Natapos nang perpekto ang auction para sa unang quarter ng Rejuvenating Pill sa pagkakataong iyon. Pagkatapos, nagsimula na si Jasmine sa pagpapakilala ng ikalawang item ngayong gabi.Layunin ng auction na makuha ang atensyon at pagnanasa ng mga participants. Magsisimula muna sila sa isang quarter ng Rejuvenating Pill para masabik ang audience. Sumunod, magbebenta sila ng ilang piling mga antique pieces ng Vintage Deluxe para pataasin ang tensyon. Kapag nagsimula nang maubusan ng pasensya ang mga participants, saka lang nila ilalabas ang ikalawang quarter ng Rejuvenating Pill. Pagkatapos, muling uulit ang cycle.Inilabas ng auction house ang ikalawang auction item, isa itong kulay asul at puting plato ng sinaunang panahon.Sa parehong pagkakataon, sa labas ng auction hall, dinala ng sundalo si Travis sa backstage ng lounge. Gaya ng utos ni Charlie, lahat ng bidder na maaalisan ng karapatang sumali sa bidding, hindi pwedeng umalis agad. Makakaalis lang sila kapag opisyal nang natapos
Sumang-ayon si Travis, “Tama ang sinabi niyo, Master Wade…”Napatitig si Travis kay Charlie at nasamid siya nang kaunti. Nag-aalangan siya, pero sa huli, napagpasyahan niyang makiusap, “Maste Wade, nagmamakaawa ako sa inyo sa huling pagkakataon. Kasalanan ko kung bakit nawalan ako ng oportunidad na makasali sa auction ngayong taon, pero pakiusap huwag mo akong alisan ng pagkakataon sa hinaharap!”Mahigpit na tumugon si Charlie, “Mr. Lane, gumawa ako ng ganitong malaking event para maakit ang mga best players sa mundo. Kailangan kong masiguro na patas ang lahat. Kung hindi ko ito magagawa, paano pa ako magpapatuloy sa hinaharap?”“Pero hindi…” Gusto sanang ipaliwanag ni Travis ang kanyang sarili, pero agad siyang pinutol ni Charlie at sumenyas pa ito gamit ang kanyang kamay.“Mr. Lane, matatanda na tayong lahat. Nilabag mo ang rule namin kaya kailangan mong tanggapin ang resulta nito.”Nag-aalangan pa si Travis pero alam niyang wala siyang karapatan na makipagtawaran kay Charlie.
Kumalma na rin ang nagbabagang emosyon ni Travis pagkatapos ng suhestiyon ni Charlie.Nagdagdag si Charlie, “Kung gano’n, Mr. Lane, pwede ka nang magpahinga at umalis kapag natapos na ang auction. Tandaan mo ang sinabi ko kanina. Sasabihan ko si Doris Young ng Emgrand Group. Kokontakin ka na lang niya para sa updates.”Nakaramdam ng matinding pasasalamat si Travis kay Charlie. Habang puno ng luha ang mukha, yumuko siya, “Master Wade, maraming salamat! Hindi ko makakalimutan ang kabutihan niyo sa akin!”Nagdagdag rin siya, “Babalik ako agad ng Lancaster ngayong gabi para magpatawag ng meeting at kausapin ang mga katiwala ko. Pag-uusapan namin kung paano namin ililipat ang mga businesses namin sa Aurous Hill sa pinakamabilis na panahon. Kung kailangan niyo ang tulong ko, Mr. Wade, sabihan niyo lang ako. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tulungan ka!”Tumango si Charlie habang nakangiti. “Oo naman. Dito ka muna at mag-isip-isip ka. Mauuna na ako.”Agad na tumugon si Travis, “N
Umabot ng napakataas na presyo ang ikalawang quarter ng pill sa loob lang ng ilang segundo, pero tumaas pa ito nang tumaas sa puntong 5 billion dollars na ang highest bid ngayon. Ganoon pa man, nagpatuloy pa rin ang lahat.“5 billion and 10 million!”“Bakit sampung milyon lang ang dinadagdag mo? Handa akong magbayad ng 5.5 billion!”“Handa akong magbigay ng 5.8 billion! 5.8!”Napatitig ang Middle Eastern tycoon sa kanyang paligid, nagulantang siya nang matindi. Akala niya malakas na ang kanyang loob nang magsimula siya sa pag-aalok ng 2 billion US dollars. Sa hindi inaasahang pagkakataon, tinutulungan niya pa ang iba na bumuo ng hype.Mukhang nasisiraan na ng baita ng lahat—5.8 billion US dollars? Ilang tao ang may kakayahang magbayad ng ganyan?Nang maisip ito, nanghinayang ang Middle Eastern tycoon na napalagpas niya ang pagkakataong makuha ang unang quarter ng pill. Nawalan siya ng pag-asa at napuno siya ng panghihinayang.Ganoon din, nagngitngit ang kanyang ngipin. Muli siya
