Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3921 - Chapter 3930

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3921 - Chapter 3930

5741 Chapters

Kabanata 3921

Pero, unti-unting naging mas matatag ang tingin niya habang pinunasan niya ang mga luha niya.Ito rin ay isang mahalagang sandali kung saan nagkaroon siya ng bagong pang-unawa sa pera. Kahit gaano pa kayaman ang isang tao, hindi nila madadala ang pera nila pagkatapos nilang mamatay.Anong mali sa paggastos ng mahigit 38 billion US dollars? Ang pangwakas na misyon ng kayamanan ay pagsilbihan ang buhay!Pinanood ng audience ang payat na matandang lalaki na may maputlang mukha na bumalik sa isang masiglang hitsura sa isang iglap lang. Ang nakakagulat, mukhang masigla at malusog na siya ulit, tila ba naibalik niya ang nawalang kabataan niya. Napuno ng inggit ang mga nanonood dahil sa nakita nila.Hindi lang inggit ang naramdaman nila. Marami ang nasaktan, dahil nabili na ang lahat ng sangkapat na pill sa auction at kinain na na mga nararapat na may-ari.Ang huling Rejuvenating Pill na nasa auction ay ang buong pill.Marami ang hindi mapigilan isipin ang tungkol sa buong epekto ng pil
Read more

Kabanata 3922

Naririnig ni Jeremiah ang marami at malabong bulungan sa paligid niya.Dahil dito, mas lalo siyang nanabik. Ang tuwa niya ay nanggagaling sa pill, pero karamihan dito ay dahil sa kasikatan niya.Nakikita dati sa nakaraan na nanghihina ang pamilya Wade sa mga mata ng mundo, dahil napuwersa silang isuko ang kalahati ng pag-aari nila sa Ten Thousand Armies. Pinag-usapan sila, minaliit, at kinutya ng mga tagalabas.Sumama nang sobra ang kalooban ni Jeremiah dahil sa mga alaala na ito. Gusto niyang i-anunsyo sa mundo na hindi sinakop ng Ten Thousand Armies ang pamilya Wade. Hindi! Sa kabaliktaran, sila ang sumakop at nangibabaw sa Ten Thousand Armies!Sa kabila nito, alam ni Jeremiah na walang balak ang magaling na apo niyang si Charlie na ipaalam ang katotohanan na ito sa kahit sinong tagalabs. Mananatiling lihim ang totoong relasyon sa pagitan ng pamilya Wade at Ten Thousand Armies, tulad sa kagustuhan ni Charlie.Wala nang mas gusto pa si Jeremiah kaysa sa ipagyabang ang katotohanan
Read more

Kabanata 3923

Unti-unting kumupas ang mga malalalim na kulubot sa kanyang balat, at nawala ang mga dark spot sa kanyang bilat, parang isang mahika.Makikita na bumabata siya. Binabalik talaga ng pill ang oras!Gamit lang ang kalahating pill, bumata si Jeremiah ng sampung taon. Nagbago siya mula sa isang matanda na may kulay-puting buhok at naging isa siyang medyo matandang lalaki na may bahagyang kulay-abong buhok. Ang sinaunang mukha niya ay may bakas na ngayon ng masiglang pagkabata.Nanumbalik ang impresyon ng mga tao sa epekto ng kalahating Rejuvenating Pill.Makalipas ang ilang segundo, nalampasan nila ang kanilang gulat at nagkagulo ulit sa usapan. Maririnig ang mga bulungan mula sa ibaba ng stage.“Jusko! Sobrang kahanga-hanga na ng epekto ng kalahating pill! Mukhang sampung taon na mas bata na ngayon si Jeremiah Wade!”“Hindi ito kapani-paniwala! Kung may ganitong epekto na ang kalahating Rejuvenating Pill, hindi ba’t mas maraming himala ang mayroon sa buong pill?!”“Halata iyon! Sigu
Read more

