Nang isigaw ni Travis ang kanyang bid, napaisip siya sa kanyang sarili…’10 billion Oskian dollars na ang limit ko. Mas mabuting hindi na ako makipagkumpitensya sa dalawang iyon. Ayaw kong sayangin ang oras ko. Magiging walang puso na lang ako at dadagdagan ko ng 300 million US dollars ang presyo! Tignan na lang natin kung sinoang maglalakas loob na humabol!’Akala ni Travis matatakot ang dalawang high bidders sa ginawa niya. Sa kanyang sorpresa, agad na nag-angat ng kamay ang dalawang bidders sa halos magkaparehong pagkakataon.Sumigaw ang Middle Eastern tycoon, “Mag-aalok ako ng 1.7 billion!”Mas naging agresibo pa ang African tycoon. Humiyaw siya, “2 billion! Mag-aalok ako ng 2 billion!”Nadurog si Travis sa pagkakataong ito at wala na siyang magawa kundi sumuko. Sumalampak siya sa kanyang upo at tila ba pinagpapawisan ng malamig ang kanyang likod.Alam niyang hindi na siya pwedeng magpatuloy sa bidding.Hindi niya matanggap na kailangan niyang magbayad ng mahigit sa limang
Ganoon din, nagpasya ang Middle Eastern tycoon na gamitin si Number 47 African tycoon bilang lab rat. Mapagpasensya niyang inobserbahan ang mga participants at napansin niyang wala ng ibang may balak na itaas pa ang presyo.Hindi naman tanga ang mga taong naririto. Nakikita nilang malala ang Parkinson’s disease ni Number 47 at matindi rin ang panginginig nito. Gusto nilang makit kung talagang gagaling siya agad pagkatapos niyang mapanalunan at inumin ang quarter ng Rejuvenating Pill.Samantala, nag-anunsyo si Jasmine, “Ladies and gentlemen, nasa 2 billion US dollars na ang kasalukuyang presyo ng unang quarter ng Rejuvenating Pill. Calling once, twice. Kung may iba pang bidders na gustong magbigay ng kanilang offer, ito na ang huli niyong pagkakataon bago ako tumawa ng pangatlong beses. Pakitaas na lang ang kamayniyo kung sakali.”Nanatiling tahimik ang buong venue. Determinado silang makita muna kung ano ang epekto ng pill.Hindi mapigilang mag-abang ng lahat na matapos na ang firs
Bago pa man umangal ang katiwala, agad na nagbabala ang African tycoon, “Huwag kang magsalita ng kalokohan!”Ganoon din, agad na napatahimik ang katiwala.Pagkatapos, dahan-dahang naglakad ang African tycoon papunta sa stage habang nanginginig at sinusuportahan ng kanyang katiwala at isang sundalo mula sa Ten Thousand Armies.Mahigit sa 400 na katao ang nasa baba ng stage na nanonood habang nanginginig na umaakyat ang African tycoon sa stage. Makakarating ang isang malusog na tao sa stage sa loob ng 30 na segundo, pero inabot ng pito hanggang walong minuto sa paglalakad lamang ng maiksing distansya ang African tycoon.Nang makarating siya sa stage, nanginginig pa rin ang buong katawan niya.Halos masiraan ng bait si Travis sa laki ng halagang binayad ng African tycoon na ito. Nagngitngit ang kanyang ngipin sa kawalan ng kontento habang pinapanood niyang dahan-dahangkumilos ang African tycoon.Napamura siya, “T*ng i*a! Masyado naman nanginginig ang g*gong ito sa stage! Nahihilo ak
Hindi madidismaya ang kahit sinong iinom ng Rejuvenating Pill.Sa pagkakataong natunaw ang pill sa loob ng bibig ng African tycoon, naramdaman niyang naging mainit na daluyong ito na dumaloy papunta sa kanyang tiyan saka ito kumalat sa kanyang katawan.Isang nakamamanghang pakiramdam na hindi niya pa nararanasan kahit kailan ang lumitaw sa kanya. Pakiramdam niya para bang naaninagan siya sa liwanag ng Diyos, bawat bahagi ng kanyang katawan magaan ang pakiramdam.Biglaan, naramdaman niyang may nagbabago nang dahan-dahan sa kanyang basic five senses. Sumunod, nawala ang panginginig sa kanyang katawan.Matagal na siyang sanay sa kanyang panginginig dahil sa kanyang sakit. Pero, hindi niya alam ang gagawin ngayong nawala na ito nang biglaan.Higit sa lahat, kalmado at hindi gumagalaw ang buo niyang paligid. Hindi siya sigurado kung nabawasan ba ang kanyang panginginig o bumagal lang ang kanyang panramdam.Hindi lamang siya ang nalilito. Lahat rin ng naroroon, hindi mapigilang magtaka