Nag-bid si Todd ng seven billion, pero hindi natakot ang mga kalaban niya kahit dito.Bigla, isa pang mayaman na tycoon ang nagtaas ng kanyang kamay at nag-bid, “7.2 billion!”Namutla ang Oskian na tycoon na nag-bid ng 5.8 billion at 6.8 billion kanina.Malaki ang bid niya, pero limitado ang mga pondo niya.Ang pinakamalaki na kaya niya ay nasa eight billion o kaunti pa. Masaya niyang tinaasan ang bid dahil gusto niyang takutin ang mga kalaban niya bago niya itinaas ang bid sa itaas na limitasyon.Gagana ang estratehiya niya sa pag-bid para sa mga karaniwang nilalabas sa auction. Pero, hindi ordinaryong bagay ang pinaglalabanan nila sa bid ngayon. Nagbi-bid sila para sa buhay nila!Ang mga may malalang sakit ay nakita ito bilang magandang pagkakataon na gumaling sila nang tuluyan. Sapat na ang isang bahagi bahagi ng pill para pahabain ang buhay nila ng kahit sampung taon.Marami sa kanila ay nasa 50 at 60 na. Pagkatapos nilang magkaroon ng malalang sakit, ilang araw na lang ang
Gumawa ng malaking kaguluhan sa ballroom ang unang auction para sa isang bahagi ng Rejuvenating Pill. Nagkagulo ang lahat, nawawala sa isipan habang patuloy silang nag-bid.Sa puntong ito, ang pinakamalakas lang ang posibleng mapanalunan ang isang bahagi ng pill na ito. Ang mga hindi kabilang dito ay ang mga taong balak makipaglaban para sa huling Rejuvenating Pill.Kung gano’n, mas mabuti na ang mga mas malakas ang manalo sa pangalawang pill. Kung wala siya, malaki ang posibilidad na bumaba ang presyo ng dalawang sunod na pill. O gano’n ang inisip ng iba.Kaya, maraming tao na kayang magpatuloy mag-bid ay sumuko sa huli. Akala nila na sila ang mga pinakamatalino, pero maling-mali sila. Marami sa hall ang nakaisip nito.Bilang resulta, nang tinaasan ni Todd ang presyo sa 10 billion US dollars, sumuko ang huling kakumpetensiya niya at tumigil nang mag-bid.Akala ng huling kalaban niya na siya na ang pinakamalakas na bidder sa sandaling wala na si Todd sa laban. Dahil, nang nag-bid
Ang paraplegia ay hindi magagamot ayon sa medisina. Pero, sobra talaga ang Rejuvenating Pill sa paggamot ng paraplegia.Nagkaroon din ng ganitong aksidente si Jacob, at haos katulad ng kaya Todd ang injury niya. Pero, gumamit lang si Charlie ng kalahating healing pill para gamutin si Jacob.Ang healing pill ay mas mababa kaysa sa Rejuvenating Pill. Kaya, ang isang bahagi ng Rejuvenating Pill ay mahigit pa sa sapat para gamutin ang paraplegia ni Todd.Sa tulong ng tauhan niyta sa tabi niya, tinawagan ni Todd ang kanyang finance auditor. Nagmamadali niyang inutusan sila na ipadala ang 10 billion US dollars direkta sa ibinigay na account ng auction house, kitang-kita ang pagkainip niya sa buong proseso.Kinumpirma ni Jasmine ang resibo ng payment at inanunsyo, “Katatanggap ko lang ng kumpirmasyon mula sa finance ko. Mangyaring batiin natin si Number 27 sa stage para inumin ang pangalawang Rejuvenating Pill ngayong gabi!”Hindi na makapaghintay si Todd. Sumenyas siya sa tauhan niya ga