Kabanata 3924

Ang huling buong pill ang finale ng buong auction na pinananabikan ng lahat.Habang marami sa kanila ang hindi makalaban para sa huling Rejuvenating Pill, gusto nilang malaman kung sino ang may kapangyarihan at lakas para magwagi. Gusto rin nilang malaman ang potensyal na mahimalang epekto ng isang buong pill.Mabilis na dinala ng staff ang buong pill sa stage. Sumenyas si Jasmine ditoat inanunsyo nang nakangiti, “Ang huling buong pill ng Rejuvenating Pill ay magsisimula sa bid na 10 billion US dollars. Ang bawat bid ay dapat 100 million US dollars o mas mataas pa. Maaari nang mag-bid ang mga interesado!”Sa sandaling natapos ni Jasmine ang pangungusap niya, itinaas ni Bernard ang kanyang kamay at nag-bid agad.“Mag-bi ako ng 50 billion!”Alam ni Bernard na ang huling presyo sa pinakamababa ay isang dosenang bilyon, lalo na nang nabenta ang huling sangkapat ng pill sa halagang 38.2 billion US dollars. Kaya, tinaasan niya agad ang presyo bilang warm-up.Buong gabing naghintay si J
Read more

Kabanata 3925

Abala ang lahat sa paghuhula ng mga totoong pagkakakilanlan ng Number 35 at Number 39. Samantala, ang Number 16, si Bernard, ay bumagsak na sa labis na pagdaramdam niya.Sa papel, siya ang may pinakamataas na net worth sa listahan ng mga bisita ngayong gabi. Pero, hindi niya inaasahan na matatanggal siya sa kompetisyon para sa huling Rejuvenating Pill sa loob lamang ng ilang minuto.Nasira agad ang isipan niya dahil sa kawalan ng pag-asa at pagsisisi.Kung alam niya lang na mangyayari ito! Mag-aalok siya ng 50 billion para sa huling sangkapat na pill sa pang-apat na auction kaysa maghintay sa huling auction, kung saan matatanggal siya pagkatapos ng ilang bid.Si Kathleen, na nasa private room, ay natulala sa biglaang pagbabago ng mga pangyayari. Hindi niya makita ang mukha ni Carlson, pero sa tono ng lalaki, mukhang wala sa kanya ang 110 billion US dollars.Sa sitwasyon ngayon, marahil ay mahirapan ang kanyang lolo na mapanalunan ang Rejuvenating Pill.Hindi lang si Kathleen ang
Read more

Kabanata 3926

Napuno ng pagkamuhi ang puso ni Jordan, tila ba nanunuot ito sa kanyang mga ugat. Hindi niya lang talaga maunawaan kung bakit nakikipagkumpitensya si Carlson sa kanya. Pinupuwersa siya nito sa puntong masisiraan na siya ng bait.Malinaw naman kay Carlson kung ano ang sitwasyon ni Jordan. Maliban dito, matagal na rin silang magkakilala. Kahit hindi masasabing matalik silang magkaibigan, kailangan bang maging malupit ni Carlson?Bilang na lang ang oras ni Jordan at maaaring bawian siya ng buhay ilang araw lang pagkatapos ng auction na ito. Kung mapapalagpas ni Jordan ang pagkakataong ito para makuha ang pill, masasabing tapos na ang buhay niya.Nasa 50s pa lang naman si Carlson. Bakit kailangan niyang makipagkumpitensya kay Jordan?Kung kailangan ni Carlson ang Rejuvenating Pill, madali niya itong makukuha sa auction sa susunod na taon.Pakiramdam ni Jordan sinasadya ni Carlson na gawin ito sa kanya.Samantala, mahirap naman ang posisyon ni Carlson. Wala siyang magagawa sa sitwasyo
Read more

Kabanata 3927

Ibig sabihin naabot na ni Jordan ang kanyang limit at hindi na siya pwedeng magpatuloy sa bidding.Sa kabila ng hamong nasa harap niya, ayaw pa ring sumuko ni Jordan. Napaisip siya sa kanyang sarili, ‘Sinabi ng auction house na dapat makapagbayad kami sa loob ng kalahating oras. Maghahanap ako ng paraan sa pagkakataong iyon. Baka makahanap ako ng pera sa ibang paraan!’Napagpasyahan ni Jordan na sumubok sa kabila ng peligro. Muli niyang inangat ang kanyang kamay saka siya nagsalita, “Mag-aalok ako ng 210 billion US dollars!”Alam ni Jordan na ito na ang huling bidding niya sa gabing ito.Kapag nagpatuloy pa si Carlson, alam niyang wala na siyang magagawa kundi sumuko. Kapag nangyari iyon, kailangan niya nang maghanda para harapin ang kanyang burol.Alam niyang may koneksyon si Kathleen sa may-ari ng Rejuvenating Pill. Pero, ayaw niyang ilagay ang pag-asa niya kay Kathleen lalo na ngayong napakataas na ng presyo ng Rejuvenating Pill. Kung hindi niya ito makukuha, imposible namang m
Read more