Ganoon din, may sumigaw na hindi ito panaginip. Isa itong milagro!Samantala, napaluha sa panghihinayang ang Middle Eastern tycoon na nagpasya na isuko ang oportunidad kanina.Hinawakan niya nang mahigpit ang kanyang dibdib at sinampal niya nang paulit-ulit ang kanyang pisngi. Nasasamid niyang kinausap ang kanyang sarili, “Masyado kang madamot! Bakit ba ang tipid mo?! Ano naman ang silbi ng pera mo? Ano? Hindi mo ito madadala kahit sa kabaong mo!”Sumunod, tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang dalawa niyang kamay saka siya humagulgol.Hindi lamang siya ang nagkaroon ng matinding panghihinayang. Marami sa kanila ang nagulantang nang matindi nang masaksihan nila ang milagrong ito sa harap ng kanilang mga mata. Balak nilang panoorin lamang ang buong auction kanina, nagdududa sila sa epekto ng pill. Ngayon, halos mamamatay sila sa pagsisisi.Marami sa participants ang kayang magbayad ng 2 billion US dollars. Marami rin sa naririto ang may terminal illnesses at wala na silang ibang
Marami ang nagulantang nang makita nilang sumisigaw si Travis na para bang nasisiraan ng bait.Walang nag-aakala na marririnig nilang may nakatanggap na ng isang buong pill mula sa mga participants ngayong araw.Marami ang hindi naniniwala sa sinasabi ni Travis. Maliban dito, masyadong mahal ang Rejuvenating Pill. Siguradong galing sa isang kilala at maimpluwensyang pamilya ang taong kayang bumili ng buong pill nito. Subalit, marami sa kanila ang hindi nakakakilala kay Travis. Kaya, inisip nilang nagsasalita lang ito ng walang kuwentang bagay.May iilan pang nagkaroon ng hinuha na wala na sa tamang katinuan si Travis pagkatapos masaksihan ang milagrosong epekto ng Rejuvenating Pill. Matapos ang lahat, napalagpas niya ang pagkakataon na makuha ito.Nasisiraan na ng bait si Travis at wala na siyang ibang gustong gawin kundi ilabas ang kanyang sama ng loob.Nagalit siya sa tingin ng mga participants na para bang nagdududa sa kanya. Sa galit niya, agad siyang sumigaw, “Ano? Bakit kayo
Naibenta sa halagang 2 billion US dollars ang unang Rejuvenating Pill. Subalit, marami sa mga naririto ang walang kakayanan na magbayad ng ganitong halaga.Siguradong mas tataas pa ang presyo nito ngayong nasaksihan na ng lahat ang nakamamangha nitong epekto. Para sa mga hindi nakaabot sa top 200 sa listahan, pati na rin ang ibang nasa mababang ranks, mababa ang posibilidad na magawa nilang makakuha ng isang pill kahit ubusin pa nila ang lahat ng kayamanan na mayroon sila.Dahil dito, agad na bumagsak ang nararamdaman ng mga taong ito sa loob lang ng ilang segundo. Sa isang bigla, naranasan nilang makarating ng langit at bumagsak sa impyerno.Habang mabigat ang loob, lalong hindi makontrol ng lalaki ang kanyang hagulgol.Pinanood ni Jasmine ang matandang ito. Ganoon pa man, pwede lang siyang kumilos ayon sa kanyang responsibilidad. “Number 201, handa ka bang palitan si Number 55 sa bidding? Kung hindi, ipapasa ko ang imbitasyon kay Number 202.”Nagpatuloy sa paghagulgol nang mapai