Ilang segundo pa lang simula nang ininom ni Todd ang Rejuvenating Pill. At sa ngayon ay bumalik na ang kanyang pakiramdam at naramdaman na niya ang init sa kanyang katawan. Ito ay patunay na epektibo ang pill at kaya nitong gamutin ang kanyang paraplegia.Pero, hindi nagtagal ang tuwa ni Todd. Pagkatapos nito, agad niyang naramdaman ang alon ng mga malubhang sakit sa kanyang katawan.Ang sigaw ng tuwa ni Todd ay naging ungol ng sakit, at maraming napatalon sa takot dahil sa tunog. Sobrang sakit ng buong katawan niya, pero hindi ito maikukumpara sa sakit na umaatake sa paa’t kamay niya.Dahil sobrang tagal na ng muscle atrophy niya, humanong ito sa sobrang sakit na ito. Pero dahil nakukuha ang muscle atrophy sa pagiging paralisado, hindi nararamdaman ng naparalisadong pasyente ang kahit anong sakit, kasama na ang sakit mula sa muscle atrophy.Ginamot ng Rejuvenating Pill si Todd simula sa kanyang nervous system. Ngayong nakakaramdam na ulit siya, sinaktan siya ng sobra ng malubhang
Dahil sa mga sinabi ni Merlin, biglang naging malinaw sa mga tao ang lahat ng nangyari.Sa napakaraming taon, hindi maintindihan ng mga Acker kung bakit nakipag-away si Curtis, na puno ng husay sa panitikan at may maginoong kilos, sa pamilya Rothschild sa magaspang na paraan. Kahit si Charlie ay hindi maintindihan kung bakit kinalaban ng kanyang ama ng pamilya Rothschild. Sa matagal na panahon, naisip pa ni Charlie na ang mga sobrang yaman at makapangyarihan ng pamilya Rothschild pa ang mga salarin sa likod ng pagpatay sa mga magulang niya.Pero ngayong araw, pagkatapos makipag-usap nang matagal sa pamilya ng kanyang lolo at kay Merlin, sa wakas ay naintindihan na niya kung bakit kumilos nang ganito ang kanyang ama dati. Gusto niya lang gumawa ng maayos na distansya mula sa pamilya Wade at kahit sa mga Acker.Marahil ay napagtanto na niya at ng kanyang ina na may kaharap silang panganib at gusto nilang dumistansya sa dalawang pamilya para protektahan sila.Hindi mapigilan ni Keith
Umiling si Christian at sinabi, “Hindi ako interesado sa mga bagay na iyon, kaya hindi ko ito binigyan ng atensyon.”Tinanong ulit ni Charlie, “Alam mo ba kung saan napunta ang libro na ito pagkatapos?”Patuloy na umiling si Christian. “Hindi ko alam… Pagkatapos pag-aralan ng mga magulang mo ang libro na iyon, pumunta sila sa Oskia para sa ilang kadahilanan. Para naman sa kung saan napunta ang libro, hindi rin ako sigurado.”Tumango si Charlie. Mukhang ang pag-alis ng mga magulang niya sa United States at pagpunta sa Oskia ay iba sa iniisip niya dati.Dati, naalala ni Charlie na naging malamig ang kanyang lolo sa kanyang ama, kaya palagi niyang iniisip na bumalik ang mga magulang niya sa Eastcliff dahil sa iba’t ibang pressure mula sa kanyang lolo, at ito ang naglatag ng pundasyon para sa kanilang pagkamatay sa hinaharap. Ngayon, mukhang aksidente nilang nakuha ang Preface to the Apocalyptic Book habang nasa United States, at pagkatapos saliksikin ang libro, nagpasya sila na bumali
Hindi mapigilan ni Christian na bumuntong hininga at sabihin, “Oo… dati, walang sumeryoso sa sinabi ng kapatid ko. Akala namin na marahil ay sinusundan niya ang kanyang asawa para aralin ang ilang kakaibang bagay at marahil ay medyo nahuhumaling na siya. Pero, hinding-hindi namin inaakala na magkakatotoo ang maraming sinabi niya na hindi kapani-paniwala.”Nang makita ni Charlie ang nagsisising ekspresyon sa mukha ni Keith, agad napawi ang mga dating reklamo ni Charlie. Kaya, nagsalita siya para pagaanin ang kalooban niya, “Lolo, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Sa lakas ng Qing Eliminating Society, kung masasangkot ang buong pamilya Acker, posible na nawasak na tayo nang tuluyan dalawampung taon na ang nakalipas. Lampas sa imahinasyon mo ang lakas ng Qing Eliminating Society. Kung gusto nilang puksain ang mga Acker, sobrang dali nito para sa kanila.”Bumuntong hininga si Keith at sinabi, “Naranasan ko na ang kapangyarihan nila sa New York dati. Hindi ko talaga inaasahan na m