Kabanata 3928

Halos mawalan ng malay ang mga manonood na naroroon nang marinig ang sinabi ni Carlson—300 billion US dollars!Subalit, hindi nila mapigilang mapa-isip. Sino ba talaga si Carlson? Bakit kaya niyang magbayad ng malaking halaga?Hindi lamang iyon, pero kaya niya ring mag-alok ng dagdag na 80 billion US dollars para lang uwiin ang Rejuvenating Pill. Binili niya ba ang pill na ito para sa iba?!Nagsimulang mataranta si Jasmine. Si Charlie ang nag-set ng rule na dapat inumin ng highest bidder ang pill sa harap ng lahat. Subalit, biglang nag-alok si Carlson ng dagdag na 80 billion US dollars. Sa halagang iyan, nalagpasan pa nito ang buong net worth ng pamilya Moore.Dahil dito, hindi pwedeng si Jasmine ang gumawa ng desisyon para kay Charlie!Habang nasa loob ng control room, nagulantang si Isaac sa halagang inaalok ni Carlson. Nilingon niya si Charlie at napalunok siya nang kinakabahan. Nauutal siyang nagsalita, “S-sir… Ito… Ano ang dapat nating gawin...?”Pinanood ni Charlie si Carls
Read more

Kabanata 3929

‘Kung hindi ko madadala ang pill pauwi, hindi ko ito pwedeng bilhin para sa sarili ko…’‘Pero nagawa ko nang mapanalunan ito at nagalit ko pa si Sir Jordan dahil dito. Kung uuwi ako nang wala dala… hindi ko matatanggap ang bagay na ito!’Habang nag-aalangan siya at nahihirapang magpasya, muling nagtanong si Jasmine, “Number 99, magbabayad ka ba o hindi?”Nag-alangan si Carlson sa loob ng ilang sandali saka niya napagpasyahan na itapon na lang ang kanyang dignidad. Muli siyang nagmakaawa, “Nagmamakaawa ako! Pakiusap, bigyan niyo ako ng pagkakataon na uwiin ang pill na ito! Kung hindi sapat ang 100 billion US dollars, handa akong magdagdag pa ng 50 billion!”Kung dadagdagan ng 50 billion ang original bid ni Carlson, magiging 370 billion US dollars na ang kanyang babayaran.Marami ang natigilan sa loob ng hall. Hindi nila inaakalang may taong kayang magbayad ng 370 billion US dollars in cash! Sino ba talaga ang lalaking ito?Alam ni Carlson na hindi pwedeng siya ang uminom ng Rejuve
Read more

Kabanata 3930

Naging emosyonal si Bernard nang marinig ito, halos lumuha na siya sa pagkakataong iyon. Maaga siyang nawala sa laban dahil kay Jordan at Carlson. Sa hindi inaasahang pagkakataon, may pag-asa pa pala siya.Hindi siya makapaghintay na isuko ni Jordan ang pagkakataong ito. Mapupunta sa kanya ang Rejuvenating Pill kung isusuko ni Jordan ang kanyang purchasing rights. Ganoon din, umaasa siya na hindi kayang bayaran ni Jordan ang pill para siguradong mapupunta na talaga ito sa kanya!Maliban dito, wala siyang dagdag na babayaran. Kailangan niya lang bayaran ang huling bid na sinabi niya kanina na katumbas ng 72 billion US dollars.Nang maisip ito, nagbago ang kanyang opinyon sa organizer. Kung sino man ang taong nasa liko nito, hindi siya kasing sama ng nasa isip ni Bernard kanina. Sa kabaliktaran, makatarungan at makatao siya.Muling naging emosyonal si Jordan, ito na siguro ang pangalawang beses na malulunod siya sa kanyang emosyon ngayong araw. Sa huli, humantong pa rin siya sa halag
Read more
PREV
1
...
391392393394395
...
575
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status