Natapos nang perpekto ang auction para sa unang quarter ng Rejuvenating Pill sa pagkakataong iyon. Pagkatapos, nagsimula na si Jasmine sa pagpapakilala ng ikalawang item ngayong gabi.Layunin ng auction na makuha ang atensyon at pagnanasa ng mga participants. Magsisimula muna sila sa isang quarter ng Rejuvenating Pill para masabik ang audience. Sumunod, magbebenta sila ng ilang piling mga antique pieces ng Vintage Deluxe para pataasin ang tensyon. Kapag nagsimula nang maubusan ng pasensya ang mga participants, saka lang nila ilalabas ang ikalawang quarter ng Rejuvenating Pill. Pagkatapos, muling uulit ang cycle.Inilabas ng auction house ang ikalawang auction item, isa itong kulay asul at puting plato ng sinaunang panahon.Sa parehong pagkakataon, sa labas ng auction hall, dinala ng sundalo si Travis sa backstage ng lounge. Gaya ng utos ni Charlie, lahat ng bidder na maaalisan ng karapatang sumali sa bidding, hindi pwedeng umalis agad. Makakaalis lang sila kapag opisyal nang natapos
Dahil sa mga sinabi ni Merlin, biglang naging malinaw sa mga tao ang lahat ng nangyari.Sa napakaraming taon, hindi maintindihan ng mga Acker kung bakit nakipag-away si Curtis, na puno ng husay sa panitikan at may maginoong kilos, sa pamilya Rothschild sa magaspang na paraan. Kahit si Charlie ay hindi maintindihan kung bakit kinalaban ng kanyang ama ng pamilya Rothschild. Sa matagal na panahon, naisip pa ni Charlie na ang mga sobrang yaman at makapangyarihan ng pamilya Rothschild pa ang mga salarin sa likod ng pagpatay sa mga magulang niya.Pero ngayong araw, pagkatapos makipag-usap nang matagal sa pamilya ng kanyang lolo at kay Merlin, sa wakas ay naintindihan na niya kung bakit kumilos nang ganito ang kanyang ama dati. Gusto niya lang gumawa ng maayos na distansya mula sa pamilya Wade at kahit sa mga Acker.Marahil ay napagtanto na niya at ng kanyang ina na may kaharap silang panganib at gusto nilang dumistansya sa dalawang pamilya para protektahan sila.Hindi mapigilan ni Keith
Umiling si Christian at sinabi, “Hindi ako interesado sa mga bagay na iyon, kaya hindi ko ito binigyan ng atensyon.”Tinanong ulit ni Charlie, “Alam mo ba kung saan napunta ang libro na ito pagkatapos?”Patuloy na umiling si Christian. “Hindi ko alam… Pagkatapos pag-aralan ng mga magulang mo ang libro na iyon, pumunta sila sa Oskia para sa ilang kadahilanan. Para naman sa kung saan napunta ang libro, hindi rin ako sigurado.”Tumango si Charlie. Mukhang ang pag-alis ng mga magulang niya sa United States at pagpunta sa Oskia ay iba sa iniisip niya dati.Dati, naalala ni Charlie na naging malamig ang kanyang lolo sa kanyang ama, kaya palagi niyang iniisip na bumalik ang mga magulang niya sa Eastcliff dahil sa iba’t ibang pressure mula sa kanyang lolo, at ito ang naglatag ng pundasyon para sa kanilang pagkamatay sa hinaharap. Ngayon, mukhang aksidente nilang nakuha ang Preface to the Apocalyptic Book habang nasa United States, at pagkatapos saliksikin ang libro, nagpasya sila na bumali
Hindi mapigilan ni Christian na bumuntong hininga at sabihin, “Oo… dati, walang sumeryoso sa sinabi ng kapatid ko. Akala namin na marahil ay sinusundan niya ang kanyang asawa para aralin ang ilang kakaibang bagay at marahil ay medyo nahuhumaling na siya. Pero, hinding-hindi namin inaakala na magkakatotoo ang maraming sinabi niya na hindi kapani-paniwala.”Nang makita ni Charlie ang nagsisising ekspresyon sa mukha ni Keith, agad napawi ang mga dating reklamo ni Charlie. Kaya, nagsalita siya para pagaanin ang kalooban niya, “Lolo, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Sa lakas ng Qing Eliminating Society, kung masasangkot ang buong pamilya Acker, posible na nawasak na tayo nang tuluyan dalawampung taon na ang nakalipas. Lampas sa imahinasyon mo ang lakas ng Qing Eliminating Society. Kung gusto nilang puksain ang mga Acker, sobrang dali nito para sa kanila.”Bumuntong hininga si Keith at sinabi, “Naranasan ko na ang kapangyarihan nila sa New York dati. Hindi ko talaga inaasahan na m