Sa una ay balak ni Charlie na maghapunan kasama ang lolo at lola niya bago pumunta sa Scarlet Pinnacle Manor para makipagkita kay Vera, kaya hindi siya nagmamadali na tanungin si Vera tungkol sa mga tiyak na detalye ng kapalaran ng ascending dragon.Sa kailaliman ng puso niya, nabigla pa rin siya mula sa gulat sa nakaraan ng mga magulang niya.Nang marinig niya mula sa kanyang tito na sinasaliksik ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas, nakaramdam si Charlie ng malaking pagbabago sa pananaw niya sa kanyang mga magulang.Hinding-hindi niya inaakala na may malalim na ugnayan ang mga magulang niya pagdating sa cultivation. Bukod dito, hinding-hindi niya inaakala na nakuha ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Para kay Charlie, ang pagbubunyag na ito ay kasing-lakas ng pagsabog ng isang nuklear.Aksidenteng nakuha ng kanyang ama ang Preface to the Apocalyptic Book,
Ang panimulang bahagi ay karaniwang ang pambungad na impormasyon bago ang pangunahing laman. Kaya, pakiramdam ni Charlie na kung ang libro talaga na nakuha ng kanyang ama dati ay tinatawag na ‘Preface to the Apocalyptic Book’, marahil ay ito nga ang panimulang bahagi sa Apocalyptic Book!Nang maisip ito, tinanong niya nang mabilis, “Uncle, pagkatapos makuha ng aking ama ang libro na ito, ano pa ang mga sinabi o ginawa niya na hindi mo maintindihan o nag-iwan ng malalim na alaala sayo?”Nag-isip saglit si Christian at sinabi, “May sobrang daming kilos ng iyong ama na hindi ko maintindihan. Naghanap siya ng mga sinaunang libro at materyales kung saan-saan at naglakbay pa siya kasama ang iyong ina nang ilang beses, minsan ay ilang buwan pa. Pero sa oras na iyon, akala ko na medyo kakaiba ang isipan ng iyong ama, kaya hindi ko masyadong binigyan ng atensyon kung ano talaga ang ginagawa niya.”Sa puntong ito, biglang may naalala si Christian at sinabi, “Oh, naaalala ko na binanggit nang
Matagal nang alam ng mga Acker na ang benefactor nila at ang benefactor ng pamilya Fox ay ang parehong tao. Pero, nang malaman ni Christian na ang tao sa likod, na may mga mata at tainga kahit saan, ay ang nawawala niyang pamangkin ng dalawampung taon, medyo hindi pa rin siya makapaniwala.Sa sandaling ito, hindi itinago ni Charlie ang kahit ano at sinabi nang kalmado, “Sa araw ng auction para sa Rejuvenating Pill, balak ni Mr. Fox na bilhin ang Rejuvenating Pill. Pero, sinamantala ng kanyang anak ang pagkakataon na kunin ang kapangyarihan mula sa kanya. May ilang koneksyon ako kay Miss Fox, kaya tinulungan ko sila nang kaunti.”Tumango nang magaan si Christian at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may pambihirang abilidad ang panganay na pamangkin ko. Ang galing mo talaga!”Si Merlin, na kanina pa tahimik, ay nagsalita, “Christian, huwag mong kalimutan na kahit ang buhay ko ay niligtas ni Mr. Wade.”Natauhan si Christian at sinabi, “Oo, tama. Talagang kahanga-hanga ito! Dati ay
Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka
Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “
Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis