Sa sandaling ito, naramdaman ni Kathleen na naging magulo ang lahat ng plano at ritmo niya dahil sa biglaang imbitasyon ni Charlie.Hindi niya man lang alam kung ano ang layunin ni Charlie.Gusto niya lang ba siya imbitahin na sumali sa auction, o matagal na niyang alam ang mga motibo niya, kaya sadya niyang sinasamantala ang sitwasyon?Kaya, biglang hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya.Habang hindi niya alam ang gagawin niya, nagtanong ng kasunod na tanong si Charlie, “Mis Jane, hindi ka ba interesado sa ganitong uri ng auction? Sa totoo lang, hindi mo kailangan mag-alala nang sobra. Hindi ko tinutulungan ang auction na mang-akin ng mga customer, at sa tingin ko lang ay mas magiging nakakatuwa ito, kaya, gusto kitang imbitahin, bilang isang bisita na galing sa malayo, na pumunta at enjoyin ito. Pwede mo rin pawiin ang ilang pagkabagot mo at magpalipas ng oras doon.”Habang nagsasalita si Charlie, tumawa siya at sinabi, “Dahil, kasal din ako. Hindi angkop kung iimb
“Hindi.” Sinabi nang kaswal ni Charlie, “Paano ko kakayanin na gumawa ng kahit anong auction? Kilala ko lang ang organizer at nangako ako sa kanila na gagawan ko sila ng maliit na pabor. Kaya, nakatanggap ako ng VIP entrance ticket sa kanila.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Charlie, “Miss Jane, opisyal na magsisimula ang auction ng alas otso ng gabi sa makalawa. Dumating ka dapat sa entrance ng Shangri-La ng alas siyete ng gabi sa makalawa, at susunduin kita at ipapasok kita.”“Okay!” Mabilis na pumayag si Kathleen at ngumiti habang sinabi, “Kung gano’n, magkita tayo sa makalawa, Mr. Wade!”Sinabi ni Charlie, “Okay, magkita tayo.”Pagkatapos itong sabihin ni Charlie, idinagdag niya, “Siya nga pala, Miss Jane, huwag mo sanang sabihin sa kahit sino ang tungkol dito, lalo na kay Claire.”Hindi nasorpresa si Kathleen nang marinig ito.Ito ay dahil matagal na niyang alam na ayaw na ayaw kumuha ng atensyon ni Charlie, at sobrang lalim niyang tinatago ang lahat, lalo na sa pamilya niya. H
Inulat din ni Kathleen ang magandang balita kay Jordan, na nasa Shangri-La pa rin, gamit ang video call sa lalong madaling panahon.Si Jordan, na galit dahil sa mahigpit na mga patakaran at regulasyon sa Shangri-La, ay biglang naliwanagan pagkatapos malaman ang balita na ito, at sinabi niya nang sabik, “Magaling, Kathleen! Mukhang hindi sayang ang lahat ng pagsisikap mo sa Aurous Hill. Siguradong si Master Wade ang mastermind sa likod ng buong auction!”Tumango si Kathleen at tumingin kay Jordan sa video habang ngumiti at pinagaan ang loob niya, “Lolo, kailangan mong magtiis muna at maghirap nang kaunti sa dalawang araw na daraan. Dadalhin kita sa hotel kung saan ako nananatili ngayon pagkatapos ng auction kahit ano pa ang resulta. Naghanda na ako ng kwarto para sayo dito.”“Okay!” Nagpasalamat si Jordan, “Ikaw pa rin ang pinaka maalalahanin at ligtas pagdating sa mga pagsasagawa ng mga bagay!”Sinabi ulit ni Kathleen, “Lolo, nasa VIP private room ako sa araw ng auction, at hindi t
Dahil sa malakas na pagsasaayos ni Charlie, hindi nakaramdam ng pagbabago sa siyudad ng Aurous Hill ang mga ordinaryong mamamayan sa pagdating ng dalawang daan na top tycoon bukod sa katotohanan na puno ang lahat ng parking space sa mga airport ng ilang nakapalibot na siyudad.Kung hindi dahil sa malakas na pangangailangan ni Charlie na kailangan sumunod ng mga taong ito sa lahat ng regulasyon, magiging miserable ang traffic sa Aurous Hill dahil sa mga taong ito sa pamamagitan lang ng pagdala ng mga motorcade nila at mga bodyguard.Opisyal nang magsisimula ang auction para sa Rejuvenating Pill ngayong araw.Medyo naiinip na rin ang mga top tycoon na pumunta para sumali sa auction.Sumailalim sila sa house arrest ng dalawang araw sa Shangri-La, at pinipigilan nila ang galit at inis nila habang hinihintay na magsimula ang auction.Sa 12.pm ng hapon, naglabas ng mga written notice ang staff sa lahat ng kalahok.Pinaalam ng paunawa sa kanila na magdadala ng mga pagkain ang hotel staf