Sa una ay balak ni Charlie na maghapunan kasama ang lolo at lola niya bago pumunta sa Scarlet Pinnacle Manor para makipagkita kay Vera, kaya hindi siya nagmamadali na tanungin si Vera tungkol sa mga tiyak na detalye ng kapalaran ng ascending dragon.Sa kailaliman ng puso niya, nabigla pa rin siya mula sa gulat sa nakaraan ng mga magulang niya.Nang marinig niya mula sa kanyang tito na sinasaliksik ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas, nakaramdam si Charlie ng malaking pagbabago sa pananaw niya sa kanyang mga magulang.Hinding-hindi niya inaakala na may malalim na ugnayan ang mga magulang niya pagdating sa cultivation. Bukod dito, hinding-hindi niya inaakala na nakuha ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Para kay Charlie, ang pagbubunyag na ito ay kasing-lakas ng pagsabog ng isang nuklear.Aksidenteng nakuha ng kanyang ama ang Preface to the Apocalyptic Book,
Ang panimulang bahagi ay karaniwang ang pambungad na impormasyon bago ang pangunahing laman. Kaya, pakiramdam ni Charlie na kung ang libro talaga na nakuha ng kanyang ama dati ay tinatawag na ‘Preface to the Apocalyptic Book’, marahil ay ito nga ang panimulang bahagi sa Apocalyptic Book!Nang maisip ito, tinanong niya nang mabilis, “Uncle, pagkatapos makuha ng aking ama ang libro na ito, ano pa ang mga sinabi o ginawa niya na hindi mo maintindihan o nag-iwan ng malalim na alaala sayo?”Nag-isip saglit si Christian at sinabi, “May sobrang daming kilos ng iyong ama na hindi ko maintindihan. Naghanap siya ng mga sinaunang libro at materyales kung saan-saan at naglakbay pa siya kasama ang iyong ina nang ilang beses, minsan ay ilang buwan pa. Pero sa oras na iyon, akala ko na medyo kakaiba ang isipan ng iyong ama, kaya hindi ko masyadong binigyan ng atensyon kung ano talaga ang ginagawa niya.”Sa puntong ito, biglang may naalala si Christian at sinabi, “Oh, naaalala ko na binanggit nang
Matagal nang alam ng mga Acker na ang benefactor nila at ang benefactor ng pamilya Fox ay ang parehong tao. Pero, nang malaman ni Christian na ang tao sa likod, na may mga mata at tainga kahit saan, ay ang nawawala niyang pamangkin ng dalawampung taon, medyo hindi pa rin siya makapaniwala.Sa sandaling ito, hindi itinago ni Charlie ang kahit ano at sinabi nang kalmado, “Sa araw ng auction para sa Rejuvenating Pill, balak ni Mr. Fox na bilhin ang Rejuvenating Pill. Pero, sinamantala ng kanyang anak ang pagkakataon na kunin ang kapangyarihan mula sa kanya. May ilang koneksyon ako kay Miss Fox, kaya tinulungan ko sila nang kaunti.”Tumango nang magaan si Christian at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may pambihirang abilidad ang panganay na pamangkin ko. Ang galing mo talaga!”Si Merlin, na kanina pa tahimik, ay nagsalita, “Christian, huwag mong kalimutan na kahit ang buhay ko ay niligtas ni Mr. Wade.”Natauhan si Christian at sinabi, “Oo, tama. Talagang kahanga-hanga ito! Dati ay
Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka
Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “
Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis