lennard, masyado naman kayong pormal. Bak
Read more
PREV
1
...
385386387388389
...
574
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status