Nang marinig ito ni Jordan, ngumiti siya nang kumpiyansa habang pinagdaup niya ang mga kamay niya at sinabi, “Tatanggapin ko ang mapalad na salita mo ngayong gabi, Master Yant!”Pagkasabi nito, tumayo siya mula sa sofa, at si Jarvis, na nasa tabi niya, ay nagmamadaling umabante para tulungan siya. Pagkatapos nito, lumabas sila nang magkasama sa kwarto ng hotel.Pagkatapos nilang lumabas sa kwarto, isa-isa na ring lumabas ang ibang tao sa mga nakapalibot na kwarto.Sa mga taong ito, magkakahalo ang hitsura ng mga eastern at western, at dahil pare-pareho ang suot ng lahat, medyo mahirap makilala ang bawat isa.Akala ni Jordan na may makikilala siyang ilang tao, pero sa sorpresa niya, hindi niya inaasahan na puno ng mga hindi pamilyar na mukha ang palapag kung nasaan siya.Isa-isang pumunta sa elevator hall ang lahat ngunit ang nakita lang nila ay dalawang security guard na nakatayo sa pasukan ng elevator hall. Mayroong blangkong hitsura ang dalawang ito sa kanilang mukha habang sina
Nang makita ni Jordan na parang medyo matamlay si Jarvis at nakita ang nagulantang na histura ng kabila nang humarap siya sa kanya, hininaan niya ang boses niya at tinanong, “Master Yant, anong problema mo?”Natauhan si Jarvis, at sinabi niya rin sa mahinang boses, “Lord Fox, ang lahat ng security personnel dito ay mga martial artist…”“Ano?!” Napabulalas si Jordan, “May dose-dosenang security personnel dito, at lahat sila ay mga martial arts expert?!”“Oo!” Tumango si Jarvis at nagpatuloy nang sigurado, “At ang pinaka mahina sa kanila ay three-star martial artist!”Nagulantang si Jordan, at hindi niya mapigilan na ibulong, “Paano nagkaroon ng napakaraming martial arts expert sa maliit na siyudad tulad ng Aurous Hill… Hindi ba’t kaunti na lang ang mga martial arts expert sa bansa kailan lang?!”Sinabi ni Jarvis sa mahinang boses, “Hindi ko alam.. Kung gano’n, mukhang sobrang lakas ng boss sa likod ng auction na ito.”Sa sandaling ito, isang malakas na sigaw ant narinig, “035! Bak
Sa sandaling ito, hindi na mapantayan ang pananabik ni Jeremiah, at sinabi niya sa medyo hindi maintindihan na boses, “C-Charlie… Ikaw… Bibigyan mo ba talaga ako ng kalahating Rejuvenating Pill?!”Ngumiti nang bahagya si Charlie, tumango, at sinabi, “Makikipagbiruan ba ako sa mga ganitong bagay? Makasisiguro ka na maghahanda ako ng kalahating Rejuvenating Pill para sayo sa auction site ngayong gabi. Pagdating ng oras, si Miss Moore, ang organizer, ay pasasalamatan ka sa publiko para sa suporta mo para sa auction, at bibigyan ka niya ng Rejuvenating Pill. Ang kailangan mo lang gawin ay kainin ang kalahating Rejuvenating Pill sa harap ng lahat.”Hindi inaasahan ni Jeremiah na makukuha niya ang gusto niya sa auction ngayong gabi. Hindi niya mapigilan na masiyahan nang sobra at nanginig ang buong katawan niya sa pananabik habang sinabi niya, “Huwag kang mag-alala, Charlie. Gagawin ko ang lahat ng ipapagawa mo sa akin sa oras na iyon!”Tumango si Charlie at sinabi kay Jeremiah, “Lolo, ma
“Mabuti naman.” Tumango nang kuntento si Charlie at tinanong si Zayne, “Walang kakaibang nahanap sa lugar ngayong araw, tama?”Umiling si Zayne at sinabi nang nagmamadali, “Mr. Wade, nagpalagay ako ng maraming tagong camera sa mga magaling kong tauhan pati na rin ang mga thermal imaging at life monitoring system na gumagamit ng mga pinakamagandang teknolohiya sa paligid ng hotel. Marami ring sundalo mula sa Ten Thousand Armies ang nagtatago sa mga anino. Hinding-hindi nila hahayaan ang kahit sinong kahina-hinalang tao na makapasok sa Shangri-La.”“Mabuti naman.” Ngumiti si Charlie, nasiyahan siya. “Kung ang Ten Thousand Armies ang mamamahala, magiging magaan ang pakiramdam ko sa seguridad dito kasama ang mga brothers.”Ngumiti si Zayne, “Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para sigurado na walang butas ang seguridad ng auction, Mr. Wade!”Tumango si Charlie sa kanya sa pagsang-ayon. Sa sandaling iyon, biglang tumunog ang cellphone niya.Si Kathleen ang tumatawag, ang pang-ap
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl