Nakita ni Jordan ang mahimalang paggaling ni Todd mula sa upuan niya sa pangalawang hilera. Agad gumaling ang mga paa’t kamay ni Todd at naging normal ulit ang mga ito, hindi na sila mukhang mahina at maitim na patpat katulad kanina.Syempre, gulat na gulat si Jordan. Binulong niya kay Jarvis n nasa tabi niya, “Master Yant, malawak ang kaalaman mo. May narinig ka na ba na ganitong pull sa mundong ito.?”Umiling si Jarvis na may nakatulalang tingin. Kahit siya ay nagulat.Bilang isang martial artist, ang pang-unawa niya sa mga hindi kilalang katangian ng mundo ay mas malalim kaysa sa ordinaryong tao. Pero kahit gano’n, hindi pa siya nakakakita ng mahimalang medisina tulad nito.Binulong niya, puno ng emosyon, “Lord Fox, sa totoo lang, hindi pa ako nakakakita ng ganito kahiwagang medisina… Ang ganitong uri ng kapangyarihan na kayang pasiglahin ang kalusugan ay lampas na sa kaalaman ko.”Humagikgik si Jordan bago sinabi sa taimtim na tono, “Sa totoo lang, dahil sa eksenang ito, naala
Read more